Chapter 29: "Wish granted."

5.5K 194 18
                                    

Chapter 29 

(George's POV) 

"Excited ka na ba? Makakalabas ka na sa ospital ngayong araw!" Masayang sabi ko kay Andrew. Sinimangutan niya ko tapos dinedma niya ko at bumalik siya sa paglalaro ng PSP. "Hoy, bwisit ka ah, sayang yung effort kong pagngiti sa'yo!" 

"Kaya nga, Gigi. Ang pagngiti hindi dapat kailangan ng effort. Natural dapat yan. Ayoko ngang panoorin ka na magpakaplastik sa sarili mo."

"Leche ka." Sabi ko kay Andrew tapos tinawanan lang niya ko. Bwisit, kung hindi lang to pasyente nasipa ko na 'to eh. 

Tumawa ulit si Andrew at binaba niya yung PSP niya. Ako naman yung nandedma sa kanya ngayon at tinuloy ko yung pagbabasa nung cook book na dala ko.

"Pero sa totoo lang, hindi ako excited na madischarge sa ospital." Tumingala ako at nakitang nakapangalumbaba si Andrew at nakatitig sa'kin.

"Why?"

He sighed. "Madidischarge nga ako, stuck naman ako sa wheel chair." 

"Drew, you can still walk remember? Kailangan lang gumaling ng paa mo. Then you can undergo therapy and you'll be able to walk again."

"Makakalakad nga ako pero hindi ako pwedeng gumawa ng mga exciting na bagay. Hindi ako pwedeng tumakbo ng matagalan, o magbasketball. Ano pang gagawin ko?" He sighed again tapos pinadaanan niya ng mga daliri niya yung buhok niya.

"Drew, you'll be okay. We'll figure this out together, remember?" Nginitian ko siya but he didn't smile back. "Ano na naman? Peke na naman yung ngiti ko?" 

Ngumiti ng bahagya si Drew at tumango. Times like this that I remember how great a bestfriend Drew is. Kung may magandang naidulot lahat ng nangyari, yun ay yung nabalik yung pagkakaibigan namin ni Drew kahit papano.

"E kelan mo balak ifigure out yung mga problema mo? Sinasabi ko sa'yo, Gigi, di ka maganda pag laging nakasimangot. Ayusin niyo na nga yung issues niyo nung si Villanueva." 

"Wala kaming dapat ayusin." Mabilis kong sabi at bumalik na lang ako sa pagtingin sa cook book.

"Bakit?"

"Wala naman kasing nasimulan na dapat ayusin."

"Bakit?"

"I don't know, kasi never naging tama yung oras para samin?"

"Bakit?"

"E kasi... hoy! Tigilan mo nga ako!" Hinampas ko yung braso ni Drew at tumawa siya ng malakas.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Where stories live. Discover now