Chapter 38: "Nothing will change"

6.5K 206 20
                                    

Chapter 38 


"Kailangan ba talaga ako pa rin yung magdala nito kay Ky—este Sir Kyle?" Tanong ko kay Alec nung inabot niya sa'kin yung tray.


"Oo. Trabaho mo 'yan." 


Aish. "Hindi ba pwedeng iba?"


"Bakit?"


"Marami pa kong gagawin eh. Tsaka, technically, hindi ko naman talaga 'to trabaho."


"Ihatid mo na 'yan tapos gawin mo yung mga gagawin mo pagbalik mo."

 

"Hindi ba talaga pwedeng iba?" Jusko, magmamakaawa na ko dito kay Alec para lang wag niya kong paakyatin sa office ni Kyle. Hindi ko pa kayang makita yung taong yun. Baka masapok ko siya ng wala sa oras.


"Bakit ba?" Mula sa tono niya, mukhang medyo naiinis na sa'kin si Alec. 


"Please? Please? Mag-oovertime ako araw-araw. Papasok ako kahit day off ko. Maglilinis ako ng kitchen. Maghuhugas ako ng plato. Kahit ano gagawin ko, wag lang 'to."


"Bahala ka nga. Magtrabaho ka na!" Inis na sabi ni Alec bago kinuha sa'kin yung tray at inabot sa isang waiter.


Whew. Bumalik ako sa ginagawa kong paggagayat ng mga gulay. No way na babalik pa ko sa paghahatid kay Kyle ng pagkain niya. Kahit pa boss ko siya, manigas siya. Doon na lang siya sa girlfriend niya!


* * *


From: Kyle Villanueva 

Bakit hindi ikaw yung naghatid ng lunch ko?


From: Kyle Villanueva 

Sabi ko ikaw, di ba?


From: Kyle Villanueva 

Hey, are you ignoring me?


From: Kyle Villanueva 

May problema ba tayo?


From: Kyle Villanueva 

May ginawa ba kong masama? Galit ka ba sa'kin?


From: Kyle Villanueva 

Come here at my office. Right now.


From: Kyle Villanueva 

George!


From: Kyle Villanueva 

As your boss, I'm ordering you to come to my office.


From: Kyle Villanueva 

George, please? Pumunta ka na dito. Okay naman tayo nung isang araw, di ba? Bakit parang galit ka sa'kin ngayon?

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Where stories live. Discover now