Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 58 ♥ The Traitor

21.7K 442 161
By wistfulpromise

Chapter 58

Hindi rin nagtagal noong nagpakita ako kay Jace. Noong una hindi pa sya makapaniwala na nakatayo ako sa harapan nya. Kinailangan pa nyang tanggalin ang suot na shades para masabi na hindi nga ako isang panaginip lang. Gayunman, doon ko lang napatunayan ang sinasabi sa akin ni direk. Wala nga talaga syang tulog. His eyes looks dead. Parang wala na ring kulay ang mukha nya dahil sa sobrang puyat. No wonder kung bakit sa isang buong araw, suot suot nya lang ang shades nya.

Hindi ko napaghandaan ang mabilis nyang pagkulong sa akin sa mga bisig nya. Muntik pa akong matumba kung hindi nya lang ako hawak hawak. May anong saya ang kumislap sa mga mata nya-- malayo sa walang buhay nyang mga mata kanina. Nakuha pa nya akong buhatin at iikot na akala mo wala lang sa kanya ang bigat ko. 

"Nandito ka!" sabi pa nya noong ibaba ako. Hawak hawak nya ang magkabilaan kong pisngi sabay mabilis na halik sa mga labi ko. Napatunganga na lamang ako sa ikinikilos nya. Hindi ko kasi talaga inexpect na ganito ang magiging epekto ko sa kanya.

May narinig kaming malakas na 'ahem!' na agad naman naming nilingon. 

"Surprise." sambit ni Shane habang nakataas ang isang kilay at nakangisi. Sa tono nya, para pa itong patanong. "Sabi sayo Serene eh." tuloy pa nya. Itinutukoy nya ang ikinikilos ko kanina. 

Naguguluhan man ay agad ding nakuha ni Jace ang ibig pakahulugan ng kaibigan. "Sya ba yung sinasabi mong ipapakita mo sa akin kanina?" pagkatapos tumingin kay Shane ay inilipat naman nya ito sa akin "Ibig sabihin kanina ka pa nandito? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" 

"Eh kasi naman nagsese--" halos akbayan ko si Shane papalapit sa akin para lang matakpan ang bibig nya. Kabado akong natawa. 

"Mukhang busy kasi kayo kanina. Ayaw namin kayong maabala." palusot ko sabay kabadong tawa. Lumapit ako agad kay Jace sabay yakap ng braso nya. "Tara na nga. May nakita ako kanina na magandang pwesto para umupo. Doon tayo!" Hindi ko na sya hinintay na makapagsalita dahil hinila ko na sya palayo bago pa man may masabi si Shane. Noong lumingon ako sa kanya, kininditan nya lang ako pero ramdam ko sa loob loob nya natatawa sya sa ikinikilos ko.  

Hindi rin nagtagal ang paglalakad namin ni Jace dahil nakarating din kami sa sinasabi ko. Sa isang bench kung saan tanaw namin ang kulay asul na dagat, doon kami pumwesto. Ang masaklap lang unti unti ng dumidilim dahil sa nagbabadyang pag-ulan. Gayunpaman, hindi nasira ng panahon ang natural na ganda na angkin ng paraisong ito. 

"Kailangan nating mag-usap." paninimula ko. Alam nyang sa tingin na ibinibigay ko sa kanya, he's in trouble.

Uupo na sana ako noong muli nya akong niyakap. Ibinaon nya ang ulo sa may leeg ko. Huminga sya ng napakalalim na akala mo iniimprenta nya sa utak ang natural na amoy ng katawan ko. 

"Sandali.." tatanggalin ko sana ang pagkakayakap nya pero mas lalo nyang hinigpitan. 

"I missed you so much." yun na yata ang pinakamadamdamin na 'i miss you' na narinig ko mula sa kanya. 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Miss na miss ko na rin sya pero kapag ganito kalapit ang agwat namin sa isa't-isa pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Ang hirap makapag-isip. May kasalanan pa sya sa akin at marami pa kaming kailangang pag-usapan. Kapag hinayaan ko sya baka bumigay ako at mapatawad ko sya agad sa ginawa nyang pag-alis ng walang paalam. Hindi pwede.

Hinalikan nya ako sa may leeg. I felt like my heart almost skip its beat. Naramdaman ko pang pataas ito ng pataas. Kasabay ng malalambot nyang labi ay sinusundan din ito ng ilong nya. 

"Jace.." pakiramdam ko hindi na ako humihinga. Ilang ulit ko pang sinambit ang pangalan nya but he was like in trance. Hinawakan nya ang magkabilaan kong braso at wala pang ilang sandali naramdaman ko na lamang ang sarili na nakasandal sa isang kalapit na puno. 

"Do you know how I miss you?" Mula sa leeg ko, dahan dahan nyang iniangat ang tingin sa mga mata ko. Kung tama lang siguro ako sa nakita ko, sa sobrang lapit ng agwat namin sa isa't-isa, I saw his pupils to dilate. 

Ibinaba nya ang mga tingin sa labi ko. Hindi ko mapigilang mapalunok. Gusto kong umatras pero ang matibay na sanga ng puno lamang ang naatrasan ko. 

Hinawakan nya ako sa may pisngi at dahan dahan na idinampi ang mga labi sa may baba ko pataas ng pataas.

Hindi ko mapigilang mapakali dahil bukod sa nasa pampubliko kaming lugar, marami rin ang taong dumadaan daan sa paligid. Pero sa ikinikilos nya parang wala syang pakialam. 

"Jace sandali lan--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong tuluyan nya akong halikan sa aking labi. At first it was slow and sweet. Ngunit hindi naglaon, the kiss became intense and desperate. Gusto ko mang pigilan pero pakiramdam ko kahit ako ay walang lakas. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko hinihigop nya at wala akong magawa kundi mapasunod na lamang sa kanya. Mas lalo pa nya akong inilapit sa kanya. Ramdam ko ang malaki at magaspang nyang kamay sa likod ng ulo ko. Wala akong magawa para makatakas. Para akong lunod at lutang sa mga sandaling ito. 

May naramdaman akong isang pagpatak ng ulan ngunit wala pang ilang sandali ang isa ay naging dalawa, tatlo, hanggang sa sunod sunod na ang pagbuhos nila. Ngunit kahit pa sa pagkakaroon ng pangit na panahon ay hindi napigilan ang bugso ng damdamin para sa aming dalawa. 

***

Kanina pa hawak ni Jace ang kamay ko at ayaw nya akong bitawan. Pagkatapos mangyari ang mga tagpo sa ilalim ng ulan kanina, hanggang ngayon ay hindi ko mapigilang mamula at mapahawak sa may labi ko. Parehas kaming bagong ligo ni Jace dahil pagkatapos naming maulanan, sa shower room ang diretso namin. Hiwalay syempre. (A/N: Naku! Yung mga green jan. *Derp peys*)

The last time na gusto naming mangyari ay ang magkasakit. Nag-usap kami ng masinsinan noong pumunta kami sa tent nya. Sabihin na nating catch up talk namin ito sa isa't-isa para sa dalawang araw naming hindi pagkikita. Sabi nya wala raw silang ginawa kundi taping mula umaga hanggang hapon. Sa gabi naman, puro paperworks na sa opisina ang inaasikaso nya. Wala syang oras sa kahit ano-- isang bagay na nagpatibay lalo sa hinala ko na nagsisinungaling lang talaga si Ayesha para masaktan ako. Kwinento ko sa kanya yung tungkol sa nagbabadyang pagsugod ni The Highest. Madilim ang mukha nya ukol dito. Nagbanta pa nga sya na sa oras nagkrus ang landas nila ni The Highest, baka sya pa ang makapatay rito. Dito pa lang ay wala na syang mood kaya bago ko pa man ibukas ang mga labi patungkol sa pag-aayos namin ni Pietr, isinara ko na ito. Kung may isa mang tao na kinamumuhian si Jace ngayon, si Pietr iyon dahil sa pag-aagaw nito sa kumpanya nila. Sana lang kapag dumating ang oras na kapag nalaman ni Jace na tanggap ko na ulit si Pietr, sana maintindihan nya.

Meron pa rin kaming hindi napagkakasunduan pero mas pinili namin na ayusin muna ito at wag magpadalos dalos.

Ilang oras pa ang lumipas bago muling sumilip ang araw mula sa kalangitan. Kasalukuyang kausap ni Jace si direk tungkol sa taping. Maya maya ay sisimulan na nilang muli ang taping ng ginagawa ng sa ganun ay tuluyan na silang matapos. May natitira pa silang dalawang araw rito para tapusin ang proyekto na ginagawa nila. Dalawang araw pa... wala na akong ibang hiling kundi matapos na ito ng sa ganun ay makabalik na kami ng magkasama. 

Dumating si Shane kung nasaan ako. Halos kasabay nya rin si Jace kayo noong makarating sila sa akin, nag-usap na rin sila. Nagpaalam ako saglit para pumunta ng banyo. 

Napahinto ako sa paglalakad noong makasalubong ko si Ayesha sa daan papunta sa destinasyon ko. Matamis ang ngiti nya sa akin na akala mo walang nangyaring anumalya at bukingan sa pagitan namin. 

"Siguro nahuli mo nga ako. But you can never stop me. I get everything I want. Jace is no exception. Remember that." 

Hindi ako sumagot. Hayaan mong ang ngiti ko ang sumagot para sa kanya. 

"Ilang araw kang wala rito. Alam mo ba kung ano ang ginawa namin ni Jace?" tudyo nya. May mapaglarong ngiti sa ubod ng pula nyang mga labi sa suot na lipstick. "We enjoyed ourselves. Alam mo ba kung bakit hindi sya makatulog? Kasi busy kami sa pagmomovie marathon sa kwarto nya. Candle lights... wine... and reminiscing the past between us... it was almost magic." 

Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya. Dahan dahan ko syang tinapik sa may balikat na akala mo magkaibigan kami. I showed her my overly sweet smile. Hindi lang sya ang kayang gumawa nun.. 

"Career-in mo yan. Libre ang mangarap." bulong ko sa tenga nya bago sya iniwan doon. Hindi ko mabura sa mga labi kong ang ngisi rito. Napakagat ako ng labi ko sabay hawak rito. Base sa nangyari sa amin ni Jace at sa nakita ko sa mga mata nya... wala ni kahit ano mang kasinungalingan ang makakapagpabago sa nararamdaman ko sa kanya. Lalo na kung sa bibig pa ng Ayesha na iyon manggagaling. 

***

Akala ko yung commercial na tinutukoy ni direk ay simpleng short commercial lang. Yun pala, yung commercial na tinataping nila ay isang mini short ad series. Pose dito, pose jan. Branded na damit ang ipinapakita nila kaya may partner team up pa silang nalalaman.

Ilang minuto bago magsimula ulit ang taping nila, pumwesto muna ako sa tent ni Jace para makipagkwentuhan. 

Kahit na ayos na kami, hindi ko pa rin itinago ang pagtatampo ko sa kanya. Kahit na ba alam ko naman na ang rason kung bakit sya hindi nakasagot sa mga tawag ko, hindi ko pa rin maiwasang mapasimangot. Idadag mo pa ang nalaman kong tunay na ugali ni Ayesha. Nakakaulo talaga ng dugo.

That girl... is really a two faced b*tch. Hindi ko alam kung saan nangagagaling ang galit at inis sa dibdib ko. Gayunpaman, isa talagang malaking himala na nakarating ako sa tent ni Jace kanina ng walang napapatay pagkatapos ng engkwentro namin ni Ayesha noong papunta ako sa banyo. Hindi ko maimagine kung ano ang itsura ko sa mata ng ibang tao na nakakakita sa akin. Ito yung mood ko, na wala akong sasantuhin kahit na sino

Huminga ako ng malalim noong makita si Jace na nakaupo sa isang upuan pagkabalik ko galing banyo, nakatupi ang braso nya at mukhang nagkokonsentreyt sa pag-iisip ng maraming bagay. Wala na si Shane noong dumating ako. Iniabot ko sa kanya ang ilan sa mga tinapay na binigay sa akin ng ilan sa mga crews kanina. Isa ngang himala na hindi pa ito napulbos sa mga kamay ko

"Kain ka. Hindi ka pa raw kumakain." 

Tiningnan nya ako. Pagkatapos kinuha nya rin yung inaabot ko. 

Umupo ako sa isang upuan malapit sa kanya. Kaming dalawa lang ang tao rito sa loob ng tent. Malaki ito at maluwang, marami rin itong bakanteng upuan sa paligid. 

"Hindi mo ba ako sasabayan?" tanong nya sa akin habang binubuksan ang plastik ng tinapay na dala ko. 

Sandali kong iginala ang paningin sa paligid, masyadong maraming damo. Yung lugar ng venue kung nasaan kami ay parang tulad ng venue noong nagtaping kami para sa music video. Iyon nga lang mas maganda rito, mas maraming bulaklak at mga puno. Sa may paanan ko ay may pinulot akong isang maliit na sanga ng puno. Inilabas ko ang maliit na balisong sa likod ng bulsa ko. Mabuti di-tupi ito kaya madali kong naitatago. Isa ito sa mga pasalubong sa akin ni mama noong dumating sya. 

"Ayos ka lang ba?" 

"Oo naman. Bakit naman hindi?"  

Habang tumatagal hindi ko namalayan na yung kahoy na hawak ko ay paunti-unti ng tumatalim ang dulo dahil sa balisong ko. Hindi ko alam pero nanggigigil ako. Sa sobrang pagkakaskas ko ng balisong sa kahoy, aksidente ko itong naputol. 

"You don't seem alright. May problema ba?"

Noong tumingin ako sa kanya, huminto na sya sa pagkain. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nya. 

"Kilala mo ba si Ayesha?" hindi ko napigilang sambitin. Sa totoo lang matagal ko na itong gustong tanungin lalo na noong unang sinabi ito ni Mia sa akin. Pero nawawala lang sa isip ko. Alam kong natanong ko na ito kay Shane pero iba naman ang ibig pakahulugan ko rito. Alam kong magkakilala na sila noong elementary pa pero 'gaano nga ba nya talaga ito kakilala?'-- iyon nais kong itumbok. 

"Yes." sagot nya. "Magkaklase kami noong elementary sa Princeton." 

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Gaano mo sya kakilala?"

Kumunot ang noo nya. "Not that much. Pero alam kong galing sya sa isang mabuting pamilya." 

Kung ganun hindi nya alam na may pagkabaliw rin pala ang babaeng yun. 

"Why are you asking that question? Wag mong sabihing..." ngumisi sya sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "Nagseselos ka?" 

Inilayo ko ang mukha ko. Kung namumula man ito, ayokong makita nya. Ipinasok ko sa bulsa ang balisong na hawak. Noong nagkaroon na ako ng lakas ng loob na harapin sya ulit, pakiramdam ko mukha akong bata na kinuhanan ng paborito nyang laruan. Ang haba ng nguso ko. Itinusok ko ng malakas sa lupa ang kahoy na kinaskas ko na tila ba dito ako humuhugot ng lakas para sa rebelasyon na sasabihin ko. 

"Oo nagseselos ako at naiinis ako kapag nakikita ko kayong magkasama." There you go, nasabi ko rin. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pero ang nakakainis lang, parang natutuwa pa sya sa nakikita nya. He seemed amuse.

"Ang weird mo." sita ko sa kanya bago sya inirapan. Nagseselos na nga tinatawanan pa nya ako. Aba, hindi ganun kadali ang umamin ah.

"I'm just happy. That was a first." 

"'A first' ang alin?" 

"That you seem affected whenever a girl is around me." 

Ha. First? Are you freaking kidding me?! Hindi nya lang alam, lahat ng babae lumalapit sa kanya-- mula sa school o kahit pa saan-- hindi ko man pinapahalata pero lahat ng iyon... pinipigilan ko lang ang sarili na huwag sabunutan at kalbuhin nang sa ganun, wala na silang maihaharap sa salamin. 

"Kasi madalas, parang okay lang sayo na makita akong may kasamang ibang babae. You're so open. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero... pakiramdam ko okay lang sayo kahit ipamigay mo ako sa iba." 

"Seryoso ka talaga?" I laugh humorlessly. Hindi ko akalain na ganun ang iniisip nya.

Malungkot syang ngumiti. Well I guess, its time for him to know the truth.

"Hindi ko pa ba nasabi sayo na madamot din ako? Na marami na akong sinabunutan, kinaharap, at in-interrogate na babaeng may crush sayo?" Pinalayas ko pa nga sa school eh-- talk about Mia and friends. 

"Really?" sabi nya na parang hindi pa sya makapaniwala. Base sa ekspresyon nya, para nitong sinasabi na 'masyado syang na touched' sa sinabi ko. Naku kung alam lang nya. 

"Kumain ka na. Kailangan mo ng energy dahil magsisimula na raw kayo mayamaya." pag-iba ko ng usapan dahil baka maging super cheesy ako rito at mapaspeech pa ako tungkol sa kung gaano ko sya kamahal. Magkakaganito ba naman ako kung hindi?

"Hindi ko mauubos lahat ng 'to. Tulungan mo na ako." sabi nya sa tono na tila ba bigla syang narecharge.

"Busog pa ako eh. Ikaw na lang." 

"Galit ka ba sa akin?" 

"Hindi." tiningnan ko sya. Kung hindi man ako namamalikmata, nakita kong humaba ng konti ang nguso nya.

Galit agad? Grabe naman. Nahihiya nga ako eh. Kung galit man ako, siguro kay Ayesha yun. Nagpauto na naman ako at naloko sa kabaitan na ipinakita sa akin. Mukhang kailangan ko na yatang alagaan ang sarili sa mga posibleng traydor na nasa paligid. 

"Eh  bakit ang layo mo namang umupo? Dito ka," Tinapik nya ang upuan na nasa tabi nya. Sa sobrang pagkabwisit ko kanina dahil kay Ayesha, hindi ko namalayan na nag-iwan pa ako ng isang bakanteng upuan sa pagitan namin. Ngayon, gusto nya akong lumipat doon para umupo. Alam mo yung isang taas ko lang ng kamay ko mahahawakan ko na sya? 

"Malapit naman na tayo ah. Okay na yan." ibinalik ko ang tingin sa kanya. Noong makita ang laki ng bagahe nya sa mga mata, hindi ko itinago ang pag-aalala rito. "Jace natutulog ka pa ba? Alam mo mukha kang hindi okay. Pwede kang umidlip sabi ni direk. Bakit kasi ayaw mong makinig? Hindi ka robot, tao ka. Kailangan mo rin ng pahinga." 

"Ayoko." iling nya. Mapakla ang ngiti na itinapon nya sa akin noong makita na binigyan ko sya ng tingin.

Inilayo nya ang tingin sa akin. Parang nagtatalo sa isipan nya kung dapat ba nyang sabihin sa akin ang dahilan o hindi.

"Hindi ako... kumportable. Masyado kasing maraming tao. Hindi ako sanay na natutulog kung saan saan."

"Kung umuwi na lang kaya tayo?" 

Umiling sya ulit. "I can't." 

"Eh bakit? Pwede ko namang kausapin si direk." 

"Basta. Dito na muna ako. Gusto ko na rin kasing matapos." Tinapik nya ulit yung upuan sa tabi nya pero umiling ako. Ibinalik ko ang tingin doon sa may kahoy na nasa baba na ngayon. Ayokong lumapit sa kanya dahil baka hindi mapigilan ang palakas na napalakas na tibok ng puso ko. Tumingin pa lang sa mga mata nya, nanghihina na ako. 

Pumasok si Aiden sa loob ng tent at dumiretso kay Jace. More paper works at office stuffs ano pa nga ba? Hindi na ako magtataka kung bakit sya narito, lately kasi kung nasaan si Jace nandoon din sya. Base na rin sa malalamig nyang tingin hanggang ngayon ay ayaw pa rin nya sa akin. Well, same here. 

Noong umalis si Aiden, nabalot ng kumportableng katahimikan sa pagitan namin. Merong paisa-isa o dalawa dalawa na pumapasok sa tent na mga crew para manguha ng gamit pero bukod pa roon, kami lang ni Jace ang nandito sa loob. Narinig ko syang bumuntong hininga at nakatingalang sumandal sa kinauupuan nya. Minsan hindi ko mapigilang maawa kay Jace, kung sana may alam din ako tungkol sa business eh di sana natutulungan ko sya. 

Kung kausapin ko kaya si Pietr ulit? Ayos naman na kami kahit papaano. Gayunman, alam ko naman na hindi tatanggapin ni Jace ang tulong ko lalo na kung kusang binigay ito ni Pietr sa akin dahil hiniling ko. Gusto kasi ni Jace, pinaghihirapan nyang makuha ang isang bagay sa sariling paraan.

May narinig ako paggalaw ng upuan at mayamaya pa, may naramdaman akong dumagan sa may hita ko. Doon ko lang narealize na inayos ni Jace yung mga upuan para may mapaghigaan. Hita ko ang ginamit nyang unan at sa ngayon, kasalukuyan syang sumisiksik para mahanap ang magandang pwesto. 

"Anong ginagawa mo? Shupi ka nga. Shupi! Lukot na yung damit ko Jace!" 

"Papalitan ko na lang. Wag kang magulo." 

Iniangat nya ng konti ang kamay ko para makahiga sya ng maayos. Noong mahanap ang gusto nyang pwesto, ipinikit nya ang mga mata. 

"Kaninang sinasabi ni direk na umidlip ka, ayaw mo. Ngayong ilang minuto na lang at magsisimula na ang taping nyo, gusto mo." At akala ko ba hindi sya mahilig na natutulog kung saan saan? Anong ginagawa nya ngayon?

"Sshh, nakukuha ko na yung antok ko. Wag ka ng maingay." 

Ang labo talaga nya kung minsan. 

Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok nya.

"May pupuntahan ka pa ba mamaya? Aalis ka ba?" tanong nya sa akin. He is drifting off ever so softly.

"Oo meron." Nag-iisip kung meron nga ba talaga. Hindi ko alam kung bakit ito ang sinambit ng dila ko. Trip ko lang siguro. On a second thought, meron din siguro. Pupuntahan ko si Ayesha at isasalvage ko sya. Ichopchop ko ang buong katawan nya ng pinong pino bago isasako at itatapot sa Pacific ocean. Ayan may pupuntahan na ako. Siguradong magiging masaya iyon. 

Sa isip isip ko, tumatawa na ako na para bang isang baliw sa kanto.

Niyakap nya ang isa sa kamay ko. Naputol tuloy ang imagination na nabubuo sa isipan ko.

"Anong ginagawa mo?" Pinilit kong bawiin yung kamay ko pero ayaw nyang bitawan. Hanggang ngayon ay nakapikit lang ang mga mata nya. Umayos sya ng pwesto at patagilid na humiga. Nakatalikod sya mula sa akin.

"Para hindi ka aalis," sabi nya na akala mo maipapaliwanag kung bakit nya yakap yakap na parang unan ang kamay ko "para pagdilat  ko ng mga mata ko... nandito ka pa rin sa tabi ko."

Naglalaban ang ngiti sa mga labi ko. Kasabay nito ang malakas na kabog ng puso ko.

Sinuklay ko ulit ang malambot nyang buhok gamit ang mga daliri ko. He let out a contented sigh. Napangiti ako.

Sabi nya sa tuwing ginagawa ko raw ito mas lalo syang inaantok.  At sa tingin ko nga tama sya dahil wala pang ilang sandali, mahimbing na syang natutulog. Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nya. Hanggang kailan ba matatapos ang problema namin? Lumalaki na ang mga eyebags nya dahil pagpupuyat at pagod na nararamdaman nya.

"Miss Serene! Jace!--" agad akong nag-'shh' sign kay direk noong makita sya.

Nanlaki ang mata ni direk. Sinenyasan nya ako at tinanong kung natutulog daw ba sya. Lahat ng pagsenyas nya ay walang boses. Para kaming nagchacharade.

Tumango ako bilang sagot.

"Magsisimula na po ba?" bulong kong tanong. Ayoko kasing lakasan ang boses ko at baka magising ang alaga ko.

"Oo sana eh pero..." 

"Pwede po bang kahit konting oras pa. Kahit sandali na lang po. Please direk." Puno ng pakiusap sa mga mata ko. Inipit nya ang mga dalang papel sa kilikili at malalim na nag-isip. Wala pang ilang sandali ay huminga sya ng napakalalim at tumango sa akin. Bibigyan nya raw si Jace ng kalahating oras at pagkatapos nun, magsisimula na raw sila. Pumayag naman ako at nagpasalamat sa kanya. 

 Ilang minuto pa ng katahimikan ang namalagi sa paligid. Bukod sa kidlat na namamayani na sa labas, ang marahan lang na paghinga ni Jace ang naririnig ko. Mukhang uulan pa rin yata talaga kahit na panandalian na sumilip ang araw.

"Jace I have coffees!--" Napatingin ako sa kung saan nanggaling ang matinis na boses na yun. Sa may pasukan ng tent ay si Ayesha, malaki ang ngiti pero noong makita ako at si Jace na nakahiga sa hita ko, nabura ang kahit anong saya na nasa mukha nya.

I possesively hugged Jace. Ngumisi ako Ayesha ng pagkatamis tamis. Kung meron lang sigurong award sa ngisi kong iyon, ako ang mag-uuwi ng tropeyo bilang best kontrabida. No wonder kung bakit nagkasundo kami ni Clarisse. May natatago rin kasi akong kamalditahan sa sarili.

Alam kong ako ang panalo dahil bakas ang inis sa mukha nya. Padabog syang umalis na parang isang brat na hindi nakuha ang gusto nya. Hindi ko mapigilang mapangisi.

One point for Serene. Zero point for Ayesha.

 ***

"Pwesto na! Pwesto!" tawag ng mga crew na nasa paligid para masimulan na agad. Mahirap kasi kung maabutan na naman sila ng ulan. Nakatayo kami sa gilid ni Shane katabi si direk. Kasalukuyan kaming tahimik na nanonood sa kanila. Gayunpaman, ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Ayesha na kung makatingin sa akin, tinalo pa nya ang masamang demonyo na may madilim na plano. 

Ngumisi ako sa kanya pabalik sabay irap. Hindi ko man nakita ngunit naramdaman ko ang pagsimangot ng mukha nya na napunta sa inis. Kapag demonya ang kaharap ko, demonya rin ang ipapakita ko. Nagkamali sya na ginising pa nya ang ganitong side ko. Hindi hindi ako magpapakasanta at hahayaan sya na apihin ako. Pinatunayan kasi nya sa akin, na hindi sya karapat dapat para sa kabaitan ko. 

"Tingnan nyo si Jace sa video o," turo ni direk kay Jace sa isang maliit na tv sa harap nya. Di kalayuan ay kausap ni Jace ang isang staff na nageexplain sa kanya kung ano ang gagawin nya. "ang aliwalas ng mukha. Sa ilang araw na nandito kami sa Palawan, ngayon ko lang sya nakita na ganyan kasaya. " 

Humarap si Jace sa may video na nasa harapan nya, ngumiti at saka kumaway. Noong iniangat ko ang tingin mula sa video, doon ko lang napagtanto na sa akin pala sya kumakaway. Tumingin sa akin sina direk at Shane. Mukha sa leeg hanggang sa mukha, ramdam ko ang pamumula ko rito. Pasimple kong iniayos ang buhok sa tenga ko. 

"Hindi na nakapagtataka." wika ni Shane na mas lalong nakadagdag ng pamumula ko. Siniko sya ni direk sa may tagiliran at saka sabay na natawa habang pabalik balik ang tingin sa amin ni Jace. 

May ilang beses pang nagbreak sila Jace sa taping nila. Nagkaroon kasi ng problema ang isa sa mga main video cam na gamit nila at mangilan ngilang pang technical difficulties. Kanina pa hindi magkandaugaga sila direk pati na rin ang buong team nya. 

Sa ilan sa mga short breaks na iyon ay ang ilang beses na pagtatangka ni Ayesha para makausap o kahit pa malapitan si Jace. Sa taping oo, pero break, Ha. Nah-uh. Siguro noong wala ako malaya nyang nagagawa ang mga kalandian nya. Pero kapag nandito ako, walang makakalapit sa kahit sino o kahit na ano na sa akin. 

"Jace gusto ko pa pala ng isa pang juice." Hinila ko sya sa may braso palayo kay Ayesha noong mapansin ko na papalapit sya sa amin. 

"Ha? Diba kagagaling lang natin doon sa food station? Babalik na naman tayo?" 

"Nauuhaw kasi ako ulit eh. Ang init init kasi. Halika na dali!"

Sa tuwing nakikita ko na halos umusok ang ilong ni Ayesha dahil sa inis hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa ng tagumpay sa dibdib ko. Naiinis sya na sa akin ang atensyon ni Jace at hindi kanya. Puno sya ng inggit at iyon ang unti unting lumalamon sa kanya.

Noong umupo si Jace habang hinihintay ako na maghugas ng kamay sa washroom, naabutan ko na naman na nakatabi si Ayesha sa kanya. 

"Para talagang linta ang babaeng ito. Dikit ng dikit!" mariin kong bulong sa hangin. Naiinis man ay mas pinili ko ang ngumiti at dumiretso sa kanila.

"Anong topic nyo? Baka gusto nyo naman akong isali at ng makatawa rin ako." 

Tumayo ako sa harap nila. Wala ni kahit anong bakas bukod sa kasiyahan ang makikita sa mukha ko. Well sana, iyon nga ang nakikita nila. 

"Nothing important. May pinaalala lang na nakakatawang event si Ayesha sa akin noong elementary pa kami." Tinapik ni Jace ang upuan sa tabi nya. Gusto nyang umupo ako roon. 

"Anong event?" tanong ko sa kanya.

Tumawa si Ayesha. "Sigurado ka ba talagang gusto mong ishare yun kay Serene, Jace? Oh my gosh Serene I tell you what, baka kapag nalaman mo iyon, you'll never look at Jace the same way again!" pabiro pa nyang tudyo na akala mo isa kaming matalik na magkaibigan. Sa pagtawa nyang iyon ay pasimple nyang inakbayan si Jace. Halatang sadya. Halatang pilit. Yung ngiti ko sa mukha ko akala mo nakadikit na, na para bang umiyak man ako ngayon, magalit o malungkot, iyon na habang buhay ang magiging mukha ko. Dinaig ko pa ang nagpabotox. 

Ang kapal ng mukha nya. Ang kapal kapal. Saan ba sya nagmana? Kay Napoles ba? o sa iba pang opisyal ng gobyerno na nahuli na nga't lahat sa pangungurap, pilit pa rin itong itinatanggi. 

"Ha-ha-ha!" parang robot kong tawa habang tinatanggal ang kamay nya palayo kay Jace. Mabuti na lang at hindi ako umupo. Nakatayo ako ngayon sa harap ni Ayesha habang niyuyugyog yugyog ang mga kamay nya na para bang nagfafangirl kami sa hindi malaman na kadahilanan. Sinadya ko talagang lakasan ang pagkakayuga rito. Kung hindi nga lang kasalanan ang manakit, binali ko na ang makakati nyang mga kamay ngayon din. "Talaga? Ikwento nyo sa akin dali! Siguradong exciting ito. Biruin mo? I'm going to see another part of Jace's life that I haven't seen before. Ikwento mo na dali!" Gusto nyang bumitaw sa mga hawak ko pero hindi ko sya binitawan. Nasasaktan man ay nakisabay na rin sya sa pagtawa. Nakangiti lang sa amin si Jace halatang walang napapansin na nangyayari sa harap nya. 

Binitawan ko rin si Ayesha pero sinadya ko na lakasan ng konti ang pagkakabitaw para mapatagilid sya ng konti sa kinauupuan nya. Bago pa man mapansin ni Jace ay tinakpan ko na sya sa paningin nya gamit ang sarili ko. Sa paghusog ni Ayesha ay nagkaroon ng maliit na espasyo sa pagitan nila. Doon ako umupo at pinilit ko talagang ipagkasya ang sarili para mapaglayo sila. Sa pamamagitan nito, mas lalong naputol ang distansya ni Ayesha sa amin. Muntik pa nga syang nahulog sa may upuan.

Narinig namin ang mahinang pag-aray ni Ayesha sabay pagpag ng mga kamay sa hangin. Ililihis na sana ni Jace ang tingin sa kanya pero hindi ko sya hinayaan. Hinawakan ko ang baba nya para sa akin lang ang tingin nya. 

"Embarassing moment ba yun kaya ayaw mong maikwento?" may gumuhit na mapaglarong ngiti sa mga labi ko. "Tell me." 

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang tapang na 'to. I'm being bold and seductive right now. Malayo sa normal kong ginagawa. Sabihin na lang natin na, parte ito ng 'three o'clock mode' na ginising ni Ayesha. Kapag talaga love na ang pinag-uusapan, makakagawa ka ng imposible.

Nagkatitigan lang kami. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nagsasalita pero ramdam ko ang unti unting pagbilis ng tibok ng puso nya. 

Bakit ba sya nakatitig sa akin ng ganyan? Pakiramdam ko unti unting nababasag ang tapang ko.  Nagsisimula ng mamula ang mukha ko dahil sa hiya. Kung pwede lang akong lamunin ng lupa ngayon din, magpapalamon ako ng buong buo. 

"Jace, Ayesha! Magready na raw para sa final taping sa araw na ito!" 

Pakiramdam ko iyon na yata ang pinakamaganda at pinakasaktong timing sa sandaling ito ng buhay ko. Nilingon ni Jace ang staff na nagtawag bago sumagot. Ako naman sa ikalawang banda, ay tila ba nabato sa pwesto ko. Talagang bang nagawa ko yun? Talaga bang naipakita ko ang ganung side ko kay Jace? Jusko. Ang sarap sampalin ng sarili ko.

"Okay! Yung pose kanina ah." sabi ni direk habang pabalik balik ang tingin sa may video pabalik kanila Jace at Ayesha. Nakapwesto na ang lahat sa paligid. Sa kanina pa na paputol putol na taping, sa wakas, matatapos na rin nila ang taping para sa araw na ito. Kanina pa ako nakatayo sa kinatatayuan ko kasama sina Shane at direk sa tabi ko. Ang gusto ko na lang talaga ay matapos na ito sa lalong madaling panahon. 

"Maglalakad kayo papalapit sa isa't-isa ang then pose. Okay sige, lakad... lakad... tingnan sa isa't-isa... good! Good!" 

"Kalma lang." sabi ni Shane sa tabi ko. Nilingon ko sya at binigyan ng tingin. May mapaglarong ngisi sa mga labi nya. 

"Kalmado naman ako ah. Bakit ba." 

"Kalmado pala ah. Eh halos pitpitin mo yang hawak mo sa kamay mo eh." 

Pasimple nyang itinuro ang isang lata ng softdrink na hawak hawak ko. Umaapaw na ito sa kamay ko. Hindi ko man lang namalayan.

Mabilis ko itong inilayo sa akin. Tinulungan ako ng iba sa mga crew na punasan ang kalat ko. Inabutan pa nila ako ng tissue bilang pampunas. 

Tinawanan ako ni Shane. 

"Okay... you guys are making a good job! Jace hawakan mo si Ayesha sa bewang. Ayesha ikaw naman tumingin sa mga mata ni Jace." 

Inalis ko ang tingin sa kanila at mas pinili na lamang na tumingin kay direk. Kung si direk na lang kaya ang pagbuntunan ko ng inis ko dahil sa pinagagawa nya sa kanila. 

"Action! Lapit...lapit... and then...cut!" 

Noong ibinalik ko ang tingin sa kanila, nakatingin sa akin si Ayesha. Ganun pa rin ang pwesto nila-- si Jace nakahawak sa bewang nya at sya naman sa braso nya. Nagpalakpakan ang mga crew sa paligid. Isang take lang ang ginawa nila at nakuha agad nila. Wala pang ilang sandali, mas mabilis pa sa hangin, pasimpleng tumingkayad si Ayesha. Nagkadikit ang mga labi nila ni Jace sa isa't-isa. Natahimik ang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kahit si direk ay napanganga at napatakip sa mga labi. Si Jace agad na inilayo si Ayesha sa kanya at tumingin sa akin, puno ng alarma sa mukha nya.

 Napahawak si Ayesha sa may dibdib. Painosente syang napahawak sa may labi nya. 

"I'm sorry... it was a-an accident." 

Aksidente? Ako pa ang gagawin nyang tanga? Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Ang buo kong katawan ay nanlalamig. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin na tila ba naghihintay sa kung ano ang mga susunod kong gagawin. 

"Direk... patawarin nyo po ako." wala sa sarili kong sambit. Hindi ko alam kung narinig nya. Mas mahina pa yata ito kaysa sa hangin.

Akala siguro ni Ayesha tatakbo ako palayo at iiyak ng tulad ng napapanood nya sa tv o kahit pa sa mga nababasang libro. Ito siguro ang tumatakbo sa isipan nya noong ipakita nya sa akin 'yang ngisi sa mukha nya na akala mo isa syang kampeon sa larong ginawa nya. 

Pero nagkamali sya noong makita na imbes humakbang paatras ay umabante ako palapit sa kanya. 

Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa ginawa nya pero hindi ko iyon ipinakita. Kahit pa si Jace ay hindi inasahan ang ngisi na gumuhit sa mga labi ko habang nakatuon lang ang mga mata kay Ayesha. Wala pang ilang sandali, nagtagpo ang palad ko sa pisngi nya. Ito na yata ang pinakamalakas at matinis na sampal na iginawad ko sa isang tao. Natumba pa sya baba at hindi ko sya tinulungan. Halos lahat ay napasingap dahil sa nakita. Gawa din ng gulat ay hindi sila nakagalaw sa kinatatayuan nila.

"You have no right to touch what's mine." sambit ko, gigil na gigil ang aking tinig. Halos dumagundong ang boses ko sa buong paligid-- isang leon na puno ng galit. Kanina ko pa sya pinagbibigyan. Three o' clock mode. Kahit sya ay halata ang takot sa galit na nakikita sa mga mata ko. 

Umalis na ako roon bago pa man ako may magawa na pagsisihan ko sa huli. May tumawag sa pangalan ko pero dahil sa galit na nararamdaman, pakiramdam ko nasa loob ako ng isang bula. Kapag ganito ang nararadaman ko, gusto ko lamang ay ang mapag-isa. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit. 

May humawak sa braso ko at wala pang ilang sandali nasa harap ko na si Jace. 

"Iwan mo muna ako Jace," nagpumiglas ako pero hindi nya ako binitawan.

"What have you done?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Parang mukha pa syang dismayado sa akin. What have I done? Tama ba ang narinig ko?

"Jace hinalikan ka nya! Sa tingin mo ba palalagpasin ko yun?" Huminto ako saglit. Napahilamos ako ng mukha sabay mapaklang tawa. "O baka naman gusto mo?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh di kung ganun ano? Jace hindi mo kilala si Ayesha. Huwag kang magtitiwala sa pa inosente nyang mukha. Isa syang mapagbalatkayo!"

"Hindi sya ganyan."

My God! Ipinagtatanggol nya lang ba ang impaktang babaeng yun? Hindi ko mapigilang matawa ulit. Gayunpaman, mas nanaig dito ang inis kaysa sa tuwa. Nag-aaway na naman ba kami ulit? Jusko. Bakit ba kailangang mangyari ito sa amin?

"Ipinagtatanggol mo sya. Bumabawi ka ba sa akin Jace? Dahil ipinagtatanggol ko na hindi masama si Pietr kaya ngayon gusto mo namang ipagtanggol na hindi masamang tao si Ayesha sa akin."

Sa pagkakarinig ng pangalan ni Pietr nagbago ang itsura nya.

"Hindi ganun yun. Hindi ako bumabawi. Akala ko ba ayos na tayo?"

"Ayos? Jace malayo tayo sa ayos!" mariin akong humarap sa kanya. "Umalis ka ng walang paalam. Alam mo ba kung gaano kasakit yun para sa akin? Jace nang-iwan ka bigla sa ere! Dahil sa ginawa mo you made me feel unimportant. To think na kasama mo pa yang Ayesha na yan dito..." huminto ako saglit para kontrolin ang selos na unti unting umuusbong sa dibdib ko. Napailing ako. "Akala ko magaling kang bumasa ng tao pero pumapalya ka pa rin pala. Hindi mapagkakatiwalaan si Ayesha!"

"Malapit ko ng makuha kung ano ang gusto ko. Sana naman maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa."

"Pinipilit kong intindihin Jace. Pinipilit ko. Pero ang masakit lang parang ayos lang sayo na mahalikan ka ng ibang babae bukod sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit yun?" Pinanatili ko pang nakatingin sa kanya ang mga mata ko ngunit agad din akong tumalikod palayo. Akala ko kaya ko. Akala ko pagdating sa pagkokontrol ng emosyon ako na ang reyna. Pero kapag tumingin na pala ako sa mga mata nya...hindi ko na kayang magsinungaling pa sa tunay kong nararamdaman.

Pinunasan kong ang nagbabadyang luha rito. Tinawag nya ang pangalan ko at naramdaman ko ring pinilit nya akong mahabol. Hindi ko sya nilingon. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Binuhos ko ang buong lakas ko rito.

Ang sakit sakit sa dibdib. Para akong sinasaksak ng libo libong kutsilyo ng sabay sabay. Tinalo pa nito ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nauuwi ako sa mga labanan na madalas kong ginagawa. Nanghihina kahit pa ang mga tuhod ko.

"Serene mag-usap tayo! Hindi lang tayo nakakaintindihan, I will explain.. Serene buksan mo 'to please!" Ilang beses syang kumatok sa may kwarto na tinutuluyan ko pero hindi ko binuksan ang pinto. Ilang oras na yata akong nagkukulong dito, halos magdidilim na pero naririnig ko pa rin sa labas ang mga pakiusap nya. Kanina pa ako umiiyak at nagmumukmok. Sa ngayon ayoko munang makipag-usap kahit na kanino at kahit pa kanya. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at tinakpan ang tenga ko. Doon ay hinayaan ko ang sarili na makatulog habang panay pa rin sa paghikbi. I thought what happened to us outside under the rain was magic, pero ilusyon lang pala ang lahat ng iyon. Panay na lang kami away ni Jace.  Away na tila ba hindi na natapos tapos. 

***

Gabi na noong makatanggap ako ng tawag mula kay Niel. Katulad ng nauna ay paulit ulit pa itong naputol putol. Mabuti na lang nakakalap ako agad ng signal noong itinaas ko ang cellphone ko malapit sa may bintana.

"Serene nasaan ka?" his voice was urgent. Parang may humahabol sa kanya na kung ano. 

Sasagot pa lamang sana ako noong may bigla akong narinig na malakas na kalabog. kasabay nito ay matinis na tunog na para bang nagbabasagang mga bote. Dali dali akong napatayo sa kinauupuan ko sa loob ng kwarto na ibinigay sa akin ni Shane kaninang umaga. 

"Niel anong nangyayari jan? Niel!" puno ng kaba sa dibdib ko. 

"Serene."hanggang dito ay bakas ang lakas ng paghingal nya. Para syang nagmamadali. Para syang nanggaling mula sa napakalayong pagtakbo. "Kung nasaan ka man wag na wag kang uuwi. Mas ligtas ka jan. Naiintindihan mo ba ako? Jan ka lang okay? Wag kang uuwi!" 

Mas lalong nadoble ang takot sa dibdib ko. 

"Teka Niel. Anong nangyayari? Niel!" Sunod sunod pa ang kalabog at nagbabasagang mga bagay ang narinig ko. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Wag naman sana...

"Kasalukuyan tayong sinusugod ng Black Savage gang ni The Highest Serene. At sinusunog nila ang main head quarters ng Ellipses!" 

Iyon lang ang kailangan kong marinig para mabitawan ko ang cellphone na hawak. Nanginginig ang buong katawan ko. Kasabay nito ay ang pagkuyom ng mga kamay ko. 

Ang walanghiyang traydor... siniguradong nyang wala ako roon. 

Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Jace. Ang bawat pagkatok ko ay kasing lakas ng kulog at kidlat na namumutawi sa buong lugar. Dahil sa patuloy na pag-ulan, siguradong tuluyan nang mapopostponed ang taping nila kinabukasan.

"Jace! Buksan mo 'tong pinto! Jace!!" Puno ng takot sa dibdib ko para sa buong gang na naiwan ko. Gusto kong umiyak dahil sa katangahan ko. Bakit ko nga ba sila iniwan? Mali na iniwan ko sila. Pero sinunod ko lang ang puso ko. Minsan lang... ngayon lang... bakit nagkaganito pa?

Alam kong hindi pa rin kami ni ayos ni Jace dahil sa nangyari kanina. Kaya nga noong binuksan nya ang pinto ay halata ang gulat sa mga mata nya, pero noong makita na umiiyak ako, bigla itong naglaho at nauwi sa pag-aalala. 

Alam nyang marami kaming problema pero iba ang iyak na ito. Nanginginig ang buo kong katawan. Ligtas ako pero ang gang ko... hindi.

"Jace nangyari na ang kinakatakutan ko. Si The Highest..." sambit ng nanginginig kong mga labi. "kasalukuyang sinusugod ang Ellipses." 

Pagkatapos magpalit mula sa mga pajama namin ay magkahawak kamay na kaming tumatakbo ni Jace patungo sa lobby para magtanong sa mga receptionist kung paano ang pinakamabilis na paraan para makauwi sa Maynila sa lalong madaling panahon. Ngunit halos lahat sila ay sinabi na imposible na makauwi kami agad lalo na sa panahon ngayon. Airplane o chopper ang pinakamabilis na transportasyon pero lahat ng ito ay nakansela dahil sa masungit na panahon. 

Sinabi kay Jace ang lahat tungkol sa mga ginagawa kong pag-iimbestiga kung sino nga ba ang traydor. Isa na roon ang mga napansin kong pagbabago kay Reece na mabilis nyang ikinagulat. Sa kanilang lahat na pinaghihinalaan ko, si Reece ang pinaka nasa unang listahan ko. 

Plilano ang pagsugod sa saktong araw kung saan wala ako ng sa ganun ay hindi ko maproteksyonan ang gang ko. Tinanong sa akin ni Jace kung sino ang nagdala sa akin dito, ang sabi ko si Shane. Tinanong nya rin kung may nakita ba akong kakaiba bago ako umalis, ang sabi ko wala naman. Pero kung totoong si Reece ang traydor, marahil pinagplanuhan nila itong mabuti at masakit mang isipin pero... maaring pati si Shane ay kasabwat dito. 

Dumiretso kami sa kwarto na tinutuluyan ni Shane kung saan nya sinabing naroon sya. Pero noong pagbukas namin nito, wala na itong laman, kahit si Shane ay wala na rin. Bumalik kami sa receptionist para itanong kung nasaan na si Shane. Ang sabi nila kanina pa raw ito umuwi bago pa man lumakas ang ulan. Pakiramdam namin ni Jace gumuho ang mundo namin dahil sa mga kaibigan na trinaydor kami. 

"Hindi... hindi yun magagawa ni Shane..." naaalarma ang mga mata nya noong tumingin sya sa akin. Patuloy ang pag-iling nya na tila ba hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. "Kilala ko sya. Hindi nya gagawin 'to. Hindi nya kayang gawin 'to sa atin." 

"Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya out of the blue. Binigyan nya ako ng tingin na halatang naguguluhan kung bakit ko nga ba ito tinanong sa kanya. Sa mga oras na ito, hindi importante ang mga away na nangyari sa amin sa mga nagdaang araw. Parte iyon ng isang normal na relasyon. At alam kong malalagpasan namin iyon.

"Mahal na mahal.." Kung paano nya sinambit ang mga salitang iyon, pakiramdam ko, nakalutang ako sa alapaap.

"Kaya mo bang sumama sa akin kahit saan ako magpunta? Susuportahan mo ba ako kahit na anong gawin ko? Gagawin mo ba ang kahit anong sasabihin ko wag lang kitang iwan?" 

Naguguluhan man sa mga itinatanong ko ay sinagot pa rin nya ito ng may buong katapatan.

"Sobra pa ang kaya kong gawin kung pagbibigyan mo lang ako."

"Kung ganun... nakuha mo ang sagot mo sa tanong mo." malungkot akong ngumiti sa kanya. "Mahal na mahal ni Shane si Reece. At kahit anong gawin nya ay susuportahan sya ni Shane." huminto ako saglit. "Si Reece ang traydor sa gang ko." at sa oras na ito, sigurado na ako.

♥♥♥

A/N: 

Walang spacing dahil trip ko lang. Ngayon ko lang napagtanto na malaki pala ang nakukunsumo ng spacing sa dami ng page number kaya magmula ngayon hindi na ako magsspacing. (Nakakapagod din kasi ang magspace). Haha! Chos. We'll see. Pabago bago isip ko eh. Kasing bilis ng bawat araw na lumilipas xD At! Dedicated sa kanya, dahil sa walang hanggang suporta! Naaappreciate ko ng todo ang pagcocomment nya sa bawat chapter. Thank u so much talaga dear! Godbless and keep inspiring! :D

READ.VOTE.SHARE.COMMENT. 

Nga pala, kamusta ang ginawa ng ating queen kay Ayesha? Masyado bang harsh? LOL. Ayun ang 'Buuuuurn Ayesha!' HAHAAHA. Marami pang mangyayari. READ BETWEEN THE LINES.-- ang nag-iisang rule sa lahat ng stories ko. With that, you'll know the answer to your questions. ;)

Have a blessed day Listeners! 

OLE! 

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
2.7M 102K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
352K 16.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
1.8M 56.9K 72
Her name is Akira Jade Alford. Hindi siya Gangster, hindi siya kabilang sa kahit na anong Mafia o Yakuza at mas lalo namang hindi siya Assassin. She'...