All Falls Down

By 7teenhearts

2.1K 166 72

Five Lethal Kings Series ~♥First of Seven Kings~♥~ "A man who values you, will never hide you..." he said sa... More

AFD
Prologue
Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidós
Veintitrés
Veinticuatro
Veinticinco
Veintisèis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve

Nueve

58 5 6
By 7teenhearts

Sa kusina ako dumaan habang malalaki ang hakbang na nag-lakad patungo sa banyo. My hands are trembling, I shut the door behind me and slid the lock into place, leaning against the hard wood as I closed my eyes.

I knew that he was tempted to kiss me--for reasons neither of us seemed to understand.

Sympathy, maybe. Or pity. Or because he's in rage!

Bakit? Hindi ko maintindihan! Bakit niya kailangang sabihin ang mga iyon? Anong ibig niyang sabihin sa lahat ng sinabi niya? At bakit ba siya galit Bakit... hahalikan niya ba 'ko? Napahilamos ako sa aking mukha.

Whatever his reasons are, I was convinced I'd consider it. Mas nagulat ako sa sarili ko. I was even more convinced that I'd let him kiss me!

Oh my god!

Napahilamos ulit ako sa aking mukha. Napatingin ako sa salamin at sinuring mabuti ang mukha ko. Hindi na ako nagulat nang nakitang namumula ang buong mukha ko.

Does he want me to cheat with him?

Bagsak ang balikat na tumungo ako at naghilamos. I shouldnt let myself get carried away. Sige, ipagpalagay na lang natin na may gusto nga siya sa akin. But I didn't want kisses motivated by pity. Isa pa may boyfriend na ako! At hindi niya pwedeng irason sa akin na sikreto lang ako kaya dapat niya na akong insultuhin.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng banyo.

Sinabi ni Fe pinapatawag raw ako ni Seniora kaya pupunta ako sa sala, pero nakakailang hakbang pa lang ako nang harangin ako ni Mama at hilain sa tabi.

"Saan ka ba nanggaling? Hindi ka ba sinabihan ni Fe na pinapatawag ka ni Seniora?" tanong niya.

"Ho? E, sinabihan niya 'ko, kaya nga pupunta na ako doon ngayon." paliwanag ko. Lalampasan ko na sana siya kung hindi niya lang ako hinila pabalik.

"H'wag na. Binilin na sa akin na sasabay ka na lang daw sa hapunan nila."

"Po?!" Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan.

"Bakit daw?"

"Aba malay ko. Ano bang bago, e, dati naman sumasabay ka sa kanila."

"Iba ngayon, Ma! May b-bisita sila. Tapos ganito pa ang ayos ko." pag-rarason ko.

Kinabahan ako nang maalala ang nangyari kanina sa shooting range. Baka dahil doon? Pero, kung iyon nga ang dahilan, hindi ba dapat kausapin na lang nila ako nang pribado? Iyong walang nakakakita.

Tinulak niya ko ng mahina dahilan kung bakit nabalik ako sa huwisyo.

"Sige na, ayusin mo muna yang sarili mo. Maligo ka. Suotin mo 'yong pinakamaganda mong damit." Tinulak tulak niya ako hanggang makalabas ako ng pinto ng kusina.

"Ma, naman eh!" inis na tinalikuran ko siya at nagtungo sa maids quarter para maligo. Wala naman akong magagawa kung si Seniora na mismo ang nag-utos na sumabay ako sa kanila.

To be honest, mabait naman talaga si Seniora Aurora. Wala siyang ginawa sa amin na hindi namin ikinasama nang loob bilang mga kasambahay nila. Ang totoo magaan ang pakikitungo niya sa akin. She once told me that I somehow remind her of her deceased daughter. Veronica Trevisano. Though she never mentioned anything about her death. And I respect that.

Sila ring mag-asawa ang nag-papaaral sa akin. Kaya kahit anuman ang hilingin nila sa akin ay malugod kung susundin.
Kaya naman ganoon na lang ang takot ko na malaman nila na may relasyon kami ng anak nila. Ayokong masira ang tiwalang binigay nila sa akin. Ganoon pa man sumugal ako, sumugal ako dahil mas sinunod ko ang sinasabi ng puso ko.

Napiling kong damit ay kulay pulang sleeveless dress. Above the knee at medyo nagpapakita ng balat. It's still look formal. Ito lang ang matino kong damit na medyo babagay sa okasyon.

Pinapatuyo ko ang aking buhok nang bumukas ang pinto at pumasok si Roda. Kita ko ang unti unting panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang damit na suot ko.

"Wow, hija! Pak na pak ang ayos mo ah!" lumapit siya at tinitigan akong mabuti.

Natawa ako nang bahagya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ang ganda talaga ng legs mo, day. Ang haba oh! Alam mo bang iyan ang pinakakinaiingitan kong parte ng katawan mo? Given na kasi na maganda ka, meron naman ako niyan." natawa pa ako lalo sa sinabi niya.

"Ang swerte mo. Hindi ka naman kasi mukhang mahirap." iiling iling na sabi niya.

Pabiro ko siyang inirapan. Ngumisi siya at hinawakan ako sa magkabila kong balikat, sinusuring mabuti ang mukha ko. Kumunot ang noo ko at tumingin sa salamin.

"Bakit? May dumi ba?"

"Wala, ano ka ba. Alam ko na kung anong babagay sa 'yong hairbraid." kinindatan niya ako at pinaupo sa harap ng salamin.

"Waaa! Ang ganda mo naman, Lea." si Alma.

Siya agad ang nadatnan ko nang pumasok ako sa kusina. I smiled shyly at her.

"Salamat kay Roda. Siya ang nag-àyos ng buhok ko." kalmante kong sabi ngunit parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis nang pag-tibok nito.

Lumipad ang isip ko sa dining hall, kung ano ang mga posibleng mangyari at anong magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako sa ganitong ayos.

Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Inalog ako ni Alma sa magkabila kong balikat.

"Ano ka ba? H'wag ka ngang kabahan dyan! Ang ganda mo kaya. Sigurado ako mahuhumaling sa iyo ang mga bruho kapag nakita ka.. Nakuuu!" Kinikilig niyang saad.

But my mind was haywired. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere habang naglalakad palapit sa lamesa. Naroon na silang lahat. Including Craig, who's now took a second glanced at me. Mas lalo akong kinabahan!

Sabay na tumayo ang tatlo. Sa gulat ko ay hindi ako naka-kilos sa kinatatayuan ko. I just stood there stupidly.

"Boys. Easy, easy. You're  intimidating her!" natatawang sabi ni Senior Hugo.

Napalunok ako. Hindi naman siya mukhang galit. Nakahinga ako nang maluwag nang sumenyas syang maupo ako.

Naunang naglahad ng upuan si Garrison pero dahil si Laxx ang nobyo ko, sa kanya ako dumiretso. I apologetically smiled at Garrison for turning down his offer. He just gave me a blank look. Umiwas na lamang siya ng tingin nang kausapin ako ni Seniora.

"Hija! You look stunning as ever, huh?" sabi niya at nag-lahad ng kamay para makipag-beso.

I awkwardly did the same.

"Let's eat." si Seniora.

Nilagyan ni Laxx ng pagkain ang aking pinggan. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako and mouthed  'thank you'. He smiled at me boyishly before whispering in my ear.

"Ang ganda mo. Mamaya ka sa 'kin." nabura ang ngiti sa aking labi at pinamulahan ng mukha.

Nilingon ko siya at nakitang nangingiti habang ngumunguya.

Nagsimula na rin akong kumain. Habang kumakain ay nag-uusap ang mag-asawa patungkol sa event na pupuntahan nila sa makalawa. I can't help but to steal a glance at Craig. He's staring blankly at his food. Nang maramdaman niya ang matagal na pagkakatitig ko sa kanya ay saka palang nag-angat ng tingin.

Thoughts about what happened earlier bothered me again. Ano ba talagang gusto mo Craig. At bakit ganito ang pakiramdam ko? Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Laxx, kahit wala pa naman akong ginagawa.

Sinubukan kong pantayan ang seryosong titig niya pero hindi ko rin kinaya at ako na ang umiwas. Tumikhim si Seniora Aurora kaya napabaling kami sa kaniya.

"So, Aryssa, I bet you're wondering why you're here." nakangiting aniya.

Napalunok ako at dahan dahang tumango. Isa pa iyan na bumabagabag sa akin kanina pa. Ang akala ko ay kukomprontahin nila ako tungkol sa nangyari kanina, pero mukhang wala namang may balak mag-salita tungkol doon.

"Uhm... opo."

Ngumiti siya at uminom ng tubig.

"Kamusta ang pag-aaral mo, hija? Narinig ko kay Wena na you're running for Valedictorian this year? Is it true?" natutuwang aniya. I smiled shyly before nodding, not comfortable about the topic.

"Wow! Really, Leah?! That's a great news! You never mentioned anything to me about that." si Laxx.

He gave me a knowing look. Napaismid lang ako at ngumisi.

I shiffted in my seat. Nahagip ng mata ko si Craig. He fidgeted in his seat too, eyeing me like a prey. I can see the glint of amusement in his eyes and the twitching at the corners of his mouth. Tumikhim ako at binaling ang tingin kay Seniora.

"Mom, she's really doing great right? This calls for celebration!" si Laxx ulit. This time, pinanlakihan ko na siya ng mata.

Tumigil ka!

"Actually, son, I have a better offer for her. Three months na lang at gagraduate ka na, hija. Do you have any plans?"

Umiling ako.

"Wala pa po. Pero ang sabi ni mama ay pwede naman akong m-mag-trabaho muna at pag-naka-ipon ay saka na tumuloy sa kolehiyo."

"Hmm.." tumango tango siya at tumingin kay Senior Hugo.

"You don't have to, hija. Kung okay lang sayo, pwede kitang dalhin sa ibang bansa. My friend needed someone who can help her on her new boutique. You're into fashion, right? Isn't that what you want to pursue? Pag-isipan mo, hija. Bihira lang ang ganitong opportunity. Don't worry, you still have four months to decide."

For a fleeting second, my world stop spinning. Do I really want that?

Yes, you do.

A little voice whispered at the edge of my consciousness. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
175K 3.3K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...