My Slave is the Campus King...

By SibuyasKita

104K 2.9K 578

Love is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened... More

Announcement!
My Slave is the Campus King
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
MSITCK #TWENTY SIX: Perfect Jealousy
MSITCK #TWENTY SEVEN: Unexpected Duet
MSITCK #TWENTY EIGHT: Unexpected Kiss and Confession
MSITCK #TWENTY NINE: An-an and Bunny
MSITCK #THIRTY: Unexpected Yes
MSITCK #THIRTY ONE: Bodyguard
MSITCK #THIRTY TWO: Good and Bad
MSITCK #THIRTY THREE: His Queen
MSITCK #THIRTY FOUR: Deceived
MSITCK #THIRTY FIVE: The Show
MSITCK #THIRTY SIX: Revelations
MSITCK #THIRTY SEVEN: The Truth
MSITCK #THIRTY EIGHT: Fear
MSITCK #THIRTY NINE: Realizations
MSITCK #FORTY ONE: Finally Awake
MSITCK #FORTY TWO: Unexpected
EPILOGUE MSITCK's Special Chapter: Finalé
Author's Note and Announcement
Special Chapter- Part I
Last Special Chapter
Announcement:

MSITCK #FORTY: Missing Him

1.3K 46 10
By SibuyasKita

   Dedicated to helenjuanito

Chapter Forty: Missing Him

Natapos ang buong klase sa umaga na para bang wala akong natutunan or should I say wala talaga. Iniisip ko kasi yung mga nangyari. Hindi naman ganun kadaling makalimot, noh. Iniisip ko rin si Rave kung gising na ba siya. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga para medyo kumalma ang aking sarili.

Mag-isa lang ako ngayon sa table habang kumakain ng spaghetti. Bwisit kasi na Lucy na yun, mukhang matatagalan pa bago bumalik dito. One month pa raw bago siya babalik dito. Hahabol nalang daw siya sa mga namiss niyang lessons. Ang tagal din ng isang buwan.

Bagot na pinapaikot ko ang aking tinidor sa spaghetti. Ewan ko ba, yung pakiramdam na nagseself pity ka dahil parang mag-isa ka na lang sa mundo. Yun yung feeling ko ngayon.

"Hey, can we join?." That voice again. It's husky and cool. It's him again and the other members of Royal Ten. I stared them for a while then nodded. Alangan namang ipagtabuyan ko sila, eh di mas lalong kamumuhian na ako ng mga estudyante dito. I can sense that all eyes are now on our direction. I don't care. Wala akong pake kung galit sila sa akin. Hindi nila alam ang buong nangyari kaya wala sila sa lugar para kasuklaman ako. Tsk, people nowadays.

"You okay?," tanong naman ni Miss Shakira. My forehead creases.

"Pansin kasi namin na mdyo lutang ka at ang lalim ata ng iniisip mo," singit naman nitong babaeng nakaponytail ang blondeng buhok. What's her name? I know her by face but not by name.

"It seems that you don't know me yet. I saw your forehead creasing wildly. I'm Jamie. Pleasure to meet his majesty's queen," medyo natatawa pero makahulugang litana pa niya.

His majesty's queen? I already heard it from Ran early this morning. What made them even think that I'm his majesty's queen?

"I'm fine. Don't mind me," cold kong sabi. Natahimik naman sila dahil sa lamig ng boses ko. I'm sorry but I'm not in the mood to entertain people. Wala nang nangahas pang magsalita. Nagpatuloy nalang sila sa pagkain hanggang sa binasag ni Ran ang katahimikan.

"Sinong guatong sumama mamaya sa akin? Dadalawin ko si Prime Master."

Nagtaas naman ng kamay yung mga babae at nagsitanguan lang naman yung mga lalaking kasama rin namin sa table. Habang ako ay nanatiling walang kibo.

"Then, sabay na tayong lahat mamaya. After ng class," pagpapatuloy ni Ran.

"Miss Yumi, gusto mo bang sumama? Sama ka na," Jamie invites. Gusto ko. Gustong gusto ko pero hindi ba nakakahiya dahil puro kaibigan ni Rave yung pupunta?

"Sama kana please!," pagpapacute pa ni Jamie na parang bata. Gusto ko tuloy matawa dahil sa hitsura ng isang 'to. Kung umasta siya, parang hindi kasali sa Royal Ten.

Tumango nalang ako nang matipid saka siya nginitian. "Yes," she exclaimed then hug me out of a sudden. Bakit? Bakit ang bait nila sa akin? When I feel awkwardness between her hug, that's the time when Shakira interferes and broke Jamie's embrace.

Lahat na pala ng tao dito sa cafeteria ay pinagtitinginan na kami. Nakikita ko ang inggit sa kanilang mga mata. Hello, Royal Ten kaya ang kaharap ko and I'm sure maraming gustong makipagkaibigan sa kanila then here I am, befriended with them easily like out of a sudden. Anu raw? Mukhang wrong grammar pa ata yung Ingles ko.

Matapos namin sa cafeteria ay nagpaalam naman sa akin yung iba kabilang na dun si Ran, Jamie at Shakira saka kami naghiwa-hiwalay patungo sa aming mga klase. Sakto namang nakasalubong ko sina Jasmin at Cassandra na mukhang kagagaling lang sa Dean's office. Lumiwanag naman ang mukha ni Jasmin sa akin nang makita ako samantalang nginitian ako nang tipid ni Cassandra. Wait, I almost forget. Magpapasalamat pa pala ako kay Cassandra. Siya ang dahilan kung bakit kami nahanap nila beshie. May alam siya sa plano nina Angeline, aksidente niya raw na narinig ang usapan nila Miss Aimy sa guardhouse nang pumasok sa gate nang hindi nila nalalaman kaya sinundan niya ang mga ito noon nang palihim kaya natunton niya ang hideout nila. Sinabi niya kina Lucy ang plano nila Miss Aimy pero medyo raw natagalan kasi natakot daw siyang sabihin ang natuklasan niya. I owe my life to her. We owe our life to her.

Sa pagkwekwento ko, hindi ko namalayang nakalapit na pala sila sa akin. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Jasmin. Why everyone around me except for those narrow-minded people seems so worried?

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Yumi?," she asked. I force a smile. "Maayos na ako. At sana ganun din si Rave," tugon ko pero mahina lang yung pagkakasabi ko sa huli kaya naman napakunot ang kanilang noo sa aking sinabi.

"I hope so."

"Hmmm,Cassandra, I just wanna say thank you to you. We owe our life to you. I know we are not in good terms but I do hope we can be friends," puno ng sinseridad na saad ko kay Cassandra. Nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko at ngumiti nang malawak.

"Oo naman. Pagod na rin akong maldita. I'm sorry kung hindi naging maganda ang turing ko sa'yo noon. Aware ka naman na may gusto ako kay Rave kaya siguro nalang kung ganun na lang ako makitungo sa'yo dala ng selos. Alam ko naman na ikaw ang gusto niya simula palang kaya nagparaya na ako. At nung nalaman ko ang plano nina Angeline, gusto kong magsumbong nung una palang pero wala akong lakas ng loob. Kung sinabi ko na ang nalalaman ko bago pa mangyari ang gusto nila, sana wala sa ganung kalagayan si Rave," mahabang pananalita niya.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Laking pasasalamat ko nga sa iyo. Because of you, we are still breathing."

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. I stretched my arm to her. "Friends?" She smiled and accept my hand. Then she hugged me.

"Hey, andito pa po ako. Isali niyo naman ako sa friendship goal niyong hug," pagsegway ni Jasmin. We almost forget her presence. Sumali naman siya sa aming friendship goal kunno ni Cassandra. Nagkaroon naman ng saya sa puso ko ngayon. Despite of what had happened, I still strive to find true happiness. Si Lucy nalang ang kulang. Masaya naman kaming pumasok nang sabay-sabay sa klasrum kahit medyo late na kami. At buti nalang dahil makupad yung professor namin.

Ang sasama naman ng tingin sa akin ng grupo ni Joanna. Pake ko sa mga hitad na yan. Problemahin nila ang sarili nilang problema, huwag nila akong madamay damay. Baka balatan ko pa sila ng buhay. Haha, just kidding.

***


Ang bagal bagal namang matapos ang malaprusisyong diskusyon ni ma'am. Inip na inip na ako dito sa kinauupuan ko. Nag-iinit na yung pwetan ko. Dami-dami pa kasing satsat. Sana matapos na nang makauwi na kami. Naalala ko naman na pumayag akong sumama kina Ran sa pagdalaw kay Rave sa ospital. Pero paano yun, paano ko ipapaliwanag kay kina kuya,mama at papa. Mahigpit pa naman ang pagbabantay na ginagawa sa akin ni kuya. Mariing ipinag-uutos nina mama at papa na pagkatapos na pagkatapos ng school ay uwi agad sa bahay. Paano na yan? Mag-isip nalang ako ng dahilan. Kuntiyabahin ko nalang ulit si kuya. I know he can't resist my charm. That's it.

**Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggg....**
Mahabang tunog ng buzzer.

"That's all. I hope you learned something today. Always remember what you have been learned. Goodbye class," pagpapaalam nung titser namin. I'm sorry, ma'am but It's like I learned nothing today. My mind is preoccupied all throughout this day.

"Hindi ka pa ba uuwi?," tanong ni Jasmin. "Hmm...kasi inaya ako nila Ran na sumama sa kanilang bisitahin si Rave," tugon ko.

"Tamang tama pala dahil pupunta rin kami ni Cassandra. May sasakyan ka ba?."

"Ewan ko. Subukan ko pang kontakin si kuya at sasama ako pag napapayag siya," pagsagot ko.

"Kitakits na lang then tayo mamaya. Una nalang muna kami dahil may bibilhin pa kami sa mall. Bye, Yumi," beso beso niya sa akin bago lumabas ng room. Nagwave naman si Cassandra sa akin and she mouthed 'Goodbye'.

Tumugon naman ako sa pamamagitan ng isang ngiti. Tuluyan na nga silang lumabas at iniwan ako ng mag-isa. Bigla namang sumulpot si Ran. Kabute ba siya? Bigla bigla nalang kasi siyang sumusulpot.

"Hey, Queen Yumi, let's go," paghigit niya sa aking kamay. Feeling close lang.

"Stop calling me that way," I hissed. He just giggled. Ang sarap niya lang ilampaso sa sahig. Hinigit niya ako at kinakaladkad palabas.

"Hey let go of me," I firmly ordered. "Ayoko nga," mapang-asar niyang sabi. Nakakainis na siya.

"Ran, tapatin mo nga ako. May gusto ka ba sa akin?," prangkang tanong ko. Natigilan naman ako bigla dahil sa tanong ko. Aish, ba't ko ba natanong yun. Bahagya namang kumunot ang kanyang noo pero agad din naman niya itong binawi at ngumiti nang nakakaloko.

"Paano kung sabihin kong Oo. I like you," walang pakundangan niyang tugon pero may halong lungkot sa kanyang tono.

"I'm sorry Ran but..."

"I know. No need to tell. Alam ko naman na si Rave ang laman ng puso. I'm not asking you to like me back. Just let me do this for the meantime. Okay?" Hindi ko alam pero parang nakaramdam naman ako ng guilt. It's like I am betraying him. Pero ano ba kami? Walang label nga diba?

Hindi ko alam kung anong isasagot or kung anong sasabihin ko kay Ran.

"Okay, just let go of me, pwede?", cold kong sabi ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Agad naman siyang napabitaw. Nauna na akong maglakadsa kanya. Kailangan ko pang tawagan si kuya.

Nakisabay naman sa paglalakad sa akin si Ran. Hindi ba talaga siya titigil? Kailan ba niya ako titigilan? Ang kulit din ng isang 'to. Muli ko naman siyang hinarap.

" Hindi ko alam kung makakasabay ako sa inyo dahil magpapaalam pa ako kina kuya, mama at papa. Mauna na lang kayo, susunod nalang ako," pagtatapat ko sa kanya.

Gustong gusto kong puntahan si Rave ngayon. Miss na miss ko na siya nang sobra sobra. I badly miss my king. Kailangan ko lang talagang magpaalam kina papa dahil kung hindi, mas lalong hindi na nila ako papayagang lumabas. Ayaw kong mangyari ang bagay na 'yon dahil mas mahihirapan akong makita muli siya. Sinabihan din nila ako kagabi na ililipat daw nila ako sa ibang school pero nagmakaawa ako sa kanilang huwag nilang gawin.

Isang malalim na buntong hininga ang narinig kong pinakawalan ng lalaking nasa harap ko ngayon. Malungkot ang mga mapupungay na matang nakatingin sa akin nang diretso.

"Okay, pero hihintayin parin kita...," mahinang bulong niya pero sakto na sa akin para marinig ko kanyang sinabi.

"What do you mean?", takang tanong ko. He just shook his head slightly.

" Nothing. Don't bother. I'll go now. Ako nalang magsasabi sa mga kasama natin," saad niya. Tumango nalang ako at tinahak namin ang magkaibang direksiyon. Papunta siya sa may parking lot habang ako naman ay palabas na ng gate.

Naghintay lang ako saglit sa labas at dumating na nga yung damulag kong kuya para sunduin ako. Sana nga payagan ako nila papa at mama na puntahan si Rave. Gustong gusto ko na talaga siyang makita.

I miss my king so badly. Bat ba kasi nangyari 'to sa amin? Sana magising na siya. Mula nung araw na nagising ako at nalamang nasa comatose stage siya, walang araw na hindi ako nagdasal. Ipinagdarasal ko na magising na ang taong bumubuhay sa malungkot kong mundo.

>>>>>>>>>>>>>>> the end ....
















































>>>>>>>>to be continued.

Hahahaha... Joke lang po... Nabudol ba kayo 'dun sa ginawa ko? May nagsabi kasi sa akin na gawin ko nalang open-ended ang kwentong ito... By the way, sorry po sa super slow update ... Akala ko nga maaamag na ang mga kwento ko sa watty kasi ilang months din akong hindi nag-a-Update... Wala kasing inspiration eh .... Hahaha...

Nga pala, super thank u sa mga nagbabasa, nagvovote at nagcocomment sa mga kwento ko. Pati na rin yung mga nag-aad ng mga story ko sa reading list nila. Really really appreciate it. Thank u sooo much... Sinong gustong magpadedicate jan? Just comment below. Yung ibang mga friends ko dito sa watty, just wait lang po... Bibigyan ko kau ng dedication soon .. Thank u. Lovelots and Merry Christmas!

@Phantom_Knight09

Continue Reading

You'll Also Like

63.4K 2K 49
Lee University was owned by the parents of Lurenz Lee. Lurenz is the leader of Sunny Seven which has a seven member. what do you think would happen t...
49.3K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
57.7K 3.1K 33
" To lose one's self in reverie, one must be either very happy, or very unhappy. Reverie is the child of extremes. Reverie is when ideas float in our...
10.7K 558 22
Kabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue...