A PIECE OF YOU

By PurpleSwallow

569K 16.5K 941

FIRST STORY : A PIECE OF YOU SECOND STORY : JUST THE WAY YOU ARE ( Karugtong ng first story ibang character... More

A PIECE OF YOU
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap.22
Chap. 23
Chap. 24
Cont. ng Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 28 Part 2
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
FINAL ( PART 1 )
FINAL 2
EPILOGUE
JUST THE WAY YOU ARE ( Gabby and Edwardo )
JTWUR - Chap. 1
JTWUR- Chap. 2
JTWUR -Chap. 3
JTWUR - Chap. 4
JTWUR - Chap. 5
JTWUR - Chap. 6
JTWUR - Chap. 7
JTWUR - Chap. 8
JTWUR- Chap. 9
JTWUR - Chap. 10
JTWUR - Chap. 11
JTWUR - Chap. 12
JTWUR - Chap. 13
JTWUR - Chap. 14
JTWUR - Chap. 15
JTWUR - Chap. 16
JTWUR - Chap. 17
JTWUR - Chap. 18
JTWUR - Chap. 19 FINAL 1
JTWUR - Chap. 20 FINAL 2
JTWUR - EPILOGUE

Chap. 16

9.5K 285 7
By PurpleSwallow

Chap. 16

Hindi makapaniwala si Indigo sa kanyang nakita..Gusto n’yang makasigurado na lahat ay totoo..Humakbang s’ya palapit sa babae.

“Lilac..” Biglang lumakas ang pagpintig ng puso ni Indigo..Tila kinakapos s’ya sa paghinga..Kasing bilis ng KIDLAT agad lumapit si Indigo at niyakap si Lilac.

Nakapikit ang mga mata ni Indigo habang yakap yakap si Lilac. Magkahalong saya ang nararamdaman n’ya..

Hinagkan n’ya ang noo ni Lilac. Habang napapaluha.

SUBALIT..

Maging si Lilac ay nagulat rin. Hindi n’ya NAAALALA SI INDIGO. WALANG RUMIRIHESTRO SA KANYANG ISIPAN SA TAONG YUMAYAKAP SA KANYA.

NAGTATAKA SI LILAC DAHIL HALOS LAHAT AY DAHAN DAHANG BUMABALIK SA KANYANG ALAALA. NGUNIT WALA SA LALAKING KAHARAP N’YA.

“Sino ka?” tanong ni Lilac. Sabay tulak ng bahagya kay Indigo.

Napakunot ang noo ni Indigo.

Magsasalita na sana si Indigo nang ..

“Lilac..pumasok ka muna sa silid mo..” Utos ng ama ni Lilac. Agad hinila ni Mr. Villaviste ang kamay ng anak. Agad hinawakan ni Indigo ang kabilang kamay ni Lilac. Tila pipigilan si Lilac ni Indigo ngunit agad inagaw ng ama ni Lilac ang kamay nito.

Isang matalim na titig ang ipinakita ng ama ni Lilac kay Indigo. Sinamahan agad ng katulong si Lilac sa kanyang silid.

“Anong ibig sabihin nito Tito Andrew?” Tila may galit sa boses ni Indigo ang maririnig.

“Buhay ang aking anak. Sapat na ‘yon na nandito s’yang muli sa piling namin.” - Mr. Villaviste

“Andrew, ipaliwanag mo sa amin ano ang nangyari kay Lilac?” Tanong ng ama ni Indigo.

“Hindi ko maipaliwanag ang lahat. Tanging si Lilac lang ang nakakaalam. Ang sabi n’ya naaksidente s’ya at nagkaAMNESIA. Mabuti nalang at may kumupkop sa kanya. Hindi na importante sa akin kung ano pa nakaraaan. Mahalaga sa akin na nandito ang aking anak at buhay.”

-Mr. Villaviste

“Tito, pero bakit wala s’yang naaalala sa mga nangyari?” Tanong ni Franzy.

“NagkaAMNESIA si Lilac.” Tipid na sagot ng ina ni Lilac.

“Dapat s’yang dalahin sa doktor at ipasuri.” Biglang nasabi ni Indigo na tila nag-aalala sa kalagayan ni Lilac.

“Para ano pa Indigo? PARA MULING MAALALA N’YA ANG SAKIT NA SINAPIT N’YA SA ‘YO! KAYA KA NGA UMALIS DI BA? DAHIL AYAW MONG KULITIN KA NI LILAC... PINAGTULAKAN MO ANG PAGMAMAHAL NG ANAK KO SA ’YO.

SA TINGIN MO GUGUSTUHIN KONG BUMALIK ANG ALAALA N’YA SA ‘YO? HINDI. MAS PIPILIIN KONG MAGSIMULA SI LILAC SA BAGONG BUHAY N’YA NGAYON..H’WAG KA LANG N’YANG MAALALA!

ALAM MO BANG SA BAWAT PAG-IYAK NI LILAC NG DAHIL SA ‘YO NOON; GUSTO KO NANG MAGWALA.. PERO SA PAGKAKATAON NA ITO..PAGBABAWALAN NA KITANG LUMAPIT SA KANYA.. AT AYAW KONG MAGKAROON NG UGNAYAN PA SA ’YO SI LILAC!”

Pinigil ng ina ni Lilac ang asawa. Walang masabi ang mga magulang ni Indigo. Nauunawaan nila ang nararamdaman ng ama ni Lilac.

Maski si Indigo ay wala ring masabi. Aminado si Indigo sa kanyang kamalian kay Lilac. Hinawakan ni Carmen ang balikat ni Indigo at sinabing..

“Igo, ihatid mo na muna ang mga magulang mo..lumalalim na ang gabi..” - Carmen

Muling nagsalita si Indigo sa ama ni Lilac.

“Tito, gusto kong makausap si Lilac. Gusto ko lang naman pong humingi ng tawad.” - Indigo

“Enough! Hindi naman n’ya naaalala kung anong kasalanan mo sa kanya..wala ring saysay. Kaya h’wag mo nang bigyan pa ng dahilan upang mag-isip si Lilac KUNG SINO KA SA BUHAY N’YA.” Nanggagalaiti ang ama ni Lilac.

Hinila si Indigo ng kanyang mga magulang.

“Igo, halika na. Umuwi na tayo. Tama naman si Tito Andrew mo..dapat lang na walang maalala si Lilac sa nakaraan n’yo..KAILANGAN NI LILAC NG BAGONG BUHAY..” Sabi ng ina ni Indigo.

At tuluyang umalis sina Indigo.

Hinarap ng ama ni Lilac ang tatlong babae.

“Carmen, Franzy..Glo..h’wag na h’wag ninyong mabanggit kay Lilac ang tungkol kay Indigo. Ayaw kong ungkatin pa ang nakaraan. Alam naman ninyong nasaktan ng lubos si Lilac noon. Kaya nakikiusap ako..H’WAG NINYONG IPAALALA SA KANYA KUNG SINO SI INDIGO SA BUHAY N’YA.”

Nagkatinginan ang tatlo matapos marinig ang sinabi ng ama ni Lilac.

Samantala sa silid ni Lilac..nakadama si Lilac ng kakaiba sa lalaking nakaharap n’ya. Pilit n’yang iniisip ang lahat ngunit wala talaga s’yang naaalala.

---------------------------------------

Habang pabalik si Indigo sa kanyang pamamahay..naglalaro ang kanyang isipan.

INDIGO’S POV

Laking pasalamat ko sa Dios na buhay si Lilac. Pero bakit ganun ang nangyari sa kanya? Parang hirap tanggapin na hindi man lang n’ya ako naaalala.. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Tama naman si Tito Andrew. Ginusto ko noon ang lahat lahat..pinagtulakan ko si Lilac.

WALANG IBANG SISISIHIN KUNDI AKO.ANG SARILI KO.

Nang marating ni Indigo ang kanilang bahay. Nakita n’yang maliwanag parin ang kanilang silid.

“Igo, ba’t ang tagal mong bumalik?” Tanong ni Vanessa.

“Nessa, nagkaroon lang kami ng pag-uusap ng mga magulang ni Lilac..Tsaka, may pinag-usapan din kami nina Daddy. Ahmmm..matulog na tayo.” Agad na niyaya ni Indigo si Vanessa. Hindi binanggit ni Indigo kay Vanessa ang tungkol kay Lilac; dahil baka ano pang iisipin nito.

Nang mahiga na sila sa kama.. Humilig si Vanessa sa dibdib ni Indigo.

DUB DUB DUB DUB

Naririnig ni Vanessa ang tibok ng puso ni Indigo..

“Igo, naaalala mo parin ba si Lilac?” Biglang tanong ni Vanessa.

“B-bakit mo naman natanong?” - Igo

“Dahil alam ko namang iniisip mo ang nanyari sa kanya. Mahal mo ba s’ya?”

“Nessa, kaibigan ko si Lilac..natural lang na maalala ko s’ya. She is always special to me..You know, she’s my friend since we’re kids. We had a strong connections...ayaw kong maputol ‘yon..KAHIT ALAM KONG MAY KASALANAN AKO SA KANYA..AYAW KONG MAPUTOL ANG BAGAY NA ’YON..I’M SORRY TO TELL YOU THIS BUT SHE’S PART OF ME..”

“Nauunawaan naman kita. BUT LET ME TELL YOU THIS..I OWN YOU..FROM HEAD TO TOES. NAKASULAT NA SA KATAWAN MO ANG PANGALAN KO. KAYA H’WAG KANG MAGKAKAMALING LUMINGON SA IBA.”

-Vanessa

“Nessa, we’re not married yet.” Bulong ni Indigo. Kumunot naman ang noo ni Vanessa.

“H’wag mo akong paglaruan Indigo. MASAMA AKONG MAGALIT. SIGURADONG HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG KAYA KONG GAWIN..” Pabulong na sinabi ni Vanessa kay Indigo.

“Nessa, h’wag ka ngang paranoid.” - Indigo

“Igo, we need to get married. Natural lang na maging paranoid ako.. I don’t want to lose you.” - Vanessa

“ Nessa, mangyayari din ‘yan...but before that; we need to settle everything.Okay?” Sabay hinalikan ni Indigo ang noo ni Vanessa. Para matigil na lamang si Vanessa sa pagtatanong sa kanya.

Tulad ng dati, nang mahimbing na ang tulog ni Vanessa. Muling bumangon si Indigo at tinungo ang silid ni Lilac. At muling nahiga sa kama..NGAYON HINDI N’YA MAPIGILAN ANG DI MAPAISIP KAY LILAC.

 TILA MAY TUMUTULAK SA KANYA NA GUMAWA NG ISANG HAKBANG NA MAKALAPIT MAN LANG KAY LILAC.

--------------------------------------

Umaga..

“Lilac, aalis kami ng Mommy mo. May pupuntahan kaming kamag-anak natin. Dito ka muna sa bahay. H’wag kang maglalabas. Okay.”

-Mr. Villaviste

“Yup. Don’t worry Dad. Magsasawa akong manunuod ng movies sa entertainment room. Ingat po kayo ni Mommy. See you later.”

Sabay halik ni Lilac sa pisngi ng ama’t ina.

Habang wala ang mga magulang ni Lilac hinanap ni Lilac si Inday.

“Inday, kwentohan mo nga ako sa mga nangyari sa akin noon. Kilala mo ba ang lalaking pumunta dito kagabi?”

Hindi alam ng katulong kung dapat n’ya bang ikwento ang mga nalalaman nito tungkol kay Indigo.

“Ah..si Sir Indigo po. Kaibigan po ninyo s’ya...” - Inday

“Ahhh talaga..matagal mo na rin ba s’yang kilala?” - Lilac

“Opo..ah..sige po Maam aalis na po ako. Kasi madami pa akong gagawin.” Nagmamadaling umalis si Inday.

Napaisip si Lilac kung bakit ganun ang reaksyon ni Inday.

KRINGGGGG KRINGGGGGG...

Agad sinagot ni Lilac ang tawag sa cell phone..

“Hello?”

( Lilac, si Tita Amy mo ito. Nandyan ba ang Mommy at Daddy mo?)

Wala po sila eh.

( Ahh, ganun ba. Gusto sana kitang imbitahan dito sa bahay kumain ng pananghalian..You know we miss you so much. Please come. )

“Okay po. ”

( Ipapasundo na lang kita mamaya ng driver namin sa kompanya. )

“Okay po.”

--------------------------------------

Nang dumating ang tanghali sinundo si Lilac ng driver at dinala si Lilac sa pamamahay ng mga Salazar.

Sa labas palang ng bakuran; tulad ng kanilang pamamahay nakasulat din sa pader ang CASTILLAN- SALAZAR RESIDENCE.

Mainit na sinalubong si Lilac ng mag-asawa. Parang tulad lang ng dati na tila si Lilac parin ang tinuturing nilang manugang.

“Marami akong pinaluto na mga paboritong mong ulam, Lilac.” Sabi ni Mrs. Salazar habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Lilac.

“Kain ng kain Lilac. H’wag kang mahiya.” Sabi ng ama ni Indigo.

Maraming silang pinagkukwentohan hanggang..

“Mom.. Dad.. I’m here..

Napalingon si Lilac sa taong dumating..walang iba kundi si Indigo.

Maging si Indigo ay nasurpresa rin nang makita si Lilac kasama ang kanyang mga magulang.

“Hi...Do you remember me?” - Indigo

“Yeah.”

“Igo, anak kumain ka na muna. Aakyat muna kami ng ama mo sa aming silid. MAG-USAP MUNA KAYO NI LILAC.”

Mrs. Salazar

Walang kaabog abog na umupo si Indigo sa harapan ni Lilac. Patuloy parin sa pagkain si Lilac. Nakikiramdam si Lilac sa lalaki.

“Mabuti naman at pumunta ka dito.” Sabi ni Indigo

Hindi umiimik si Lilac. Nagsisimulang na namang nag-iisip si Lilac kung sino talaga ang lalaking nasa harapan n’ya.

Halos naubos na ni Lilac ang pagkain; napansin n’yang tila hindi ginagalaw ni Indigo ang pagkain. Nanatili itong nakatitig sa kanya.

“Saan ka ba nagpunta Lilac? Bakit na nawala KA ng 4 na taon?” - Indigo

“I won’t tell you. ” - Lilac

“Sabi ng magulang mo nagkaroon ka ng AMNESIA. Kailangan magpadoktor ka.” Sabi ni Indigo.

“Never mind. Hindi na ako interesado sa buong detalye.” - Lilac

Hindi maunawaan ni Lilac at tila naiirita s'ya sa mga titig ni Indigo sa kanya.

Binitawan ni Indigo ang kanyang kutsara at tinidor.

Hindi na sumagot si Lilac. Agad s’yang tumayo at umalis. Hindi kumain si Indigo at hinabol si Lilac.

Hinawakan ni Indigo ang balikat ni Lilac..ngunit iwinaksi ni Lilac ang kamay ni Indigo at sinabing..

“WHO THE HELL ARE YOU? HINDI AKO INTERESATDO NA MALAMAN KUNG SINO KA. ANG ALAM KO LANG, WALANG PUMAPASOK SA UTAK KO KUNG SINO KA SA BUHAY KO..KUNG KAIBIGAN BA KITA O HINDI.”

“Ganun. Well, ako lang naman ang.......”

“IGO!!!” Sigaw ng ama ni Indigo. Humarap si Indigo sa ama.

“Dad, please h’wag kayong makialam dito..” Sagot ni Igo.

Agad lumapit ang ina ni Indigo kay Lilac at nilayo si Lilac sa mag-ama.

Agad sinunggaban ni Mr. Salazar ang anak. Hinawakan ang kuwelyo ni Indigo.

“This is enough. H’wag mo nang ipaalala sa kanya ang mga bagay na ‘yon. Tapos na ang lahat.”

“ She has the right to know that I’M HER EX-HUSBAND..” - Indigo

“Bakit gusto mo rin ba malaman n’ya ; NA SINAKTAN MO ANG DAMDAMIN N'YA?”

Hindi nakapagsalita si Indigo.

“Tita, mabuti pa siguro umuwi na lang po ako. Sumasakit kasi ang ulo ko.” Pagsisinungaling ni Lilac. Gusto n’yang iwasan si Indigo.

Muling pinahatid si Lilac sa kanilang pamamahay.

Nang dumating si Lilac agad n’yang tinawagan si GABRIEL.

“Gab, gusto kong malaman kung sino si INDIGO SALAZAR. Anong koneksyon n’ya sa akin? Wala akong naaalala tungkol sa kanya.”

( Okay, I will tell you soon. )

“Hindi ko alam itong nararamdaman ko sa lalakig ‘yon. Tila may malalim kaming koneksyon sa isat isa..hindi ko lang matandaan.”

( H’wag mong bigyan ng stress ang sarili mo..stay calm. )

“Mabuti pa nga. ”

Pero hindi mapagkaila ni Lilac ang biglang pagkaba ng kanyang dibdib..

“Sino ba talaga ang lalaking ‘yon sa buhay ko?” - Lilac.

 --------------------------------------------------------------

an : WALANG THRILL MUNA..BUKAS ABANGAN!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 43.9K 56
Darren William isang billionaire na secretly married sa isang anak mahirap and worst She's not his type lalo na sa estado ng buhay nito. He hates stu...
373K 5.3K 23
Si Rie Salvador ay isang manhater ngunit isang araw nakilala niya si Niccolo Tiamzon na ubod ng kulit at mabait pero badboy ito. Ano kaya ang mangyay...
684K 24.5K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...