JTWUR - Chap. 10

6.3K 196 13
                                    

Chap. 10

Naramdaman ni Gabby na gumalaw ang kama..Nakadama s'ya ng malamig na hangin. Saka lamang s'ya nagising..bukas ang pinto ng balkonahe ng kanyang silid. Napilitang tumayo si Gabby at lumabas..tumingin s'ya sa ibaba ng building..nakita n'ya ang isang paalis na kotse.

Muli s'yang pumasok sa loob ng silid. At muling nahiga, kinuha n'ya ang unan sa kanyang tabi ngunit...NAAMOY N'YA ANG ISANG PABANGO...Pabango ng isang lalaki.

Agad nabitawan ni Gabby ang unan..

" May pumasok dito sa silid ko."

Lumabas si Gabby at hinanap ang kanyang katulong. Nakita n'ya sa silid nito na natutulog ng mahimbing.

Hindi na muling dinalaw ng antok si Gabby..ayaw n'ya nang matulog..inisip n'ya marahil nasa paligid lamang n'ya ang taong gumahasa sa kanya at sinusundan s'ya.

----------------------------------------

Maagang lumabas si Gabby sa kanyang silid. Sa labas pa lamang s'ya ng hallway nakiramdam na si Gabby. Minabuti n'yang pumunta sa monitoring room ng Condominium.

" Good Morning, gusto ko sanang makita ang video ng 5thfloor simula 9:00 P.M. - 1: 00 A.M."

"Yes, Ma'am. Please wait a moment."

Sinimulang hanapin ang video..

Pinanuod ni Gabby ang nakuhang video.

Ngunit sa oras ng 9:00 P.M. biglang nagloko ang video ng ilang minuto at muling naayos..hanggang muling sumapit ang 1:00 A.M biglang dumilim ang screen. WALANG MAY NAKITANG KUHA ANG CCTV.

Hindi makapaniwala si Gabby. Napatingin s'ya sa mga taong nasa loob ng monitoring room. Kung anu-ano ang naglalaro sa isip ni Gabby sa mga sandaling 'yon.

"Ibig sabihin nito..nandito sa Pilipinas ang lalaking gumahasa sa akin..SINUSUNDAN N'YA AKO. "

Pinili ni Gabby ang tumahimik na lang.

Buong araw, halos hindi maipinta ang mukha ni Gabby..hindi n'ya alam kung panaginip parin ba ang naramdaman n'ya kagabi..nagulat na lamang s'ya ng biglang dumating si Anthony..

"Hey, Gab. Bakit ganun ang mukha mo?" Nakangiti pa si Anthony habang lumalapit kay Gabby.

"Anthony, saan ka pumunta kagabi matapos mo akong ihatid?"

"Umuwi. Natural, saan pa ako pupunta? Tsaka, aalis ako mamaya papunta sa Excavation Site namin. Medyo malayo ang biyahe ko." Napansin naman ni Gabby na natural lamang ang sagot ni Anthony sa kanya.

"Meron bang problema?" - Anthony.

Umiling si Gabby.

"Anthony halika ka nga dito...gusto kitang amuyin." -Gabby

"Ano? Anong trip mo?" - Anthony

"Halika ka nga dito." Sabay hila ni Gabby at inamoy si Anthony.

Iba ang pabango na gamit ni Anthony.

"Ilang pabango ang meron ka?"

"What? I only use one. Hey, what's wrong with you? You're acting weird."

"Anthony, please be honest. Ayaw kong magkasakitan tayo."

"Gabby, ano na naman bang nangyayari sa 'yo?"

"May nakapasok sa loob ng silid ko kagabi."

"So, iniisip mo ako ang pumasok ganun? Gabby, nasa 5thfloor ka. At hindi ko alam ang secret number ng doorknob mo. Maliban na lang kung may ibang taong nakakaalam nito."

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon