FINAL ( PART 1 )

9.3K 287 5
                                    

FINAL Part 1

AN : Rush ito..walang edit..pasensya na...

EDWARDO'S POV

Mabuti nalang at may bagong pinatayong Beach Resort and Casino ang Tiyahin ni Gabby. 'Yon agad ang naisipang gawing venue para sa okasyon. Sana magtagumpay ang plano ni Lilac.

GABBY'S POV

Sisiguraduhin kong hindi makakaalpas si Vanessa sa mga gagawin namin ni Lilac. AT KAHIT SI INDIGO HINDI S'YA MAISASALBA.

VANESSA'S POV

Nagtataka ako kung bakit wala man lang nababalitaan tungkol kay Lilac. Lahat ay tila normal. Maging si Indigo ay tila wala paring alam. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko hindi lang iisa ang kalaban ko..Bakit ganun? Patay na si Gabby Montreal..at si Lilac malamang papuntang impyerno na rin..ngunit bakit tila may nagmamasid parin sa paligid ko.

---------------------------

Sa Hacienda Montreal..

"'Nay Alicia, kayo po ni Tatay Minong ang magbabantay kay Lilac bukas ng gabi. May pupuntahan kami ni Edwardo. 'Yong mga bata isasama namin."

-Gabby

"Gabby, sigurado ba kayo sa gagawin ninyo? Aba'y ako ang natatakot sa mga binabalak ninyo. Dios ko, bakit hindi na lang ninyo agad isumbong sa mga pulis? Para matapos ang lahat. Nandyan naman ang mga media.."

-Mang Minong

"'Tay 'yon ang tinatawag na SUSPENSE..SINUSURPRESA NGA N'YA KAMI NI LILAC EH. PWES, BIBIGYAN DIN NAMIN S'YA NG SURPRESA..TIGNAN NATIN KONG SAAN S'YA TATAKBO."

-Gabby

Pumunta si Gabby sa isang tokador, binuksan n'ya ang drawer at kinuha ang isang caliber 45. Sinuring maigi ang baril.

"Hindi laro ang mga nangyayari ngayon Gabby. Nilalagay ninyo sa inyong mga kamay ang batas."

-Mang Minong

"Si Vanessa ang nagtulak sa amin ni Lilac ang lumaban..sinira n'ya ang buhay ng bawat isa sa amin. Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito..KAILAN MAN HINDI MAALIS SA ISIPAN KO ANG HALOS LUMIPAD SI KUYA SA DAAN NG ILANG METRO..NG DAHIL LANG SA ISANG BOTE NA TINAPON NI VANESSA.

at si LILAC..MABUBULAG NG DAHIL SA KANYA."

Nanlilisik ang mga mata ni Gabby habang nilalagyan ng bala ang baril.

-----------------------------

Kinabukasan, walang pasok sa kompanyan ni Indigo. Sa labas ng gusali ay dumating ang ilang Shuttle Bus galing Santa Catalina.

3:00pm

Lulan ng mga malalaking SHUTTLE BUS ang mga empleyado ng kompanya ni Indigo. Hindi makapaniwala si Indigo at tila pinaghandaan ng may-ari ng resort ang okasyon.

"Wow, free tayo sa transportation..tapos free pa ang kain..mag-iienjoy pa tayo doon. Luv it!"

"'Yon nga lang hindi tayo makapa-over night doon. Ayaw yata ni Sir."

"Whatever! Basta makarating tayo doon. Sa tingin ko exclusive ang party na gaganapin. Pero alam mo, misteryoso ang mga nangyayari ngayon.."

"Shhhhhh...h'wag kayong maingay..may nakikita akong ilang media doon sa kabilang Shuttle Bus. Ano kaya 'yon?"

Mabilis ang takbo ng mga Shuttle Bus..umabot ng 3 oras ang biyahe.

Natigil ang usapan ng mga empleyado nang marinig nilang..

"LADIES AND GENTLEMEN..WELCOME TO OCEANUS RESORT."

"Excuse me po, pag-aari po ba ni EDWARDO CARLOS SEBASTIAN ANG RESORT NA 'TO?" Tanong ng isang empleyado.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon