Chap. 17

9.1K 271 4
                                    

Chap. 17

Pagkaraan ng ilang araw; habang masayang nag-uusap sina Lilac at ang kanyang mga magulang..nakatanggap ng tawag si Lilac mula kay Gabriel.

“Hello, Gabby. How are you?”

( Hello rin sa ‘yo. Kumusta ang mga tao d’yan? Ikaw kumusta na?)

“ So far I’m okay. Kahit papano dahan dahan kong naaalala ang mga bagay bagay ng paunti unti. O meron namang impormasyon tungkol kay Indigo Salazar?”

( Lilac, I found something..and this is crazy! )

“Tell me....”

( I don’t know if you’ll be happy...)

“Stupid! Tell me please...”

( Lilac, nakapagtanong ako sa mga dating kakilala ni Kuya..INDIGO SALAZAR WAS YOUR EX-HUSBAND )

“My...what?!”

( Oo, kinasal ka sa kanya; pero pinawalang bisa ninyo ang inyong kasal apat na taon na ang nakaraan. Bago ka pa man naaksidente. )

“Sa anong dahilan bakit kami nagkahiwalay?”

( ‘Yan ang hindi ko alam. Walang nakapagsabi sa amin kung bakit tinapos ninyo ang inyong pagsasama. )

Sa hindi malamang dahilan napaluha si Lilac. Hindi rin n’ya alam kung bakit...

( Lilac, makinig ka; mabuti pang magtanong ka tungkol kay Indigo sa mga dati mong kaibigan. Baka maipaliwanag nila sa ’yo kung bakit. )

“Okay.”

( Lilac, alamin mo ang nakaraan mo..malay natin kung magkoneksyon ito kay Vanessa. )

“Tama ka.”

Habang nag-uusap sina Lilac at Gabby; naiintriga naman ang kanyang mga magulang.

“Sino kaya ang tumatawag na ‘yon? Tila lumiliwanag ang mga mata ni Lilac kanina.”

“Mmmm..tanungin natin. Narinig mo naman GABBY ‘yong binanggit n’ya kanina.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon