Chap. 32

8.1K 262 23
                                    

Chap. 32

Nang umalis si Dr. Crusso, agad lumapit ang tatlo.

“Good Morning. Mabuti naman at maaga kayong dumating. Wala pang ibang pasyente  na dumating.”

“Albert, sino ang doktor na ‘yon?” Agad na tinanong ni Edwardo.

“Ahh..si Vince Crusso. Doon s’ya sa kabilang hospital pumapasok.”

Muling nagkatinginan ang tatlo.

“Lilac, halika ka na sa loob para matignan na kita.” Niyaya ni Albert si Lilac.

Muling naiwan ang dalawa.

“Ed, tanungin mo si ALbert kung saang hospital pumapasok si Dr. Crusso.”

“Okay. Magtatanong ako.”

Habang hinihintay nilang dalawa si Lilac; sa isip ni Edwardo sana muling dalawin ng antok si Gabby.

“Haaaaaammmm...” Napansin ni Edwardo ang paghikab ni Gabby. Napapangiti na naman siya ng palihim.

Minsan pa muling magkatabi sila sa upuan. Panaka nakang sinusulyapan ni Edwardo si Gabby kung natutulog. Pero parang matibay ang mga mata ni Gabby at nanatiling gising. Nais ni Edwardo na maulit muling mahawakan n’ya ang kamay ni Gabby.

Pinikit ni Edwardo ang kanyang mga mata..Alam naman n’yang wala s’yang magagawa kapag gising si Gabby..Habang si Gabby naman ay nilalaro nito ang susi sa kanyang daliri..

Sa kakalaro ni Gabby ng susi tumilapon ang susi sa gilid ni Edwardo. Wala sa isip ni Gabby at inabot ang susi. Hindi man lang n’ya naisip na napakalapit ng kanyang mukha kay Edwardo.

Biglang gumalaw si Edwardo..nagkasabay na aabutin na sana ni Gabby ang susi nang...humarap ang mukha ni Gabby sa mukha ni Edwardo at...

NAGLAPAT ANG KANILANG LABI sa di inaasahan...

Napadilat si Edwardo..at maging si Gabby...

“Shit!” Biglang natulak ni Gabby si Edwardo. Tinakpan ni Gabby ang bibig at agad tumakbo papuntang restroom.

Hindi agad nakakilos si Edwardo..Hindi rin n’ya alam anong gagawin...Sinundan n’ya si Gabby sa restroom..

“Gab, I’m sorry...hindi ko sinasadya..” Ang sabi ni Edwardo habang nakatayo sa labas ng restroom.

Hindi umiimik si Gabby..nasa loob s’ya ng toilet cubicle at nakaupo sa inodoro. Pinipikit n’ya ang kanyang mga mata at kagat labi ang ginagawa. Gusto n'yang suntokin si Edwardo ngunit di n'ya magawa.

“Gab...” Muling tawag ni Edwardo.

Biglang lumabas si Gabby sa restroom at...

“Ayaw ko nang maulit pa ‘yon, Edwardo. At ayaw kong bigyan mo nang kahulugan ang bagay na ’yon!” Naniningkit ang mga mata ni Gabby.

Bumalik si Gabby sa upuan..lumabas naman si Lilac.

“Gabby, buntis na nga ako...naririnig ko ang hearbeat kanina..and guess what..I HAVE TWINS.”

Masayang binalita ni Lilac. Napawi naman ang inis ni Gabby sa nangyari matapos marinig ang balita.

Napayakap ang dalawa.

Samantalang nakatayo si Edwardo at tinatanaw ang dalawa.

“Gab, kahit sampalin mo ako ng ilang beses..THIS DAY IS SO SPECIAL..CAUSE I KISSED YOU FOR THE FIRST TIME.” Napapangiti si Edwardo hanggang tenga.

Lihim na pinuntahan ng 3 ang hospital na pinapasukan ni Dr. Crusso.

“Makakakuha kaya tayo ng mapag-utusan d’yan sa loob?” Tanong ni Lilac.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon