Chap. 26

7.7K 267 11
                                    

Chap. 26

FOCUS muna tayo kina Gabby Vs. Vanessa. Para dumami ang kanilang eksena.

Sa Hacienda Montreal..

Nagkaroon ng pag-uusap sina Mang Minong, Edwardo at 2 taga-bantay sa Hacienda.

“Simula sa araw na ito..dalawang telepono lamang ang gagamitin ng mga tauhan. Lagi ninyong pagtuunan ng pansin ang tatlong dating tauhan ng mga Andremante; lalo na si Gido. Bawat tawag na matatanggap nila mula sa labas ng Hacienda pakikinggan ninyo at irerecord.”

Tumango ang 2 bantay at si Mang Minong.

“Sa oras, may narinig kayong masamang pakay ang tatlo agad ninyong ipaalam sa mga guardia na h’wag hayaang makatakas sila. Maging alerto ang lahat ng guardia.”

Dagdag ni Edwardo.

“Gabby..Edwardo ano na bang nangyayari?” Gustong malaman ni Mang Minong kung bakit biglang naging mahigpit muli si Gabby sa mga tauhan.

“Naniniguro lang ho ako. At para kay Lilac.” - Gabby

Mismong araw na ‘yon, muling umalis si Gabby. Habang nasa biyahe naisipan n’yang dumaan sa lugar na kung saan ang pinangyarihan ng aksidente ni Lilac.

Bumaba s’ya doon at muling nilibot ang lugar. Sa kanyang paglilibot nakapulot s’ya ng isang calling card..Calling card ni Carmen. Sinubukan n’yang tawagan ang contact number na nakasaad .

“Hi, Carmen.”

( Sino ‘to? )

“Gabby Montreal”

(Hello, kumusta? )

“Okay lang. Carmen, di ba’t kilala mo si Vanessa Andremante?”

(Oo, live-in partner ni Indigo...and soon to be Mrs. Salazar. Gabby, kumusta na si Lilac? Matagal kasing hindi namin s’ya nadalaw. Busy kami sa mga trabaho, eh. )

“Ahhh...Ganun parin may Amnesia.”

( Naku, naaawa na kami sa kanya. Gabby, tulongan mo naman si Lilac na makalimutan n’ya si Igo..)

“Mmmmm..yeah, I’ll try. By the way, alam mo ba kung saan nagtatrabaho si Vanessa?”

(Yeah, sa Jewerly Shop ng kamag-anak nila. )

“Pakibigay naman sa akin kung saan ‘yon?”

( Yeah. Sure )

Nang makuha ni Gabby ang address; nagmamadaling s’yang umalis.

“EMERALD JEWERLY SHOP....”

Pumasok si Gabby sa loob ng tindahan. Lumapit s’ya sa isang salesclerk.

“Excuse me, meron ba kayong DE BEERS diamond ring dito?” Tanong ni Gabby.

“Yes, Sir. Pero kailangan ninyong makausap ang aming Manager para maipakita ang DE BEERS rings collection namin.” Sagot ng tindera.

Ilang sandali lumabas si Vanessa at isang babae.

Napaatras si Vanessa nang makita si Gabby.

“Gabby? Gabby Montreal.” Tawag ng babaeng kasama ni Vanessa.

“Hi. ” Lumapit si Gabby at nakipagbeso- beso sa babae.

“Wow, you really change. Anong masamang hangin at napadalaw ka dito sa Jewerly Shop ko?” Tanong ng babae na tila matagal na silang magkakilala ni Gabby.

“Ikaw pala ang may-ari ng Shop na ‘to. Napadalaw ako dahil gusto kong makita at bibili ng DE BEERS diamond ring.”

“For engagement? Wedding or....”

A PIECE OF YOUWhere stories live. Discover now