Chap. 28

8K 257 7
                                    

PART ONE

Pagkaraan ng ilang araw, pakiramdam ni Vanessa ay nabawasan ang tinik sa kanyang dibdib. Kahit papano ay naiisip parin n’ya si Gabby.

“ Sa tingin ko; malinis ang pangyayari. Wala naman akong nakitang may kasama si Gabby ng araw na ‘yon. Alam kong nag-iisa s’ya. Akala n’ya kasi napakahina ko. Huh! Nagkakamali s’ya. Sigurado, bumabaho na ang katawan n’ya ngayon sa lugar na ‘yon.”

Nakatanggap si Vanessa ng mensahe galing sa doktor. Kailangan n’yang pumunta sa hospital at muling magpapatingin sa kanyang sakit. Lahat ng gamot na nireseta ng doktor ay lihim na tinatago ni Vanessa sa likod ng medicine cabinet.

Nagmadaling umalis si Vanessa at tinungo ang hospital. Nagawa na rin ni Vanessa na palitan n’ya ang kanyang doktor. At napili n’ya ay ang doktor na babayaran n’ya ng 2 million.

“ Ms. Andremante, you need to decide now. Kailangan mong maoperahan sa madaling panahon. Kung hindi lalala ang inyong kalagayan.”

Sabi ng doktor ka Vanessa.

“Bigyan mo ako ng gamot na pwedeng pigilan pansamantala ang paglaki at pagkalat nito.”

“Hindi. Tanging operasyon na lang ang sagot para d’yan. Kung hindi mapapasama ang kalagayan n’yo.”

Naging magulo ang isip ni Vanessa. Kailangan n’ya na talagang pilitin si Indigo.

“Okay. By the way, heto ang kalahati ng bayad ko sa ‘yo. Nagbago ang isip ko..Babayaran kita ng buo pagkatapos ng operasyon.”

Hindi na nakapagreklamo ang doktor kundi tinanggap na lang ang bayad.

------------------------------------

Maagang dumating si Gabby sa pamamahay nina Lilac. Inabutan ni Gabby ang mga magulang ni Lilac na nag-aalmusal.

“Good Morning po Tito..Tita. ”

“O Gabby, maaga ka yata ngayon. May lalakaran ba kayo ni Lilac?” Tanong ng ama ni Lilac.

“Opo. Medyo malayo po ang pupuntahan namin ngayon. H’wag kayong mag-alala iuuwi ko po si Lilac kaagad.”

“Well, I think my daugther is safe with you. Okay, papayagan ko s’yang lumabas dito kasama mo.” Ngumiti ang ama ni Lilac.

“Good Morning Gabby.” Napalingon naman sina Gabby nang bumaba si Lilac sa hagdanan.

“Masaya yata ang Prinsesa ko ngayon.” -Mr. Villaviste

“Of course, mamasyal kami ni Gabby.” Agad hinawakan ni Lilac ang kamay ni Gabby.

“Bueno, kumain muna kayo ng almusal bago umalis.” Sabi ng ina ni Lilac.

------------------------------------------

Matapos magpaalam sina Lilac sa kanyang mga magulang, agad silang sumakay sa naghihintay na Van. Pumunta sina Lilac sa isang Domestic Airport na kung saan may naghihintay na isang Helicopter. Sumakay sina Lilac.

Dinala si Lilac ni Gabby sa isang Isla na pag-aari ng pamilya Montreal...ang ISLA DE MONTREAL. Na kung tutuusin pagitan lamang ng 3 isla; sa Isla na pag-aari ng pamilya nina Indigo.

“Wow, Gab! Ang ganda dito. Alam mo, naaalala ko tuloy ang isla nina Indigo. Dinala na rin n’ya ako doon eh. Magkatulad ang paligid. I love this place!”

“Ganun. Hindi nga ako pumupunta dito eh. Sa totoo lang, dito malimit pumunta si Kuya Galvin noon. Kapag gusto n’yang mapag-isa.”

“Sorry Gab, wala akong maalala tungkol kay Galvin eh. Siguro maaalala kong muli pero matatagalan pa.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon