Chap. 7

9.7K 274 52
                                    

Chap. 7

Sa pamamahay ng mga magulang ni Lilac..

“Hindi pa umuuwi si Lilac. Katatawag ko lang sa kanyang condo. Ang sabi ng katulong kanina pa umalis ng bahay dahil pumunta ng International Airport. Umalis kaninang umaga si Indigo papuntang abroad..”

Sumbong ng ina ni Lilac sa ama nito.

“Mabuti pang tawagan natin si Carmen. Ang sabi ng katulong kanina hinanap daw nila ni Glo si Lilac kanina at hinabol sa airport. Baka magkasama sila.” Dagdag ng ina nito.

Agad tinawagan ng ama ni Lilac si Carmen.

Carmen, kasama ba ninyo si Lilac?

( Hello, Tito. Ano po wala parin si Lilac?Hindi ho namin s’ya kasama eh. )

Hindi n’yo s’ya kasama?

( Opo. Umalis ho s’yang bigla kanina. Iniwan n’ya ho kami. Sabi n’ya gusto n’yang mapag-isa. Wala naman ho s’yang sinabi kung saan pupunta.)

For Pete’s Sake! Saan s’ya pumunta?

( Tito, mabuti pa tumawag tayo ng pulis. Kailangan maireport ho natin. Baka ano pong nangyari kay Lilac. Tito, kinakabahan tuloy ako. )

Tawagan mo ang ibang mga kaibigan at kakilala n’yo. Baka sakaling nakita nila si Lilac.

( Opo, tito. )

Nagsimula nang mag-alala ng husto ang mag-asawa. Tinawagan ng ina ni Lilac ang mga magulang ni Indigo.

Maging ang mga magulang ni Indigo ay nakadama ng pangamba dahil sa balita.

Hindi na sila nagdalawang isip tumawag sila sa Pulisya.

INDIGO’S POV

Pupunta kami ng France ni Vanessa. Pero hindi kami doon mamalagi. Pupunta kami sa Spain. Doon hindi ako masusundan nina Daddy at Mommy. I don’t care what lies ahead. I want to handle myself without them.

Vanessa and I will be okay. Matatanggap din ng mga magulang ko si Vanessa balang araw.

VANESSA’S POV

Finally, nasa kamay ko na rin si Indigo. Iniisip ko na ngayon ang mga nangyari kay Lilac. Poor girl, ako pa ang nakaharap n’ya..lahat ng humahadlang sa kagustuhan ko ay pinapaligpit ko..Dahan dahan kong paiikutin si Indigo sa aking mga palad hanggang makuha ko ang gusto ko sa kanya. KASAL ANG KAKAILANGANIN KO kay Indigo para mahawakan ko s’ya ng husto.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon