Chap. 2

13.4K 303 12
                                    

Nakapikit ang mga mata ni Lilac..ramdam n’ya ang malakas na pagpintig ng kanyang puso. Ang paghabol n’ya sa kanyang hininga..ang masakit at kumikirot na kanyang pagkababae. Ngunit ano pa man ‘yon..naibsan ang sakit na nararamdaman n’ya. Kahit maiksi na sandali..kahit sa huli nagawa n’yang ngumiti..kahit kunwari at hindi totoo ang lahat inisip na lamang n’ya na may pagtingin sa kanya si Igo.

Lumipas ang ilang oras..dumilat ang mga mata ni Lilac. Parehong hubad sila ni Igo.

Mahimbing parin natutulog si Igo..ayaw man n’yang bumangon..gustuhin man n’yang manatili sa tabi ni Igo ngunit hindi maari..kaya bumangon s’ya at nagbihis.

Nang matapos n’yang magbihis nakita n’ya sa side table ang larawan nilang dalawa. Kinuha n’ya ito at inilagay sa kanyang bag. Lumapit s’ya kay Igo..minsan pa lumandas ang luha sa kanyang mga mata..

“Igo...aalis na ako...salamat....” Hinagkan ni Lilac ang noo ni Igo. Pumatak ang luha ni Lilac sa pisngi ni Igo.

Agad tumalikod si Lilac at lumabas sa kanyang silid.

Baghayang dumilat ang mga mata ni Igo..nakita n’ya ang paglabas ni Lilac sa pinto..Agad s’yang bumangon at dumungaw sa bintana. Nakita n’yang lumingon si Lilac sa kanilang bahay bago umalis.

------------------------------------------

Nagmamaneho si Lilac, hindi parin n’ya mapigilan ang hindi mapaluha..hininto n’ya muna ang kotse sa gilid ng daan at doon muling umiyak.

“Igo...hindi ko alam kung anong gagawin ko para malimutan ang lahat ng ito..Sana itinuro mo sa akin kung anong dapat kong gawin, sa oras na wala ka na sa akin..kasalan ko ba ang mahalin ka ng ganito?”

 

Ilang sandali lang muling nagmaneho si Lilac. Umuwi s’ya sa kanyang condo unit.

Pagbaba pa lamang n’ya sa kanyang kotse ay sinalubong na s’ya ng kanyang 2 matalik na mga kaibigan..sina Glo at Franzy.

“Girl, kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin lumundag ka na sa tulay! Ninerbyos na kami dito. Muntik na kaming tumawag sa police at ambulansya. Thank God, you’re here.” Sabay takbo ng dalawa at niyakap si Lilac.

Nang magyakapan ang tatlo..hindi mapigilan ni Lilac ang humagulgol.

“Girl, tama na. Makamove –on ka rin. Isipin mo na lang nasa abroad s’ya. Ganun lang ang drama.”

Bulong ni Franzy.

“Hush girl, this is just the beginning..it’s not the end. H’wag kang paapekto. Marami nga d’yan mas malala sa sitwasyon mo. Kaya mo ‘yan!”

Glo

Agad inalalayan ng dalawa si Lilac na pumasok sa kanyang unit. Dumating naman ang dalawang katulong at inakyat ang mga dalang gamit nito.

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon