Under my spell

De tintininintin888

1.2M 27.6K 2.4K

Ano nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay gina... Mai multe

Under my spell
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Author's Note
Ang Lovestory ng Slow na Parrot
Special Chapter

Chapter 36

24.4K 599 100
De tintininintin888

A/N: Kk, UMS muna, later na o tomorrow na yung FFMMM. Kailangang bongga yung update don eh. malapit na kasing matapos. mga 3 or 4 na chapters na lang yung natitira don eh.

I love you guys! Enjoy!

===================================================================

KLARISSE'S POV:

"Matapos mo kong saktan kanina, magpapatulong ka ngayong magluto! Ibang klase ka rin eh no Klarisse!" inis na inis na sabi sakin ni Maybelle.

Nandito kami ngayon sa kusina, matapos ko syang poksahin kanina at muntik nang ihulog sa bintana, nagpatulong ako sa kanyang magluto para sa dinner mamaya. Diba nga ininvite ko si Justine at si Jordan.

"Kasalanan mo naman kung bakit ka nasaktan diba?"

"Nagsuggest lang ako" pangangatwiran nito.

"Hindi ka nagsuggest. Dinumihan mo yung malinis kong pag-iisip"

"Kelan ba naging malinis yang isip mo? Puro kasamaan naman yung laman nya."

"Sayo lang parrot!"

"Sus sakin lang daw, kay JT ganyan ka din kasadista eh. Ikaw din, pag nagsawa yun sa pananakit mo, baka bumalik yun kay---"

Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya dahil hinawakan ko bigla yung kutsilyo.

"May sinasabi ka parrot?"

Sinamaan lang nya ko ng tingin at nagpatuloy na sa ginagawa nya.

Hay nako, kahit kelan, hinding-hindi ko babaguhin yung sarili ko para lang sa isang tao, kung minahal nya ko nang ganito na yung ugali ko, pwes magdusa sya dahil hanggang huli, ganito ako. Hindi ako tulad ng ibang babae dyan na pag sinabi ng jowa na gawin to o gawin yan, eh sunud-sunuran agad. Ibahin nyo ko mga tol! Dehins to nagpapaagrabyado sa jowa.

"Nasabi mo na ba kay Tita?" tanong nya ulit sakin.

Umiling naman ako. Papano ko masasabi eh nasa bakeshop pa yung nanay ko. Tapos iniwan pa yung phone nya dito sa bahay. Galing din ng nanay ko eh no? Nagcellphone pa, iiwan din naman sa bahay.

"Sigurado ka na bang sasabihin mo na yung tungkol sa inyo ni JT?"

Tumango-tango naman ako.

"Ayokong sa iba pa malaman ni Mama, baka lalo pa kaming hindi matanggap non."

"Sabagay."

"Pero kinakabahan pa rin ako eh. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ni Mama. Ang hirap kasi nyang tantyahin eh"

"Ang alam ko, bet na bet ni Tita si Jordan para sayo"

"Yun na nga eh tapos mamaya si Justine yung ipapakilala ko. Ang awkward lang eh."

"Hmm, pero feeling ko naman magugustuhan ni Tita si JT. Close din naman sila diba? Diba nakwento pa sayo ni JT non na niyakap sya ni Tita noon"

"Oo, nung napilit ako ni Justine na lumabas. Nung time na nagluluksa ako dahil na-friendzone ako ni Jordan"

"Yeah so tingin ko naman, matatanggap kayo ni Tita"

"Alam mo kung magdidilang-anghel ka, hinding-hindi na kita sasaktan" nakangiting sabi ko sa kanya.

Para namang biglang nagliwanag yung mukha nya at nagningning yung mga mata nya.

"Talaga Klang? Promise?"

Bigla naman akong tumawa nang malakas.

"Joke lang parrot. Maraming malulungkot kung hindi na kita sasaktan"

"Tsk, kala ko pa mandin seryoso ka na don"

"Asa ka naman. Ipagbabake na lang kita if ever magkatotoo yang sinabi mo"

"Ay Klang, gusto mo ba magpractice tayo kung papano mo sasabihin kay Tita yung relasyon nyo ni JT?"

"Wag na no! Nung huling nagpractice tayo, pumalpak. Ayoko namang habang nagsasalita akong mag-isa eh bigla akong marinig ni Mama."

Nasa kalagitnaan na kami ng pagluluto nang biglang dumating sila Jordan at Justine. Agad naman akong hi-nug ni ng girlfriend ko nang makita ako. Wow, ang clingy ni Ate. Kala mo naman ilang taon kaming hindi nagkita dahil sa higpit ng pagkakayakap nya.

"Hoy Justine! Bitaw nga! Ang OA mo, hindi ako makahinga." Kunwaring inis na sabi ko dito kahit kinikilig naman ako sa totoong buhay.

"Namiss lang kasi kita babe" nakangiting sabi nito.

Ang ganda talaga nya. Bakit ba humaling na humaling sakin tong babaeng to eh ang ganda-ganda naman nya. Para syang isang dyosang bumaba sa lupa at ako naman ay isang hamak na alipin lang pero ubod naman ng ganda. Chos!

"Miss mo mukha mo! Eh kagabi lang magkasama tayo!" mataray pa rin na pagkakasabi ko sa kanya.

Well, ganito naman talaga tayong mga babae eh, itinatago sa pagtataray yung totoong nararamdaman, kunwari hindi kinikilig pero deep inside naman, halos talunin na yung higad sa kakatihan. Bakit ba ang aarte nating mga babae? Mga pakipot, gusto lagi silang nilalambing ng mga jowa nila. Ang haharot!

"Eh, kagabi pa yun eh. Ang tagal-tagal na non eh"

Sukat don ay binatukan ko sya.

"Ang OA mo Justine. Ang clingy mo"

"Ang sadista mo talaga. Halika nga at gagantihan kita, pakiss nga!"  ang hinayupak, nakanguso pang mahiya mo kuhol habang papalapit sa akin.

Agad ko namang inihampas sa nguso nya yung sandok na hawak-hawak ko.

"Aray ko naman, mainit!" reklamo nito.

"Eh ang init mo kase. Ang manyak mo, bigla ka na lang manghahalik"

"Asus, kunwari ka pang ayaw mo. Ang pakipot mo talaga" sabi nito sabay yakap sakin. Ugh! Oo kinikilig ako pero nakakainis tong si Justine dahil basta-basta na lang nangyayapos.

"Ehem excuse me lang lovers ha, baka kasi nakakalimutan nyo na may mga kasama kayo dito" narinig naming sabi ni Jordan kaya bigla kong itinulak si Justine.

"Babe, papatayin mo ba ko?" naiiling na tanong nito. Muntik na kasi syang mapadali dun sa lamesa. Medyo napalakas kasi yung pagtulak ko.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya.

"Hindi ka man lang magsosorry sakin?"  tanong pa nya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. Bat ko kailangang magsorry? Siya naman may kasalanan diba? Ang clingy nya kasi masyado eh.

"Asa ka naman JT. HInding-hindi magsosorry yan. Masyadong mataas pride nyan eh. Kaya kung ako sayo. Habang maaga pa, hiwalayan mo na yan. Habang hindi pa nagkakalasog-lasog yang mga buto mo" natatawang sabi ni parrot.

Aba't etong parrot na to. Parang may galit talaga sa relasyon naming dalawa ni Justine. Kanina lang, kung anu-anong sinasabi tungkol kay Charity, tapos ngayon, sinisiraan pa ko. At ang walanghiya, harap-harapan pa ha!

"Hoy parrot! Umamin ka nga! May gusto ka ba dito kay Justine?" derechong tanong ko sa kanya.

Sukat don ay tumawa lang sya ng malakas.

"Tse! Pwede ba Klarisse, di ko bet yang jowakels mo no! Kung si DJ pa yan, pwede pa!" natatawang sabi nito.

"Eh kase, kanina mo pa kami pilit pinaghihiwalay!"

Nakatingin lang sila Jordan at Justine habang nagbubulyawan kaming magpinsan sa harapan nila. Hindi pa ba sila sanay?

"Kasi naman gusto ko lang iligtas sa kapahamakan si JT!" sabi pa ni parrot.

"Anong kapamahakan yung pinagsasasabi mo dyan? Palagay mo sakin criminal?!"

"Ay hindi ba Klang?"

"Oh, gusto mo ba ikaw yung maging unang biktima ko?" nanggigigil na tanong ko sa kanya.

Susugurin ko na si parrot pero bigla akong niyakap sa likod ni Justine. Owkayyyy. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanigas. Ramdam ko kasi yung tibok ng puso ni Justine habang nakayakap sakin. At halos nagrambulan lahat ng klaseng insekto sa tyan ko dahil sa pagkakayakap nya sakin.

"J-justine, bitaw" mahinang sabi ko. Nalulusaw yung puso ko.

"Ayoko, baka biglang mapatay mo si Maybelle, tapos makulong ka, tapos masilya-elektrika ka" bulong nya sakin.

Bigla naman akong nastress sa sinabi nya. Nawalang parang bula yung kilig na nararamdaman ko kanina. Talaga bang nakakahawa ngayon yung ka-OA-yan? Parang babatukan ko lang naman si Maybelle eh, pinagsasabi nyang silya elektrika? Saka uso pa ba sa Pilipinas yung silya elektrika? Anong panahon ba pinanganak tong Justine na to.

Agad akong humiwalay sa pagkakayakap nya sabay pitik sa ilong nya.

"Pinagsasabi mo dyan? Hindi ko papatayin si parrot no! Eh di nawalan ako ng laruan! Babatukan ko lang naman sana. Nahawa ka na sa ka-OA-yan nyang pinsan ko eh" naiiling na sabi ko kay Justine.

"Sus, chinansingan ka lang nyang si Justine, Klarisse" natatawang sabi naman ni Jordan.

"Ang manyak mo talaga kahit kelan!" inis na sabi ko kay Justine sabay hampas ng bongga dito.

"Babe naman! Magkapasa naman ako sa ginagawa mo. Alam mo namang kutis-artista ako!"

"Wala akong pakelam! Bwisit ka! Pagsasampalin pa kita dyan eh!"

"Wow, ang sweet mo naman talaga babe, ramdam na ramdam ko hanggang buto eh"

Ngumiti lang ako sa kanya. Ayoko nang makipagtalo. Kailangan ko nang matapos tong niluluto ko at mamaya ng onte, dadating na si Mama.

"Babe, magbabake ka ba para sakin?" lambing ni Justine.

"Yeah, magbabake ako ng brownies" pang-aasar ko sa kanya.

Bigla naman syang sumimangot. Parang alam ko na kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng to.

"YEHEY!" narinig ko namang sabi ni Jordan.

At dahil don, lalong napasimangot yung magandang babae sa tabi ko. Nagulat sya nang bigla ko syang hinalikan sa pisngi.

"Don't worry babe, tapos ko na kanina pa yung para sayo, ikaw pa? Eh alam mo namang mahal kita" sabi ko sa kanya sabay ngiti ng sobrang tamis.

Pagkatapos ay tumayo na ako at pinagpatuloy yung pagluluto. Si Justine? Ayun nakatulala pa rin hanggang ngayon habang hawak-hawak yung pisngi nya na hinalikan ko. Oh eh di natahimik ka din, nakakainis kasi eh, kanina pa ko ginugulo sa ginagawa ko.

Lumapit naman agad sakin si parrot at bumulong.

"Hala Klang, mukhang naengkanto yung girlfriend mo don o. Nakangiti lang habang hawak-hawak yung pisngi nya. Lakas talaga ng tama sayo no?"

"Eh sa ganda ko naman bang to, sinong hindi mahuhumaling?" pa-humble na sabi ko.

"Hala Klarisse, nahawa ka na rin sa kayabangan ni Justine?" natatawang tanong ni Jordan.

"Nah, sadyang mayabang lang talaga yang pinsan ko" sabi naman ni Maybelle.

"Bagay na bagay talaga kayo ng kapatid ko" sabi ni Jordan sabay akbay sakin.

Nakakatawa lang kase wala na yung dating kilig na nararamdaman ko para sa lalaking to. Samantalang noon, dalawang beses akong hinimatay sa tingin at ngiti pa lang nya. Tsk Klarisse, mahal na mahal mo na nga talaga si Justine. Hulog na hulog ka na sa dyosa.

"Ehem ehem" hala, nagising na yung dyosa sa pansamantalang pagkakatulog nya.

Naramdaman ko na lang na tinanggal nya yung pagkakaakbay ni Jordan at sya naman yung umakbay sakin. Ang possessive!

"Sakin na to Kuya. Wag mo nang hawakan, baka biglang himatayin na naman yan dahil sayo" sabi nya kay Jordan.

"Sabi ko naman sa inyo, may sakit lang si Klang non kaya hinimatay, hindi yun dahil kay Jordan" pang-aasar ni parrot.

"Pag hindi ka tumigil, isasama ko yang dila mo sa niluluto ko ngayon" sabi ko sa kanya.

"Sunget!!"

"Pwede ba, dun na nga kayong tatlo sa salas, hindi ako matapos-tapos dito dahil ang kukulit nyo! Tsupi! Tsupi!"

Pagtataboy ko sa kanila. Natatawa namang sumunod yung tatlo. Pero nagsalita muna si Maybelle bago tuluyang sumunod sa dalawa.

"Klang, alam mo ba yung kasabihan ng mga tsismosa?" tanong nito.

"Hindi ako tsismosa kaya wala akong alam dyan!"

"Ang sabi nila, kung sino daw yung wala, sya yung pag-uusapan ng iba. At since nandito ka, ikaw yung pag-uusapan namin!" sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.

"Subukan mo lang Maybelle" banta ko sa kanya.

"Hindi ako natatakot sayo!"

Babatuhin ko sana sya ng kamatis pero bigla itong sumigaw.

"Tita o, si Klarisse po, sasayangin yung kamatis! Ibabato po sakin" narinig kong sabi nito.

Bigla namang sumulpot si Mama at pinagalitan ako.

"Ikaw talagang bata ka! Ang mahal mahal ng mga bilihin ngayon tapos sasayangin mo pa. At ibabato mo pa sa pinsan mo." Sabi nito.

Ngiting-ngiti naman si parrot na nakatayo lang sa likod ni Mama. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tita o, ang sama po ng tingin sakin" paawa pang sabi ng bwisit na parrot.

"Klarissa ha!" sigaw sakin ni Mama. "Hala dun ka muna sa salas Maybelle at ientertain mo yung dalawang bisita natin." Baling nya dito.

Agad namang sumunod ang parrot na akala mo sobrang bait na bata.

"Bat hindi mo naman sinabi sakin na may bisita tayo? Sana nakapagdala ako ng cake na galing sa bakeshop" sabi sakin ni Mama.

"Ma, iniwan nyo po kasi yung phone nyo dito, papano ko naman po kayo kokontakin?"

"Ay kaya pala feeling ko may nakalimutan ako kanina. Akala ko nga nakalimutan kong magsuot ng bra eh"

"Ma!! Ang baboy mo!"

"O? ano namang baboy don?"

"Ma, wag ka na lang magsalita, magluto na lang tayo, medyo hindi po maganda yang lumalabas sa bibig nyo eh" natatawang sabi ko.

"Sus, ang conservative mo naman! Matanong ko nga pala, kayo na ba nyang si Jordan ha?" bulong nito sakin.

Sukat don ay bigla akong napaubo. Eto namang si Mama, hindi man lang nagpasintabi, derechong tanong agad.

"Ma, hindi po"

"O eh diba nanliligaw na sya sayo? Bakit pinatatagal mo pa?"

"Eh kasi po narealize ko na hindi po pala sya yung mahal ko, na crush ko lang talaga sya"

"Ah, kaya pala pinagtatapon mo na yung posters nya" tatango-tangong sabi nito.

"O-opo"

"Eh may pumalit na ba dyan kay Jordan sa puso mo?"

Tumingin ako ng derecho kay Mama. Kailangan na nyang malaman, kailangan ko nang sabihin sa kanya.

"Yes Ma" nakatungong sabi ko.

Bigla naman nyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Aba, ipakilala mo sakin yan anak at nang makilatis ko. Sayang, ok na ok na sakin si Jordan eh. Pero kung yung taong sinasabi mo talaga yung mahal mo, gora ako dyan!" nakangiting sabi ni Mama.

Napalunok muna ako bago nagsalita ulit.

"Ahm Ma, nandito po sya" mahinang sabi ko.

"Ha? Pakilakas Klarisse."

"Ma, nandito po sya. Dito po sya magdidinner" sabi ko ulit.

"Ah, so may hinihintay pa tayo bukod kay Justine at Jordan?" tanong nya.

Umiling naman ako sa kanya. Takang tumingin naman sya sakin.

"Sabi mo ipapakilala mo yung pumalit kay Jordan, eh si----"

Napapikit ako nang tumigil ito ng pagsasalita. Oh my gosh, eto na, sasampalin na nya ko. Naghintay ako ng ilang minuto bago nagmulat ulit. Nanlaki yung mata ko nang bigla itong ngumiti.

"Akala mo hindi ko alam?" nakangiting sabi nito.

"Ma?" okay, naguguluhan ako, mas nagulat ako sa reaction ni Mama. Ang akala ko sya yung magugulat sa sasabihin ko.

"Klarisse, sa lahat ng tao dito, ako yung pinakanakakakilala sayo. Matagal ko ng alam na nalilito ka kung sino dun sa magkapatid yung pipiliin mo. Lagi mo naman kasing kinakausap yung sarili mo eh" natatawang sabi nito.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi talaga ko makapagsalita ngayon.

"Tapos poster na lang ni Justine yung nasa kwarto mo so dun ko nalaman na nakapili ka na"

"H-hindi po kayo galit?"

"Bat naman ako magagalit? Klarisse, bata ka pa lang, alam ko nang lalaki kang tomboy!"

"Makatomboy ka naman Ma! Babae pa rin naman ako, nagmahal lang ng kapwa babae"

"O ano bang tawag don?"

"Dyosa Ma. Dyosa! At saka anong pinagsasabi mo na bata pa lang ako, alam mong magiging shiboli na ko?!"

"Aba, puro mga pinsan mong lalaki yung kalaro mo noon. At hindi ka nakikipaglaro ng Barbie kay Maybelle. Lagi mo pang pinupugutan ng ulo yung mga manika nung pinsan mo. Puro ka robot at teks!" naiiling na sabi nito.

"So ok lang po sa inyo na si Justine yung mahal ko?"

"Oo naman! Noon pa lang, napapansin ko nang mahal ka ng batang yan. Sobra syang mag-alala sayo. At alam kong aalagaan ka nya at hindi sasaktan"

Okay, hindi ako makamove-on sa sinabi ng nanay ko. Sya na talaga! The best sya.

"Mahal kita Klarisse, at kahit sino pa man yung mahalin mo, kahit alien pa, maligno, o engkanto yan, tatanggapin ko" sabi pa nya.

Okay na sana eh. Sweet na sana kaso bigla pa nya kong binanatan ng engkanto at maligno eh, anong palagay sakin ng nanay ko, lapitin ng mga ganon? Nakakaloka!

"O, hindi mo man lang ba ko kakayakapin?" nakangiting tanong nya.

Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit.

"Thanks Ma! Mahal na mahal kita! The best nanay in the world ka talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Yes! Wala na kaming problema ni Justine kay Mama!

"Ma, pwede po bang magrequest?"

"Oo naman, ano yun?"

Binulong ko naman sa kanya yung request ko. Napangiti naman sya nang marinig ito.

"Ok, got it!" ay taray ng nanay ko, English o! "O sya, tawagin mo na yung tatlo para makakain na tayo"

Agad naman akong sumunod sa kanya. Tinawag ko yung tatlong mukhang ako nga yung pinag-uusapan. Ganyanan pala yung gusto nyo ha!

Tahimik lang kami habang kumakain. Napatingin sila saking lahat nang bigla akong tumikhim.

Agad namang hinawakan ni Justine yung kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"M-ma, may sasabihin po sana ako sa inyo" mahinang sabi ko.

"Ano yun?" tanong naman ni Mama.

"Ma, may ano po, may---"

"May boyfriend ka na?"

Nakita ko naman na nagkatinginan yung tatlo.

"P-parang ganun na nga po"

Ngumiti naman si Mama.

"Si Jordan ba?" tanong nya.

Naramdaman ko naman na humigpit yung pagkakahawak ni Justine sa kamay ko. In fairness masakit!

"Ma?"

"Kase kung si Jordan yan, botong-boto ako sa batang yan, mabait, gwapo, masipag, at mahal mo" sabi pa ni Mama.

Napansin kong umilap yung tingin nung tatlo. Kung alam lang nila kung gaano ko pinipigilan yung sarili ko na mapatawa sa mga reaksyon nila.

"Ma, hindi po kasi si Jordan" sabi ko pa.

Takang tumingin naman sakin si Mama. Taray ng nanay ko pang best actress ang acting!

"Ma, s-si Justine po, girlfriend ko" mahinang sabi ko pa sa kanya.

Napalunok-lunok naman si Justine habang nakatingin kay Mama. Namumutla na sya. Halatang takot na takot lalo na nung galit na tumayo si Mama.

"Anong sabi mo?!!" malakas na tanong nito.

Nakita ko namang napapitlag yung tatlo sa kinauupuan nila. At si Justine, feeling ko, maiihi na sa sobrang takot.

"Ma, mahal ko po si Justine" seryosong sabi ko.

"Naloloko ka na ba?!! Anong pinagsasabi nyo?! Pareho kayong babae!!" galit na sabi pa ni Mama. WOW as in WOW! Ang astig ng nanay ko!

"P-pero nagmamahalan po kami" narinig kong sabi ni Justine. Halatang kinakabahan sya pero matapang syang lumapit sa Mama ko.

"Nagmamahalan? Naguguluhan lang kayo!" sabi pa ni Mama.

"Hindi po Tita, mahal na mahal ko po talaga yung anak nyo."

Umiling-iling lang si Mama.

"Hindi ako makakapayag sa kalokohang to! Lumayas kayo dito! At isama mo na yang si Klarisse!!" mas lalong lumakas yung boses ni Mama at hinampas pa nya ng kamay nya yung mesa.

Umiiyak na rin si Mama kaya agad syang nilapitan ni Maybelle para aluin.

"M-ma, ayoko. Hindi kita iiwan."

"Pwes mamili ka! Ako o yang babaeng yan?!"

"Ma?"

"Ang sabi ko mamili ka!!"

Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Justine.

"Hindi mo na kailangang mamili Risse, ako na lang yung iiwas at lalayo. Mas kailangan ka ng Mama mo" sabi nito sabay talikod para umalis na.

Nagulat sya nang bigla syang tinawag ni Mama.

"Justine"

Lumingon naman agad si Justine dito.

"May itatanong ako sayo, at gusto ko sumagot ka ng maayos"

Takang tumingin naman sakin si Justine habang nagpapahid ng luha. Aww, kawawa naman yung babe ko. Masyado yatang napasobra yung pag-arte namin ni Mama.

"Ano po yun?" mahinang tanong nito.

"Tingin mo, pasado na sa teleseryeng 'IKAW LAMANG' yung acting ko?" nakangiting tanong ni Mama.

Napanganga naman yung tatlo habang nagpalipat-lipat yung tingin samin ng nanay ko.

Dun na ko hindi nakapagpigil, kaya napabunghalit ako ng tawa.

Takang-taka naman samin yung tatlo. Nakitawa na rin kasi samin si Mama.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Justine.

"Ok lang naman sakin yung relasyon nyo, kanina pa nasabi ni Klarisse sakin, gusto lang nya kayong takutin" nakangiting sabi ni Mama.

"Sayang, hindi ko napicturan yung mga itsura nyo, nakakatawa, ang epic ng mga feslak nyo!" tatawa-tawang sabi ko pa.

Pero biglang nawala yung mga ngiti ko nang mapansing masama yung tingin sakin nung tatlo habang dahan-dahan na lumalapit sakin.

"So tingin mo, nakakatuwa yung plano mo?" seryosong sabi ni Justine.

"Akala ko kung ano na yung mangyayari kay Tita kanina dahil sa sobrang galit nya. Kinabahan ako don ha" sabi naman ni Parrot.

Tumingin kami kay Jordan at hinintay na magsalita sya.

"Sorry guys pero wala akong sasabihin" seryosong sabi nya.

"Sorry na kase, hindi ko naman alam na ganun pala kagaling umarte si Mama eh" sabi ko sa kanila habang paatras ng paatras. Ok lang to, malayo-layo pa naman yung pader, makakaisip pa ko ng paraan para makatakas sa tatlong to.

Tama! Tatakbo na lang ako paakyat sa kwarto ko!

Gagawin ko na sana yung plano ko pero bigla akong napaupo sa sofa. Ay leche! Bat nandito tong sofa na to! Tatayo na sana ako pero biglang tumingin yung tatlo sa isa't-isa at tumango.

"Attackkkkk!!!!!!!!!!" narinig kong sigaw nila.

"MAMA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" naiiyak na sigaw ko dahil sinimulan na nila kong kilitiin! Leche, papatayin yata nila ko sa kiliti!

Masaya naman ako na tanggap pala kami ni Mama. Pero sana, tinutulungan nya ko sa tatlong to. Sya naman yung may kasalanan kung bakit sila natakot kanina eh. Hindi naman ako!

Continuă lectura

O să-ți placă și

674K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.1M 28.4K 46
Siya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never...
151K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
378K 7.1K 37
What if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa...