Chapter 7

26.6K 521 20
                                    

A/N: Oooops :) Dahil maganda yung gising ko ngayon eto na po yung update ^__^

============================================================================

KLARISSE'S POV:

"San ba kasi tayo pupunta? At bakit kasama yang parrot na yan?" tanong ko kay Justine.

"Gusto mong makalimot muna diba? Pupunta tayo sa bar ng friend ko. Grand opening kase, ako daw magccut ng ribbon. Eh ayoko sanang pumunta kaso nung makita kita na ganun yung itsura kanina, nagbago isip ko" sabi nito na parang nandiri pa nung nabanggit yung itsura ko kanina. Oh eh di sya na maganda, ako na mukhang aswang kanina.

"Oh eh bat parang diring-diri ka dyan?" inis na sabi ko dito.

"Naalala ko lang kasi yung itsura mo kanina. Mukha ka talagang undin" tatawa-tawa pang sabi nito.

"Leche ka! Hindi ako mukhang undin no! Eewness kaya yung itsura non"

"Oo nga naman JT, hindi sya mukhang undin. Mukha syang witawit" singit naman ng parrot.

(A/N: Yung witawit and undin po ay mga nilalang sa shake rattle and roll.)

Bigla ko namang binatukan si parrot.

"Kausap ka ba namin ha? Kita mong kami lang ni bespren nag-uusap diba? May wall sa harap mo o, hindi mo dapat kami naririnig" inis na sabi ko dito. Makawitawit naman sya, eh nakakatakot kaya yung itsura non.

"Tse! Wag na wag mo kong kakausapin ha" sabi pa nito.

Hindi ko na sya sinagot. Wag ko daw syang kakausapin eh. Fine!

Nagulat ako ng inamoy-amoy ako ni Justine.

"Hoy babae! Hindi na ko mabaho no! Makaamoy ka dyan!"

"Inaamoy ko lang kase nakakahiya naman sa friends ko kung magsasama ko ng mabahong nilalang no! Na hindi naligo at nagtoothbrush ng limang araw"

"Yuck couz, kadiri lang" singit na naman ni Maybelle.

Aba't ang kulit ng parrot na to ha. Sinabi ng wag sumali sa usapan. Wala din naman kasi syang masasabing maganda kaya mas magandang wag na lang syang magsalita.

Tiningnan ko lang sya sabay bulong.

"Wall"

Inirapan nya lang ako.

"At ikaw babae!" sabay harap ko kay Justine. "Brokenhearted nga kasi ako kaya tinamad akong kumilos! Saka ang arte mo ha! Ikaw na nga lang yung nakikiamoy, ikaw pa yung nagrereklamo. Aish!"

"Wag na wag mo ng gagawin yon ha"

"Yung kuya mo yung sabihan mo. Sabihin mo sa kanya, wag na wag na kong babastedin"

Hay, naisip ko na naman si Jordan. Bigla ko na namang naramdaman yung sakit na naramdaman ko nitong mga nakalipas na araw. Buti pa tong si Justine kinamusta ko at pinuntahan pa sa bahay, samantalang sya na boyfriend ko (oo cnclaim ko na boyfriend ko si Jordan! ang mambasag ng trip, papaslangin ko!) , ni hindi man lang chneck kung ok pa ba ko. Kung humihinga pa ba ko after nya kong bastedin!

Bigla ko na namang naramdaman na tutulo na naman yung mga luha ko. Pero bago tuluyang malaglag sa magaganda kong mata yung mga luha ko, naramdaman ko na lang na may tumapik sa noo ko. Bigla namang natigil yung akmang pagtulo ng luha ko at sinamaan ko ng tingin yung taong gumawa non sakin.

"Problema mo?!" inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong ng ganyan. Anong problema mo? Bat paiyak ka na dyan? Diba sabi ko kalimutan mo muna si kuya?" sagot naman nya sakin.

Under my spellWhere stories live. Discover now