Chapter 22

21.9K 482 11
                                    

A/N: Goodmorning loves! Eto na po yung update ko for today. Ang aga no? Masaya ako eh! hahahaha!

Enjoy guys! Iloveyou all ^_^

==========================================================================

JUSTINE'S POV:

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kahapon. Grabe lang, kahit sinabi ko sa kanya na wag na nya kong subuan ulit, nagpumilit pa rin sya. Alam kong ginawa lang nya yun dahil kakambal nga ako ng lalaking mahal nya pero hindi ko pa rin magawang kiligin. Ang lakas talaga ng tama ko sa babaeng yon.

"Ehem, merong nagrereminisce dito." Tukso sakin ni Kuya Jordan.

Ngumiti lang ako sa kanya. Totoo naman kasi yung sinabi nya. And I won't deny it. Alam naman nya kung ano yung nararamdaman ko para kay Klarisse eh.

"Gusto mo bang pumunta ulit tayo---"

Hindi ko na sya pinatapos. Hinila ko na agad sya palabas ng bahay papunta kila Klarisse. Si Maybelle lang yung naabutan namin sa salas nila.

"O hey guys" bati nito samin.

"Ahm, si Risse?" tanong ko dito.

"Tulog pa yata" sabi nito.

"Ay ganun ba, sige babalik na lang kami"

"Nah, late na rin naman, gigisingin ko na lang. Dyan na lang muna kayo"

Yun lang pumasok na ito sa kwarto ni Klarisse.

"Tingnan mo, tulog pa pala, excited ka kase" bulong sakin ni kuya.

"Sino bang nagyaya?"

"Hindi pa kasi ako tapos. Sasabihin ko sana sayo na pumunta tayo mamayang hapon. Nagulat na lang ako sayo ng bigla mo kong hilahin papunta dito."

"Eh gusto ko na kasi syang makita eh."

"O tingnan mo tulog pa. Pinagising mo pa kay Maybelle."

"Sorry---" natigilan kami ni Kuya ng may marinig kaming lagabog sa taas. Agad kaming umakyat papunta sa kwarto ni Klarisse.

Nakita namin na umiiyak si Maybelle habang hawak-hawak ni Klarisse.

"Klarisse?" tawag dito ni kuya.

"Risse? Anong nangyari? Bat umiiyak si Maybelle?"

Gulat na napatingin sya samin, no kay Kuya lang pala. Napansin ko din na bigla syang namula. Aish, patay na patay talaga to sa kakambal ko.

Sinabi nito na nauntog lang si Maybelle kaya tinulungan nya. Pero nakita kong may ibinulong sya kay Maybelle kaya nailing na lang ako. Ang kulit talaga ng babaeng to. Mukhang sinaktan na naman nya si Maybelle.

Natawa kami ni Kuya ng bigla nitong hilahin yung pinsan nya sa loob ng kwarto. Siguro naalala nyang hindi pa sya nagsusuklay.

"Ang kulit talaga ng jowa mo" bulong ulit ni Kuya.

Napangiti naman ako.

"Shut up!"

"Shut up daw! Kinikilig naman" tukso pa nito.

"Tse!"

Naglakad na ko pabalik sa salas at umupo. Sumunod naman sakin si Kuya.

Ilang sandali pa ay papalapit na samin ulit si Klarisse. Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad sya. Pero syempre, si Kuya Jordan lang yung nakikita nya. Ang sarap lang kumanta invisible man eh. 'I wish you look at me that way. Your beautiful eyes looking deep into mine. Telling me more that any words can say, but you don't even know I'm alive. Baby to you all I am is the invisible man' Sana man lang minsan, tumingin din sya sakin tulad ng pagtingin nya kay Kuya.

Under my spellWhere stories live. Discover now