Chapter 11

24.9K 521 31
                                    

A/N: Guys sorry kung waley tong update na to ha. Wala kasi talaga kong maisip kanina e. Nagtatalon na nga ako sa rooftop kanina pero wala talagang pumasok sa isip ko hahahaha!

Pagtyagaan nyo na to. Hardyharhar.

CIAO!

============================================================================

KLARISSE'S POV:

"O ngayong nasayo na tong gayuma, ano ng plano mo?"

Napatingin naman ako kay Maybelle. Hawak-hawak nya yung bote ng gayuma at iniabot sa akin. Kahapon pa yung nasakin tong gayuma na to pero hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip na paraan para maipainom to kay Jordan. Ano ba? Ihahalo ko na lang ba inumin nya o ihalo ko na lang kaya sa brownies tapos ipakain ko sa kanya? Tutal paborito naman nya yun eh.

Pero nakikipagdebate pa rin yung puso ko sa isip ko. Ang sabi kasi ng isip ko, ituloy ko. Pero ang sabi naman ng puso ko, wag ko nang ituloy, na mas maniwala pa rin ako sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig.

"Hindi ko alam eh parrot. Parang nagdadalawang-isip nga akong gamitin." Kahit papano naman kasi umaasa pa rin ako na pwede din akong mahalin ni Jordan kahit wala tong gayuma na to.

"Matapos nating paghirapan yan, saka ka pa nagdalawang isip."

"Nakokonsensya kase ko eh, papano kung masaya na talaga si Jordan kay Kath?"

"Asus, kelan ka pa ba nagkaron ng konsensya Klarisse?"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni parrot.

"Anong sabi mo?"

"A-ang sabi ko, lagi ka na lang nakokonsensya Klarisse"

Sukat don ay pinitik ko sya sa cornea nya. Joke! Ayoko namang mabulag si parrot.

"Hindi yun yung narinig ko kanina. Maka-walang konsensya ka naman! Sikmuraan kita sa face eh!"

"Subok!"

"Tse!"

"Eh kasi naman ang arte mo! Ayan na yung gayuma, may pagkakataon ka ng mapasayo si Jordan pero nag-iinarte ka pa dyan!"

"Papano kase kung hindi umepekto sa kanya tong gayuma na to?"

"Sabi nga ni lola ganda, dalawa lang yan, either hindi ka naniniwala sa gayuma nya, or totoong pagmamahal yung nararamdaman sayo ni Jordan"

Totoong pagmamahal? Sana nga kung hindi eepekto, yun yung dahilan. Na mahal na talaga ko ni Jordan. Napangiti naman ako bigla sa naisip.

Siguro nga ako na yung pinakamasayang babae sa buong mundo kung mamahalin din ako ni Jordan my love.

"Pero feeling ko couz, yung una yung magiging dahilan don" basag ni Maybelle sa trip ko.

Bigla naman akong tumingin ng masama dito. Etong babaeng to, hindi ko talaga alam kung kakampi ba talaga o hinde. Lagi na lang akong kinokontra pagdating kay Jordan.

"O, ang sama na naman ng tingin mo sakin. Naisip ko lang naman kase kung ikaw talaga yung mahal nya, eh di sana hindi sila ni Kath ngayon diba?"

Sabagay may point naman sya don.

"Eh malay mo naman para nga sa publicity sa movie nila"

"Couz, kay JT na mismo galing na mahal na daw ni Jordan si Kath"

Bigla namang may kung anong kumabog sa puso ko ng bigla nyang banggitin si Justine. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari samin kahapon. Bakit ako nakaramdam kay Justine ng ganon? Ng tulad ng nararamdaman ko sa kuya nya? Don't tell me.. Oh no! Wichikels ko bet na maging shiboli boom boom! Erase erase! Kay Jordan my loves lang ako.

Under my spellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora