Chapter 9

24.7K 538 50
                                    

A/N: Woot woot! eto munang UMS yung iuupdate ko ha. Later na yung FFMMM and CMIF. Wala pa kong maisip para sa dalawa eh.

Btw, salamat po sa lahat ng nagbabasa, bumoboto and nagcocomment sa mga stories ko. The best kayo! Mahal ko kayong lahat ^___^

============================================================================

KLARISSE'S POV:

"Nasaan ka na parrot?" maaga pa lang ay tinawagan ko na si Maybelle. Kailangan naming mahanap kung saan na nakatira si Monique ngayon. Simula ng malaman ko na si Jordan at Kath na, wala akong ginawa kundi magtanung-tanong kung san ko mahahanap si Monique. Alam kong walang kasiguraduhan kung totoo ba yung gayuma na yon pero wala naman sigurong mawawala sakin kung susubukan ko diba? Malay natin maging effective sya, at least mapapasakin na si Jordan.

"Klang naman! 5am pa lang o! pwede bang mamaya ka na lang tumawag, antok na antok pa ko. Baka lang kasi nakakalimutan mo na halos 1am na tayo umuwi kanina dahil sa paghahanap natin kay Monique" inis na sabi nito.

"Kailangan ko na syang mahanap Maybelle. Masyado na kong nasstress kapag napapanood ko kung gaano kasweet si Jordan at si Kath."

"Problema ba yon? Eh di wag kang manood"

"Wow parang ang dali namang gawin nyan. Eh alam mo naman na hindi buo yung araw ko pag hindi ko sya nakikita diba?"

"Couz, alam mo malala ka na! Malala na yung saltik mo dyan sa utak! Ang dami-dami namang---"

"Walang ibang lalaki para sakin, si Jordan lang! Ngayon, kung ayaw mo kong samahan at tulungan, ako na lang mag-isa yung aalis, ako na lang mag-isa yung maghahanap, kahit mahirapan ako ok lang, kahit wala akong kasama" malungkot na sabi ko dito.

"Fine! Maliligo lang ako. Hintayin mo ko dyan"

Napangiti naman ako pagkatapos ng pag-uusap namin. Ngiti ng tagumpay. Sabi ko na nga ba hindi ako kayang tiisin non eh.

Lumabas agad ako ng bahay para hintayin si Maybelle. Medyo nakakatakot lang dahil ang dilim pa pala dito sa labas namin. Sabi ko na nga dapat sa loob ko na lang hinintay si parrot eh. Pero dahil tinatamad na kong bumalik sa loob, nagtapang-tapangan na lang ako at umupo sa bangko malapit sa kotse ko.

In fairness ang creepy pala dito sa labas ng bahay pag ganitong oras, medyo bumubulong pa yung hangin. Hindi ko lang maintindihan kung anong sinasabi nya pero nakakatakot talaga. Pero 'matapang' ako kaya inilabas ko na lang yung phone ko at naglaro ng 2048. Oo mahilig akong maglaro nyan at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, hindi ko mabuo yang pesteng 2048. Lahat na yata ng pinsan ko nabuo na yan, ako na lang yung hinde. O eh si sila na magaling, ako na maganda. O anong konek? Waley!

Kasalukuyan akong nanlulumo dahil ilang beses na kong na-game over ng bigla akong may narinig na kaluskos. Bigla naman akong kinabahan. Napatingin agad ako sa paligid ko. Halos hindi ako makagalaw ng may mapansin akong anino sa likod ng kotse ko. Shet! Papano kung adik yan? O kaya lasing na rapist? Papano na ko? Papano na yung beauty ko? At heller, hindi ako papayag na may ibang makakuha ng kabirhenan ko no! Eh papano na lang kung aswang yan? O manananggal? Papano kung bigla na lang akong lapain dito? Eeww, hindi ko naman pinangarap na magkalat ang lamang-loob ko dito no! Lalo akong kinilabutan ng maramdaman na papalapit na sakin yung taong nagmamay-ari ng anino. Shet shet shet! Anong gagawin ko? Kailangan kong lumaban. Hindi ako papayag na mamatay ng walang kalaban-laban. Malay nyo, maging bayani pa ko kapag nilabanan ko kung sino man tong aswang o rapist na to.

O baka naman bampira? Oh my gosh excited akong makita sya kung ganon. Gustung-gusto kong maging bampira ^__^. Pero heller, nasa pilipinas ka Klarisse, walang bampira dito. Wag ka ng umasa.

Under my spellWhere stories live. Discover now