Chapter 34

21.8K 563 22
                                    

A/N: Woohoo! Akala ko, mas mauuna kong matapos yung next chapter ng FFMMM kesa dito, kaso mas ginanahan akong isulat to, pero wag kayong mag-alala, kalhati na naman yung nasusulat ko dun sa FFMMM eh, mamaya promise iuupdate ko yun ^__^

Salamat nga pala sa lahat ng nagbabasa ng mga stories ko lalong-lalo na tong UMS. Grabe lang, sobrang thank you! Hindi nyo lang alam kung gaano kasaya! Mahal na mahal ko kayong lahat promise! Salamat din sa mga comments and PMs nyo.

Enjoy guys! I love you all!

P.S. di ko na sya ni-re-read at inedit dahil tinatamad na ko, pasensya na lang kung may mga errors. hahahaha!

============================================================================

JUSTINE'S POV:

"So kamusta yung dinner date nyo?"nakangiting tanong sakin ni Kuya Jordan.

"Ok lang naman"pinilit kong maging cold yung boses ko kahit ang totoo, kanina ko pa nirereminisce yung lahat nung nangyari kagabi.

"Alam mo lil sis, mahirap yung pinipigil yung nararamdaman" tukso nya sakin.

"Huh?" patay-malisyang tanong ko sa kanya.

"Nandito ako kagabi, pinapanood kayong dalawa. Ang cute nyo ngang tingnan eh. Halatang inlove na inlove sa isa't-isa"

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Akala ko ba male-late sya ng uwi dahil may taping pa sya.

"At yung nakita kong happiness mo kagabi, hindi yun arte lang. Hindi yun dahil gusto mo syang paniwalain na inlove ka nga sa kanya. Totoong-totoo yun Justine."

"Kuya?"

"Hanggang mata yung ngiti mo kagabi eh. Tapos nakita ko rin kung papano mo sya tingnan. Punung-puno ng pagmamahal yon."

Nagtatakang tumingin lang ako sa kanya. May alam ba sya sa 'plano' ko? Ang alam ko kase kaming dalawa lang ni Carlo yung nakakaalam non eh. Aish, nilaglag na naman siguro ako ng Carlo na yun! Tsk!

"What I'm trying to say is, tigilan mo na yung plano mo Justine."

"Plano?" maang-maangan ko.

"So hanggang ngayon, hindi ka pa rin aamin sakin? Akala mo ba hindi ko alam yang plano mo kay Klarisse?"

"Papano mo nalaman? Sinabi ni Carlo?"

Umiling naman ito.

"Nakalimutan mo na ba na pag nalalasing ka, eh nagiging madaldal ka? So nung hinatid ka dito ni Carlo non, kung anu-anong pinagsasabi mo, tapos bigla mo ngang nabanggit na maghihiganti ka"

Napatungo naman ako dahil sa sobrang kahihiyan. Tsk! Bat kasi iniuwi pa ko ni Carlo non eh, nalaman tuloy ni Kuya. Nakakahiya tuloy.

"Alam mo nung una kong narinig sayo yan, gustung-gusto kitang batukan. Ang tanga lang kase Justine. Matapos mo syang pag-aksayahan ng panahon ng isang taon, tapos gumawa ka pa ng paraan para mapalapit sa kanya, at ngayong may pag-asa ka na, saka ka mo naman naisip na maghiganti. Ano to, sasayangin mo lahat? Bat hindi mo itanong sa kanya kung anong dahilan nya?"

"S-sinabi na nya kagabi" mahina kong sabi.

"And?"

"S-sabi nya, pinainom nya sakin yon dahil gusto nyang maging masaya ko sa totoo kong mahal. Akala nya kasi si Carlo talaga yung mahal ko. Akala nya kaya ko sya minahal non, eh dahil ininom ko yung gayuma"

"See? Ikaw pala yung inaalala nya! Tsk Justine! Hindi ko alam kung anong katangahan yang pumasok sa isip mo at bigla mong ginustong paghigantihan si Klarisse! Akala ko ba mahal mo sya? Bat ganon? Pag mahal mo yung isang tao, hinding-hindi mo maiisip na saktan sya. ......"

Under my spellWhere stories live. Discover now