Chapter 43

18.7K 516 46
                                    

A/N: YES! Dalawang chapters na lang yata tapos na to! Yehey! Grabe, kala ko hindi ako makakapag-update ngayon, pero eto na sya, for the first time, nagustuhan ko yung update ko, sana kayo din, hahaha!

Di ko ulit inedit so pakisabi na lang kung may mali ha! 

==========================================================================

JUSTINE'S POV:

"Ang pakipot mo lang ex-fiancee" nakangiting sabi sakin ni Carlo.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa mall kung san gaganapin yung premiere night nung movie namin. Napaaga kasi kami nitong si Carlo kaya hinihintay naming sila Kuya dito.

"Ano namang pakipot don?" tanong ko sa kanya.

"JT, ilang araw na bang nanliligaw sayo si Klarisse? Ang dami na nyang nagawa para sayo ha! Hinahatid-sundo ka, taga buhat ng mga gamit mo, pag may kailangan ka, sya yung inuutusan mong bumili, at eto pa, kahit hindi sya ganun karunong magluto, pinagluluto ka nya, napaso pa nga yung tao diba?"

"O tapos?"

"Anong o tapos? Alam naman nating lahat na mahal na mahal mo pa rin si Klarisse. Naisip lang namin, bakit kailangan mo pa syang pahirapan?"

"Dahil nasaktan ako"

"Wow ha, bakit sa tingin mo ba hindi sya nasaktan sa ginawa nya?"

"Pero tinulak nya ko palayo. Kakasabi lang nya na walang bibitaw pero dahil lang sa selos nya kay Charity, binitawan nya ko"

"Hindi mo alam yung totoong nangyari"

"Bakit ikaw ba alam mo?"

Tumango naman sya sakin.

"Nakita nung PA ko kung papano sabihan si Klarisse nung ibang staff at nung ibang casts na hindi sya bagay sayo. Pinagbubulungan nila yung girlfriend mo at kung anu-anong hindi maganda yung sinabi nila. Tapos paulit-ulit pa sila na si Cha yung bagay sayo. At ang nakakatawa pa, bigla ka na lang hinarana ni Charity sa harap ng maraming tao."

Takang tumingin ako sa kanya. So anong point nya?

"My point is, baka pinlano nila Charity yun. Ginawa nila yun para biglang maisip ni Klarisse na hindi talaga sya yung bagay sayo, gets?"

Tumango-tango naman ako. Bakit ko nga ba hindi naisip yon? Never naman kasi nainsecure si Klarisse sa isang tao dahil gandang-ganda sya sa sarili nya eh.

"Pero kahit na, hindi nya dapat ako itinulak palayo. Siguro naman narinig nya yung sagot ko kay Charity diba?"

Umiling naman sya.

"Umalis sya bago ka pa makasagot. At nalaman lang nya yung sagot mo nung lumakad ka na palayo sa kanya nung time na nakipagbreak sya sayo"

"Wow, buti ka pa alam mo"

"Well, kahapon ko lang din nalaman, nun lang nagkalakas ng loob magkwento sakin yung PA ko eh. Naaawa daw sya kay Klarisse. Sana daw makipagbalikan ka na sa kanya kase fan na fan daw sya ng lovestory nyo" nakangiting sabi pa ni Carlo.

Whoa! May fan na pala yung loveteam namin ni Klarisse kung saka-sakali.

"So ngayong alam mo na, ano nang plano mo? Di mo na pahihirapan si Klarisse?" tanong pa ni Carlo.

"Nag-eenjoy pa ko sa nangyayari eh. Siguro magpapasalamat din ako kay Charity kase kung hindi dahil sa plano nya, hindi marerealize ni Klarisse kung gaano nya ko kamahal" 1

"Okay. Sige sabihin na nating nag-eenjoy ka ngayon, pero papano kung bigla syang mawalan ng pag-asa? Kung bigla na lang syang sumuko?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Under my spellWhere stories live. Discover now