DON'T TOUCH HER (Complete)

By KeisFile

3.2M 78.7K 3K

Hazeth never once thought that her perfectly normal life will crumble and become a mess because of an unfortu... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : Hide And Seek
CHAPTER 2: Game of Tag
CHAPTER 3: Jiruel Sean
CHAPTER 4: Ex-Suitor
CHAPTER 5: Challenge Him
CHAPTER 6: Courting Her I
CHAPTER 7: Courting Her II
CHAPTER 8: Courting Her III
CHAPTER 9: Courting Her IV
CHAPTER 10: Courting Her V
CHAPTER 11: First Date I
CHAPTER 12: First Date II
CHAPTER 13: The Date III
CHAPTER 14: First Date IV
CHAPTER 15: Rule For You
CHAPTER 16: Almonte House
CHAPTER 17: Almonte Family
CHAPTER 18: The Manager
CHAPTER 19: Distractions
CHAPTER 20: Was Once Her
CHAPTER 21: Ladies Rumble
CHAPTER 22 √
CHAPTER 23 √
CHAPTER 24 √
CHAPTER 25 √
CHAPTER 26 √
CHAPTER 27 √
CHAPTER 28 √
CHAPTER 29 √
CHAPTER 30 √
CHAPTER 31 √
CHAPTER 32 √
CHAPTER 33 √
CHAPTER 34 √
CHAPTER 35 √
CHAPTER 36 √
CHAPTER 37 √
CHAPTER 38 √
CHAPTER 39 √
CHAPTER 40 √
CHAPTER 41 √
CHAPTER 42 √
CHAPTER 43 √
CHAPTER 44 √
CHAPTER 45 √
CHAPTER 46 √
CHAPTER 47 √
CHAPTER 48 √
CHAPTER 50 √
EPILOGUE √

CHAPTER 49 √

43.8K 968 35
By KeisFile


JIRUEL


"Yeah haha Susunduin kita sa inyo para sabay tayo."

("Alam mo parang ayaw ko nga eh baka pigilan pa kitang sumakay sa eroplano eh..")

"Mabuti nga yun eh para magkasama tayo."

("Edi di naman ako papayag noh")

"Haha as I thought."

("Hm..sige na. Maaga ka pa bukas..Goodnight.")

"Okay. Magpahinga ka na din..Goodnight"

Pinatay ko na ang cellphone ko ng tapusin niya ang tawag. Naupo sa tabi ng kama at tinitigan ang maleta sa gilid nito.

Haaaayyy.. parang ayaw ko talagang umalis eh..kasi kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na di naman to masyadong magtatagal at magkikita naman kami paminsan-minsan ay di ko parin maiwasang di mag alala. Ayuko ko talagang iwan siya eh..pero anong magagawa ko?

Kahit papano ay gusto ko din naman magpunta para sa pangarap ko at the same time yun din naman gusto niya eh. Halos pareho lang din naman ang desisyon namin eh at dahil doon nagkakaintindihan kami.

Humiga ako sa kama at napapikit ng mariin.

Bukas na..bukas na ang araw na iyon. Araw ng pag alis ko. Araw na mawawala ako sa kanya. Ang araw ng una naming pagsubok..

Mahirap pero kakayanin ko..

(Tok)

Tumayo ako at binuksan ang maleta saka kinuha ang scarf na galing sa kanya. Ang saya lang sa pakiramdam na makatanggap ng isang regalo lalo pa't galing sa kanya. Its a first gift that she had given to me.

(Tok)

Napatayo ako dahil sa tunog na iyon na nagmumula sa bintana ko. Kaya naman hinawi ko ang kurtina at kitang kita ko ang mumunting bato na tumatama sa glass kong bintana. Binuksan ko na din ang bintana at dumungaw roon.

Nagulat ako ng makita siya roon sa labas. Naka pajama at naka-jacket pero nakangiti at kumakaway pa siya. Nagsenyas ako ng hintayin ako roon kaya agad naman na akong bumaba.

Pagkalabas ko ng bahay at malapitan siya ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Subsob ang mukha sa aking dibdib at malalim ang mga paghinga. Yumakap ako pabalik at hinagod ang likod niya.

"Iiyak mo na lang yan..come on, its alright.." pahayag ko habang hinahagod ang likod niya. Alam na alam ko kapag magiging ganito ang kilos niya lalo na kapag sinasabayan niya ito malalalim at mabigat na paghinga. "I know it's not easy..so burst it out.."

"Stupid...its not me who should burst into tears..its you who should..." Bulong niya sabay kurot sa tagiliran ko kaya napatawa nalang ako.

Dahan-dahan akong nag-squat ng bahagya para kargahin siya. As in karga hindi bridal style. Mahigpit syang kumapit sa balikat ko at humilig rito. Pumasok ako ng bahay diretso sa kwarto ko.

Maingat ko siyang inihiga sa kama at tinabihan habang yakap pa rin siya. Nakaunan siya sa braso ko at nakasiksik parin sa dibdib ko pero pana'y naman ang mahihina niyang mga hikbi.

Hinimas ko ang kanyang pisngi at isinabit sa likod ng kanyang tenga ang ilang buhok na nagkalat sa mukha niya. Hinawakan ko ng bahagya ang kanyang panga para iharap sa akin. May mumunting luha sa kanyang mukha.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinahid ang mga luha niya gamit ang aking hinlalaki. Matapos nun ay hinalikan ko ang noo niya at ngumiti.

"Its alright, okay? Stop crying.."

"Im not crying, Idiot.. Napuwing lang ako!" Saad niya at pinilit na wag talagang umiyak at pigilin ang mga luha niya.

Yinakap ko na lamang siya. Kahit ako gusto ko ring umiyak pero kung luluha ako sa harap niya ngayon ay magmumukha akong mahina. Syempre kapag mahina siya, ako dapat ang may lakas. Kapag umiyak siya ako ang panyo nya. Hindi ko dapat sabayan ang mga emosyon na nararamdam niya. Kailangan kong maging matatag.

•MORNING•

HAZETH

Tahimik lang akong naupo sa tabi niya sa waiting area. Nakaupo siya at nakasandal habang may kausap siya sa phone na for sure ay yung recruiter. Andito na rin ang captain at 3-pointer nila dahil sabay sabay silang pupunta roon.

"Yes sir. Thank you" saad niya bago ibinaba ang phone at nagbuntong-hininga. Mapait akong napangiti saka humilig sa kanyang balikat. Naramdaman ko naman na hinimas niya ang buhok ko. "You okay, now?"

"Sort of.." mahinang sagot ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at saka ito hinalikan.

"Hey, everything's going to be fine"

"I know. I'm just worried. Pano kung magkasakit ka? Sino mag-aalaga sayo? Pano kung makatulog ka sa class? Sino magtatago sayo? Pano kung...pano kung..." Napakagat-labi ako at napaiwas na din dahil sa kung ano mang pumasok sa isip ko.

"May makita akong mas better sayo?" Pagkatapos niya sa dapat kong sasabihin. Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Hm..natatakot ako.." pag-amin ko.

"Sa dami ng mga babaeng nakakasalamuha ko rito sa araw araw na masasabi mong mas better sayo, ni isa ba dun nakuha ang atensyon ko? Kung ganoon edi sana matagal na kung nakipag-date sa kaibigan ng pinsan ko na model." Paliwanag niya at muling hinagod ng buhok ko.

Hindi ako sumagot. Kahit naman ganun di niyo parin maaalis sa akin ang takot at pag-aalala. Syempre America na yun at ibang iba na rito. Pati mga tao ay iba na din.

Siniplatan ko na siya ng nga sandaling iyon at sinalubong ako ako ng nakangiti niyang mukha. Tinitigan ko muna siya pero pagkaraan ay napabuntong-hininga nalang ako.

"Well..if you say so.." pagsuko ko na lamang. Tutal may tiwala naman ako sa kanya eh. Siguro naman sapat na iyon para mawala ang mga pangamba ko. "Just keep in touch with me always, okay?"

"Yeah, don't leave your phone anywhere. Bring it where ever you go."

Tumango lang ako at di na nagsalita pa. Nanatili lang kaming nakaupo roon habang nakaakbay siya at nakahilig ako sa balikat niya na magkahawak kamay. Napansin ko naman ang pagkabalisa ng Captain nila na si Tyron at pana'y tingin ito sa cellphone niya. Namamawis din ito at mukhang may hinihintay.

Dumaan pa ang ilang sandali at tuluyan na ngang tinawag ang mga pasahero para sa next flight. Nauna ng pumasok ang dalawang player at kasunod noon ay sina Mama Kath at ate niya. Nasa States na kasi ang papa niya kaya susunduin na lang daw sila.

At lastly.. siya na. Tumayo na kami pareho at sinimulan na niyang kuhanin ang gamit niya. Bago umalis ay humarap muna siya sa akin at mahigpit akong yumakap sa kanya. That time pinigil ko ang pag-iyak para di na siya mag alala pa.

"See ya, Dwarf."

"Hm. Take care, Giant.." saad ko saka lumayo at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Call me when you get there, okay?"

"Hm..You sure your gonna be okay?"

"I am. Now go baka maiwan ka pa."

Hinawakan niya muna ang pisngi ko saka ako masuyong hinalikan. Matapos nun ay tuluyan na siyang naglakad palayo. Tinitigan ko siya na naglalalad papalayo. Habang ginagawa niya yun ay tila naman pinipiga talaga ang puso ko. Pero wala akong ginawa kundi ang titigan lamang siya.

Pero bigla siyang tumigil sa paglalakad at binitawan ang kanyang gamit. Pagkuwa'y humarap sa akin at binuka ang mga braso. Napangiti ako at tumakbo palapit sa kanya saka ko siya mahigpit na yinakap.

Nagtagal din iyon ng ilang sandali hanggang sa pareho na kaming bumitaw. Ngumiti sa isa't isa at nagkatitigan na parehong sinasabing "Its alright." Lumayo na siya at kinuha ulit ang mga bag niya. Naglakad na sya kaya tumalikod na din ako.

Kasabay noon ay ang pagbagsak ng ilang butil ng luha galing sa mga mata ko. Humakbang na ako paalis roon. Ayukong lumingon.

Wag kang lilingon. Wag mong gagawin. Dahil kapag ginawa mo masisira ang pangarap niya. Wag mong pigilan.

Kumbinsi ko sa sarili ko na mahigpit ang hawak sa strap ng bag ko para pigilin ang sarili. Kasi kapag lumingon pa ako baka tuluyan kong hilingin na wag siyang umalis. Baka umiral ang pagiging selfish ko. At ayuko nun.

Mag hihintay na lang ako.

JIRUEL

Sinalubong ako ni mama at ate sa entrance ng eroplano. Yinakap ako.

"Everything will be okay." Saad ni mama at lumayo na sa akin.

"Kaya niyo yan, saglit lang naman eh" nakangiting pahayag ni ate at ginulo ang buhok ko.

Tumango at bahagya lang akong ngumiti hanggang sa pumasok na kami. Naupo na ako sa seat ko na nasa tabi ng bintana. Dumungaw ako roon saglit at napapikit.

Sana ganun lang din kadaling isipin na maaayos ang lahat tulad ng pagsasabi nito. Pero hindi eh. Kahit gaano ko pa kumbinsihin ang sarili ko na pansamantala lang ito at para din naman to sa aming dalawa ay di ko parin maiwasan na di masaktan.

Malalayo ako sa kanya. Malalayo ng matagal. Kahit pa kasi sabihing bibisita siya ng every weekend ay di pa rin iyon sasapat para punan ang mga araw na wala siya.

Pero..ano magagawa ko?

Sabi nga, pagkumatok ang opportunity ay pagbuksan ito at papasukin.

Pero sa relasyon.. hindi lahat ng oras magkasama kayo. Kung ang employees nga may holiday kami pa kaya? But this is a very very long holiday that I need to take.

A little sacrifice is it. A sacrifice..for love and dreams..

RUSSEL

"Mama naman! Ayuko nga eh!" Reklamo ko at nagdadabog na naupo sa sofa. "Nakakahiya!"

"Aba'y ang batang to oh! Kinakahiya mo ba girlfriend mo sa amin?"

"Hindi kaya!"

"Eh ba't ayaw mong ipakilala sa amin?"

"Eh kasi nga secret lang! Di pa siya pwede at isa pa di ko pa siya girlfriend. Nililigawan ko palang siya, okay? Ligaw pa lang." Paliwanag ko kay Mama.

"Ano pinagkaiba nun?" Taas-kilay niyang tanong kaya napairap ako.

"Ewan ko sayo, Ma!"

"Naku naku. Kumain ka na nga dito!"

Tumayo na lang ako dahil ayuko naman na ding makipagtalo sa kanya. Aabot lang kami sa puntong mapipilit akong papuntahin rito yung nililigawan ko. Eh sa bawal pa nga siyang mag boyfriend eh. Ang kulit lang nitong si Mama.

"Sa sund-"

"Ma, wag na mapilit--"

"Andito na ako.." mahinang wika ng kakapasok palang na si Hazeth. "Sorry ginabi.."

"Oh bunso! Ano nakaalis na ba sila?" Tanong ni mama na lumabas ng kusina para salubungin ang matamlay na kaanyuan ng kapatid ko. Haha kaanyuan talaga.

"Hm..kanina pa po..dumaan lang ako kay Lyla.."

"Dumaan lang para magmukmok hahaha!"sabat ko naman na sinabayan ng malakas na tawa para naman asarin siya at alisin ang lungkot sa kanyang mukha. Ayuko kasing malungkot yan noh kahit lagi ko yang pinagtitripan mahal ko yan.

"I see.. so why don't you join us for dinner. I made your fav--"

"Tapos na po akong kumain, Ma. Pasensya na po, pero magpapahinga na po ako.."

Ano ba yan! Kala ko naman maaasar siya eh. Walang effect!? Deadma?!

"Uy bunso, ang pangit mo na. Nangangayat kana oh, kumain ka kaya."

"Hm..goodnigh,kuya.."

Ano yun!? Waaaahhh!! Si bunso di ako pinansin?!

"T-tek--" pinigilan ako ni mama sa pagtangka kong habulin si bunso. Ng tingnan ko si mama ay umiling lamang sya. "Tsk."

"Hayaan mo muna siya. Tara kain na tayo."

Haaaayyy...

•MIDNIGHT•

Nasa kalagitnaan na ng hating gabi ng magising ako dahil sa mahihinang kalansing ng mga gamit sa kusina. Pero bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang baseball bat ko para may panglaban.

Marahan akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Sumilip muna ako bago pumasok roon. Syempre kailangang maingat para di tayo mapahamak. Sa unang tingin masasabi mong akyat bahay ito dahil sa nagpapaikot ikot ito sa kusina.

Pero ang nakapagtataka ay kung ba't pabalik balik siya sa ref? Hm..

Hinawakan ko ng mahigpit ang baseball bat at naglakad ng ilang hakbang palapit roon. Naka-jacket ito kaya di ko mamukhaan tapos may suot pang hoodie.

Hahampasin ko na dapat siya pero bigla siyang nagsalita

"Buti na lang tinirahan ako si Kuya ng ulam. Haha mabait pala yun minsan?"

Maingat akong humakbang paatras para di niya makita at agad na nagtago sa lilod ng pinto at pasimple siyang tinitigan.

Sa ganitong oras kakain siya? At ba't kailangan niya pang mag suot ng ganyan? Di ba siya naiinitan sa lagay niya?

Kumain na siya at pangiti ngiti pa sa ginagawa. Sa munting liwanag na nanggagaling sa nakabukas na ref ay kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Maya maya pa'y tuluyan na nga siyang umiyak sa harap ng kanyang pagkain. Pero kahit ganoon ay pinipilit niya paring isubo ang pagkain na sinasalok niya sa kanyang kutsara.

"Kaya ko to..kaya ko to..kakayanin ko to.."

Umiiyak na pahayag niya habang kumakain at nainom ng tubig. Nagpasya naman akong umakyat na lamang sa kwarto ko at di na siya gambalain.

Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan nya ng oras para sa sarili nya. Kasi minsan kailangan din nating i-embrace ang sarili natin sa mga nangyayari para matanggap natin ang lahat.

We just need to be brave enough to conquer everything.. .

××××××××××××

VOTE

COMMENT

THANK YOU

SORRY SA MGA TYPOS AND ERRORS





Continue Reading

You'll Also Like

55K 2.4K 70
Kuwento ng apat na tao na nasaktan sa mga nakaraan nila. Pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi nila aakalain na dahil sa pagtatagpo na...
1K 91 32
Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romantic. Para sa babaeng katulad ko, normal la...
13.7K 370 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
296K 15.8K 87
7BB γ‚· " SEVEN BAD BOYS "