My Slave is the Campus King...

By SibuyasKita

104K 2.9K 578

Love is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened... More

Announcement!
My Slave is the Campus King
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
MSITCK #TWENTY SIX: Perfect Jealousy
MSITCK #TWENTY SEVEN: Unexpected Duet
MSITCK #TWENTY EIGHT: Unexpected Kiss and Confession
MSITCK #TWENTY NINE: An-an and Bunny
MSITCK #THIRTY: Unexpected Yes
MSITCK #THIRTY ONE: Bodyguard
MSITCK #THIRTY TWO: Good and Bad
MSITCK #THIRTY THREE: His Queen
MSITCK #THIRTY FOUR: Deceived
MSITCK #THIRTY SIX: Revelations
MSITCK #THIRTY SEVEN: The Truth
MSITCK #THIRTY EIGHT: Fear
MSITCK #THIRTY NINE: Realizations
MSITCK #FORTY: Missing Him
MSITCK #FORTY ONE: Finally Awake
MSITCK #FORTY TWO: Unexpected
EPILOGUE MSITCK's Special Chapter: Finalé
Author's Note and Announcement
Special Chapter- Part I
Last Special Chapter
Announcement:

MSITCK #THIRTY FIVE: The Show

1.2K 36 0
By SibuyasKita

Chapter Thirty Five: The Show

"Stop hiding. Remove your f*cking mask. Who the hell are you?," asik ko sa kanya.

He smirked. Isang nakakalokong ngiti na tila ba nang-aasar. Medyo matagal bago siya nagsalita.

"Tell me, sino ka ba talaga? Bakit kailangan mong gumamit ng ibang tao at magbalat kayo para lokohin ako? Ano bang gusto mo?," sigaw ko habang nanghihina ang aking mga tuhod. I am bursting with all my emotions. Galit na ako at sobrang poot ang nararamdaman ngayon ng aking dibdib.

"I want you. I want you to be mine again," he said firmly while scraping something from his face. And it all went clear when a layer of skin was removed from his freaking visage.

Napatakip naman ako sa aking bibig nang maaninag ang kanyang mukha though medyo madilim dito, ramdam na ramdam ko parin ang kanyang presensiya.

"D-Dane?," bulalas ko. Hindi siya nagsalita. I need to calm down myself. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanya. I compose myself and faced him bravely.

"You're just like the old one," he said.

"Ikaw rin naman. Katulad parin ng dati. Manloloko parin," I uttered. He frowned and I saw him gritted his teeth. What? Galit siya sa sinabi ko? Totoo naman ah. Nagbago naman agad ang kanyang ekspresyon at muling bumalik sa pagiging kalmado.

"Please, give me a second chance," he exclaimed more like begging. Tch...he's an asshole afterall.

"Once a cheater, always a cheater. Dane, we're done at tanggap ko na yun. Huwag mo na akong guluhin pa. Just leave me alone, okay," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Is it because of him? Dahil ba sa gagong yun kaya ka nagkakaganyan..."

"Don't you dare call him that way. Magkaibang magkaiba kayo. Rave won't do the same thing just like what you did to me awhile back," I countered. Umiling siya bago muling nagsalita.

"Mas mabuti pa sigurong magsama na kayong dalawa na mawala kung hindi ka lang din mapapasa-akin," asik niya na nagpatindig ng aking mga balahibo. Bigla naman akong natakot sa kanyang sinabi pero hindi niya dapat mapansin ito.

"What do you mean? Papatayin mo ako? Kami? Dane, you're obsessed! Stop this nonsense," I exclaimed calmly to hide my fear. His penetrating gaze screams danger. Kailangan ko nang umalis bago pa may mangyaring masama sa akin. I know what he's capable with.

Tatalikod na sana ako sa kanya at akmang tatakbo pero hinuli niya ang aking mga kamay at ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Huli na nang may inilagay siyang panyo sa aking ilong. Hindi ako nakapalag dahil unti-unti na akong nanghihina. My sight became blurry. Parang umiikot ang buong paligid at nanlalambot na ang aking mga tuhod. D*mn you, Dane. I cursed you to death. Until, all went black.

~~~

Rave

"Nasa'n ang bisita natin?," tanong ng isang tinig, mukhang babae ang may-ari nito.

"Nasa loob po, boss. Nanlaban po eh kaya binigyan namin ng kaunting warm-up," saad ng isang pamilyar na boses. Boses yun ng walangyang lalaking bumugbog at pumalo ng tubo sa akin kanina. Mga demonyo sila. Ano bang ginawa ko sa kanila? Swerte lang nila dahil nakagapos ako kundi baka napatay ko pa sila.

Napaubo nalang ako at may kasama pa itong kaunting patak ng dugo. D*mn them. I'll kill them. I'll definitely kill them.

It's Dane. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito. Papunta ako sa ospital kaninang umaga para sana sunduin sina Yumi pero bigla na lamang may dalawang sasakyan na humarang sa akin. Lumabas ang apat na kalalakihang may takip sa kanilang mukha at sapilitan akong dinakip. Nanlaban ako pero bigla nila akong binatukan nang malakas kaya nawalan ako ng malay. Pero bago ako mawalan ng malay, malinaw sa akin ang isa sa lulan ng sasakyan. Si Dane yun. Hindi ako nagkakamali. Kitang kita ko pa ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Paggising ko, nandito na ako sa madilim na lugar na ito. May dalawang lalaki ang nakabantay sa akin kanina. Kahit na hirap na hirap ay nagawa ko paring manlaban at ipalo ang silyang kinauupuan ko sa isa sa kanila. Pero may isa pa pala sa likuran ko kaya hindi ko nakitang ihahampas sa akin ang isang tubo.

"Well, well, well, Mr. Castillo or should I say Prime Master. Kamusta? Kamusta naman ang pakiramdam ng naaapi at naaapakan ng ibang tao. Palibhasa wala kang alam, wala kayong alam dahil palagi kayong nasa taas," mapakla niyang saad. Pamilyar ang boses niya sa akin. Hindi ko siya makita dahil binabalutan kami ng kadiliman. Pinilit kong alalahanin kung saan ko narinig ang boses na yun.

"Kung nakikita mo lang ngayon ang iyong kalagayan tiyak na pati ikaw ay maaawa sa iyong sarili. Minsan kayong mga mayayaman, kailangan niyo ring maghirap. Hindi yung puro kayo sarap," pagpapatuloy niya ng kanyang talumpati. She's so unreasonable. Yun lang ba ang dahilan niya para gawin sa akin 'to?

I smirked. A playful smirk. Alam kong nakikita niya ako. Maybe, she's wearing night goggles.

"Miss Aimy, you are so pathetic. I pity you. Yun lang ba ang dahilan mo kung bakit ginagawa mo sa akin ito. You are so unreasonable. Ngayon, sino sa atin ang mas nakakaawa," I calmly uttered. Natahimik siya sa sinabi ko. Marahil nagulat siya dahil nalaman ko kung sino siya. I don't know that her angelic voice can hide a demon's soul.

Narinig ko naman na dumura siya at tumilamsik ang mga malamig na patak ng laway niya sa aking mukha. She seems pissed off.

"Tumahimik ka, wala kang alam sa pinagdaanan ko sa walang kwenta niyong paaralan. Five years ago, namasukan ako bilang guro sa Kingston. That time, I badly needed money because my dying father is lying in a hospital bed. Buong akala ko ay matatanggap ako dahil sinabi ni Madam Velvet na qualified ako. The next day, nung magsisimula na sana ako sa aking trabaho bilang guro, bigla na lamang sinabi ng iyong ama na wala nang posisyon sa pagiging guro. Nagmakaawa ako sa kanila na kung pwede ay tanggapin nila ako dahil kailangan na kailangan ko ng pera. Sinabi nilang may bakanteng posisyon sa Kingston pero bilang security guard. Wala akong nagawa kundi pumayag dahil kailangan na kailangan na ko ng pera. Nag-advanced akong sumahod para lamang may pantustos ako sa aking amang nakaratay sa hospital. Pero hindi parin sapat kaya kinapalan ko ang aking mukha at umutang ng pera kay Madam Velvet..."

Nakikinig lamang ako habang nagkwekwento siya. Nakaramdam naman ako ng galit  at pagkainis sa aking ama. Palagi na lang siyang ganun. Wala siyang pakialam kung may matapakan siyang iba basta't maisagawa lamang ang gusto niya. Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit siya ngayon. Pero bakit kailangang ako ang magbayad ng kasalanang di ko naman ginawa.

"Napakabait sa akin ni Madam Velvet pero ang iyong ama lang talaga ang napakasama. Nang malaman niyang pinapautang ako ni Madam Velvet at wala akong kakayahang bayaran ito dahil nga baon na ako , naisipan niyang gawin akong permanente sa aking trabaho bilang security guard sa Kingston nang hindi sumasahod. Ito ang kapalit ng mga perang hindi ko nabayaran. Nagawa kong maligtas ang buhay ng aking ama pero awang awa ako dahil wala man lang akong maiuwing masarap na pagkain sa aking pamilya..."

Hinayaan ko lang siyang maglabas ng hinanakit. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang tungkol dun.

"Nagtapos ako bilang magna cum laude sa kolehiyo at naipasa ang aking board exam sa pagiging guro pero dahil sa ginawa ng iyong ama, nanliliit ang tingin ko sa aking sarili. Nasayang lahat ng pagsisikap, sakripisyo at mga pagod ko at ng aking mga magulang. Hindi ko man lang masuklian ang kanilang mga paghihirap," she exclaimed angrily. Her voice cracked while telling me all this f*cking bullshit of my dad. He's the real demon. I despise him.

"Let go of me," dinig kong asik ng isang babae na tila kinakaladkad papasok sa kwarto kung saan ako dinala. Parang nawala ang lakas ko na lumaban dahil sa mga narinig ko. May karapatan nga naman siyang magalit. Si Miss Aimy- isa sa taong malapit sa akin sa Kingston. Naalala ko pa noong Junior palang ako na sa guardhouse ako palaging nagtatambay kapag wala kaming titser. Siya rin ang nagturo sa aking maggitara. Siya rin ang nagturo sa aking maging malakas. Hindi ko alam na ang ama ng taong tinuturuan niya ay ang taong kinamumuhian niya.

"Aray!" singhal nung babaeng mukhang marahas na binitawan patungo sa aking direksiyon.

"Dane, I curse you to death. I despise you." Doon ko lang napagtanto kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon. Mas lalo akong nanghina.

"Yumi?," hindi siguradong tanong ko.

"R-Rave, ikaw ba yan?," bakas sa kanyang boses ang pagkatakot.

Bigla namang bumukas ang ilaw sa kwarto kung nasaan kami. Napakalawak nito na pwedeng magkasya ang tatlong normal na kwarto. Walang mga gamit maliban na lamang sa isang mesa nasa pinakagilid na hilaga ng kwarto. Ang buong kwarto ay binabalot ng puting pintura.

Malinaw kong nakita ang mga taong nandirito. Maging si Angeline ay kasabwat rin pala nila. Kung ganun kanina pa siya dito at tahimik lang siyang pinapanood kami. Nakatayo sa harap ko si Miss Aimy habang nasa pintuan ang walangyang lalaking nagdala sa amin dito.

"Rave, what happened? Your face!," alalang alalang sabi niya sabay hawak sa aking bugbog saradong pisngi. Medyo napailing pa ako dahil sa sakit. Wala siyang gapos di tulad sa akin. Tumititig siya ng masama sa kanilang tatlo. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin kay Angeline, Dane at Miss Aimy pero mas ikinabigla niya ang pagkasangkot ni Miss Aimy dito.

"Ako na lang, huwag lang siya," pagmamakaawa ko sa kanila. D*mn it, I am begging but I don't f*cking care. Kahit pa magmukha akong tanga dito basta huwag lang nilang idamay dito si Yumi. Wala siyang kinalaman dito.

Nag-aalalang tumingin siya sa akin. I promised to protect her.

She shook her head telling me to fight. She's my strength and weakness. "Don't worry about me. I can handle myself," she muttered. She used to be that way again.

She smiles as if telling me that everything will be fine.

"What a romantic scene! Sad to say, matatapos na ito maya-maya lang," singit ni Angeline. Nagngitngit ang ngipin ko dahil sa galit. Of all people, why Angeline?

"You bitch," matapang na asik ni Yumi sa kanya saka tumayo para sugurin siya ng sampal pero naunahan siyang sinampal ni Miss Aimy nang marahas. Napaupo si Yumi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.

Nag-tiim bagang ako.

"F*ck you, what the hell are you up to?," sigaw ko sa kanila. Wala akong magawa dahil nakagapos ako. Pilit akong nagpupumiglas pero walang epekto.

"Calm down, Rave. She needed it," nakangising saad ni Angeline.

~~~
Yumi

Napangiwi na lamang ako dahil sa sakit ng sampal ni Miss Aimy. Blood oozes from my lips. I want to cry pero pinipigilan ko ang aking mga luha na tumulo. Hindi nila kailangang makitang mahina ako. I need to be strong. I clenched my fist forming it into a ball. I am full to it. Sobra na sila. What these guys up to? I despised them.

Nagpupumiglas naman si Rave sa likuran ko para kumawala sa kanyang mga gapos. I don't want him to give up himself to these demons just because of me.

"Calm down, Rave. She needed it," nang-aasar na sabi ni Angeline.

"Let's finished this bullshit," napatingala naman ako sa nagsalita. Miss Aimy, bakit? Sa likod ng kanyang maamong mukha ay di mo aakalaing may nakakubling demonyo.

"I'm sorry my dear kung nadamay ka sa gulong ito. Yaman din lang at nandito ka na, bakit di ka na lang sumali sa aming munting palabas," pagsasalita niya habang hawak ang aking baba. I spit a mixture of blood and spittle in her face. Madiin niya itong pinunasan at muli na naman niya akong sinampal sa kabilang pisngi ko.

Ang hapdi hapdi na ng aking mukha pero wala na akong maramdaman ngayon kundi galit. Matinding galit. Mura parin ng mura si Rave at marahil sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyayari sa akin.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung niyuyurakan ang pagkatao ko," singhal niya sa akin. The hell I care, Miss Aimy.

Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanila. Sinenyasan ni Miss Aimy ang dalawa niyang tauhan na kalagan si Rave. Tumalima naman sila at nung sandaling matanggal ang gapos ni Rave ay nanlaban siya at linapitan ako para itayo. His eyes were full of worries.

"Are you okay?" Ano ba naman tanong yan Rave? Tumango na lamang ako para pakalmahin siya. I still manage to smile.

"Well, I guess you two were ready, let's start the show. We will set you free only if you survived..." nasisiyahang saad ni Miss Aimy.

Nakakunot ang aming mga noo habang nakikinig lamang sa kanya.

"On that table...," turo niya sa mesang nasa gilid.

"There are weapons there that you can use in your performance later. You can choose whatever you want. Choose only one weapon."

Anong balak niyang gawin namin? Magpatayan kaming dalawa?

"Go and choose. We are giving you the freedom," pagpapahintulot niya.

"Can you fight?," nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango ako at inakay ako ni Rave patungo sa mesang maraming nakasalansang mga patalim. I smiled. This is my thing. I already told you that I used to learn martial arts. Natuto rin akong gumamit ng mga patalim tulad nito dahil sa aking lolo.

Kinuha ko ang katanang may nakaukit na dragon sa hawakan nito. Mukhang abalang nag-uusap yung tatlo at hindi sila nakatingin sa amin kaya isinukbit ko ang dalawang dagger.

Tumingin ako kay Rave at mukhang nakapili na rin siya. He is holding a samurai sword. Nang makapili, pinapwesto nila kami sa gitna.

May mga pumasok naman na mga kalalakihang nakasuot ng ninja costume. Mga nasa 20 silang lahat. Did they hire them? Are they planning to kill us with this dumbass? Ewan ko pero parang naexcite naman ako. Sa tanang ng buhay ko, ngayon ko lang maia-apply ang aking natutunan sa ganitong bagay. They are heartless then I need to be merciless, to be fair. Pinalibutan naman nila kami. I smirked. A playful smirk. They may be assassins but I don't care. They are just men in ninja costume. There's nothing to be afraid of.

"Kung gusto niyong makalabas, kailangan niyo silang talunin within 45 minutes. Kapag tapos na ang 45 minutes at hindi niyo pa sila nagagawang talunin, a bomb we planted here will automatically explode. Ibig sabihin lang nun ay katapusan niyo na. Pero kapag natalo niyo naman sila, we will automatically diffuse the bomb at pagbubuksan namin kayo ng pinto..."

"What the heck? Are you out of your mind?," Rave yelled. Miss Aimy just smile devilishly.

"Yes, Prime Master. We'll be watching you from the monitor. Let the show begins," hudyat niya at nagsimula na ngang gumalaw ang aming mga kalaban para umatake.

This show would be bloody. I guess!

Author's Note:

Hello guys! What can you say about this one? Tinopak kasi ako kaya wala na akong ibang maisip kundi ipapatay nalang sila. Hahaha...ang harsh ko naman. Abangan nalang natin sa next chapter kung anong mangyayari. Sorry kung ang lame ng chapter na to. Yun na naitype ko sa keyboard ng phone ko, wala na akong magagawa dun. Tamad akong mag-edit.

Enjoy nalang and thanks for your efforts and supports. Lovelots!

PS: Please, don't be a silent reader.

-@Phantom_Knight09

Continue Reading

You'll Also Like

468 126 51
Once there was a girl who wanted to feel loved. Her parents left her in her Aunt's custody that everyday she feels like it was hell. She first lost h...
Overnight By Chantrea

Mystery / Thriller

1.4K 138 25
JABBO DUOLOGY #1. "A night of fun turns into a deadly one." The class of CSS 11B decided to sleep over at their classmateʼs rest house. The night tha...
37.5K 1.1K 76
One girl with a bad boys Yong felling na kapag napunta ka sa isang napaka kompledong sitwasyon.
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...