Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 2

19K 753 377
By jaysanj


Zaparta's POV

"Ate Zoe. Dito po ba talaga kami maghihintay?" tanong ni Marceline.

Miski ako nagtataka kung bakit nasa mapunong lugar kami ibinaba ni Ate Zoe. Wala ngang katao tao dito kundi kami lang eh.

"Dito talaga. Napaaga lang siguro tayo kaya tayo palang nandito." sabi ni Ate Zoe katabi si Ate Alexa nagbaba ng gamit namin ni Marceline. "Tignan ninyo 'yon." tumingin kami sa tinuro nya. "Iwan ninyo daw yung mga gamit ninyo doon tapos ligyan ninyo ng pangalan ninyo." sabi nya.

May signage sa gilid na iligay nga daw namin ang gamit namin doon.

"Pero, Ate sure ka dito talaga?" paninigurado ko. Nakakatakot pa naman dito, ala singko palang ng umaga at hindi pa gaano kaliwanag ang kalangitan. Wala naman poste ng ilaw dito.

May paparating na sasakyan at huminto ito sa tabi ng sasakyan ni Ate Alexa.

"Excuse me, dito po ba yung meeting place ng magtra-training sa Dragon Basketball Girl International Training Camp?" tanong ng matandang lalaki. Hindi ito bumaba sa sasakyan.

"Dito po." sagot ni Ate Zoe.

"Oh dito daw anak." sabi ng lalaki.

Nagkatinginan kami ni Marceline. Mukhang ang anak nito ay isa din magtra-training sa camp.

Bumaba ang lalaki at pumunta sa likuran ng sasakyan tsaka ibinaba ang dalawang maleta. Hinintay naman namin ni Marceline bumaba ang anak nya sa sasakyan nila.

"Anak lumabas ka na dyan parang hindi ka nag-almusal at hanggang ngayon gutom ka pa din." sabi ng lalaki. "Ah doon ba ililigay ang gamit nila?" tanong nya naman samin.

"Opo." sagot namin ni Marceline.

"Salamat. Pasensya na sa anak ko. Matakaw kasi eh." paumanhin nya kahit wala naman dapat syang ipaumanhin.

"Okay lang po." sagot ni Marceline.

Nagpaalam naman saglit ang lalaki para iligay ang gamit ng anak nya doon sa gilid.

"Bakit ang tagal nyang lumabas?" bulong na tanong sakin ni Marceline.

"Hindi ko alam." sagot ko. Nakatingin pa din kami sa sasakyan at hinihintay na lumabas ang kamiyembro namin sa training.

Bumukas ang pintuan, hudyat na lalabas na sya.

"Ang tangkad!" hindi mapigilan na sigaw ni Marceline sa babaeng lumabas ng sasakyan.

Matangkad nga ito, sa tingin ko nga lagpas six feet ang height nya. Ang laki nyang tao. Lumingon sya samin at ngumiti.

"Maganda sya." komento ulit ni Marceline pero mahina lang na kami lang nakakarinig.

"Hi." tumingala pa kami sa kanya dahil ang tangkad nya talaga. Hanggang balikat nya lang kami ni Marceline. Parehas na 5'8 ang height namin ni Marceline.

"Ang tangkad mo." sabi ni Marceline. Napailing ako sa kanya. Minsan talaga hindi nya mapigilan ang bibig nya.

"Hala ang tangkad nya!" napatingin ako kay Ate Zoe. Natawa naman ang tatay nitong matangkad na babae.

Ngayon ko lang napansin na matangkad din pala ang tatay nya pero mas matangkad nga lang ang anak nya.

"Mathias, mauuna na ako. May kasama ka na rin naman dito." sabi ng tatay nya.

"Okay Dad, ingat kayo pag-uwi." paalam ni Mathias daw. Ang cool ng pangalan nya.

"Zap, Line, mauuna na din kami. Walang mag-aasikaso sa mga bata." sabi ni Ate Alexa.

"Sige po. Ingat po kayo." sabi ni Marceline.

Yumakap naman ako sa dalawa bago nagpaalam sa kanila. Bago sila umalis ay may mga habilin pa sila samin.

Naiwan na lang kaming tatlo pagkaalis nila. Mabilis naman kinausap ni Marceline si Mathias. Ang daldal talaga nito.

"Ito naman si Zaparta, Zap for short." sabi ni Marceline.

"Hi." nakangiting bati ko kay Mathias.

"Hi. Mathias but Math for short." sabi nya at nakipagkamay naman ako sa kanya.

Nag-usap usap kaming tatlo habang hinihintay namin ang iba. Six ang call time namin pero alas singko y media palang ay dumating na din ang iba. Maraming nakapansin kay Math kaya naman nakilala na namin silang lahat. Yung iba sa kanila ay may ugali din, may masungit, may friendly at magkaaway din. Magaganda sila at hindi nalalayo ang tangkad naming lahat pwera lang kay Mathias.

Habang naghihintay ay nilibot ko ang paningin ko sa meeting place namin. Wala pa sya. Anong oras na.

"Hello girls!" napatingin kaming lahat sa sumigaw.

"Idol Eve!" madaming lumapit kay Eve. Hindi naman nalalayo ang age namin kaya hindi ko na dinagdag ang Ate sa pagtawag sa kanya tsaka ayos lang naman 'yon sa kanya.

Ka-close ko lahat ng miyembro ng Dragon Empire dahil minsan ay pumupunta sila sa bahay nila Tita Kill at nakilala ko sila doon. Idol din nila si Ate Alexa at Ate Zoe kaya naman naging close ko sila.

"Mamaya na kayong magpa-autograph." natatawang sabi ni Eve. 

Nailing ako. Medyo mahangin si Eve pero may binatbat naman talaga. Makapal lang talaga ang mukha.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong nya pero nagbilang sya.

"Wala pa si Kriza." sabi ko. Napatingin naman sa akin ang lahat. Naiilang na napakamot ako ng ulo ko.

"Oo nga 'no." tumingin sya sa orasan nya. "Wala pa naman six so hintayin na muna natin sya. Sa mga gustong magpa-autograph lapit na kayo." sabi nya. May mga lumapit naman sa kanya at nagpa-picture.

Kami lang ni Marceline ang hindi nakisyosyo sa kanila.

Maya-maya ay may tumigil na sasakyan sa tabi ng kalsada. Kilala ko ang sasakyan dahil sasakyan iyon ni Tita Avey. Bigla naman ako kinabahan dahil makikita ko ulit si Kriza after five years.

Lumabas si Tita Avey mula sa sasakyan. Kumaway naman sya samin. Halos lahat ng mga kasamahan ko ay nagulat pagkakita kay Tita Avey. Lumapit sya samin.

"Goodmorning rookies." nakangiting bati ni Tita Avey. Bumati din kami sa kanya pero sa kotse ako nakatingin.

"Hindi halatang hinintay mo." bulong ni Marceline. Nilingon ko sya.

"Shhh.." sabi ko sa kanya habang nasa gitna ng mga labi ko ang isang daliri.

"Ayan na sya." mabilis na ibinalik ko ang tingin ko sa kotse.

Napatanga ako nang makita ko ulit sya. Kahit nakikita ko sya sa mga post nya sa IG, napatulala pa din ako sa kanya ngayon. Ngayon ko lang ulit sya nakita sa personal. Ang laki ng pinagbago nya. Para silang pinagbiyak ng bunga ni Tita Avey sa sobrang ganda nya, yun nga lang parehas naman sila ni Tita Kill ng expression.

Kahit noon palang ganyan na ang expression ni Kriza. Mataray kasi si Kriza at may pagkabitch sya. Hindi nga namin alam kung kanino sya nagmana dahil hindi naman mataray ang mga magulang nya. Cold lang si Tita Kill pero hindi sya bitchy.

Pero simula nung tinuring nya na akong rival nya ay naging cold na sya. 

"Okay girls, let's start. Kilala naman ninyo ako at si Ate Avey. Nga pala, si Ate Avey ay isa ding coach ng Dragon Empire. Itra-train din nya kayo." sabi ni Eve.

Lahat ng rookies natuwa pwera lang samin ni Marceline at si Kriza. Alam namin ni Marceline kung anong klaseng training ang ipapagawa ni Tita Avey.

"By the way girls, congratulation dahil sa sobrang daming nagtry dito ay kayo lang ang nakapasa. Ilan kayo? twenty of out I-don't-remember-how-many." may natawa sa sinabi ni Eve.

Hindi na ako nagulat, nasabi sakin nila Ate Zoe na kokonti lang talaga ang nakakapasa para mag-training sa kanila. Mabusisi ang pagpili nila sa mga itra-train nila ayon kay Tita Kill. Focus daw kasi ang mga seniors sa pagtraining sa rookies para mas lalong humasa sa paglalaro.

"Wag ninyong isipin na madali ang magiging training ninyo dito. Mahirap din ang training dito lalo na dumating na si Ate Avey." sabi ni Eve na tila ayaw pa maka-coach si Tita Avey. "Okay, ayoko na mag-speech, sayang laway. Nasabi na din naman namin sa try out pa lang ang hinahanap namin. So girls para makapunta sa camp, kailangan lang ninyong diretsohin ang daan na ito."

Tinuro nya ang likuran nya. Hindi naman daan yung tinuro nya kundi papasok ng gubat.

"Sure ka ba dyan?" tanong ko. Napangisi naman si Eve.

"Sigurado ako. Diretsohin lang ninyo ito, wag kayong liliko kundi hindi kayo makakarating sa camp, diretso ito papunta sa camp. Makikita ninyo ang ibang miyembro na naghihintay sa inyo doon." paliwanag nya.

"Syempre para may thrill." hindi ko alam bakit bigla ako tinaasan ng balahibo pagkarinig ko kay Tita Avey non lalo na nakangisi sya. "Eve pakikuha ang kahon sa kotse."

Sumunod naman si Eve sa kanya. Nakasunod naman ang tingin namin kay Eve pero huminto ang tingin ko kay Kriza na nasa tabi pa din ng kotse. Nakatingin lang sya sa unahan.

"Ang bigat ah." sabi ni Eve. Nilapag nya sa gitna ang kahapon at binuksan. "Ankle weight?"

"Yes." lumapit si Tita Avey sa kahon. "Kumuha kayo dito at suotin ninyo."

"Gaano kabigat po ito?" tanong ni Math habang kumukuha.

"250g ang isa." sabi ni Tita Avey.

"Hindi gaano kabigat." sabi ng iba.

Sinuot ko naman ang para sakin. Hindi man ganon kabigat pero ramdam ko pa din ang pagdagdag ng bigat ko sa paa.

"Time check, 6:15am. Kung tatakbuhin ninyo mula dito hanggang sa camp aabot kayo doon ng nine pero kung maglalakad kayo ay mga eleven naman kayo makakarating. Here's the deal girls, kapag hindi kayo umabot ng twelve sa camp wala kayong lunch."

"What?!" nangingibabaw ang boses ni Math sa mga nagulat sa sinabi ni Tita Avey.

"Uh-huh. Hindi naman kayo aabot ng twelve kung tatakbuhin ninyo ito at kahit maglakad kayo ay ganon pa din kaya wag kayong mag-alala dyan. Panakot ko lang 'yon pero kapag umabot pa din kayo ng twelve ay wala talaga kayong lunch. Nagkakaintindihan ba tayo rookies?"

"Opo." sabay-sabay na sabi namin kahit nag-aalinlangan ako sa sinasabi nya.

"Nah ah. Yes, coach ang sasabihin ninyo. Coach ninyo ako dito okay? at gusto ko ay malakas. Are we clear rookies?"

"Yes, coach!"

"Mahina!"

"Yes, coach!" sigaw naming lahat.

"Good." nakangising sabi nya. "Oh sige na. Lumakad na kayo para hindi kayo maabutan ng lunch kundi ay sa dinner pa kayo makakakain. Wag kayong mag-alala sa gamit ninyo dahil dadalhin namin ang mga yan sa room ninyo." sabi nya ulit kaya naman nagpaalam kami sa kanila ni Eve at nagsimula ng pumasok sa gubat.

Sabay-sabay kaming lahat na tumakbo. Medyo mahirap din pala ang daan dahil puro sangga ng puno at mga malalaking bato ang dinadaanan namin.

Wala pang sampung minuto ang pagtakbo namin ay napatigil kaming lahat dahil may lawa kaming nadaanan.

"Wag ninyong sabihin na tatawirin natin yan?" tanong ni Blythe.

"Hindi, liliparin natin." sagot naman ni Marceline. Napatingin sa kanya si Blythe at pinanliitan ng mata pero parang hindi naman natakot si Marceline dahil ngumisi pa ito.

"Ano trip mo?" siko ko sa kanya.

"Ang cute nya kasi eh." bulong nya pero nakatingin pa din kay Blythe. "Sarap asarin." napataas na lang ako ng kilay sa kanya. "Tsaka, hindi mo ba sya nakikilala?"

"Hindi. Ngayon ko lang sya nakita. Bakit ba?" takang tanong ko.

"Duh sya ang model ng CSports, bukod na model sya, napakagaling din nya magbasketball. Idol ko nga sya eh." sabi nya.

"Idol mo pala pero inaasar mo." sabi ko. Kaya pala hindi ko sya kilala dahil hindi naman ako nagbabasa ng magazines pero magaling si Blythe sa basketball, hindi sya makakapasok dito kung hindi pero hindi ko sya kilala kung sikat sya. Yung iba sa kanila ay kilala ko dahil minsan ko na din sila nakalaban at yung iba naman ay kilalang basketbolista.

"Mababasa ang sapatos natin nito." sabi ni Math na nakatingin sa lawa.

"Ayun oh may tulay." nakaturong sabi ni Wyn. Kilala ko sya dahil anak sya nila Tita Russel at Ivy. Nagulat na nga lang kami kanina nung magkita kami. Hindi ako magtataka kung paano sya nakapasok dito, ang mga magulang nya ba naman ay galing dito. 

Lahat naman kami ay napatingin sa tinuturo nya.

"Ang layo. 'Di ba sabihin wag tayong liliko?" sabi ni Math.

"Eh ano? lulusungin natin ito?"

At nag-usap usap sila kung ano ang gagawin namin. Yung iba naghahanap na pwedeng gamitin para makadaan sa lawa.

Tumingin ako sa lawa kung gaano ba kalalim ito. Sa tingin ko hanggang tuhod lang naman ito. 

Nagulat ako na may tumulak sakin kaya naman ay nahulog ako sa lawa.

"Zap!" rinig kong sigaw ni Marceline. "Bakit mo sya tinulak?!"

Walang tumulong sakin makatayo sa lawa dahil mababasa sila kaya naman ako na ang tumayo sa sarili ko at humarap sa taong tumulak sakin.

"Akala ko magswi-swimming sya eh." nakangising sabi nya. Napakunot ang noo ko. Mukha ba akong magswi-swimming?

"Bitch!" sabi ni Marceline.

"Marceline tama na." awat ni Math.

Tinignan ko sya. Ano bang nagawa ko sa kanya at ang mukhang galit ito sakin? mas malala pa sya kay Kriza. Speaking of Kriza hinanap ko agad sya sa mga kasamahan ko. Nasa gilid lang sya at nakasandal sa puno pero hindi sya nakatingin sa gawi ko.

At dahil basa na din naman ako ay tumawid ako sa kabila.

"Edi nakatawid sya. Kunin mo ang malaking kahoy na 'yon para makatawid kaming lahat." sabi nya sabay turo sa isang direction.

"Nice idea." sabi ni Summer. Feeling ko kaibigan sya ni Faith. Base kasi sa mukha nitong nakangisi.

"Ano pang hinihintay mo? kunin mo ang kahoy." makautos wagas itong si Faith.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko na mukhang hinihintay din na gawin ko ang utos ni Faith. Nag-aalala naman nakatingin sakin si Marceline. Napakamot ako ng ulo at tumalikod pero may naalala ako at humarap ulit sa kanila.

"Ano na?" inip na sabi ni Summer.

Nag-sign language ako kay Marceline at halata sa mukha ng mga kasamahan namin ang pagkalito.

"Pilyo." sabi ni Marceline at natawa.

"Ano ba? kunin mo na ang kahoy." sabi ni Faith.

"Bahala kayo dyan." sabi ko at ngumisi sa kanila.

Hinila ni Marceline si Math na lumusong sa lawa na ikareklamo ni Math pero wala na din syang nagawa dahil basa na sya.

"Aba lumusong kayo. Hindi pwedeng si Zap lang ang mababasa 'no." sabi ni Marceline. "Kung ayaw ninyo, bahala kayong mamoblema kung paano makarating sa camp bago mag-twelve." dagdag nya pagkaahon nya.

"Sa susunod paki-orient ako huh?" sabi ni Math. Nagsitawanan kaming tatlo.

Pero tumigil kami sa pagtawa nung tumalon si Kriza mula sa kabila papunta dito. Napanganga kaming lahat dahil nagawa nyang lagpasan ang lawa.

Ang taas nyang tumalon.

Parang wala lang sa kanya ang tumalon at nagpatuloy sa pagtakbo. Nakasunod naman ang tingin namin sa kanya.

"Wow. Ang taas nyang tumalon." komento ni Math.

"Tara na, sundin na natin sya." sabi ni Marceline. Tinapik nya ako kaya tumakbo kami kasunod sa kanya.

Nakasunod lang kami kay Kriza habang yung iba ay hindi namin alam kung ano na nangyari sa kanila.

"Ang tagal na nating kaibigan si Kriza pero nagulat ka pa din nang makita syang tumalon sa lawa." sabi ni Marceline habang tumatakbo kami. Hindi naman ganon kabilis ang takbo namin para hindi masyado mapagod.

"Mas mataas ang talon nya kumpara dati." sabi ko at tumingin kay Kriza.

"Kaibigan ninyo ang taong yan?" tanong ni Math.

"Oo, mag-bestfriend kami dati." sagot ni Marceline.

"Dati lang?"

Hindi na namin sinagot si Math tungkol don. Mahabang kwento kung sasabihin iyon sa kanya ngayon lalo na tumatakbo kami.

Hindi pala madali ang makarating sa camp. Akala ko ang lawa lang ang magiging sagabal namin sa daan pero hindi ko naman inaasahan na may dead end ang dinadaanan namin.

"Pinagloloko ata tayo nila Idol eh." sabi ni Math.

"Pwede naman natin ito akyatin kung gusto ninyo." sabi ni Blythe.

"Edi akyatin mo." sabi naman ni Marceline. Sinamaan sya ng tingin ni Blythe. Napailing na lang ako sa dalawa.

Kaya naman akyatin ang mataas na lupang ito basta dalawang tao ang magtutulungan. Tumingin ako kay Math. Napangisi ako at nilapitan sya.

"Math. Pasampa." sabi ko sa kanya.

"Paanong pasampa?" tanong nya at inexplain ko naman sa kanya ang gagawin namin. "Okay."

Lumayo ako ng konti para makabuwelo. Nakaabang naman si Math.

"Game Math!" sigaw ko.

"Sige lang!" sigaw din nya. Napailing na lang ako tapos tumakbo.

Sumampa ako sa mga kamay nya at sinuportahan nya naman ako paangat. Kumapit ako sa pinakataas at inangat ang sarili para makaakyat sa itaas. Madali lang sakin makaakyat dahil nagtraining ako kay Tita Astra, puro pahirap ang pinaggagawa sakin ni Tita kapag nasa kanila ako.

"Ayos!" sigaw ni Marceline.

"Sunod. Aalalayan ko kayo." sabi ko.

Isa-isa naman silang umakyat at tinutulungan ko silang makasampa kapag hindi nila kayang iangat ang sarili nila. Yung iba sa kanila ang bibigat. Si Faith kahit na napaka-bitch nya kanina sakin ay tinulungan ko pa din sya. Sya naman ang may problema sakin, hindi ako.

Napatingin ako kay Kriza na natira bukod kay Math. Tumabi ako dahil alam kong kaya nyang iangat ang sarili nya. Pagkasampa nya kay Math ay madali syang nakaangat. Lumuhod sya para iabot si Math. Sabagay, pangalawa sa pinakamatangkad si Kriza samin.

Tinulungan nyang makaakyat si Math. Pagkaakyat nya ay nagsimula na din ulit kaming tumakbong lahat. Mas binilisan na namin ang pagkakataong ito dahil nine na at hindi namin alam kung gaano pa kalayo ang tatakbuhin namin.

Habang tumatakbo parang may naririnig akong tahol ng aso. Tumingin ako sa likuran ko. Ako ang nahuhuli saming lahat. Nanlaki ang mga mata ko na may asong humahabol samin. Hindi lang isa, lima!

"May mga aso!" sigaw ko at binilisan ang pagtakbo. Naunahan ko nga silang lahat dahil naguluhan sila sa sinabi ko pero nang marinig kong nagsisisigaw sila ay alam kong nakita nila ang asong humahabol samin at nagmamadali silang tumakbo.

Mabuti na lang ay sementado na ang daan namin kaya hindi kami nahihirapan tumakbo pero grabe pa din yung mga asong sumusunod samin.

"Mommy!!" may sumigaw at hindi ko na inalam kung sino dahil sa mga asong sumusunod samin.

Siguro limang minuto kaming tumatakbo ay may sumigaw na wala na ang mga aso kaya naman tumigil na muna kaming lahat. Hingal na hingal kami at yung iba ay halos naupo na sa semento.

"Bwi-bwisit na mga aso yan." komento ni Cleo.

"Tila ako mamamatay sa nangyari." sabi ni Blythe.

Natatawa naman ako dahil sa nangyari samin. Bwisit. Hindi nga madali ang training. Hindi ko alam kung sinadya ba nila yung aso o ano.

"Nauuhaw na ako!" sigaw ni Math.

Mahigit apat na oras na din kaming tumatakbo kaya nakakauhaw talaga.

"Special delivery!" napatingin kaming lahat kanila Sakura at Sakuno. May dala silang plastic bottle.

"Yon!" nagsiunahan silang humingi ng tubig kanila Sakura. Inabutan lang ako ni Marceline kaya hindi ako nakipagsiksikan sa kanila.

Narinig ko pa silang tinatanong sila Sakura kung gaano pa kalayo ang papuntang camp.

"Yon! malapit na lang!" may sumigaw.

Pinagmasdan ko naman ng mabuti sila Sakura. Ang hapon na kambal na ito, sa likod na malainosenteng mukha nila ay may pilyong binabalak. Nadali na nila ako minsan kaya naman hindi ako naniniwala sa kanila na malapit na lang ang camp.

"Marceline. Let's go. Mahaba haba pa ito." sabi ko sa kanya.

"Hindi kapani-paniwala ang kambal na 'yon." natawa ako. Parehas kasi kaming niloko ng dalawang 'yon kaya naman alam na namin ang gagawin namin.

Nauna na kami ni Marceline. Hindi na namin sinabay si Math dahil mukhang nag-eenjoy itong magpahinga at makipagkwentuhan sa kambal. Sigurado akong maghahabol sila mamaya kapag hindi pa sila umalis. Sa tingin ko ay balak ng kambal na makipagkwentuhan samin para mapatagal ang pagpunta namin sa camp. Too bad, kilala namin sila ni Marceline.

Lakad takbo ang ginawa namin ni Marceline. Mabuti na lang may relo sya kaya alam namin kung anong oras na. Nang eleven na ay doon lang kami nagmadaling tumakbo. Sigurado akong naggagahol na din ang iba naming kasamahan dahil nagpahinga pa sila kanina tapos mare-realize nilang pinagloloko lang sila ng kambal. Patay na.

11:20am na sawakas ay nakarating kami ng camp. Pagod na pagod kami ni Marceline na naupo sa upuan. Binigyan nila kami ng towel at tubig habang hinihintay ang iba. Sana lang ay makarating sila bago mag-twelve. Pinagloloko kami ni Tita Avey na nine nandito na kami sa camp kapag tinakbo namin. Okay sana kung walang sagabal sa mga dadaanan eh.

"Kapag nagugutom na kayo pwede na kayong kumain sa cafeteria. Nandon na si Kriza." sabi ni Charlie.

"Nauna si Kriza satin?" tanong ni Marceline sakin. Nakitbitbalikat ako.

"Hindi ko naman sya napansin kanina." sabi ko at uminom ng tubig.

"Hindi naman kayo nagpapansinan eh." sabi nya.

Ano pa bang aasahan nya don? malabo na ang lahat samin ni Kriza. Rival na ang turing nya sakin. Kahit na kausapin ko sya ay panigurado akong hindi nya ako papansinin kaya naman ako na ang umiiwas kahit na sinabi ni Tita Kill na lahat ng ginagawa ni Kriza sa basketball ay ako ang dahilan kung sobra-sobra naman nya ako kinamumuhian.

"Tara kumain na muna tayo. Nagutom ako sa pagtakbo." tumayo kami at nagtanong kay Stace kung paano pumunta ng cafeteria. 

Tumungo din agad kami doon nang malaman na namin kung saan ang cafeteria.

"Sa tingin ko nabawasan ang timbang ko sa ginawa natin at nag-enhance yung stamina ko. Gawin kaya natin ito palagi?" sabi nya.

"Ikaw lang naman ang tamad tumakbo. 30km per day ang ginagawa ko. 10km sa umaga, 10km sa training at 10km sa gabi."

"Weh?!" napairap ako sa reaction nya. "Ang tibay mo naman. Akala ko sa umaga ka lang nagjo-jogging."

"Akala mo lang 'yon." sabi ko.

"Ah! Ate Zap! Ate Marceline!" napatingin kami sa tumawag samin ni Marceline.

"Lulu!" sigaw ni Marceline at lumapit kay Lulu. Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko sa kanya.

"Nung nakaraang araw lang." nakangiting sabi nya. "Nakapasa din pala kayo dito. Well, hindi na ako magtataka."

"Kami pa ba?" nagflip ng buhok si Marceline. Nailing ako.

"Ikaw din. Nakapasa ka dito pero bakit ang aga mo ata dito?" hindi na ako magtataka sa edad nyang sixteen ay nandito na sya. Sila Stace nga ganitong edad din nakapasok dito at sa pagkakatanda ko, fifteen years old naman pumasok si Tita Avey dito.

"Oo nga, bakit hindi ka sumabay samin sa pagpapahirap makarating dito." sabi ni Marceline.

"Naghirap din kaya ako kahit na sabi ni Tita Ella na hindi ko na kailangan gawin 'yon pero ang dalawa kong Mama, mula sa highway pinatakbo ako." himutok ni Lulu. Natawa naman kami ni Marceline.

"Oo nga pala, hindi ka dumalaw kanila Zandy bago ka pumunta dito?" tanong ko.

"Gusto ko sana kaso dinala agad ako dito ni Mama Japan eh. Tsaka ko na daw dalawin yung dalawa pati si Tyrant kapag official member na daw ako ng Dragon Empire. At tsaka inaasahan ko din na makakapasa sila Zandy dito pero mukhang hindi." sabi nya.

"Eh hindi naman nagtry-out yung dalawang 'yon." sabi ni Marceline.

"Bakit?" takang tanong ni Lulu. "Ayaw ba nilang magtraining dito? lalo na si Dite? dito din nagtraining sila Ninang ah." natawa naman ako sa sinabi nya.

"Simula pagkabata sa Miracle na sya naglaro hindi ba? doon sya sasali ng team." sabi ko.

"Pati si Zandy?"

"Kung nasaan si Dite, doon si Zandy. Magkatamdem ang dalawang 'yon kaya hindi sila maghihiwalay ng team." sabi ko.

"Ohh...kamusta naman sila? magaling na ba sila sa paglalaro?" tanong nya. Sa kanilang magkakaiba na sila Tyrant, Zandy, Dite at Lulu. Si Lulu ang pinakamagaling sa kanilang lahat lalo na dating NBA player si Tita Japan tapos si Tita Louise. Sumunod sa magaling si Tyrant na parehas din basketball player ang mga magulang nya. Coach ng Shakers ang Mama ni Tyrant na si Tita Torey, sigurado akong sa Shakers naman maglalaro si Tyrant. Tapos si Zandy, kahit na nasa lahi na nila Dite ang maging basketball player, mas magaling pa din si Zandy sa kanya.

"Sa tingin ko." sabi ko. "Hindi ko alam eh. Malalaman natin sa oras na maglaro sila. Next year, sasali na si Zandy sa Cup tapos kayo naman nila Dite, two years pa bago makasali sa Cup. Sakto pa na tapos na ang training natin non."

"Oo nga, excited na akong makalaban sila lalo na si Tyrant. Sa tingin ko lalong gumaling ang isang 'yon." masayang sabi ni Lulu.

"Mas lalong gagaling ka naman dito." sabi ni Marceline. "Matatalo mo pa din ang tatlo."

"Hindi ko minamaliit ang kakayahan ng tatlo lalo na si Dite. Sabi ni Mama Japan, anak pa din sya ni Ninang Zoe na may tinatagong pambihirang kakayahan." napangiti naman ako sa sinabi ni Lulu. Kahit na magaling sya at natatalo ang tatlo nyang kaibigan, inaasahan nya pa din na gagaling ang tatlo.

"Sabi mo. Sige punta lang kami ng cafeteria. Kakain muna kami." sabi ni Marceline.

"Okay! tatawagan ko sila Mama at sasabihin ko na nandito kayo." sabi ni Lulu.

"Sabihin mo na rin nandito rin si Wyn." dagdag ko.

"Okay!" napangiti na lang ako sa pagiging hyper nito.

Lumakad na ulit kami ni Marceline papunta sa cafeteria.

"Oh nandito na pala kayo." sabi ni Tita Avey pagkapasok namin ng cafeteria. Grabe ang daming nakahandang pagkain sa bawat lamesa, parang fiesta ang dating.

"Tita Avey! ang daya mo!" maktol ni Marceline. Natawa naman si Tita Avey.

"Sa ngayon, coach ang itawag ninyo sakin kapag nandito tayo sa camp at anong madaya ka dyan?" sabi ni coach Avey. Hindi ako sanay na tawagin syang coach, paano pa kaya kung si Kriza ang tatawag non sa kanya?

Maraming pinagsasabi si Marceline sa kanya kung ano nangyari samin sa gubat at natatawa lang si coach Avey. Halatang planado nya ang lahat ng ito.

"Mom." napatigil sa pagkwe-kwentuhan ang dalawa nang sumingit si Kriza sa kanila. "Pwede na ba akong magpahinga?"

"Pwede na. Room number 503 ang room ninyo ni Zaparta." napatingin ako kay coach Avey.

Tama ba ang rinig ko? room namin ni Kriza?

"What?" nabiglang sabi ni Kriza. Kahit nabigla sya, napakacold pa din ng mukha nya.

"What? hindi ko desisyon 'yon at isa lang pala ang kama ninyo doon, queen size naman."

"What?/Ano?" sabay na sabi namin ni Kriza. Nagkatinginan kaming dalawa pero mabilis din syang nakabawi. Narinig ko naman nahalikgik ni Marceline sa tabi.

"Kunin mo na lang kay Stace ang susi ng room ninyo. Puntahan ko lang si Ella." sabi nya at umalis.

Napabuntong hininga si Kriza bago sumunod kay coach Avey na lumabas ng cafeteria.

"Sa tingin ko sinadya nila ito." nakangising sabi ni Marceline.

"Sa tingin ko nga din." sabi ko at napailing.




--------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

49.1K 711 24
When Alex Halstead finally gets reunited with her brothers after 10 years of being separated from each other How is Jay and Will gonna react when th...
2.5M 207K 94
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
Alive By ShrazyMe

Fanfiction

2.1K 90 6
Welcome to the Rockstars series.
40.5M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...