The One

Door TeamJedean

141K 2.9K 198

She may not be the first but I'm sure that she's the one. This is a JeDean story, but of course, may kasamang... Meer

Author's Note
Chapter 1: The Past
Chapter 2: The Staredown
Chapter 3: The Unexpected
Chapter 4: The Start of Something New
Chapter 5: Tulips
Chapter 6: "Friendly" Date
Chapter 7: Someone to Lean On
Chapter 8: The Reason
Chapter 9: Warm Hugs
Not An Update✌
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Closure
Chapter 12: The Break Up Story
Chapter 13: Strange But Wonderful
Chapter 14: Feelings?
Chapter 15: Run Away
Chapter 16: Constant
Chapter 17: Ships Do Sink
Chapter 18: Stop Assuming, Start Asking
Chapter 20: What Are We?

Chapter 19: For Real

7.2K 168 10
Door TeamJedean

A/N:

I owe you guys an apology. I'm sorry I kept you waiting for a long time. I just had some problems to deal with. Thank you so much to everyone who read this story. I also want to say thank you to those who patiently waited for this update. This one's for you.

-----------------------------------------------------------

's POV

"Sige, magpakasaya kayo ngayon. Sa akin ka rin babagsak sa huli."

Nandito ako ngayon sa parking lot ng bar, nakatanaw sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko. Nagmamasid habang may kasama siyang iba.

"Hindi sila bagay. Pwe." bulong ko habang nakayukom ang kamao

"Sa ayaw at sa gusto mo, akin ka lang." sabi ko sa sarili ko bago pumasok ulit sa bar

Chiara

"Hoy partner, bakit nakabusangot ka diyan?" sabi sa akin ni Eli habang naglalakad papunta dito sa table namin

"Si Captain kasi biglang nawala. Baka kung ano na nangyari doon. Kanina ko pa tinatawagan phone niya pero walang sumasagot." sagot ko habang sinusubukan pa rin siyang icontact

"Uhm, mag-iikot muna ako dito sa bar pati na rin sa labas." sabi ni Eli na halatang kinabahan din

Kakatalikod pa lang ni Eli at hindi pa nakakadalawang hakbang nang may makabangga siya

"Aray naman!"

"Ay! Sorry, Fhen– anong nangyari sa pisngi mo?" tanong niya kay Fhen na halatang bad trip

"Wala. Saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko lang sana si Jema. Nawala kasi siya bigla."

"Psh. 'Wag ka na mag-aksaya ng oras. Sumama na 'yon doon sa atenistang singkit!" sabi niya at padabog na umupo sa tabi ko

"You mean, sumama siya kay Deanna Wong?" tanong ko sa kaniya

"Oo! 'Wag mo nga banggitin pangalan non! Nakakabad trip!"

"Uhm, sige. Try ko pa rin mag-ikot." Binigyan ako ni Eli may-tiwala-ka-ba-sa-sinasabi-neto look at agad na umalis

Nagsidatingan na ang iba at nagkayayaan na umuwi pero hindi pa rin sumasagot si ate Jema sa mga tawag ko. Tinanong din ng iba kung nasaan na si Captain pero etong ex niya, pilit pa rin talagang pinapanindigan yung kwento niya na sumama si ate Jema kay Deanna Wong.

Dumating na si Eli at hindi pa rin niya kasama si Captain. Nagpadesisyunan namin na dadaan na lang kami sa apartment niya para tignan siya. Sinubukan ko na rin magsend ng message sa twitter kay Deanna Wong, baka sakaling totoo na magkasama sila.

Habang nasa byahe, hindi pa rin ako tumigil sa pagcontact kay ate Jema. Hindi talaga ako mapakali eh. Alam naman natin ang panahon ngayon, sobrang delikado kahit ano pa ang gender, age at suot mo. Si Deanna Wong naman, hindi pa rin nagrereply sa DM ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang sagutin ni ate Jema yung tawag ko.

"Hello, capt! Kanina pa kita tinatawagan! Nag-alala kami! Bakit ka ba biglang umalis? Nasaan ka ngayon? Ano? Sagot!" mabilis kong sabi pagkasagot niya ng tawag. Nakita ko naman na natawa at napailing na lang si Eli sa driver's seat.

"Hey, Chiara, it's Deanna Wong." sagot ng nasa kabilang linya

"Deanna Wong! Saan mo dinala si ate Jema? Sagot! Magpapatawag ako ng pulis!"

"Chill, partner. Pagsalitain mo muna yung tao." sabi ni Eli habang nagda-drive.

"Sorry. Nandito kami sa apartment niya ngayon. Pwede ba ikaw pumunta dito? I'll explain na lang about what happened when you get here. I'm sorry about not informing you earlier. Hindi ko kasi alam yung password ng phone ni Jema, and I don't know your number naman. Even yung sa other teammates niyo, wala talaga akong number." kalmado na sabi ni Deanna pero rinig ko na sincere naman siya sa pagso-sorry

"Sige. Papunta na kami diyan. Alagaan mo captain namin ah!"

"Gagawin ko naman talaga 'yan kahit hindi mo sabihin. Ingat kayo." sabi niya bago ibaba yung tawag

"O-M-G." Ayan na lang ang nasabi ko after magprocess sa akin yung huling sinabi ni Deanna

"Ansabe, sis?"

"Sa apartment ni ate Jema. Nandoon din si Deanna."

"Ayan lang? Bakit ka napa-OMG pa?" sabi ni Eli habang ginagaya yung reaction ko kanina

"Feeling ko nagkaaminan na yung dalawa! Emegesh, sis! Dalian mo na nga para malaman natin ang katotohanan!"

----------------

"Hello. I'm sorry ulit. Pasok kayo." sabi ni Deanna pagkabukas niya ng pinto. Basa pa yung buhok niya. Malamang nakiligo na dito kasi nasukahan ni ate Jema.

"Saan si mare?" tanong ni Eli habang naglalakad kami papasok

"Nasa kwarto niya. She fainted, but luckily, she didn't throw up naman. She still needs to get cleaned up tho."

"Needs? 'Di mo pa nagagawa?" tanong ko kay Deanna habang nakataas ang isang kilay. Okay, I was wrong. Hindi pala siya nasukahan.

"Nakainom din naman kami ah edi kailangan din namin ng clean up. Bakit kami pa gagawa— Aray naman!" binatukan ko agad si Eli. Puro siya reklamo kasi nakakahiya sa bisita

"I'm sorry. Nahihiya kasi ako." sabi ni Deanna at napakamot pa sa batok

"Okay, sige. Kami na bahala."

Pagkatapos namin kay captain, kami naman ni Eli ang naglinis ng katawan at nagbihis. Napagdesisyunan namin na dito na rin matulog.

Pag labas namin sa sala, nandoon pa rin si Deanna, komportableng nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.

"Hindi ka ba hinahanap sa dorm niyo? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Eli sa kaniya

Umupo siya sa tabi ni Deanna at nakikuha pa ng chips. Umayos pa siya ng upo at nanood na rin ng TV.

"I'll sleep here. Ayaw kasi ni Jema na umuuwi ako kapag ganito na gabi na. I'm sure magagalit siya if umuwi pa ako."

Umupo ako sa kabilang sofa at humarap sa dalawang bata na sobrang focused sa pinapanood nila. Parang sobrang comfy ni Deanna dito. Nakailang beses na kaya siya dito?

"Ang taray, nakatulog ka na dito dati?" tanong ko kay Deanna

"Yep. Twice." sabi niya habang nakatingin sa akin

Inabot niya yung chips kay Eli at umayos ng upo para makaharap sa akin at kay Eli.

"About what happened pala kanina, how I ended up with Jema..." pagsimula niya

Natapos niya nang ikwento yung nangyari kanina. Nagkatinginan kami ni Eli at napangiti. Kahit hindi niya directly sinabi na nagselos siya nung nakita niya si ate Jema at Fhen, kahit hindi niya sinabi na gusto niya si ate Jema, naintindihan na namin siya ni Eli. Halata rin naman namin na gusto rin ni capt si Deanna, kaya nga niya sinundan sa parking lot.

"I want to ask help for something nga pala. If it's okay." sabi ulit ni Deanna nung hindi kami magsalita agad

"Ano 'yon? Basta 'wag about sa pera ah." sabi naman ni Eli

Napatawa nang bahagya si Deanna bago magsalita "I have a plan. I need your help and the help of your teammates. Don't worry, wala naman pag-aayos ng big surprise na required. I just need your acting skills."

"Wait, ano? Para saan 'to?" May idea naman na ako kung para saan yung plano ni Deanna pero gusto ko lang mismo manggaling sa kaniya

"Chiara, Eli, gusto ko si Jema. Gusto ko siya alagaan at gusto ko siyang pasayahin."

Nagsimulang magkwento si Deanna nung hindi agad kami nakareact sa sinabi niya. Kwinento niya lahat ng experiences niya kasama si ate Jema. Mula sa staredown na alam naman namin, hanggang sa trip nila sa Antipolo (Kakainggit. Penge po jowa.), hanggang sa kung paano sila nagkaaminan sa parking lot ng bar. Sinabi na rin niya yung plano niya sa amin. Very witty.

"So, ayon. I don't know if gusto pa rin niya ako when she's sober pero I'll push my luck. What can you say?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Eli at nagkaroon kami ng agreement. Sabay kaming tumingin kay Deanna at nagsabing

"Let's do this."

Jema

"Mare, gising na. May training pa tayo."

"Hmmm, aga pa." sabi ko at nagtakip ng mukha gamit ang unan

"Hoy, ate! Anong maaga? Sinwerte lang tayo kasi may emergency si Coach Air kaninang umaga kaya walang morning training. Alas dos na oh! 'Di ka pa kumakain, 'di ka pa naliligo! Ang baho mo na!" sabi ni Chiara pagkahila niya ng unan ko

Napabangon ako bigla. Nasaan ako? Nasa dorm ba ako?

"Si Deanna, nasaan? Si Bea rin, nasaan?"

"Anong sinasabi mo diyan? Bakit ka naghahanap ng Atenista dito? Malamang nasa Katipunan yung mga 'yon!" sagot sa akin ni Eli

Tinignan ko ang paligid ko. Apartment ko naman 'to ah? Bakit nandito 'tong dalawang makulit na 'to?

"Teka nga lang, bakit ba nandito kayo? Anong nangyari kagabi?"

"Hello, sabi mo kagabi dito na tayo dumiretso. Sinabi mo rin na dito na kami matulog." sabi ng nakapamewang na ATE Chiara sa harap ko

"Nalinis na namin 'tong apartment mo, nakapagluto na rin kami, pero ayan ka pa rin! Bangon na kasi, mare." Hinila ako ni Eli patayo

"Si Deanna? Nag-usap kami sa parking lot. Tapos ano..." Napakunot ako ng noo habang inaalala yung mga nangyari kagabi. Nanaginip lang ba ako?

"Gusto rin kita."

"Masakit ba ulo mo? Hangover lang 'yan! Kung anu-ano naiimagine mo. Baka napanaginipan mo lang si Deanna. Napaghahalataan ka tuloy." Sabi ni Chiara habang tumatawa. Nakitawa na rin si Eli at tinulak na nila ako papasok sa sarili kong cr.

--------------------

"Sure kayo 'di talaga nangyari 'yon? Hindi ako hinimatay sa parking lot?" sabi ko habang kumakain

"Hindi nga." sabi ni Eli na katapat ko

"Bakit tatlo yung bagong twalya na nakasampay?" tanong ko sa kanila

Nabulunan naman si Eli at nakita kong nagkatinginan sila ni Chiara. May tinatago kaya sila?

"Ah, ano, dalawang twalya kasi ginamit ko. Yung isang twalya ginamit ko sa hair ko, you know, long hair." sagot ni Chiara at may paghawi pa ng buhok na gesture

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Baka nga nanaginip lang talaga ako. Hay, sayang naman. Akala ko gusto rin ako ni Deanna.

"Bawal sumimangot sa harap ng pagkain. Very, very bad, mare." sabi ni Eli habang umiiling

"Tapos na ba kayo? Nood muna tayong movies! Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin. Punta na kayo sa living room." suggest ni Chiara sa amin. Ano naman kaya nakain ng batang 'to at nagvolunteer maghugas? Nako, kapag sa dorm, lahat ng palusot maiisip niya basta hindi lang siya maghugas.

"Apartment mo? Pero salamat na rin kasi ikaw maghuhugas. Malakas pa siguro hangover mo." sabi ko sa kaniya sabay takbo sa living room

Umupo na ako sa sofa at binuksan yung TV. Pagkayakap ko sa throw pillow, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit kaamoy ni Deanna 'to?

"Huy, Jema! Okay ka lang ba? Mukha kang baliw diyan!" tanong ni Eli na umupo sa tabi ko

"Si Deanna. Nandito siya bago ako magising 'no?"

"H-ha? Baliw ka na nga talaga! Kami nga kasama mo n-nung tulog ka. Oo. Kami nga lang." sagot naman ni Eli.

"Bakit kaamoy ni Deanna 'tong unan?" Hindi ako pwedeng magkamali, amoy talaga 'to ni Deanna.

Niyakap ko nang mas mahigipit 'tong unan na hawak ko habang pilit na inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Tumakbo sa isip ko lahat ng kayang matandaan ng utak ko tungkol sa mga nangyari kagabi. Niyaya nila akong pumunta sa bar, hinalikan ako ni Fhen at sinampal ko siya, nakita ko si Deanna palabas kaya hinabol ko siya at sinabi ko sa kaniyang gusto ko siya.

Hindi ba talaga nangyari yung part kung saan nandoon din si Deanna sa bar kagabi? Nag-aalangan ang utak ko, hindi niya mapagtanto kung totoong nangyari nga ba ang lahat ng iyon o likha lamang ng malikot kong imahinasyon. Pero bakit ganito? Kapag pinapakiramdaman ko ang puso ko, wala itong kahit kaunting bahid ng alinlangan na dalawang puso nga ang nagbukas para isa't isa kagabi.

"Mare, okay ka lang? Nood na tayo." Naibalik ako ni Eli sa realidad. Nagsisimula na pala yung movie at nandito na rin pala si Chiara sa sala.

"Tama na kaka-over think, ate." Sabi sa akin ni Chiara.

Napabuntong hininga na lang ako at sinubukang mag-focus sa TV.

----------------------
Tapos na yung training namin. Sa awa ng Diyos, maayos naman ang performance naming lahat kahit nagchill mode kami kagabi.

Sinubukan kong tanungin yung mga teammates ko tungkol sa nangyari kagabi. Tinanong ko rin sila tungkol kay Deanna pero tinawanan lang nila ako at sinabihang ang galing daw ng imagination ko.

Halos lahat ng teammates ko natanong ko na, isa na lang ang hindi.

Nasa kabilang side ng gym si Fhen, tahimik na nag-aayos ng gamit. Medyo maga yung kaliwang parte ng mukha niya, at wala naman akong balak i-deny na ako ang may gawa niyan sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kaniya. Magsasalita pa lang ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin at nagsalita.

"Kung magtatanong ka tungkol sa nangyari kagabi, 'wag mo nang ituloy. Wala kang makukuha sa akin. Wala akong maalala." Kinuha na niya ang mga gamit niya at naglakad palabas ng gym. Naiwan akong nakatayo lang habang nakakunot noo.

"Tara na, mare. Sa dorm ka matutulog 'di ba?" Sabi ni Eli habang nakaakbay sa akin

"Oo sana. Teka, si Chiara nasaan?" tanong ko nang mapansin kong 'di niya kasama yung roommate ko

"Ah, biglang nawala eh. Bahala siya." sabi ni Eli habang naghahalungkat sa bag niya

"Nakita mo ba yung wallet ko?" tanong niya sa akin

"Hala ka, hindi. 'Di mo ba nilagay sa bag mo bago tayo umalis sa apartment?"

"Hindi ko sure. Kainis. Nandoon allowance ko pandalawang linggo! Samahan mo naman ako sa shower room, baka nahulog lang doon." Hindi pa ako nakaka-sige, hinila na ako ni Eli papunta sa shower room.

Naikot na namin yung shower room, cr, buong gym pero wala pa rin talaga. Napakaburara naman ne'tong kasama ko, pero nakakaawa rin kasi 'di naman basta bastang pinupulot lang ng mga magulang natin ang perang binibigay nila sa atin.

"Uy, 'di pwedeng mawala 'yon. Grabe, ang malas ko. Pwede ba natin tignan sa apartment mo? Baka naiwanan ko doon. Please?"

"Okay, sige."

Eli

"Nakita mo ba yung susi ko? Sayang lang din punta natin kung wala yung susi ko. Saan naman kaya mapupunta 'yon?" tanong sa akin ni Jema habang naglalakad kami papunta sa apartment niya

"Hindi. Bakit ang daming nawawala? Grabe baka may nangtitrip sa team ha." sagot ko sa kaniya

Pagkarating namin sa apartment niya, sinubukan niyang iikot yung doorknob at gulat na gulat siyang tumingin sa akin sabay bulong

"What the? Bakit bukas?"

"Aba, malay ko. May iba ka bang pinagbigyan ng susi?" tanong ko sa kaniya

"Shhh! 'Wag ka maingay. Baka may magnanakaw sa loob. Sila mama lang may duplicate ng susi ng apartment. Wala naman silang sinabing uuwi sila." sabi niya habang mag dinudukot sa bag niya

"Anong gagawin mo diyan?" Pinipigilan kong matawa dahil hawak niya yung payong niya as if isa itong baseball bat

"Ipapangpukpok ko sa ulo ng magnanakaw!" sagot niya sa akin sabay biglang bukas ng pinto.

"Oy, wait lang!" sinubukan ko siyang pigilan pero alam kong huli na ako nang may marinig akong sumigaw

"Aray!"
"Ate!"

Deanna

"Oh my gosh, Deanna!"

"Uhm, surprise?" I summoned every bit of my strength to say those words and manage not to cry because of the pain on my right shoulder

"Paano ka napunta dito? I'm sorry!"Jema then tackled me with a hug

Okay, wow. I'd be willing to get hit with an umbrella at any time of the day as long as I would end up in Jema's arms.

"Uhm, Deanns, una na kami. Good luck!" Chiara whispered while slowly walking towards the door. She even gave me a thumbs up when she said "good luck".

Jema broke our hug when the door closed. She checked my shoulder while I, Deanna Wong, was left mesmerized by the beauty of the angel standing infront of me.

"Deanns, paano ka napunta dito? Paano training mo? Para saan lahat ng 'to?"

I thought she would never ask. Chiara and I made this setup. Siya yung kumuha ng keys ni Jema while Eli bought us time to prepare this.

Good thing hindi binuksan ni Jema yung lights when she entered her apartment. Our only source of light ay yung mga candles na nakailaw sa dadaanan niya papunta sa living room which we transformed to something similar to the ones kids build and use as their fort.

I slowly walked near the wall to plug and turn on the lights. When I did, the letters I stuck on her wall became visible, and our "fort" lit up.

I walked back to her with a bouquet of red tulips. The last time I gave her flowers, I was asking for forgiveness. This time, well, alam niyo na what these flowers mean.

"For you, Jema. I hope you don't mind if I made a huge mess in your living room."

"A-anong huge mess? M-maganda kaya!" Despite the dim lights, I can see how her face turned bright red.

"I asked your teammates to pretend na hindi talaga nangyari yung sa bar, but it happened talaga. That's part of the surprise. So, this... gusto ko lang gawin nang maayos yung nangyari last night. What I meant by maayos is without the shouting, crying and fainting part." I earned a laugh from her which made my heart leap. I suddenly felt nervous. Yung confidence that I tried so hard to build up kanina evaporated like water under the scorching sun.

"Uhm, so. Damn. Ngayon pa ako kinabahan."

"It's okay, b. Continue." B? She called me b?

"Uhm, okay." I took a deep breath before continuing. "Gusto kita, Jema. Sobra. Totoo lahat ng nangyari kagabi. Totoo lahat pati yung nararamdaman ko. I know you can read, but let me read the message I put up on your wall. May I court you, Jema?"

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.2M 24K 56
just for fun
154K 8.8K 95
Inspired by: Gokusen [BOOK 01] Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mong traydor. I use you like a toy. Started Date: October 03, 2020 End: Ju...
15.2K 1.6K 26
Why can't Travis love Stacey even if Stacey loves him? Why do they agree in arranged marriage if there's only one-sided love occured? Does it have a...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.