Chapter 17: Ships Do Sink

6K 144 30
                                    

Deanna

"Kalma, lodi! Hintayin mo ako!"

"Hay, iba talaga kapag tumatanda na." I stopped running and walked backwards instead

"Narinig ko 'yon! M-marami lang talaga akong nakain kahapon." sabi ni Tots while holding onto her knees and trying to catch her breath

I stopped walking backwards na rin. I'm here sa UP ngayon. Last day na ng break na binigay sa amin ng management before we go back to training. May games pa kami kaya hindi pwedeng buong 10-day break ay wala kaming training. This is the last day of my precious vacation, yet I chose to spend it kasama ang bully na 'to.

"Hoy, libre mo na ako. Nagugutom na ako." sabi niya nung nakalapit na siya sa akin

"Sayang jogging, hay. Bihis muna tayo before kain."

Nakiligo and bihis ako sa dorm nila Tots. After that, we decided to have breakfast sa tapsihan na malapit sa UP.

"So, ano na kwento mo? Sa sobrang dami mong utang na kwento sa akin, kulang pa lahat ng kinain ko para pambayad." sabi niya then uminom sa drink niya

"Saan ba ako magsisimula?"

"Hmmm" sabi niya habang may paghawak pa sa baba "Sa girl sa IG mo hanggang sa kay Jema. Pati mga ganap in between ikwento mo."

Dati, idol ko lang 'to si Tots. Hindi ko na nga matandaan how we became close eh. Basta  lagi na lang we bump into each other even during off seasons. We started talking then we clicked immediately. Tots is the kind of friend na kahit sobrang bully, sobrang for keeps din. She's not toxic. Sobrang low-maintenance pa.

"That girl is Pauline Gaston. She's my ex. 'Wag ka na mag-effort magkunwari na nasurprise ka. Lagi mo naman kami nakikita magkasama dati." I rolled my eyes then laughed

"Oo na. Tuloy mo na kwento. Pabitin ka pa."

I told her everything. Kwinento ko sa kaniya how Pauline and I met, how we fell for each other and how we fell apart. I also told her about how my teammates treated me after our break up. I told her everything hanggang sa gameday kung saan nangyari yung staredown and how my life changed after that.

"Grabe naman si Paras! Dapat sinabi mo sa akin kaagad! Tumba sa akin 'yon!" sabi niya habang sinusuntok yung palad niya

"Easy, bro. Okay na kami ni Pauline. I'm happy for them." I said while laughing

"Pangarap mo ba maging santo? Hindi bagay sa'yo. At bakit alam nung blockmate mo tapos ako hindi?" Sabi niya nang nakataas yung isang kilay and her arms crossed

"Oo na, ako na martyr of the year. Yung kay Ryan, close naman kami. One day, he asked me kung ano ko si Pauline kasi parang may something daw. So inamin ko. Ayaw ko kasing i-deny siya sa iba. It turns out pala na bisexual si Ryan kaya naramdaman niya na may something kami." About a month before ng break up namin ni Pauline, tinanong nga ako ni Ryan and he also opened up about his sexuality.

"Dapat pala nagtanong ako. Pero sure ka ba ayaw mong puruhan ko si Paras? Okay ka na ba talaga?"

"Tumigil ka nga diyan. Okay na ako. The wound is healing na. I'm happy for them, and masaya rin naman ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon." I answered her question with a smile

Naalala ko how I became closer with the team. Nag-iba na yung image ko sa mga rookies, kinakausap na nila akong lahat even si Jules and Ria at naging close na ulit kami nila ate Bei. Of course, hindi mawawala sa good things na nangyari yung pagiging close namin ni Jema.

"Oo, kasi may Jema ka na. So, what's the real score?" sabi niya habang may pagtaas baba na naman ng kilay

"Real score mo mukha mo. We're friends. Uhm, best friends? Basta she's my constant." I said while smiling

The OneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα