Chapter 9: Warm Hugs

5.6K 130 1
                                    

Jema

Kaya pala dati sobrang kulit nilang dalawa ni Gaston tapos biglang nagbago. Hindi ko inakala na may ganito rin palang pinagdadaanan ang isang Deanna Wong.

"So, related doon yung nangyari kanina kaya ako nandito ngayon. Si ate Bea kasi nagalit sa akin simula nung makipagbreak ako kay Pauline. Parang mom and dad ko na nga si ate Bea dati before mangyari yung break up. Kaso mas close sila ni Pauline kasi dati pa sila nagkakasama because of ate Therese." sabi ni Deanna nung nakita niyang parang naging speechless ako

"Hindi ba niya alam yung reason? Ikaw lang ang nakakaalam ng nangyari?" tanong ko sa kaniya

"Nope. I guess hindi niya alam. Si ate Kat unang nakaalam na iba. Nag-vacation kasi sila ng family niya sa batangas then nakita niya si Pauline and Kobe doon just weeks after our break up. Si ate Jia din alam kasi mentor ko siya, hindi ko matiis na hindi magsabi sa kaniya. Then si ate Maddie and ate Jho, after nung game namin against sa inyo, sinabi ko sa kanila." huminga muna siya nang malalim ulit bago magpatuloy.

Kung bawat paghinga nang malalim ni Deanna may lumalabas na pera, siguro mayaman na ako. Charot.

"So, kanina nga, I guess ate Bea saw your IG story then nagparinig na siya. Ang sakit ng mga sinabi ni ate Bea pero I kept my mouth shut. Then sinasaway na siya nila ate Jho pero ayaw niyang tumigil. Feel ko malapit na sila mag-away. Then ate Kat got pissed off na and she almost told everybody the truth. I cut her off then ran away. Ang sakit na kasi." umiiyak na naman si Deanna

"Uy, madaya ka. Umiiyak ka na naman, oh." medyo nagpapanic na ako kasi hindi naman ako magaling mag-comfort and mag-advice

Ginawa ko na lang yung isang bagay na alam kong nakakapagpagaan ng loob ng lahat ng tao. Niyakap ko siya.

"M-mababasa na-n-naman sh-shirt mo. S-sorry." sabi niya habang nakayakap sa akin

"Shirt lang 'to. Pwede naman labahan. Iiyak mo lang 'yan lahat. Nandito lang ako." sabi ko sa kaniya

Maya-maya, medyo hindi na grabe yung pag-iyak niya pero nakayakap pa rin siya sa akin. Parang side hug naman so hindi naman gaanong nakakangalay.

Napaisip naman ako bigla, bakit hindi alam nila Bea? Wala bang idea si Pauline na baka nalaman na nga ni Deanna yung kalokahan niya kaya nakipag-break? Bakit hindi man lang siya nagsalita?

"Dean, bakit hindi pa alam nila Bea? Hindi man lang ba sinabi ni Pauline sa kanila? Or wala man lang ba siyang idea na nadiscover mo na lahat ng kalokohan niya kaya ka nakipag-break?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya

"Hmmm, ewan ko. Matagal ko na rin naisip 'yan pero hinahayaan ko na lang." sabi naman niya at lalo pang hinigpitan ang yakap at sumiksik sa akin

"Grabe naman siya. Ikaw pa tuloy ang naghihirap ngayon. Grabe na talaga ang mga tao ngayon. Nanggigigil ako, ha. Dapat pinasok siya sa game against sa amin para sana napaulanan ko ng palo." sabi ko sa kaniya habang nanggigigil talaga

"Grabe naman. Hayaan mo na lang siya."

"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa kanila?" tanong ko sa kaniya kasi pwede naman na siya magsabi eh. Kung ginawa niya 'yon, edi sana hindi siya nahihirapan

"Alam ko kasing magbabago ang tingin ng teammates namin sa kaniya if sabihin ko. Fault ko rin naman siguro bakit siya nagcheat. Hindi na siya masaya sa akin kaya nga pinakawalan ko na siya. Ganoon siguro talaga pag mahal mo, lagi mo uunahin kahit ikaw na yung masasaktan." sagot niya naman sa akin

May kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nasasaktan ako para sa kaniya? Ewan. Pero mas humanga ako kasi ganito pala siya magmahal, binibigay at sinasakripisyo ang lahat nang hindi naghahangad ng anumang kapalit.

The OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang