Chapter 4: The Start of Something New

5.7K 118 0
                                    

Deanna

Before Deanna went to the restroom

I told them everything. Walang dagdag, walang bawas. Ang sarap sa feeling na nalabas ko na lahat ng dinadala ko for a year na si ate Kat lang yung nakakaalam. Ang sarap sa feeling na alam na nila yung totoo, na naiintindihan na nila ako.

"Why didn't you tell us agad, Deanna? Maiintindihan naman namin." sabi ni ate Jho

Mas close kasi sa Pauline sa team. Part din kasi ng Lady Eagles dati yung ate niya sa si ate Therese. Bago pa man ako makasama sa team, lagi na nilang nakakasama si Pauline kaya naman mas close sila dito. Kaya naman hindi na ako nagtaka nung walang nag-effort na kulitin ako para sabihin ang totoo at na pinili agad nila na icomfort si Pauline at hindi na ako pagtuunan ng pansin. Of course, except kay ate Kat na isa sa mga nakakaalam ng dahilan kung bakit ako nakipagbreak. A year ago, kinukulit lang niya ako na sabihin ang real reason pero wala talaga siyang nakuha sa akin. Nagulat nalang ako nang isang araw, pumasok siya sa kwarto at niyakap ako saying na alam niya na why I did that. Doon nagsimula yung pagiging really close namin ni ate Kat.

"We're sorry, Deanna. Hindi ka manlang namin inisip. Ngayon, mas pinahanga mo ako. Ang bigat ng dinadala mo and si Kat lang ang meron ka pero nagagawa mo pa ring ibigay ang lahat para sa team." sabi ni ate Maddie habang nakangiti. Parang nakikita ko sa kaniya na proud siya sa akin. Is this really happening or am I dreaming?

"Oo nga, beh. Balita namin nangunguna ka sa race for best setter. Sigurado akong matutuwa ang mentor mo sa'yo." sabi ni ate Jho referring to ate Jia as my mentor.

"Hala, totoo po ba? Pero kahit hindi na ako maging best setter basta po makapasok tayo sa Final Four and kung papalarin, sa finals din. Gagawin ko po yung best ko. Thank you po, mga ate kasi kinausap niyo na ulit ako, kasi okay na po tayo." sabi ko with a really huge smile on my face. Sobrang saya ko lang talaga. Nanalo kami sa game tapos ngayon okay na kami ni ate Jho and ate Maddie.

"I told you they'd understand. If only you told them earlier-"

"Hoy, Katrina. May alam ka rin pero hindi ka nagsalita ah?" kontra naman ni ate Maddie sa kaniya

"Hoy din, Madelaine. She asked me not to tell anyone. I know how to respect someone's privacy, duh." sabi naman ni ate Kat na may pag-irap pa kay ate Maddie

"Pero beh, pagpasensyahan mo na si Bea ha? Alam mo naman kasi na close sila ni Ponggay. Partners in kalokohan sila kaya sobrang nalungkot lang siya nung parang nawala yung partner niya. Kapag nalaman niya yung totoo, I'm sure siya pa yung magsosorry sa'yo." sabi ni ate Jho sa akin. Ang bait pala ni ate Jho. Akala ko kasi nung una mataray siya pero hindi naman pala.

"Tapos na tayo sa iyakan part ah? Charot. Pero tama si Jho, Deanns. Pagpasensyahan mo muna si Bei. Pero maiba nga tayo ng usapan, wala pa bang ibang nagpapatibok ng martyr heart mo?" sabi ni ate Maddie sabay ngiti nang nakakaloko with matching taas baba pa ng kilay.

"Ahem, Queen Falcon." sabi ni ate Kat na nagkunwari pang nabulunan sabay inom ng drink niya.

"May gusto ka kay Galanza, beh?" tanong ni ate Jho sa akin habang nakangiti

"What? Wala ah!" deny ko naman. Etong mga 'to, hindi pa nga ako nakakamove on sa sakit eh hinahanapan na agad ako ng ibang popormahan

"Ahem, Queen Falcon" sabi nanaman ni ate Kat

"Stop pushing it, ate Kat. Wala nga akong gusto sa kaniya."

"All I'm trying to say is that she's also here." sabi niya sabay nguso sa table na medyo malayo sa amin.

The OneWhere stories live. Discover now