Chapter 7: Someone to Lean On

5.4K 144 1
                                    

Deanna

I don't know how it happened pero I'm really glad na nawala na yung pagiging awkward ko with Jema. Sobrang naging comfortable ako with her, and that's new kasi it usually takes time bago ako maging comfortable around someone.

It's sad na our time together had to end so soon, but masaya ako kasi may next time pa. When she brought up the topic about sa pustahan, I didn't care much about winning. Masaya na ako to know na may susunod pa after this.

Jema is sitting right beside me while singing, again. Don't get me wrong. I'm not complaining. Actually, natutuwa nga ako kapag kumakanta siya. Sobrang narerelax ako and my heart feels happy kasi I feel like kinakantahan ako ng isang angel.

"Creepy ka na, ha" sabi bigla ni Jema

"Huh? Bakit naman?" Naconscious tuloy ako kasi baka may nagawa ako

"Ngumingiti ka mag-isa. Cute ka naman kapag naka-smile kaso mag-isa ka nags-smile. Baba mo na ako dito" sabi niya habang naga-act pa na natatakot sa akin pero tumatawa naman

"Weird ka rin, 'no? Masaya lang talaga ako today. Salamat ah?" sabi ko habang nakangiti. Totoo naman kasi na masaya ako. May pain pa rin from the past pero ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya since mangyari yung dati

"Ako nga dapat mag-thank you. Ang laki ng gastos mo sa akin. Pero sorry ka na lang kasi talo ka sa akin. Libre mo ulit yung next lakad natin." sabi niya habang tumatawa

Nag-asaran lang ulit kami hanggang sa makarating kami sa Adamson.

"So, here we are. Thank you sa time mo, Queen Falcon." Sabi ko habang tinatabi yung sasakyan ko

"Thanks for today, Dean! Nag-enjoy talaga ako. Pasok na ako, ha? And ikaw din go ka na, baka ma-late ka sa training niyo. Ingat ka ha? Ililibre mo pa ako. Oh and, text mo ako pagdating mo doon." sabi niya while holding the bouquet of tulips na binigay ko sa kaniya

"Thank you rin. Sige, i'll text you kasi baka mamiss mo ako kaagad. Ingat sa training" sabi ko with a sad smile. Parang bitin kasi. Pero at least there's still a next time

Nag-beso siya bago bumaba sa sasakyan. Napangiti ako because of that pero siguro naman hindi ako namula masyado.

Nag-drive na ako papuntang ateneo dahil I have less than an hour na lang before training starts. Medyo binilisan ko na ang pagdadrive pero syempre careful pa rin. Kinakabahan talaga ako baka pag-initan na naman ako ni ate Bea.

Nakarating na ako sa BEG. I immediately parked my car and ran towards the entrance of the gym. Shit, 5 minutes late na ako. Hindi pa ako nakakapagbihis. Buti na lang nilagay ko na yung gym bag ko sa sasakyan.

"Captain, sorry I'm late." sabi ko habang hinihingal kakatakbo

"Medyo kakastart lang namin, Deanns. Magbihis ka na kaagad para makasabay ka na." sabi ni ate Mads then nag-smile siya sa akin

Ginawa ko na yung sinabi niya pero before ako lumabas sa cr, I typed a quick text to Jema

To: Jema Ganda🙊💖

Hey, I'm here na sa ateneo hehe. Thank you ulit! 🤗Good luck sa training👊

After that, lumabas na ako and nagstretching. After that, sumabay na ako sa drills. I know may punishment ako for being late pero worth it naman ang punishment kasi nag-enjoy talaga ako with Jema.

I was smiling buong training. Kahit yung iba halatang halata na yung pagod sa mukha, ako nakasmile pa rin. Lahat sila nagtataka sa akin pero may isa na halatang hindi masaya dahil masaya ako. It's Ate Bea.

Natapos ang training na nakangiti pa rin ako. Dahil late ako, ako yung inutusan magligpit ng gamit and coach made me run 15 rounds around BEG. I started running na while my teammates are at the bleachers, nag-aayos ng gamit at yung iba nagphophone. Ate Kat and ate Mads told me na hihintayin nila ako kaya andoon sila sa bleachers. Actually, sila nga ang taga-bilang kung nakailang rounds na ako.

"Na-late just because she went out on a date. Ang irresponsible naman. Hindi pa nga nasesettle yung past relationship, may bago na agad na fling." sabi ni ate Bea na halatang nagpaparinig sa akin

"Let's go na, Bei." sabi ni Ate Jho habang hinihila si ate Bea patayo

"Why? Ayaw mo na marinig niya what I'm about to say? Totoo naman ah? Diba nang-iwan siya without any reason tapos siya pa yung masaya ngayon? She doesn't deserve it!" sabi ni ate Bea na mas nilakasan pa ang boses

"Ate bei..." rinig kong sabi ni Pauline

"Bea, let's go." pamimilit ulit ni ate Jho

"Bakit mo ba ako pinipigilan? Totoo naman mga sinasabi ko, right? People who carelessly break someone's heart don't deserve to be happy. They don't deserve to be loved." sabi ni ate Bea habang nakatingin sa akin

Malapit na akong maka-15 rounds. Mas binilisan ko yung takbo so I can get out of here. Parang hindi na ako makahinga.

"Stop it, Bea." si ate Mads na ang nagsalita

"What? You all know what she did tapos siya pa yung masaya ngayon. Wow." reklamo niya naman kay ate Mads with slow clap pa.

"You think you know everything, huh? Stop acting like a know-it-all, Bea! You know nothing about what really happened!" Si ate Kat naman ang nagsalita

Yung mga rookies natatakot na sa nangyayari. Si Pauline nakayuko lang habang hinihintay si Jules na matapos mag-ayos ng gamit.

Bakit hindi manlang siya magsalita? Bakit? Hindi ko na alam ang gagawin. Bumabalik lahat ng sakit na pinilit kong kalimutan. I need to get out of here.

"What else do I have to know? That your friend is a playgirl who does nothing but break people's hearts?" sabi ni ate Bea na parang hinahamon si ate Kat

"It's not her fucking fault! Deanna doesn't deserve to be treated this way! She broke up with her-" I immediately cut her off bago pa niya masabi kung anuman ang sasabihin niya.

"Enough! Tama na! Okay, it's my fault! I'm a piece of shit who doesn't deserve to be happy nor deserve to be loved! I get it!" I'm trying so hard not to cry in front of them.

I immediately grabbed my bag and ran outside. Gusto kong lumayo. Ayoko muna dito. Ayoko muna sa malapit sa kanila.

Tumakbo ako nang mas mabilis papunta sa sasakyan ko when I heard ate Kat call me. Wala na akong pakialam kung basa pa ako ng pawis. I just drove with no place in mind. I have nowhere to go rin naman.

But then naalala ko siya bigla. I immediately dialed her number and put it on speaker mode when she answered.

"Ako daw makakamiss sa kaniya pero siya naman naunang tumawag." Nagjoke pa si Jema pagkasagot niya sa phone.

"J-jema. Where are you? Pwede ba kitang puntahan? I need someone. I- I need you." sabi ko while crying

"Hey, are you crying? Nandito ako sa apartment ko ngayon. Malapit lang 'to sa adamson. I will text you the address. Saka mo na icheck pagdating mo sa adamson, okay? Ibaba mo na muna yung phone. Please, mag-ingat ka sa pagda-drive." sabi niya with worry evident in her voice

"T-thank you. I'll be there in a few" sabi ko sa kaniya and dropped the call.

Nakarating na ako sa labas ng building kung nasaan ang aparment ni Jema. I immediately searched for a parking space and got out of my car.

Halos tumakbo na ako papunta sa unit niya not caring if may ibang mga tao na nakatingin sa akin. I admit, I do look stupid. Basang-basa ako ng pawis tapos tumatakbo pa ako habang umiiyak. But I don't care anymore.

I knocked on her door and after a few knocks lang ay bumukas na ito. I feel like my legs are about to collapse. I suddenly felt really tired. I ran out of words to say. Wala na akong nagawa kung hindi umiyak sa harap niya.

Again, she did something na hindi ko inexpect. Kahit basang-basa ako ng pawis, she walked closer to me and hugged me.

She placed my head samay shoulder niya and hugged me even tighter.

"I got you, little fighter. I'm here. I'll always be here for you." She whispered, and after that, I felt her kiss the top of my head

The OneWhere stories live. Discover now