Chapter 5: Tulips

6.1K 127 2
                                    

Jema

"Ang tagal mo naman yata sa cr? Akala namin naflush mo na sarili mo sa bowl." Tatawa-tawang sabi ni ate Mylene

"Paano, may kausap pang Atenista sa loob." bulong ni Fhen pero rinig naman ng lahat

"Da who, mare?" sabi ni Joy. Ako nanaman ang nasa hotseat ngayon ah

"Ah, si Deanna Wong. Nag-sorry lang siya kasi na-staredown niya ako nung game. Ang bait nga niya e. Yung iba, hahayaan nalang nila yung nangyari pero siya nag-sorry pa talaga." sabi ko sa kanila habang kumakain

"Yung kumuha nung bola kanina, ate? Yung english nang english?" tanong naman ni Chiara

"Yep. Siya nga. Bakit?" tumigil muna ako saglit sa pagkain para tignan si Chiara. Aba, ang loka-loka, iba yung tingin sa akin. Nakangiti pa nang nakakaloko

"Cute 'yon, ate. Type mo?"

Sabi na nga ba may kung ano nanamang tumakbo sa isip ng babaeng 'to. Sinimulan nanaman akong asarin ng team. Nakakahiya baka masyado na kaming maingay.

"Cr lang ako." Paalam ni Fhen at tumayo na para mag-cr

"I smell something fishy." sabi naman ni Chiara habang sinusundan ng tingin ang kakaalis lang na si Fhen

"Mahilig ka pala sa setter, mare." sabi ni ate Mylene na sinundan naman ng marami pang asar mula sa iba kong teammates

"Pero aminin, friend. Cute nga siya, 'no?" tanong ni Eli habang nakangiti sabay tingin samay table nila Deanna

"Hay, oo na. Cute nga." totoo naman kasi na cute si Deanna. Gandang-gwapo nga siya para sa akin. Ang cute pa tuwing nahihiya siya, lagi siyang nauutal tapos nakatingin lang sa sahig.

"Confirmed." sabi ni Chiara sabay apir kay Eli

"Tara na nga. Ayan na si Fhen oh. Magsiuwi na tayo at may training pa. Patay tayo kay coach kapag malamya tayo sa training. Kailangan pa nating bumawi 'di ba?" Pag-iiba ko sa topic kasi naman kanina pa akong nasa hotseat

Binayaran na namin yung bill at umuwi na. Andito pa naman yung bus ng school dahil sabi ni coach kami na raw ang gumamit tutal buong team naman ang magdidinner. Inabutan din naman namin ng pagkain si kuya driver kaya busog din naman siya.

Sa dorm ako nags-stay ngayon kahit kinuhaan na ako ng apartment ng parents ko. May offer kasi ako galing sa Creamline and plano ko tanggapin after ko mag-graduate. Sinusulit ko na rin yung mga huling araw ko dito sa dorm kasama ang mga teammates ko.

Nakahiga ako sa kama at nakapwesto na para matulog, pero bakit ganito? Hindi ako makatulog. Napaisip ako sa mga nangyari kanina. Naalala ko nanaman yung mga pang-aasar nila.

Si Deanna, cute naman talaga siya. Magandang-gwapo nga katulad ng sinabi ko kanina. Ang bait niya kasi nag-sorry pa siya sa akin and nagsabi pa na babawi siya. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa kaniya. Naalala ko tuloy yung napansin kong pagbabago sa kaniya. Bakit kaya siya malungkot? Naccurious ako at parang gusto ko siyang tulungan na sumaya ulit.

At dahil hindi pa rin naman ako makatulog, naisipan ko nalang na i-follow siya sa IG and Twitter. Pagkatapos ay naisipan kong tignan yung mga pictures niya sa IG. Ang tagal na nung huling post niya. Last year pa yata 'to. Halos lagi siyang may kasamang babae sa mg pictures. Kung hindi endorsements at yung lalake na Luigi ang pangalan, puro picture na niya kasama nung babae o picture nung babae lang mismo. Ang gaganda ng mga kuha pero lagi namang hindi kita yung mukha nung babae. May kinalaman kaya ang babaeng 'to kung bakit malungkot si Deanna?

"Alam mo, teh, hindi naman mawawala 'yang account ng crush mo. Pwede namang matulog ka na muna at bukas nalang mang-stalk. Ang taas ng brightness ng phone mo nasisilaw ako. Good night." sabi ng roommate ko na si Chiara sabay talikod sa akin.

The OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora