Chapter 6: "Friendly" Date

6.1K 132 0
                                    

Jema

"Uhm, Deanna? Okay ka lang?" Para siyang nanigas after ko siya i-hug and kiss sa cheeks.

Natuwa lang kasi talaga ako sa bigay niyang flowers at dahil sobrang thoughtful niya. Sa sobrang tuwa ko, nagawa ko yung bagay na ginagawa ko tuwing nagpapasalamat ako sa mga taong close sa akin.

Hala, baka wrong move. Baka masyado akong nagfeeling close.

"N-no. I- I mean yes." Huminga muna siya nang malalim bago ituloy ang sasabihin niya. "I'm okay." Sinabi niya habang nakangiti sa akin

Wooh, buti nalang talaga. Akala ko masisira kaagad yung unang lakad namin dahil hindi ako nag-iisip bago kumilos. Sayang naman layo ng byahe ko, if ever. Charot.

"So, saan tayo? Okay lang ba sa'yo mag-commute? Late ko na kasi narealize na coding pala sasakyan ko ngayon." sabi ko habang nahihiya kasi baka hindi siya sanay magcommute. Mukha kasi siyang yayamanin

"Eastwood na lang para malapit. Okay lang ba? And don't worry, I have a car hehe. Ayon nalang gamitin natin." sabi niya while showing me her keys. Oh diba kakasabi ko lang na yayamanin

"Sure, okay lang. Tara na? Sayang oras hehe."

"Okay, let's go." sabi naman ni Deanna while leading the way papunta sa parking lot

Tumigil siya sa harap ng isang sasakyan and pinindot na niya yung unlock. Pupunta na sana ako sa shotgun seat nang bigla niya akong pigilan

"Oops. Wait lang" sabi ni Deanna sa akin habang nakaharang yung kamay niya sa pinto ng sasakyan

"H-huh? S-saan ako uupo? Bawal ba dito? Kapag sa likod ako, para naman kitang ginagawang driver." Sunod-sunod kong tanong kay Deanna

"No, silly. Let me open the door for you, Queen Falcon." sabi niya habang nakangiti at binuksan na nga niya yung pinto with matching hand gestures pa.

Napayuko nalang ako habang nakangiti kasi naman alam ko na namumula ako. Gentle(wo)man din pala si Deanna.

Binilisan ko ang pagpasok sa sasakyan kasi baka mangalay si Deanna sa ginagawa niya. May pa-hand gesture at slight bow pa kasi. Sinarado na niya yung pinto at umikot papunta sa driver's seat.

Ang linis ng sasakyan niya, ha. In fairness, ang bango pa. Hindi siya yung matapang na mga pabango sa sasakyan. Actually, parang kaamoy nga niya eh. Oo, tama. Kaamoy niya. Ang bango talaga.

"Uhm, Jema?" tawag niya sa akin na nagpatigil sa pagkilatis ko sa sasakyan niya

"Yes?"

"Seatbelt po" sabi niya na parang nahihiya pa

"Ay s-sorry." sabi ko habang nagmamadaling kinuha yung seatbelt.

Pero bakit ganito? Nag-lock yata? Or sadyang nanginginig lang ako?

"Let me." Sabi ni Deanna saka niya tinanggal yung seatbelt niya at naglean papunta sa akin

Ang lapit niya sa akin. Napapikit ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Naaamoy ko siya. Sobrang bango niya. Parang ang gaan gaan sa pakiramdam at parang gusto ko na lang siyang yakapin at matulog.

"Hey, okay na. Pwede ka na dumilat." sabi ni Deanna habang binubuksan yung makina ng sasakyan. Nakangiti pa siya at parang nagpipigil ng tawa

"Sabi ko nga. Tara na hehe. Ay pwede pala buksan yung radio?" pag-iba ko nalang ng topic para kunwari hindi ako napahiya

"Sure. Pwede mo rin i-connect phone mo if you want" sabi ni niya sa akin habang nakatingin na sa kalsada

Binuksan ko nalang yung radio niya dahil baka i-judge pa niya music taste ko. Isa pa, malapit lang ang eastwood dito. Siguro sa traffic lang kami matatagalan kaya hindi na ako nag-effort na i-connect pa yung phone ko

The OneWhere stories live. Discover now