My Pretty Boy

由 shawtygivemeluv

195K 4.1K 842

This is a story inspired by the short film called "Pretty Boy". I am gay, that's all I know. Not until I met... 更多

My Pretty Boy
First Shot
Second Shot
Third Shot
Fourth Shot
Fifth Shot
Sixth Shot
Seventh Shot
Eight Shot
Ninth Shot
10 Shot
11th Shot
12th Shot
13th Shot
14th Shot
15th Shot
16th Shot
18th Shot
19th Shot
20th Shot
21st Shot
22nd Shot
23rd Shot

17 Shot

4.6K 137 43
由 shawtygivemeluv

17th Chapter

Max's POV

Pagkatapos kong magemote sa favorite place ni Madi, umuwi na ako sa condo unit namin ni Luke. I pressed the passcode and went inside the unit. Sinalubong naman ako ni Luke ng yakap.

"Hi hon! Welcome home, hehe I missed you." He gave me a peck. Taka ko naman siyang tinignan kaya napatawa siya ng mahina, "you were at the hospital the whole day, can't help myself from missing you." Maliit na ngiti ang binigay ko sa kaniya bago kami naglakad papasok.

"Anyway, did you eat dinner na? Nagluluto pa lang kasi ako ng ulam." He said and went to the kitchen. Nginitian ko siya at matamlay na sinundan siya. "Uhm, not yet."

"Okay, hintay ka lang a? Maluluto na rin 'to in a while. Oo nga pala, how's Madison? Is she okay?" After hearing that, I felt guilty. I look at him and stared.

"S-She's okay na, hon." Naiilang kong sagot. "May nagbabantay ba sa kaniya doon? You can still stay there pa naman." Pangungumbinsi pa niya sa akin. Bakit kasi ang bait mo Luke? Mas lalo akong nakokonsensya.

"N-No, nandoon na 'y-yung boyfriend niya." He looked back at me. "May boyfriend pala siya?" Ngumiti ako at tinanguan ko siya.

"That's good. Next time ask her on a double date, para naman I can meet her na." Ngumiti ito at muling humarap sa stove.

"Hon," tawag ko sa kaniya, "hmm?" Malambing niyang tugon pero nakatalikod parin sa gawi ko.

"I love you." Hindi ko alam pero ayan lang ang lumabas sa bibig ko. Pinatay niya ang stove at lumingon sa akin. Hinarap niya ako at nilapitan. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at binigyan ako ng smack. "I love you too, hon."

Natapos ang dinner, ang daming kinuwento ni Luke sa akin which is very unusual dahil kadalasan ay ako ang nagkukwento sa kaniya. Ngayon ay tahimik lang ako, sinisink in ko pa ang nangyari kahapon at ngayong araw. Nagfreshen-up lang kami at pagkatapos ay natulog na, nakakapagod ang araw na 'to. Sana hindi na maulit.

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Tinignan ko ang oras at nakita kong alas-tres palang ng madaling araw.

"Hello?" I said in a sleepy tone.

"Hello, M-Max?" I heard Madi crying sa kabilang linya. Nagising ang diwa ko at inayos ang sarili ko. Tinanggal ko ang brasong nakayakap sa akin at tumayo na para lumabas ng kuwarto.

"Hey girl, are you crying?" Nag-aalala kong sabi.

"S-Sorry to interrupt your sleep pero k-kasi," putol na sabi niya. Napakagat ako ng labi, I'm worried!

"Kasi ano?" Kumunot ang noo ko

"I can't stop myself from thinking."

"Ano naman ang iniisip mo?" Nag-aalala ako, baka kasi maistress siya at makasama pa sa baby.

"Jollibee..." Then I heard her sobbing, napatawa ako sa narinig ko. Loka-loka talaga ang bruha. "Stop laughing! Ang hirap kaya magpigil! Kanina ko pa siya naiisip, huhu." Muli ay umiyak siya. Pinigilan ko naman ang tawa ko pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko.

"O sige, ano ba gusto mo? Bibili ako, pupuntahan kita." Napatigil sa pag-iyak si Madi at sinagot ako. "Baka m-magalit si Luke?"

"No, he won't. Tulog pa naman siya, asan ka ba?" Baka mamaya ay wala na pala siya sa ospital.

"I'm here sa condo, kakadischarge ko lang kanina. Gusto ko ng Chickenjoy, frenchfries, sundae atsaka maraming gravy..." Biglang takaw ata 'tong babaeng 'to?

"Ayun lang?" Lang? Kahit ang dami na 'non Max?

"Opo." Tila batang saad niya. Napatawa naman ako.

"Sige, I'll be there in a bit." Pinatay ko na ang tawag at pumasok muli sa kuwarto para kumuha ng damit at ng susi ng kotse. Nilapitan ko si Luke at hinalikan sa sentido.

Lumabas ako sa building at nagpunta sa pinakamalapit na Jollibee. Nang makakita ako ay nagpark na ako at lumabas mula sa kotse.

"Goodmorning, Sir!" Bati sa akin ni Manong guard. Nginitian ko naman ito at nagpunta na sa counter. Pansin kong nakatingin sa akin ang kakaunting taong nandito. Ganon ba ako kadiyosa para tignan nila?

"Hi sir, welcome to Jollibee, may I take your order?" Pabebeng sabi ng cashier sa akin. Inirapan ko ito at sinabi na ang order ko.

"Dine-in po ba or take-out?" Tanong niya sa akin.

"Take-out," simpleng tugon ko at nagbayad na. Kinuha ko ang number ko at umupo sa pinakamalapit na table. Napansin ko namang tinitignan ako ng mga babae sa kabilang table at nagtatawanan ito. Inirapan ko naman sila.

"Ay ang taray, wala namang shorts." Rinig kong sabi nung isang babae. Napatingin ako sa baba ko at nakita kong naka boxers lang pala ako! Nakakahiya ka Maxelita jusq. Kaya para parang naalog si junjun. Akmang aalis na ako ng saktong dumating ang waiter at binigay ang order ko kanina.

Lumabas na ako sa Jollibee at sumakay na sa kotse. Nagdrive na rin ako papunta sa unit ni Madi. Mabuti nalang at malapit lang ang unit ni Madi sa unit namin.

Kumatok ako ng tatlong beses sa labas ng unit ni Madi. Nag-antay lang ako sandali at bumukas na rin ang pinto. Bumungad sa akin ang boyfriend ni Madi. May kung anong tumusok sa puso ko, bakit 'to nandito? Live-in ba sila?

"O, mare- I mean pare ang aga bakit ka naparito?" Tanong nito sa akin na mukhang antok pa.

"T-Tumawag kasi si Madi sa akin, nagpabili ng pagkain." Pagkatapos kong sabihin iyo ay pinapasok na niya ako.

"Sandali lang at tatawagin ko si Madi." Sabi nito sa akin at iniwan ako sa sala.

Mula sa sofa ay nakita ko si Madi na lumabas ng kuwarto niya. Nakita kong mugto ang mata nito at namumula ang ilong. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil mukhang kanina pa siya naiyak.

"O, diyan na kayo, naistorbo niyo beauty sleep ko." T-Teka? Bakit parang narinig kong sinabi nung boyfriend na beauty sleep? Hindi ko nalang ito pinansin at nilapitan nalang si Madi. Niyakap ko siya ng mahigpit at binigay ang pinapabili niya. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya sa nakita.

"Bakit naiyak ka parin bru—" mabilisang hinalikan niya ako sa pisngi dahil sa tuwa.

"Thank you, bakla!" Masayang sabi niya at iniwan akong nakatayo sa sala.

Hindi ko alam pero, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Max! Halika dito!" Pagtawag ni Madi sa akin kaya't nabalik ako sa ulirat. Sinundan ko siya at pumasok na rin sa kitchen.

Nakita kong hinahanda na niya ang binili ko at umupo sa silya. Umupo naman ako sa harapan niya at tinignan siya. Tinignan ko ang orasan sa pader, alas kuwatro palang pala. Nagulat ako ng biglang ipinatong ni Madi ang paa niya sa hita ko. Gulat ko siyang tinignan pero busy parin siyang kumakain.

Napansin niya ata nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya.

"Ay, sorry." Ngumiti naman ako sa kaniya at muling kinuha ang paa niya.

"Ano ka ba, okay lang." Humagikhik siya at nagpatuloy kumain. "Gusto mo?" Alok niya sa akin. Pero sa oras na ito ay hindi ako gutom.

"Hindi na, okay lang ako. Kain ka lang diyan." Pagtanggi ko sa kaniya.

"Nandito pala boyfriend mo..." Mahina kong sabi sa kaniya sabay iwas ng tingin.

"Bakit sakin ka pa nagpabili?" Mukhang mali ata choice of words ko kasi nakita kong iiyak nanaman siya. Nataranta naman ako bigla.

"T-Teka huwag ka umiyak hala! Hindi naman istorbo or what, naisip ko lang na baka kung siya 'yung bumili hindi ka nag-intay ng matagal..." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Suminghot naman siya at muling nilantakan ang chicken.

"Gusto ko ikaw," napatigil naman ako sa sinabi niya. Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Natahimik kaming dalawa.

"Nakaboxers ka lang pala?" Biglang asar nito sa akin. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Hmp! Naiyak ka kasi bruha ka, hindi tuloy ako nakabihis ng ayos. Nagmamadali na rin ako kanina para hindi ka gaanong mag-intay ng matagal." Tumawa lang ito at nagpatuloy ng kain.

Pagkatapos niyang kumain ay itinapon na niya ang mga kahon na pinaglagyan ng pagkain.

"Aalis na ako, girl." Pagpapaalam ko sa kaniya.

"Sige, ingat ka! Thank you ulit." Ngumuti ito ng matamis at ewan ko ba kay hearty at parang kinabahan dahil ang bilis ng tibok niya. Nginitian ko siya pabalik at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Ingat kayo ni baby ha?" Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Yes, po. Babye!" Masiglang paalam niya sa akin ng makalabas ako ng unit niya.

Lumabas ako sa building at nagpunta na sa parking. Pagkarating sa tapat ng kotse ko ay 'di ko maiwasang mapangiti dahil parang nanunumbalik na ang friendship namin ni Madi. Nagliliwanag na rin ang paligid kaya napagdesisyunan kong umuwi na sa unit namin ni Luke.

Pagkarating ko sa kuwarto namin ay nakita kong mahimbing parin ang tulog niya. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Saan ka galing?" Nakapikit at parang tulog parin si Luke ng sinabi niya iyon.

"Diyaan lang." Tanging sagot ko at sinubsob ang mukha sa leeg niya. Hindi naman na siya nagsalita pa. Muli ay natulog kaming dalawa.


•••••

Chappy Question:

"Is it bad to love someone who doesn't and can't love you back?"

继续阅读

You'll Also Like

2M 32.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
1.8M 40.3K 50
"I'm pregnant and you are the father." -girl "WHAT?! Girl, di akin yan. Di tayo talo pareho tayong dyosa ng kagandahan." -beki --A typical story of...
5.7K 179 60
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: May 16, 2024