R-13 (COMPLETED - 2006)

Від j_harry08

391K 9.9K 310

Old story written in 2006. Більше

R-13
(1)
(2)
(3)
(4)
(5)
(6)
(7)
(8)
(9)
(10)
(11)
(12)
(13)
(14)
(15)
(16)
(17)
(18)
(19)
(20)
(21)
(22)
(23)
(24)
(25)
(26)
(27)
(28)
(29)
(30)
(31)
(32)
(33)
(34)
(35)
(36)
(38)
(39)
(40)
(41)
What's Missing 'Til The End?

(37)

6.7K 196 2
Від j_harry08

***37***
Pagkatapos sinabi ni Ash yun at wala naman akong naintindihan, umalis na kami doon sa bahay kasama si Nathalie para dumeretso na sa school. Nasa kotse pa lang ako eh kinakabahan na ako.

Nakaupo si Nathalie sa harapan at kami ni Ash sa likod. Siya kasi ang pumili nun. Mas gusto daw niya sa harapan. Ang lakas na ng tibok ng puso ko nun at pakiramdam ko eh hindi ko na makukuha pang ngumiti.

"Hey.. ano ka ba.. everything will be just fine." asus, nasasabi niya lang yan dahil tapos na siya dito. Pageant King na siya at ipapasa na lang niya yung crown niya.

Dahil nga walking distance lang yung bahay namin sa school, asahan mong 5 minutes lang yata eh nasa tapat na kami ng school. Bumaba na si Ash nun para siya ang magbubukas ng pinto at aalalayan niya ako. Kaya lang nagmatigas-ulo na naman ako kaya nagkaroon pa ng madugong paghihilahan mapalabas lang ako ng kotse. 'Madugo' means... matagal.

Ang daming tao doon sa gate pa lang. Syempre maraming nagtinginan nung dumating kami kasi kasali kami sa pageant. Karamihan naman ng nandun eh yung mga nanonood. May kumuha pa nga ng picture namin at hindi ko alam kung sino yun.

'Ash! Ash! Anong pangalan ng date mo?'

Eh kungh upakan ko kaya siya! Teka, ako ba yun?

"Chris. Chrisandra Orellana."

Sumimangot na lang ako. Ayoko kasing makipag-plastikan eh.

"Hey.. ano ka ba! Huwag ka ngang sisimangot. Everytime na sisimangot ka, nawawalan ka ng 2 boto."

"Oh yeah right! Ikaw ba naman tanungin sino yung date mo?!? Sabi sa iyo eh mukha akong ewan." binilisan ko yung lakad ko.

"Nah. Hindi ka nila nakilala kaya ganun. I mean.. your hair looks different. And other than that..." tumingin siya sa akin, "Ilang beses ka na ba nila nakitang nagsuot ng gown?"

"This will be the first time."

"Kaya ang ibig sabihin eh--?"

"Hindi na dapat ako magsuot ng gown." tumango pa ako nun.

"No. Wrong. It means, unang beses ka nilang nakita sa gown at hindi ka nila nakilala kasi ineexpect nila yung isang Chris."

Nakasunod lang si Nathalie sa amin nun. Naglalakad na kami papuntang loob at doon sa may stage malapit doon sa paggaganapan, may dressing room kaming mga kasali sa pageant. Hindi pa kami nakakalapit eh parang may bomba na bigla na lang sumabog sa harapan ko.

And the winner is..

"Anong problema mo Ash Jerell Valdez? You asked me to be your date at the pageant and I'm kind enough to accept it. Now it turned out na si Chester ang dumating sa bahay namin. Ano ito?!?" sabi ko nga eh.. naka-red gown siya at nagma-match na sa namumulang mukha niya.

"You've done enough trouble Shalyna. Kung hindi dahil sa devious scheme mo, baka hindi ko na magiging date yung gusto ko naman talagang maging date. And please, can we talk about this later 'coz we have a pagent to win." tumingin si Shalyna sa akin.

"You know I like you alot Ash! Sinasadya mo na ba?" oh gosh, she spilled her beans.

"Oh you do?" mapang-asar din itong si Ash eh. "Ok. You wanna' know my answer to that? May right time para doon. As for now.. enjoy the night."

Nagsimula nang maglakad si Ash nun at syempre dahil hawak niya yung kamay ko, napalakad na rin ako. Tumingin ako sa gown ni Shalyna. Sa gilid kasi eh may ekis-ekis pang nalalaman at parang magkakaroon ka ng idea na she's not wearing any underwear. But maybe, ganun lang talaga yung design ng gown. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Nice gown!"

Tumingin si Shalyna sa gown niya at narinig kong.. "Arrrggghhh!" tapos umalis ng nagdadabog.

Napansin ko rin yung itsura nung stage nun. May dalawang upuan doon sa harapan para sa king and queen ng pageant last year. Doon siguro uupo si Ash at yung queen na nanalo last year. Teka, sino nga ba? Hindi ko yata siya kilala.

Naupo kami doon sa isang upuan kaya lang hindi pa nagtatagal eh tinawag na rin kami para sa entrance daw at pagpapakilala. Kaya lang na-alarma ako. Teka, pageant 'to 'di ba? Which means...

"Ash.. ash.." hinila ko siya, "We hafta' walk like.. you know.. models?"

"Not really.. but yeah."

Ok.. lalakad ako doon? Ni-hindi nga ako makalakad ng diretso sa bahay dito pa kaya? Model? Tingin ba nila model ang dating ko? Hello? Si Tony Hawk ang idol ko!

Nanigas na lang yata ako doon sa kinatatayuan ko.

"Don't tell me YOU DON'T KNOW HOW TO WALK?" model-like or normal-like?

"What do you mean?"

"What I'm trying to tell you is... just.. walk. Hindi naman kailangang classy eh. Just, be yourself. Have fun."

"Thanks." yumakap ako pero hindi naman mahigpit, "Kahit papaano nakakatulong."

Nagsimula na uli siyang maglakad nun. Kaya lang hinila ko na naman siya. Ang kulit ko no?

"Isa pa pala. Gusto ko lang itanong.." huminto naman siya, "It's the pageant night. You mean, itutuloy mo yung plano mo kay Shalyna? Are you going to dump her?"

"Sure. Para naman malaman niya 'di ba?"

Ewan ko ba. Siguro nga tama lang kay Shalyna yun. But right now, it doesn't feel so right.

Naglakad na kami doon sa gitna. Hinihintay na lang naming tawagin yung name namin. Nung nakita na kami nung naga-announce.

'And now, our pageant King, Ash Jerell Valdez' sigawan dito at sigawan doon, 'And Pageant finalist Chrisandra Orellana!'

Nung binanggit yung name ko, tumahimik tapos nagkaroon ng bulungan. Then nahuya na ako nun.. 'di ko inaasahan, nagpalakpakan. May sumigaw pa nga na galing kung saan ng.. 'I Love you Chris!'

Kung sino man siya, ang corny niya.

Tinawag naman na yung ibang mga kasali. Syempre, 10 lang naman kami. 5 girls, 5 guys. Plus 2 para sa king and Queen.

Nung tinawag yung name ni Shalyna eh nasa bandang gitna pa kami ni Ash nun. Bigla ba naman akong inapakan kaya masakit pero hindi naman napansin yun ng audience dahil ang hahaba ng gown namin.

"Hi, I'm Shalyna Salinas" tapos tumingin siya sa akin, "And I will be your pageant Queen for tonight."

Narinig ko namang bumulong si Ash.

"Yeah right."

Hindi ko alam sino yung titignan ko. Yung babae ba na sa tingin niya siya yung magiging pageant queen o yung lalaking iniisip magiging pagean queen ako?

'And now, let's start this special night. You will get the chance to see our finalists in their Sports Wear, Casual Wear, and Evening Gowns/Attire. Our TP and QA will be the last in the row.'

Palakpakan na naman yung mga tao at inisa-isa kami sa pagbaba. Sa lahat ng sinabi, hindi ko man lang naintindihan kung codename ba yung TP or QA. Oh well..

Humiwalay na si Ash nun. Siya rin kasi eh magbibihis. Siya ang unang papasok sa stage kasama yung Queen then.. kami nang mga finalist. After that, iju-judge ng.. JUDGES. May audience impact din daw.

Tumakbo na ako doon sa dressing room na classroom din naman. May nakalagay sa taas na name ko. Chris Orellana. Doon naman ako pumasok at nanduon na si Nathalie sa loob. Nagmamadali naman siyang inalis yung gown ko at pinasuot sa akin yung pinakayaw ko sa lahat. Napaka-sexy kasi masyado eh hindi naman ako sexy. Labas na nga yung tiyan ko, ok naman yung pambaba kasi parang lose pants ang dating may props pa ako na..

"Skateboard?" teka, yung suot ko ganito tapos yung imomodel ko eh skateboard?

"It's a style. Sasandal ka lang sa skateboard mo.. konting pose ok na!" ngumiti siya sa akin, "You can pull it off. Casual wear? Sisiw. Evening gown? Golden. TP and QA? I think you can do it." tapos sinuot niya sa akin yung puting sumbrero.

Dahil nga mabilisan lang yun, oo na lang din ako ng Oo.

Narinig kong nagpapalakpakan naman yung tao sa labas. Malay ko kung anong nangyayari. Buti na lang last pa ako. Nagulo pa nga yung buhok ko eh nung sinuot ko. Ok lang daw yun dahil ang ginawa ni Nathalie eh tinaggal yung clip ng buhok ko at sinuklayan.. at isang ponytail lang ang nilagay niya. Sabi ko nga eh yun pala yung puspose kung bakit marami siyang dala nun.

Alam kong number 4 si Shalyna. Binaliktad kasi nila. Yung pinakamaraming votes ang nasa last, second a pinakamarami ang number 4. So on and so forth. Si Chester, no wonder siya rin ang number 5.

Nakita ko naman si Shalyna. Naka sleeveless ang bruha na tight fitting at naka shorts ng black. At nung sinabi kong shorts... it's really SHORT.

Tinawag na yung pangalan niya at umakyat na siya ng stage. Ang daming nagpalakpakan sa kanya at sigawan. Lalo tuloy nanlamig yung kamay ko. Ano naman kayang mangyayari kung ako na?

"You'll do better than her.." tumingin ako sa gilid ko.

"Chester!" yumakap naman ako sa kanya.

"Gusto mo.. kakausapin ko yung speaker. Sabay tayo. Para entrance 'di ba?"

Dahil ayoko ngang mag-isa ako, umoo na lang ulit ako.

Kinausap niya yung speaker. Syempre.. ano pa nga ba?

'And our top finalists by student votes on their Sports Wear!'

Palakpakan na naman. Grabe, hindi naman nakakasilaw masyado yung spotlight eh no?

Nag-pose naman si Chester doon sa kabila, at humawak lang ako sa braso niya. This isn't so bad at all!

HUmawak na lang ako sa bewang ko. Bahala na si Batman!

Pagkatapos ng ilang ikot, ngiti doon at nahilo pa ako.. bumaba na rin naman kami. Kaya lang nanduon si Shalyna sa baba.

"Nice play! You won't win Chris."

Hindi ko na lang siya sinagot. Grabe naman ka-competitive itong babaeng ito!

Humiwalay na uli si Chester at siya rin eh magbibihis pa para sa casual wear. Nakakainis naman masyado! Wala bang intermission man lang para hindi naman kami nagmamadali ng ganito?

Katulad kanina, ang bilis ding kumilos ni Nathalie. Bihis-dito at doon ang ginanap. This time ang ginawa niya sa buhok ko eh nakapusod. Pero yung pusod na walang design para daw simple lang. Konting powder na talagang para nang disyerto.. at syempre.. off we go na.

Sabay-sabay pala ang babae sa casual wear. Parang showdown daw na sama-sama kami. Kanya-kanyang style. Teka, may style ba ako? Skirt lang naman at blouse ang suot ko.

Nakita ko si Shalyna. And this time, halos parehas kami ng outfit. Oh My God. Magkaiba lang ng design pero sa first impression, parang iisa.

Nakita ko naman si Ash sa taas. Naka-pants naman siya at shirt. And with matching cap pa yan. Cool!

"You know what Chris!? Are you copying me?"

"Why would I? May kakopya-kopya ba sa iyo?"

'The Pageant Finalists on their casual wear. Claudine Murphy, Gladys Anne Perez, Patricia Lopez, Shalyna Salinas and Chrisandra Orellana!'

Pumasok kami na parang nakapila. Posing naman ng posing yung apat. Yung isa eh nagtanggal pa ng sumbrero at ginilid pa. Yung isa feeling J.Lo. Parehas kami ng outfit ni Shalyna at magkatabi pa kami. This is weird.

Gumawa naman ng eksena yung bruha. Nagsuot ng shades at umikot.

Ako tatayo lang ba dito?

Nah.. I don't think so. Pero anong gagawin ko?

Napatingin ako doon sa hagdan. kaya mo yan Chris!

Lumakad ako papunta doon sa hagdan at umupo ako. Syempre, cross legs pa yan. Syempre ako lang yung nakaupo, nabaling yung atensiyon sa akin. Tapos ang ginawa ko, tinaggal ko yung nakatali sa buhok ko at ang effect eh, style na tinaggal ko yun.

Pagtingin ko sa audience, nagthumbs up sa akin si Kian. Si Kian nakita ko!

Pagkatapos ng stupid showdown na yun, nagkaroon ng intermission galing sa mga sophomore. Sa wakas. It's about time na rin. Teka, evening gown pala yung next kaya pala meron nun. Kailangan ng extra time. Which means.. parang ang bilis yatang matapos ng program?!?

Naglalakad pa lang ako doon sa corridor eh nandiyan na naman si Shalyna.

"I can totally beat you off sa Evening gown and TP and QA. Yun naman ang pinakahighlight ng program. Good luck Chris."

Napataas na lang yung kilay ko. Bigla na lang may humawak sa balikat ko.

"Wow.. you're good!" kaya lang may humila sa kanya kaya hindi rin niya ako nakausap.

Pumasok na ako uli doon sa dressing room. Kinuha na ni Nathalie yung evening gown ko na kulay Blue. ANd this time, balak daw niyang ilugay yung buhok ko.

"Nathalie... pwedeng magtanong?"

"Sure. Ano yun?"

"Kapag merong isang bagay na gagawin yung isang kaibigan mo at naipangako mo nang susuportahan mo siya kahit na mali... anong gagawin mo kung... kung.. hindi tama yung pakiramdam mo? Feeling mo--"

May narinig naman akong umiiyak. What? may umiiyak? Galing sa kabilang room.

Lumabas naman ako at tinignan ko sa bintana. Nakita ko si Shalyna sa loob at umiiyak nga siya. Dahan-dahan naman niyang pinupunasan yung luha niya. Pero napansin ko..

Gosh she's alone? Siya lang ang nagmamake-up sa sarili niya at nagbihihis mag-isa? That is so wrong! I felt sorry for her.

"Nathalie.."

Umiling lang si Nathalie sa akin.

"Kung may mga bagay na nangyayari sa kanya ngayon, that's what you called.. 'karma'."

Siguro nga pero... kawawa naman siya. Wala man lang tumulong?

Inabot yata ng 30 mnutes eh pag-aayos pa lang sa evening gown chuvaness na yun. Lumabas na ako at ang haba-haba kasi nung gown. Lahat ng lalaki eh nandun na at yung tatlong babae pa na kalaban namin ni Shalyna eh nandun na rin.

"You're going down Chris."

"Maybe. Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Gusto ko lang naman matapos na ito. Manalo matalo... Wala akong pakialam."

"I'm a dancer.. and what are you?" nagtaka naman ako sa kanya.

Tumawa siya ng malakas at lumapit doon sa mga lalaki. What is she talking about?

Sa evening gown naman eh mauuna yung top sa votes na magpresent ng gown. Which is.. me.

Tinawag naman yung name ko at syempre, binagalan ko lang yung paglalakad. Pumunta ako sa left, pose.. konting ikot,... sa right, pose konting ikot.. sa gitna.. pose konting ikot.

Tumalikod naman na ako para sa backstage ako bababa. Kaya lang napaatras ako.. may umakyat sa stage

'And that's Chrisandra Orellana in her ocean-blue evening---'
hindi natuloy yung sinabi niya dahil hindi ako nakababa, 'Oh and wait a second, Chrisandra Orellana is being escorted by our pageant King!'

Yung mga eksena ko.. it's just.. pure luck.

Bumulong naman si Ash sa akin.

"Hey Chris.. anong talent mo pagkatapos nito?"

"What? Talent?" meron ba nun?

"Yeah.. talent? TP? talent portion?"

Yun pala ang ibig sabihin ng TP??

"Hindi ako nag-prepare ng kahit ano!"

Bumaba na kami nun at syempre.. kaway na lang din ako kahit kinakabahan na ako. Si Ash eh mukhang nagpapanic na rin.

"You mean hindi ka nag-practice?"

"Hindi ko alam na meron!"

Sunud-sunod naman nang umakyat yung ibang naka-gown. Pinakatumagal lang naman sa akin eh.

"I don't know really. Kakanta? Acapella na lang." hindi na nagfa-function yung utak ko nun.

Umalis na ako doon at si Ash din e iba na yung itsura ng mukha. Mas kinakabahan pa yata siya sa akin eh. Kinausap ko si Nathalie na wala akong talent. Syempre, gulat din siya.

Magmumukha akong katawa-tawa sa harap ng maraming tao. May binigay si nathalie sa akin na simpleng dress para daw isuot ko.

"Just do what you can. I believe in you."

Parang yung puso ko eh nasa lalamunan ko na sa sobrang lakas ng tibok. Hawak-hawak ko na yung microphone at unang-una ako doon na magpe-perform. Kaya pala sabi ni Shalyna dancer siya... she's going to dance!

Sa talent portion.. umakyat na ako. Nakatayo lang ako doon sa gitna at para na akong naging monument at hindi ko alam ang gagawin ko.

'Miss Orellana.. we're waiting.'

"Uhmm... ah... I am.. I am.. going to.. going to sing..."

Nagsisimula nang tumawa yung mga tao nun. Grabe, nakakahiya ito. Kung alam ko lang ba na may talent portion eh di nag-practice ako.

"I am going to sing.. A--" nabubulol-bulol pa ko, "AC--"

Ano ba yan Chris! -apella! Hindi mo pa madugtong?

"AC--"

Bigla na lang may nagtapos nung sasabihin ko para sa akin.

"--coustic. Right, She's going to sing.. acoustic. And.. uhmm.. I'm going to sing with her."

Napatingin ako kay Ash. Ngumiti lang siya at may hawak siyang gitara. Inabot naman niya sa akin. Akala mo eh nag-kiss siya sa pingi ko pero may binulong lang siya...

"I've got to do what I have to do." bumaba siya sa stage at kumuha ng upuan... papaupuin lang pala ako! "History repeats itself right? Let's just say.. nung nakulong tayo before dahil kay Shalyna. I think you should show them your talent. Singing. Let's sing.. 'Tell me'."

Nagsimula na lang akong maggitara nun. Hindi na ko mahihiya. Kaya ko ito. Lalakasan ko lang ang loob ko.

"There are nights when I can't help but cry
And I wonder why you had to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me"

Nakatingin lang si Ash sa akin nun, gaya nung ginagawa niya sa akin kanina sa bahay.
 

"Tell me, where did I go wrong
What did I do to make you change your mind completely
When I thought this love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye"

Umikot naman siya sa likuran ko at bigla na lang akong inakbayan. Smooth!

"There are nights when I can't help but cry
And I wonder why you had to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me"

Ok, I just hate the song. Parang papaiyakin lang ako na kung ano. But other than that.. he's.. good. Not good... awesome.

Nagduet naman na kami pagkatapos nun. Medyo mabagal lang ang tempo dahil acoustic nga.

Yung mga tao sa audience eh parang walang reaksiyon. Ang tahimik nilang lahat. Ako naman eh nakatingin lang sa gitara, kay Ash, sa gitara..

"But if this love's not ours to have"

"if this love's not ours to have"

"If this love's not ours to have
I'll let it go with your.."

"let it go with your..."

Nagtinginan kaming dalawa nun. Parang.. parang may sinasabi kasi yung kanta. At ang masakit pa nun.. tagos... tagos dito.

"Goodbye.."

Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun, tumulo na lang yung luha ko. Napahinto rin si Ash sa akin at nagulat siya siguro sa nakita niya. Dahil hindi ko na nakayanan, binaba ko lang yung gitara at tumakbo ako sa backstage.

Stupid deal! Bakit ba meron nun! The worst bit of it is...

"Why do I have to break R-13!!!"

Продовжити читання

Вам також сподобається

36.1K 1.5K 21
always his friend, never his girl
Boys Dormitory (UNDER REVISION) Від Ate Lebs❤️

Підліткова література

143K 11.2K 170
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
SEATMATE Від zhidez

Підліткова література

396K 8.2K 8
Short stories related to Seatmates: 1) ZID'S STORY 2) LOVE SEAT 3) PARALLEL 4) MY SKINNY LOVE 5) THAT GUY 6) NEXT TO YOU 7) MR. LIBRA
A Runaway Royalty (Completed) Від Michelle

Підліткова література

671K 14.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...