(8)

8.9K 245 10
                                    

Dahil na wala ako ng damit eh napilitan naman akong isuot yung binili na yun kahit na hindi ako sanay na ganun kaliit at ganun kaikli na lang. Panay nga ang hila ko sa skirt eh. Si Ash nga panay ang tawa sa akin.

"Paano mo nga pala nalaman ang size ng paa ko?" na-realized ko lang nung nasa labas na kami.

Siya kasi yung bumili ng sandals.

"Nakita ko yung sapatos mo sa bahay niyo, '7' ang nakalagay. Tinanong ko rin yung Kuya mo."

Sabi ko nga eh alam niya talaga...

Ang dami-dami naming dala parehas na plastic. Hindi ko mabilang yung sa akin at ganun din yung sa kanya. Napapisip tuloy ako sa kanya. Ang yaman siguro nila no? Akalain mong ibili niya sa akin lahat ng ito? To think na hindi ko naman isusuot...

Saglit lang din eh nasa harap na kami ng bahay namin. Hinihintay ko siya na ibigay niya sa akin yung hawak-hawak niyang mga plastic kaya lang hindi niya ginawa.

"Wala ka bang balak na ibigay sa akin yung mga pinamili na yan?" tinuro ko yung mga plastic na hawak niya.

"Nah, I'll keep this."

"Pambabaeng damit?" mukhang tama yata ako kanina, bading yata 'to!

"Alam ko. Sabi ko itatago ko, hindi ko sinabing isusuot ko."

"Sabi mo eh. Sige pala, pasok na ko."

"Bye." tapos sumigaw siya, "Masasanay ka rin Chris!"

Dinilaan ko naman siya bago ako pumasok ng bahay. Siya naman eh nag-wave lang sa akin habang nakangiti at nagsimula na ring maglakad pauwi ng bahay nila.

***

"WHAT IS THAT?!?" tinuro niya yung damit ko. Nag-shower pa nga siya nung iniinom niyang ice tea sa halamanan nung makita niya ako.

"Uniform! Ano pa nga ba?!?"

"Alam kong uniform yan! Ang ibig sabihin ko eh.. ANONG NANGYARI SA BINILI KO???"

"Hello?" nag-telephone pa ako sa kamay ko, "Narinig mo na ba yung salitang 'dress code'? bawal kaya!"

Mukhang kunsumido na talaga siya sa akin.

"Sports Curriculum students are allowed to dress out of the code every Thursdays and Fridays. Anong araw ngayon?" hinila niya ako doon sa gilid para walang makarinig na nagsisigawan kaming dalawa.

"Date ngayon? I think..." napa-isip naman ako.

"No! Not that! It's Friday today. What're you wearing?!?"

"Uniform nga! Naku ha paulit-ulit na lang! Kailangan ko ba i-record para sa 'yo?" ang kulit din niya no?

Hinawakan niya ako sa kamay ko, yeah.. sa kamay ko, at hinila niya ako doon sa harapan ng mga lockers sa hallway. Inikot-ikot naman niya yung combination ng lock niya tapos may nilabas siyang plastic.

"Susuotin mo 'to.." nilabas niya yung damit doon sa plastic.

"Says who?!?"

"AKO!"

"Ayoko nga eh! Bakit ko naman isusuot yan!" sa school? Ayoko!

Tinalikuran ko naman siya.

"You are.. and you will!"

"Hindi ko isusuot yan!" talaga naman eh, hindi niya ako mapapasuot.

"Chris, I am really really sorry about this, pero matigas kasi yung ulo mo..."

Hindi ko alam kung ano yung pinagsasasabi niya, pero nalaman ko rin.

Tinapunan niya yung damit ko nung ice tea na iniinom niya.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon