(19)

7.3K 216 4
                                    

***19***

Para akong lumilipad nun. Basta, parang ganun yung nangyari.

Unfortunately nung nakababa kami doon, medyo hilo pa ako at wala ako sa sarili. Weird pala talaga sa pakiramdam kapag nag bungee jumping ka. Bukod sa parang naiwan yung puso mo sa taas at bumagsak ka ng pabaligtad na pakiramdam mo eh hindi tumitigil sa pag-spin ang mundo... worth it naman lahat. Tinanggal nga nila yung strap namin kaya nahulog kami doon sa malaking balloon sa baba. Hindi naman masakit. Tawa lang kami ng tawa ni Ash nun.

Nagpahinga lang kami ng kaunti at narinig namin na lumapit si Nathalie at si Lawrence. Panay ang sigaw ni Nathalie sa amin.

"Ano ba kayo?!? Nakakainis naman kayong dalawa! Bakit niyo ginawa yun? Aatakihin pa ko niyan sa puso! Ang taas-taas nun! Ano bang nasa utak niyo?"

Inakbayan naman siya ni Lawrence.

"Nathalie, tama na. Tapos na nga eh. Nakatalon na sila.. and they're both fine. So what's the fuzz all about?"

Medyo kakaiba pa yung pakiramdam ko sa tiyan ko at inalalayan ako ni Lawrence na tumayo since si Ash eh hawak-hawak yung ulo niya. Kung ano siguro pakiramdam ko ngayon, ganun din sa kanya.

"You should try that Nathalie... one time."

"Ako?!? Hindi ko ita-try yan! Ano ba yan?!?"

"Flying!" sabi ni Ash.

See? He felt it. Pakiramdam niya lumilipad din siya siguro. Kahit na hindi ko siguro tanungin, parehas kami ng naramdaman.. parehas kami ng iniisip.

Teka, may inisip nga ba ako nun? Wala eh. Basta ang alam ko, blank yung utak ko at kung ang alam ko lang eh weird ng pakiramdam ko.

Inabot nila sa akin yung hotdog sandwich na inorder namin kanina. Pero ako naman, panay lang ang sabi na wala na akong gana.

Well... sino ba?

Nag-rides na nga kami doon. At yun nga, prang yung kaba ko sa heights kanina eh nawala na. Ganun pala yun no? Kapag na-try mo na yung isang bagay na iniisip mong nakakatakot at nasubukan...pakiramdam mo kaya mo na lahat.

Nag-ferris Wheel nga kaming apat eh. Two-some. Pero unlike sa bungee-jumping, so-so na ang ang pakiramdam ko. Naeenjoy ko na yung hangin.

"Grabe.. hindi ako makapaniwala na tinalon natin yun!" sabi ko sa kanya na naka-todo ngiti pa ako.

"Yeah.. me too." sabi naman niya. "Yung sumbrero mo nga nawala eh."

Napahawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala, nalimutan ko na yung sumbrero ko. Kailan pa ba ako walang suot? Sayang yun ah! Binili ko pa man din yun sa SM.

Sumakay din kami nung rollercoaster nila. Actually nakakatakot nga kasi feeling mo baka masira na lang yun. Alam mo naman kapag perya, hindi ganun ka-safe. Pero so far, wala namang nangyaring masama sa amin nung bumaba kami.

Dahil masyado kaming nag-eenjoy lahat, sinubukan naming tumaya doon sa perya. Tawa ako ng tawa kay Lawrence paano nanonood siya nung color game.. sumunod na lang na nakita namin eh naglagay ng isang buong P100. Pipigilan sana namin dahil sayang yun kapag natalo siya. Pero lumabas na triple yung color niya... kaya pagbalik niya eh may P400 na siya. Grabe.. tsamba? O nag-observe? Siguro nga lucky pick. Nung nanalo siya nun, umalis na kami at nag-rides uli.

Para kaming mga bata nun na naghihilahan sa rides. Kami ni Nathalie eh pabili lang ng pabili sa dalawang lalaki... yaya ng yaya kung saan o kaya naman eh uutusan namin gawin ang isang bagay.

Overall... masaya lahat. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito. First time na naramdaman ko na... may mga kaibigan ako. Kahit na malaki yung possibility, one-night time lang ang lahat.

R-13 (COMPLETED - 2006)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt