(11)

8.9K 248 3
                                    

***11***

Future Mrs. Valdez??? Bakit... ang gulo! 'Di ba may Mommy na siya? Imposible namang magpapakasal yung Daddy niya. Mahiya nga siya sa balat niya, ilang taon lang 'to! Mas matanda lang siguro ito sa akin ng mga ilang taon. 

Girlfriend nga siguro ni Ash. Kaya pala hindi na siya masyadong apektado kay Shalyna.

"Hi!" sabi ko na lang doon.

"Nice to meet you."

Tinuro ni Ash yung sofa nila at doon kami naupo. Umalis naman siya at iniwan niya kami ni Nathalie doon.

Actually, ok din naman ang taste ni Ash sa babae pagdating sa looks. Si Shalyna kahit abnormal yung bruha na yun, aaminin ko na maganda rin siya. Si Nathalie... ganun din.

Nung nabaling ko yung tingin ko sa picture frame sa gilid, biglang nagsalita si Nathalie.

"Na-meet mo na ba parents niya?" tanong niya sa akin kaya lumingon pa ako.

"Hindi pa. Actually, ngayon pa lang. Minsan nakikita ko yung Dad niya, pero 'di pa kami nagmi-meet."

Nakangiti na naman siya. Hindi kaya siya nauubusan ng smile?

"Mamaya pa darating yung Mommy niya eh. Sanay na rin ako. Madalas din akong nandito.."

Itanong ko kaya? Hindi huwag na. Baka isipin pa niya na nagseselos ako or something. Feeling ni Ash ha!

Nanood naman kami ng TV at lumabas na si Ash. Iba na ngayon yung suot niya. Yung buhok niya eh medyo magulo yata ngayon, pero bagay naman.

"Anong pinapanood niyo?" tapos tumingin siya doon sa screen, "Yuck, cartoons!!!" nakiupo siya sa sofa, "Ilipat na nga yan sa Oprah!"

Bading ba 'to? Sabay kami tumingin ni Nathalie sa kanya at parehas nakataas yung kilay namin.

"Joke lang! Hindi kayo mabiro. Favorite kasi ni Manang yun eh! Hindi ako nanonood ng women's show no!"

"Siguraduhin mo lang!"

Nanood kaming tatlo doon ng 1-hour show ni Oprah. Ang episode ngayon eh yung mga obese na nagpapapayat. Nakakabilib din naman kasi ang laki ng pinagbago nila. Nung medyo dumilim-dilim na, may naaninag kaming ilaw doon sa labas saka busina.

"Nakauwi na rin si Mommy.." tapos tumayo siya sa upuan niya at pumunta doon sa pintuan.

Ewan ko ba kung bakit magbabayad ako ng malaking pera makauwi lang ako ng bahay. Yun ang pakiramdam ko ngayon.

May nakita naman akong babae sa pintuan at humalik kay Ash. Mommy niya na nga siguro yun.

Tumayo si Nathalie kaya tumayo na rin ako. Ano ba yan, hindi ako sanay ng formality ng mga may kaya sa buhay. Sa bahay namin, kahit nakataas ang paa mo kapag kumakain ka sign pa rin ng formality yun. As long as walang masasamang salita kang sinasabi.

"Mom, si Nathalie nandito..." tumingin siya kay Nathalie tapos nag-kiss sa pisngi, "Si Chris, yung sinasabi ko sa 'yo na may-ari nung mga damit."

Nung nakita niya ako, halata kong nagulat siya sa akin. Akala k kung bakit, ganito na ba ka-monster like ang itsura ko?

"How are you Chris?" ngumiti siya sa akin, "You reminded me of somebody. Hindi ko lang matandaan kung sino.."

Naku, yung aswang lang doon sa labas ang naaalala niya sa akin.

"I like your hair."

"Thanks."

Dahil nasa likod si Ash nun, pangiti-ngiti lang siya at hindi siya nakikita ng Mommy niya.

R-13 (COMPLETED - 2006)Where stories live. Discover now