(31)

5.6K 157 1
                                    

***31***

Umuwi na ako mag-isa sa bahay nun. Medyo ok lang naman na ang pakiramdam ko. Sus pageant lang! Kailan ba ako nag-care? Dati-rati nga hindi naman ako sumasali sa ganyan. What's the difference this time?

Ang gulo pa rin ng utak ko. Ang daming tanong no? 

Nung sumunod na araw at pumasok ako sa school, nag-iwan na naman ng rose si Ash sa desk ko. Nung tumingin ako sa kanya, hindi niya ko tinignan. Alam kong ayaw niyang marinig yung sasabihin ko.

Teka, may sasabihin nga ba ako?

"Hey.. creep.." sabi ni Shalyna sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"What?!?"

"Nothing. I just want to bug you. Is it working?"

"Malalaman mo na nagwo-work yun kapag nag landing yung kamay ko sa mukha mo."nginitian ko siya ng sarcastic.

"Ooh.." sabi naman niya.. "Napaka-harsh naman. Pero sa itsura mo, hindi na nakakapagtaka."

Nakakasawa na talaga makipag-away sa kanya! Lagi na lang ba?

"Date ko si Ash sa pageant. Think how funny it is? Ikaw ang nililigawan niya pero ako yung niyaya niya." naku!! pinaalala pa niya.

"Oh yeah... hilarious!" binalik ko yung tingin ko sa sinusulat ko.

Si Ash naman ang kinausap ng bruha.

"Ash, I'm wearing a red gown kapag dumating ako.. red din panloob mo sa tux mo?"humawak siya sa braso ni Ash, "Para match tayo."

"I don't know Shalyna. Hindi ko pa napapagplanuhan. Next month pa yun."

Akala ko tapos na siya sa akin, kaya lang makati talaga yung dila niya eh.

"Chris, may evening gown doon sa pageant. May sports wear, casual wear.. paano naman mababayaran ng tatay mo yung mga gagamitin mo para sa pageant?" tumawa naman siya, "Siguro yung kikitain niya sa pampasada no? Ano yun? 'Di kayo kakain ng isang buwan? Your dad's a loser. At least my family can afford almost anything."

Hindi na ako nakapagpigil nun kaya hinawakan ko siya sa blouse niya. Nag-iinit na yung buong mukha ko.

"Chris!"

Hindi ko naman pinansin si Ash.

"Don't call my Dad a loser! Siguro nga jeepney driver siya pero decent job yun! Maybe your family can afford almost anything.. but you know what?!! There's one thing they can't afford to have in their own house anymore. You. You and your stupid attitude!"tapos tinulak ko siya ng malakas at naupo ako doon sa desk ko.

"Ash! Bakit hindi mo siya pinigilan? Nalukot tuloy yung damit ko!"

"I think you deserve it." sabi ni Ash at umupo siya doon sa upuan din niya.

"I'm your date!"

"Oo. But that doesn't mean I'm in your side.. always."

Sa sobrang inis niya siguro umalis doon sa harapan namin at nagdadadabog. Tumingin ako kay Ash at umiiling siya.

"Ang cute niya magdabog kahit ganyan siya..." hindi naman niya napansin pero tinignan ko siya ng masama.

Cute? Oo nga cute. Kamukha na nga niya yung terrier na aso ng kapitbahay namin.

"Nakita mo yung buhok ni Chester ngayong umaga? Naka-spike yung buhok niya. Ang CUTE 'di ba?" sabi ko naman.

Bwisit na ito!

"Err.. si C-chester? Yeah I noticed." sabi niya tapos tumingin sya sa akin, "Siguro nga sakit sa ulo si Shalyna, pero sweet din naman yan. Hindi lang masyadong halata."

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon