(24)

7.3K 191 0
                                    

***24***

'Ouch' was supposed to be an inside thought. Pero anong nangyari? Parang naging doble yung impact noon sa akin. An inside thought, at the same time... parang na bottled up sa chest ko.

Anong tawag doon? I have no idea.

Tinulak ko na lang yung glass door para makalabas na ako. Alam kong maraming nakatingin nun pero parang nawala na yung pakialam ko. Ni-hindi nga nila alam yung ibig sabihin ng R-13...

First of, nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung bakit. Rule 13 states that we are not allowed to fall in love with each other. Hindi nga yun kasama sa paper pero sinabi ko. Binanggit niya sa akin na hindi sya umagree doon sa Rule. Pero bakit ganun? Sinasabi niya na hindi niya binreak yung rule? Does that mean pumapayag na siya doon sa sinabi ko?

More likely. Ngayon naman... nalilito na ako. Malaki yung possibility na ako na yung maging rule breaker dito.

Oh please STOP! Ako magiging rule breaker? Hindi pwede. At least please... not with Ash.

Bumalik na ako sa classroom. Binuksan ko na naman yung fairytale book ng nanay ko pero hindi ko binasa. Naiinis ako nung mga oras na yun. Saglit lang din eh may dumating sa loob... sino pa nga ba? Ang wicked witch Shalyna. Umupo na naman siya sa upuan sa harapan ko.

"Two popular guys like you?" sabi niya na talagang yung expression ng mukha eh hindi makapaniwala, "Well, I'm not sure about Ash. May codename pa kayong nalalaman. What in the world is R-13?""Mind your own business Shalyna.""Kung may gusto nga sila sa 'yo... it's unusual. I mean.." tinignan niya ako ng parang nandidiri, "Look at you! There's nothing special about you. Mukha ka ngang lalaki dati. Nabihisan ka lang kaya nagmukhang babae. They used to like me. Now.. ikaw? Eeew.""Yeah.. mukha nga siguro akong lalaki na nabihisan at nagmukhang babae. Well it's a positive right there. But you know what? Get your ugly face out here o baka lalong ma disarrange yan." tinaas ko yung fist ko.

Tumayo siya doon sa desk at tinignan niya uli yung bracelet ko.

"Saan mo ba nabili yan? Nakakainis!""Bakit hindi ka makabili ng katulad nito? Too bad.." inasar ko pa siya lalo kaya napaalis na siya bigla.

Tinignan ko lang yung bracelet at saka ko na lang niyuko yung ulo ko. Ayoko na yung pakiramdam ko. Ni-hindi ko pa nga naranasan ito.

Nung nag-alarm na uli, nagsipasukan naman nayung mga kaklase namin. Isa sa mga huling pumasok eh si Ash at siya ang nahuling umupo sa upuan niya dahil sa likuran pa siya. Wala siyang sinabi sa akin.

Nagklase kami doon. Naboboring na nga ako nun dahil wala namang pumapasok sa utak ko. Dalawang period na lang nun kaya tuwang-tuwa talaga ako nung nag-alarm na para sa uwian. Tumayo ako kaagad at maaga akong umalis.

Lunch break na namin. Usually sa cafeteria ako kumakain pero ngayon eh gusto kong umuwi ng bahay. Ayoko lang mag-stay sa school ngayon.

Dahil walking distance lang yung bahay, mabilis din naman akong nakarating. Nagulat nga ako nung nandun sa bahay si Kuya Christian. Akala ko kasi may pasok siya. Sinabi niya sa akin na 2 pa daw ang pasok niya kaya nandun pa siya sa bahay namin.

1 hour lang naman ang lunch break namin kaya hindi na ako nagpahinga eh pumasok na rin ako kaagad. At kung hindi rin naman magandang view ang makikita mo, nagsisimul na namang tumaas ang presyon ng dugo ko. Nasa corridor kasi si Chester at Ash at nung madaanan ko eh pinag-uusapan nila yung one-on-one nila sa basketball.

Hindi ko na nga lang sila pinansin pero hinawakan ako sa braso ni Chester.

"Manonood ka ba sa gym mamaya?" tinanong naman niya ako.

R-13 (COMPLETED - 2006)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora