(35)

5.6K 176 1
                                    

***35***

Kaya pala nangangati ako sa buong katawan ko! Panay pantal na ako. Sa crabs lang ako may allergy. Hindi talaga ako aattend ng pageant kung ganito. Mapapahiya lang naman ako doon at tatawanan kung ganito yung itsura ko. And nah-uh, hindi makukuha ng make-up..

Paano nangyari? Kinain ko lang na huli eh yung may kalabasa, sitaw, na may coconut.. masarap naman... pero teka.. akala ko nga isda yung nanduon kahapon.

Crabs ba yun? Oh men! Ang dami ko pa man ding kinain.

This stuff sound more like... SHALYNA!

Sa kwarto lang ako nag-stay. Nakakainis pa man din sa pakiramdam kung ganito. Kung titignan mo, parang hopeless na talaga. Mapula pa man din. Tinakpan ko na nga ng kumot yung kamay ko para di ko makamot. Tapos may isa pang kumot na pinantakip ko sa buong katawan ko.

Alam kong puyat ako pero di ko makuhang matulog. Hindi kasi talaga comfortable. Saglit lang naalala ko na tatawagan ko nga pala si Chester. Mabuti nang maaga ko nang maipaalam kaysa naman last minute. Kawawa naman siya. Para naman makahanap siya ng date niya.

Kinuha ko yung phone ko na nasa kama rin at nung magda-dial na ako, para akong boksingera na ma nakapalupot na kumot sa kamay. Tinanggal ko pa uli para lang makapag-dial ako. Maya-maya lang din eh may kausap na ako.

"OO NGA ANG KULIT MO NAMAN EH! UMATAKE NGA YUNG ALLERGIES KO AT HINDI NA AKO PUPUNTA SA PAGEANT! UULITIN KO PA BA YUN? ASAR NAMAN OH!"

Alam ko na iniisip niyo. Ang rude ko naman kay chester para ganun-ganun ko na lang sabihin. Honestly, that's not Chester. Si Kuya Christopher yun. Nakasampung ulit na yata ako sa phone hindi pa rin maintindihan yung sinasabi ko.

"Hello Chester? Si Chris 'to.."

"Oh.. hey Chris.. what's up?"

Umayos ako ng pagkakaupo ko nun at inexplain ko ng mahinahon kay Chester. Pagkatapos nun, nanahimik lang din siya. Tumahimik ako para malaman niyang naghihintay ako ng comment galing sa kanya. Finally..

"If you're not gong, then I'm not." sabi niya sa akin.

Na-alarma naman ako nun. Kasalanan ko na naman kung bakit hindi siya pupunta.

"Hey.. hey... don't do that! Dadalhin ko pa sa konsensya ko yun eh! Dahil sa akin hindi ka makakapunta! Sa tingin mo naman anong mararamdaman ko nun?!?" huminga ako ng malalim, "Don't worry, kapag naging ok, sasabihin ko kaagad sa iyo."

Binaba din naman niya yung phone. Kung kailan naman aatake yung allergy, wrong timing pa talaga. Badtrip!

Si Nathalie ang sumunod kong tinawagan. Sinabihan ko siya na isosoli na lang namin yung mga damit na binili namin para magkaroon ng refund. Sayang naman at hindi rin naman magagamit at ang mamahal pa man din. Sinabi pa nga niya na sayang naman daw yun at hindi rin naman pala ako makakapunta.

Humiga ako buong maghapon doon sa kama ko. Noon kasi aksidente akong nakakain ng may crab oil, nagpantal ako ng kaunti tapos 24 hours lang din eh nawala na. Eh kahapon ang dami kong nakain.. gaano kaya tatagal?

Dumating yung tatay ko ng hapon at nakita na niya yung itsura ko. Sabi niya maganda pa rin naman daw ang anak niya kahit anong mangyari. Asus nangbola pa. Pinapalakas lang niya yung loob ko at baka saka-sakaling magbago yung isip ko sa pageant.

Hindi rin ako makakain ng maayos. Nawalan nga rin ako ng gana kaya konti lang kinain ko. Medyo maginaw pa pakiramdam ko kaya hindi na ako naligo nung gabi at baka lumala pa. Pero hindi katulad kagabi, nakatulog naman ako ng maayos. Immune na kasi ako sa kati sa katawan.

Ginising naman ako ni Kuya Christopher kinabukasan. Sabi niya na ready na daw yung almusal at baka lumamig daw yung sa akin. Tumayo naman ako at kinuha ko yung kumot ko sa kama para takpan ko yung braso ko.

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon