OPERATION: Make Her Jealous [...

By maricrisvm

170K 4K 163

❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagsel... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 4.5
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
PART 2: SNEAK PEEK

Chapter 15

4.8K 103 2
By maricrisvm

Nandito kami ni Daryll sa canteen, kami lang dalwa ang sabay na nakain kasi naman si Cristene ... ayun kasama ng boyfriend nyang si Ralph.

Ewan ko ba sa dalwang yun, dati rati away ng away ngayon naman halos hindi mapaghiwalay!

Bumili si Daryll ng sandwich at softdrinks para sa aming dalwa.

"Jessa" - mahinang sabi nya.

"Pwede bang ako nalang?" - tanong nya.

"Anong ikaw nalang?" - tanong ko, Busy kasi ako sa pagkain, ansarap kasi ng sandwich sa canteen! XD

"Pwede bang ako nalang ang mahalin mo?" - tanong nya..

"EHEM! EHEEEEMMM!! " - uminom ako ng tubig, grabe muntik na akong mabulunan sa sinabi nya.

Pero hindi din ako makasagot. Hay nako Daryll, sinabi ko na rin yan sa sarili ko..

Na sana ikaw nalang, sana sayo nalang ako nagkagusto at hindi sa kanya.. pero hindi talaga eh, hindi talaga ikaw ang mahal ko kundi si Bryle.. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo..

Pumunta ka sa school na 'toh para sa akin.. para makita mo ako. Pero heto naman ako basang basa sa ulan.. ay! male! XD

Nahihiya ako sayo kasi andami mong sinakripisyo para makita ako, kahit hindi mo sabihin.. Na-iintindihan ko at na-a-appreciate ko yung effort mo, pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo...

Ayokong masaktan ka... dahil mahal kita..  bilang kaibigan ko.

"Hayaan mo ako na maging boyfriend mo, pangako lagi kitang papasayahin."

"Tutulungan kitang kalimutan si Bryle."

"Hindi ko kayang makita kang ganyan Jessa, nakaupo sa isang tabi at nagmumukang tanga... "

"Ayokong habang buhay ka nalang maging malungkot."

"Ayokong makita ka pang umiyak ng dahil sa kanya... Nasasaktan ako.

Nahihiya ako sa kanya.. dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya.

Pero sa tingin ko may punto sya...

Siguro nga kaylangan ko sya, kaylangan ko sya para makalimutan ko si Bryle. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong mali na manggamit ng ibang tao para makalimot.

Lagi akong umiiyak dahil kay Bryle, siguro panahon na para bigyan ko ng pagkakataon si Daryll na pasayahin ako .

Sa tingin ko matututunan ko naman syang mahalin. Mabait naman si Daryll, maalaga, makulit at malambing hindi sya mahirap magustuhan.

Napatingin ako sa kanya...

"Please?" - sabi nya.

"Sige. Pero Daryll hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang pagmamahal m--" hindi ako nakatapos sa pagsasalita..

Binuhat nya ako at ini-ikot habang sumisigaw sya ..

"Waaaaaaah!! ang saya-saya ko!!" - sabi nya.

"Daryll! ano ba?! nahihilo na ako!! " - sigaw ko..

Nakakahiya pinagtinginan na kami ng mga tao.

Ibinaba nya ako.

"Salamat Jessa! hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!! salamat!! maraming salamat!!"  - sabi nya..

Napayakap sya sa akin, grabe halatang tuwang-tuwa talaga sya. Bigla tuloy akong kinabahan at nakunsensya..

Paano kapag hindi ko pa rin nakalimutan si Bryle? ayokong masaktan si Daryll.. Napakabait nya sa akin.

Hinawakan nya ang kamay ko.

Bibitaw sana ako kaso bigla kong naalala na girlfriend na pala nya ako, kaya hinayaan ko nalang.

Naglalakad kami pabalik sa room namin ng muli naming makasalubong si Bryle.

Pero sa pagkakataong ito sya lang mag-isa, hindi nya kasama ang bruha nyang girlfriend!

Itinaas ni Daryll ang magkahawak naming kamay na parang ipinapahili kay Bryle..

"Tsk." - mahinang sabi ni Bryle

 

"Kung umasta ka akala mo sayo na sya?" - sabi nya kay Daryll

"Ikaw naman akala mo kung sino ka! Hindi mo na sya pag-aari ngayon! " - sabi ni Daryll

"Tsk, samantalahin mo na ang panahon na ang mga panahong magkasama kayo dahil ... malapit na ang expiration date ng loveteam nyo!" - sabi ni Bryle sabay alis.

Ang totoo wala akong naintindihan sa sinasabi nila...

Kasi naka- earphone ako! XD hahaha malay ko ba?

Tinanggal ko yung earphone sa kaliwang tainga ko...

"Ansabe?" - tanong ko kay Daryll na may baklang accent. XD

"Congratulations daw sa atin, sana daw magtagal tayo." - sabi nya

Talaga? kinongratulate kami ni Bryle?!

Mukang wala na talaga syang paki-alam sa akin. Siguro kahit ibalita sa TV na sinalvage ako, dedma pa rin yun. Awwtts! XD

Hay.. bahala nga sya, nandito naman si Daryll alam kong makakalimutan ko rin si Bryle sa tulong nya,,

Binalik ko ulit yung earphone ko...

~~Come back home, Can you Come back home? eh~~

~~Modeun apeumeun dwiro hae, Yeojeonhi neol gidaryeo ireoke~~

~~Now you gotta do, What you gonna do?~~

~Come back home~

~Come back home~~~

. (a/n: nahawa sya sa akin ng pagka-blackjack XD)

Yah! . Nakakabaliw pala yung kantang yun! XD hahaha, nakarating kami sa room.

Pumasok si Ms. Sagpao.

"Okay class, we're very sorry to say that there will be no classes this afternoon and tomorrow due to some special occasions. The principal and faculty staffs together with us, the teachers are included to attend in that occasion." - Ms. Sagpao

"So please class, No students are allowed to stay here in school all you must go home. Okay?" - dagdag pa ni Mam.

Pagkatapos i-announced ang magandang balita umalis na si mam..

1...

2....

3......

"YEHEEEEEEEEEEEEEYYY!! WALANG PASOKKKK!!"

"OY!! TARA GALA!!!"

"HOY!! PUNTA KAMI SA BAHAY NYOOOO!!!"

ang mga katagang maririnig mo sa room namin. Halatang masisipag kaming pumasok, diba?!

"Jessa, gusto mo mag-date tayo?" - tanong ni Daryll.

"Hah?" -  sagot ko. medyo nabigla ako, oo nga pala girlfriend na nya ako, naiilang pa kasi ako.

"Sige, sige " sabi ko. Iisipin ko nalang na para lang yung recess! XD yung magkasabay nakain?!

Ganon naman kami dati, nung elementary kami, lagi nya akong kinukulit na sabay na daw kaming kumain.. Ganon din naman yun diba?!

Nag-alisan na yung mga kaklase namin, kasama na dun si Cristene. Minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba talaga yun! XD

Pumunta na kami ni Daryll sa parking lot sa labas ng school, mayaman kasi si Daryll kaya naka-kotse din sya, diba bongga!

Binuksan nya ang pinto para sa akin, pasakay na ako ng makita ko si Bryle. Bigla akong natigilan, nagkatinginan kami..

Kumikinang ang mga mata nya at parang sinasabi na lumapit ako at yakapin ko sya.. Hinawakan ni Daryll yung ulo ko at pinatungo ako para tuluyan na akong makaupo sa tabi nung driver's seat.

Nakatingin pa rin ako kay Bryle, at nakatingin pa rin sya sa akin.

Napasin kong lumapit si Daryll kay Bryle, hindi ko alam kung anong sinabi nya, mahaba ang naging pag uusap nila ni Bryle..  pagkasabi nya non tumaliod na si Bryle at sumakay sa kotse nya.

Napaisip tuloy ako kung ano yun...

Nasa gitna na kami ng byahe papunta sa kung saan. XD Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta.

Napatingin ako kay Daryll.. Seryoso yang nagmamaneho ...

Daryll's POV:

***FLASHBACK***

"Hayaan mo na sya. Hayaan mo syang maging masaya sa piling ko lagi mo nalang syang pinapaiyak at sinasaktan, hayaan mong pasayahin ko sya at burahin lahat ng lungkot sa puso nya." - sabi ko sa Gagong si Bryle.

"Pero, alam kong hindi ikaw ang mahal ni Jessa. Nararamdaman ko at nakikita ko sa mga mata nya na ako parin ang nilalaman ng puso nya." - sabi nya.

Ang totoo, tama sya. Sya nga ang mahal ni Jessa at hindi ako, ang tanging alas ko lang ngayon ay Girlfriend ko si Jessa.

"May girlfriend ka na diba? libangan mo ba ang pagsabay-sabayin ang mga babae?" - sabi ko.

"Wala na kami ni Natasha. At isa pa alam ni Natasha na si Jessa ang mahal ko kaya hinayaan nya nalang din ako.'' - sagot nya.

"Pero Girlfriend ko na si Jessa at hinding hindi ako papayag na mapunta ulit sya sa iyo, ayoko syang makitang malungkot at umiiyak nang dahil sayo." - sabi ko at sumakay na ako ng sasakyan.

Tinalikuran nya ako at sumakay na rin sya sa kotse nya...

***END OF FLASHBACK***

Nagda-drive ako ngayon, dadalhin ko si Jessa sa isang restaurant sa Tagaytay.

Wala akong planong sabihin sa kanya na wala na sina Natasha at Bryle. Ayokong umasa nanaman sya at masaktan, basta sisiguraduhin ko na mapapasaya ko sya.

At makakalimutan nya si Bryle.

Jessa's POV:

Dinala  ako ni Daryll sa isang restaurant sa Tagaytay.

Na-aalala ko si Bryle, ang masarap na simoy ng hangin.. Pakiramdam ko kasama ko pa rin sya...

Pero hindi na.. hinding hindi na muli pang mang yayari. Namimiss ko na sya, SOBRA.

Hindi Hindi!!! ano ba tong iniisip ko?! Nandito kami ni Daryll para maging mas malapit kami sa isa't isa at hindi para maalala ko si Bryle.

Pero pano ko ba sya makakalimutan, parang kahit saan ako tumingin sya ang nakikita ko.

Ano ba?! si Daryll! sya ang boyfriend ko sya ang dapat kong iniisip at minamahal hindi si Bryle.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" - tanong nya.

Napansin kong kanina pa pala nasa harap ko yung inorder namin.

"Ahm, pasensya na .. " - sagot ko

Kumain na ako , ayoko namang isipin ni Daryll na hanggang dito si Bryle pa rin ang laman ng utak ko.

After a few minutes tapos na kaming kumain.

Walang naganap na pag-uusap sa loob ng 'few minutes' na 'yon.

"Wag mo na syang isipin.." -mahinang sabi ni Daryll.

Napatungo nalang ako. Tama sya hindi ko na dapat isipin si Bryle. Utak! makipag cooperate ka naman!

Daryll's POV:

Napansin kong matamlay si Jessa.

"Wag mo na syang isipin.." - sabi ko.

Tumungo sya at nanatiling tahimik. Naisip ko tuloy kung matututunan  ba talaga nya akong mahalin.

Pero hindi! dapat positive, naniniwala ako na makakalimutan din nya yun...

Sabi ni Bryle, break na daw sila ni Natasha....

Break na sila ni Natasha...

Sila ni Natasha...

Si Natasha.

Hahanapin ko sya, sigurado akong matutulungan nya ako.

__________________________________

A/n: Waahhhhhhhh!!!

Sorry sa late UD. T^T

Happy 1K reads!!! Mahal na mahal ko kayo!!^^

Sino po gusto magpa-dedicate?!

사랑해요!!

-김 하 미

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
41.6K 219 101
Hi guys ^-^... Marami pong spoiler dito. Pero please! please! please! basahin nyo pa din yung story. Wag po kayung ma-discourage sa mga negative com...
153K 2.2K 75
Grae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to p...
18.6K 387 25
Part 2 of ANG BOYFRIEND KONG GANGSTER Kumakain nanaman ako di na nabusogbusog tong tiyan na to pano pag tumaba ako baka iwan na ako ni Third ayokong...