DON'T TOUCH HER (Complete)

By KeisFile

3.2M 78.7K 3K

Hazeth never once thought that her perfectly normal life will crumble and become a mess because of an unfortu... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : Hide And Seek
CHAPTER 2: Game of Tag
CHAPTER 3: Jiruel Sean
CHAPTER 4: Ex-Suitor
CHAPTER 5: Challenge Him
CHAPTER 6: Courting Her I
CHAPTER 7: Courting Her II
CHAPTER 9: Courting Her IV
CHAPTER 10: Courting Her V
CHAPTER 11: First Date I
CHAPTER 12: First Date II
CHAPTER 13: The Date III
CHAPTER 14: First Date IV
CHAPTER 15: Rule For You
CHAPTER 16: Almonte House
CHAPTER 17: Almonte Family
CHAPTER 18: The Manager
CHAPTER 19: Distractions
CHAPTER 20: Was Once Her
CHAPTER 21: Ladies Rumble
CHAPTER 22 √
CHAPTER 23 √
CHAPTER 24 √
CHAPTER 25 √
CHAPTER 26 √
CHAPTER 27 √
CHAPTER 28 √
CHAPTER 29 √
CHAPTER 30 √
CHAPTER 31 √
CHAPTER 32 √
CHAPTER 33 √
CHAPTER 34 √
CHAPTER 35 √
CHAPTER 36 √
CHAPTER 37 √
CHAPTER 38 √
CHAPTER 39 √
CHAPTER 40 √
CHAPTER 41 √
CHAPTER 42 √
CHAPTER 43 √
CHAPTER 44 √
CHAPTER 45 √
CHAPTER 46 √
CHAPTER 47 √
CHAPTER 48 √
CHAPTER 49 √
CHAPTER 50 √
EPILOGUE √

CHAPTER 8: Courting Her III

75.9K 1.8K 71
By KeisFile

HAZETH

"I remember the first day. . . When love just came to me. . . It was the time when I met you. . . It was love at first sight. . . When I got to know you better. . . I know for sure it's more than that I'm singing. . ."

Kanta niya habang nakangiti at ako ay nakatitig lang sa kanya na 'di pa din makapaniwala. Pero bigla akong napaisip sa kanta niya.

The first day? Its not love but hate. Its not love at first sight either. . . It was war at first sight.

Sino ba naman ang loko-lokong manghahalik ng ganun-ganun sa harap ng maraming tao? Partida't unang beses ko siya noong nakausap at nakaharap tapos ganun ang mangyayari?

"Oh girl, I love you so. . . And I will never let you go. . . 'Cause you mean everything to me. . . I just wanna let you to hold me in your arms. . . Forever I love you so. . . And I will never let you go. . . 'Cause you know? You're everything I want. . . Everything I need. . . Everything to me. . ."

Sobrang kulit niya at nakakairita siya dahil sa mga pang-aasar niya. Sobrang nakakainis siya dahil sa sira niyang utak, sa mga biglaan niyang desisyon at kakaguhan.

Napakaseloso niya. Ayaw na may kumakausap sa aking lalaki, maski nga may lumapit biglang nagagalit. 'Di ko alam kung protective lang siya or kung super possessive niya lang talaga.

Naging girlfriend niya ako kahit 'di naman kami magkakilala. I only heard rumors about him before as the Ace of our basketball team. Naipakilala na niya ako sa parents niya kahit isang araw palang kami. At ngayon nanliligaw naman siya. Lakas ata ng topak ng isang 'to, eh.

Natapos ang kanta habang ako nakatunganga parin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bukod kasi sa nakakahiya ang ginagawa niya, nakakagulat din ang boses niya. Wala sa itsura niya pero maalam pala 'tong kumanta? May Kapre palang kumakanta at nag-gigitara?

"Hoy, Dwende!" untag niya sabay pitik sa noo ko.

"Ha-haaa??" gulat na tugon ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Grabe, oo na ang ganda ng boses ng Kapre na 'to. 'Wag sana akong mainlove!!

"Oh, na-inlove ka ba sa boses ko?" biglang asar niya. Ay, 'wag na pala mahangin kasi 'tong engkanto na to, eh. Kita mo lakas makangisi, eh.

"O-oo-hala!" nanlalaking ang mata napatakip ako ng bibig dahil sa sinagot ko.

Tanga, Hazeth! Buang ka na ba!? Ano pinagsasabi mo diyan!? Sira ka na rin ba? Nahawa ka na ba ng kalokohan ng lalaki na 'to!?

Narinig ko ang malalakas na tawanan ng mga estudyante na nanonood. Mabilis akong napatungo dahil sa hiya at nakaramdam ang pag-init ng mga pisngi ko.

Oh, my ghad!

"May ibibigay ako. Dapat pumayag ka na, ha," aniya pagkaraan at ibinaba ang gitara. Dinampot nito ang sariling bag at may kung anong hinalungkat. "Nabili ko lang ito sa canteen dahil 'di ako nakalabas. Oh, eto! HAHAHA, date na tayo, ah?"

Kasabay ng pag-abot niya sa akin ng bagay mula sa bag niya ay ang pagtawanan muli ng mga naroon samantalang ako ay napakunot-noo. Matiim na tinitigan ang hawak niyang garapon.

"Anong tingin mo sa akin, bata?!" kunot-noong sigaw ko sa kanya.

"Bakit?" pagngiwi niya. "Sabi ni Ariella ito ang gusto mo kaya ito binili ko." inosente niyang sabi with pout pa.

Ghad!! Why the heck does this guy looks so fucking cute!? But-'wag na muna. Inis ako sa kanya, kaya 'wag muna tayo magpadala sa kakyutan nito.

At Lyla!? Naniwala naman siya sa babaeng 'yun!? Eh, mas malakas topak ng isang 'yun kesa sa kapre na 'to, eh! I'm sure somewhere humahalakhak na naman ang babaeng 'yun dahil tagumpay ang kalokohan niya.

Nagpasimangot ako dahil doon. Walang alam talaga 'to, oh! Kayo ba naman bigyan ng isang garapon ng stick-o?! At talagang chocolate flavor pa!? Ahhh!! I mean, it's not like I don't like this food, its just, I don't think its something you give in this kind of situation.

"Ikaw talaga!" binalak ko siyang batukan pero umatras siya dahilan para ma-out of balance ako. Dumulas pa ang paa ko sa tinutuntungan kong silya.

"Up we go!" turan niya pagkasalo niya sa akin at kinarga na naman ako. Sa taas ba naman niya, napakapit ako sa balikat niya. "Samahan mo ako, may practice ako."

"Kapre. . ." tawag ko habang binabagtas niya ang daan papuntang kabilang gym.

"Oh?"

"Akin na lang 'yan," nakanguso kong hingi sa chocolate na kagat-kagat niya.

Ba't ba laging siya lang kumakain nito? Kung ano-ano binibigay niya sa akin tapos kanya ang chocolate.

"Take it. . . still using your lips."

'Di na lang ako umangal at ginawa na lamang iyon. Mabilis ko naman itong nakuha at ipinagpapasalamat kong wala siyang ginawang kalokohan.

• • • • •

Tahimik. Sobrang tahimik. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin habang naglalakad kami sa madilim na daan. Tanging mga yabag lang namin ang nadidinig ko, ang ingay ng mga sasakyan sa malayo at ang ingay ng bolang nilalaro niya. He's still dribbing the ball in this situation.

Ba't kami magkasama? Its 'cause he insisted on sending me home. Saying its dangerous to go home alone. And as my boyfriend, its his responsibility to take care of me. Urgh.

"Oh, I just noticed," biglang wika niya. Sinipat ko naman ito at saka naman siya ngumiti. "This is my way home, too."

"Hah. . ."

"How come we didn't met when we basically live on the same village?"

"Hindi naman ako madalis magpagabi," wika ko. "I would always go home after class. I only stayed today because of some group project."

"Oh, that makes sense," sagot niya. Bumungisngis pa ito't pinaikot sa daliri ang hawak na bola. "I often stayed 'till nine for individual practice.

Ang sipag naman niya. Kapagod kaya 'yun.

"Mukhang destiny talaga tayo, Dwende," masiglang saad nito. Napangiwi pa ako ng ilapit niya bigla sa mukha ko ang mukha niya at ngumiti. "Kaya, pumayag ka na. Date na tayo, hmm?"

Umingos ako't itinulak siya palayo. "No."

Sumimangot naman ito na siyang ikinatawa ko. Ilang sandali pa'y nakarating na din naman kami sa tapat ng bahay namin. Siniguro ko din na wala si Kuya o si Papa sa labas bago ko itulak pabukas ang gate. Though bago pa ako makapasok ay naramdaman kong hinila niya ang damit ko.

Lumingon ako. "Bakit?"

"Where's my goodbye kiss?" he grumbled.

Seryso ba 'to? Sa harap talaga ng bahay namin? Paano 'pag nakita ako ni Papa o kaya ni Mama? Paniguradong grounded ako pagnagkataon. O baka si Kuya? Takte aasarin na naman ako noon! At iyon ang pinakaayaw ko!

Pero sa itsura nitong engkanto na 'to mukhang 'di ako papapasukin hangga't 'di nakukuha ang gusto niya. Wala akong nagawa kundi ang tumingkayad para sana'y dampian ng halik ang pisngi niya. Pero dahil sa tangkad niya ay 'di ko siya maabot. Sa huli'y ngumiti nalang ako.

"Hindi kita maabot kay-" naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang niyang hinawakan ang mukha ko. Ibinaba ang sariling mukha saka mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.

"Goodnight, Dwende!!" nakangising paalam niya pagkalayo sabay takbo paalis.

Nangingiwing sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala. Sa huli'y naiiling akong pumasok ng gate at nagtuloy sa loob ng bahay. Nadatnan ko naman sa sala ang magaling kong Kuya kung saan pakamot-kamot pa ng ulo habang nakasimangot at nakatutok sa blueprint na nakalatag sa dining table.

"I'm home," balita ko.

"Oh, bunso. Good evening!" balik niya saka ngumiti. Linapitan ko naman ito at mabilis na hinalikan sa pisngi. "Ginabi ka ata ngayon."

"Group project." sagot ko at sinipat ang ginagawa niya. "Everything good?" tanong ko, tumango naman ito bilang sagot. "Si Mama? Si Papa nakauwi na ba?"

"Nasa kusina si Mama. Gagabihin daw si Papa."

Iniwan ko naman muna ito at tinungo ang kusina. Nadatnan ko naman siya sa harap ng kalan at abala sa pagluluto ng hapunan. Nakangiti naman akong lumapit at yinakap ito mula sa likod. Napaigtad pa ito sa gulat.

"Nakauwi ka na pala," aniya. Tumango naman ako saka siya ginawaran ng halik sa pisngi. "Maglinis ka muna ng katawan. Baba ka maya-maya."

"Okay."

Umakyat naman ako ng hagdan tungo sa sarili kong kwarto. Pero kakababa ko palang ng bag ko sa study table bigla namang tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo pa ako nang makita ang pangalan niya sa caller I.D bagama't sinagot ko pa din ito.

"Oh, bakit?" pambungad ko.

"Date tayo." bungad din niya na ikinaikot ko ng mata.

"No." tanggi ko pa din saka siya binabaan.

Subalit wala pang isang segundo ay tumawag na naman siya pero hinayaan ko lang itong mag-ring saka ako nagpalit damit. Sobrang init kasi baka mamaya himatayin ako rito. Wala pa naman 'yung Aircon kasi sira.

Yup! May Aircon kami, 'di naman kami mayaman, may sapat lang na pera para makabili ng ganoon at makapagpagawa ng maganda at maayos na bahay. Sapat ang kita ni Mama at Papa para makabili ng mga ganito at maibigay ang lahat ng pangangailangan namin ni Kuya.

Tsaka, dalawa lang naman kaming magkapatid, nasa College na si Kuya sa ibang school at nasa 2nd year na siya sa kursong Architecture.

Sa totoo niyan, si Mama nagdesign ng bahay na 'to, katulong si Papa na may alam din sa Engineering. 'Di ba ang galing? Sana lahat ganoon kagaling, noh?

Papa finished engineering but he focused on managing the family company, minana ang business ng parents niya at nag-merge sa company ng parents ni Mama noong ikinasal sila. At kalaunan din ay si Papa na ang nag-handle nito lalo na nang maipanganak si Kuya.

Kahit tutol ang mga magulang nila sa relasyon nila noon, naayos din ito dahil kay Kuya. Ika nga, mas matimbang 'yung apo kesa sa gulo.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko muli ang pag-ring ng cellphone ko. Natapos na din akong magbihis kaya naupo ako sa study table ko at tiningnan ito.

10 missed calls.

Lahat galing kay "Engkanto". 'Yan name niya sa contact ko, eh. Mapalitan nga minsan ng Kapre 'yan tutal 'yun naman tawag ko sa kanya, eh.

Pero, grabe siya, oh! Sobrang persistent naman niya at paulit-ulit talagang tumatawag, eh. Pero dahil may topak ako hinayaan ko muna itong mamatay at inilabas ko na lang ang notebook ko para gumawa ng assignment ko.

Pero 'di ako makapag-focus dahil sa paulit-ulit na pagri-ring ng cellphone. Takte, balak ko na nga sanang patayin 'yan kaso 'wag nalang. Masagot na nga lang 'to para tigilan na ako.

"Oh, kailangan mo ba?" kunwari naiirita kong sabi pero ang totoo nakangiti ako.

Wala lang, gusto ko lang talaga 'to pagtripan kahit ngayon lang naman. Lagi akong inaasar sa school kaya bawi-bawi din.

"Date tayo!" bungad niya. Pinigil ko talaga ang sarili kong 'wag tumawa sa kanya dahil I'm sure nakasimangot at kunot-noo na naman ito.

"No." pagmamatigas ko at pinatay ang tawag.

Sakto naman ang pagbukas ng pinto at pagsilip ni Kuya. Nakangiti pa ang loko. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kaya kailangan ng mokong na 'to?

"Pahiram nga ng protractor at lapis. Tsaka compass na din." sabi niya.

"Architect tapos walang gamit?" panunuya ko pero ngumisi lang ito.

"Dali na! 'Tas baba ka na daw kakain na." anas niya.

Napaikot nalang ako ng mata saka tumayo. Siya naman ay pumasok at naghalunglat sa mga drawer ko ng kailangan niya.

"Uy, may engkantong tumatawag sa iyo, oh!" sita niya sabay turo sa cellphone ko na nagri-ring na naman.

"Hayaan mo na. Engkanto nga 'di ba? Labas ka na." pagtataboy ko.

Mabilis naman siyang lumabas pero bago iyon ay kinurot niya pa ako sa mga pisngi sabay halik sa noo ko.

"Thank you! Ang cute mo magtaray, HAHAHAHA!"

"Get out!" bulyaw ko na tinawanan niya lang.

Sumunod din naman ako pero bago iyon ay sinipat ko muna ang cellphone ko sa desk ko. Patuloy pa din ito sa pag-ri-ring kaya napangisi ako nago isara ang pinto. Bahala ka diyan.

|• • • • •|

VOTE

COMMENT

THANK YOU!!😊😊

Continue Reading

You'll Also Like

1K 91 32
Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romantic. Para sa babaeng katulad ko, normal la...
334 66 51
Aine De Leon is a self-proclaimed prodigy. Aside from being an academic achiever, she is also aware of the talents that she has; her singing ability...
294K 15.8K 87
7BB γ‚· " SEVEN BAD BOYS "
1.2K 114 23
Originally published in TypeKita App ~β€’~ Classroom Love Story β€’~β€’ Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...