Kassandra's Chant (COMPLETED)

By SkyFlake_Morales

88.2K 2.1K 119

NAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya... More

Prologue
Chapter 1 (A new beginning)
Chapter 2 (The Vergara brothers)
Chapter 3 (A simple smile)
Chapter 4 (Lucas)
Chapter 5 (Sta. Louise Bay)
Chapter 6 (True intentions)
Chapter 7 (Vergara mansions)
Chapter 8 (Isla El Mare)
Chapter 9 (Invitations)
Chapter 10 (The Banquet)
Chapter 11 (The rebel knight)
Chapter 12 (Answered Prayers)
Chapter 13 (Fate reveals itself)
Chapter 14 (The gift)
Chapter 15 (Discreet)
Chapter 16 (Voyage of El Mirasol)
Chapter 17 (Isla del Juego)
Chapter 18 (The white tower)
Chapter 19 (Unravel)
Chapter 21 (The heiress)
Chapter 22 (El Santillian Manor)
Chapter 23 (The red room)
Chapter 24 (Escape)
Chapter 25 (A friendly date)
Chapter 26 (Chivalrous knight)
Chapter 27 (The last chance)
Chapter 28 (Betrayal of trust)
Chapter 29 (Valiant and brave)
Chapter 30 (Tangled hearts)
Chapter 31 (Masquerade)
Epilogue (Lost in translation- Finale)

Chapter 20 (The fall)

2.1K 70 2
By SkyFlake_Morales

      NANG magkita sila, una siyang kinamusta ni Lucas. Basado ang matinding pag-aalala nito sa kanya.

     "You were next to me. Tapos--- bigla ka nalang nawala."

     "Pasensiya ka na." Walang ganang sagot ni Kassandra. "Marami kasing tao kanina kaya nakalingat ako, saka hindi naman ako maliligaw sa maliit na islang 'to."

      Nakita niyang bumaling ito ng ibang dereksyon tila may gustong sasabihin yata sa kanya.

     "Hindi ko puwedeng iwan si Margaux. Mas malaki kasi ang tiyansang maligaw siya rito." Ngumiti na ito at kesyo nagawa pa nitong magbiro sa sitwasyon iyon.

      Mabuti nalang at gumaan na ang kanyang pakiramdam dahil sa mga sinabi ni Lucas.

     "Uhm... Don't tell her I said that." Dagdag pa ng binata.

      Nakangiti na rin siya. Napalingon siya at nahuli niyang nakatingin sa kanya si Nathaniel. Pakiramdam niya parang may nais ipahiwatig ito sa mga tinging iyon.

     "Maybe we should go back to the Villa. Mas private pa doon kasya rito." Si Margaux na iyong nagsalita. Napaupo ito sa stone bench at pasimpleng minamasahe na ang kanyang binti.

      "Lucas, ano sa tingin mo? It's your call."  Sabi ni Nathaniel.

       Gumawi muna ang tingin ni Lucas kay Margaux, inayos nito ang bag pack saka hinarap muli ang kanyang kuya.

     "No, we're staying. Hindi pa nakikita ni Kassandra iyong mga historical sites dito. It's best, if we split up then we meet again in the afternoon." Bumaling na ito sa kanya sabay tanong na, "gusto mo bang makita iyong mga lugar dito?"

       Napatingin siya kay Margaux. Napapakapit na ito sa braso ni Nathaniel. Halatang nangangalay na sa paglalakad.

      "E kung— bumalik nalang tayo, Lu—"

      "Sige, sasamahan ko na si Margaux. Mag-enjoy na lang muna kayo." Madaling sabi ni Nathaniel, bumaling na ang atensiyon nito sa katabi.

       Dahil sa mga sinabi ng binata, pakiramdam niya gusto lang s'yang iwasan nito.

      "Hmm... Okay na!" Si Lucas na ang humarap sa kanya.

      Parang may biglang kumirot sa kanyang dibdib. Sumang-ayon nalang siya kay Lucas sabay pasikretong bumato ng tingin kay Nathaniel.

-----

        SUMAKAY sila sa kalesa. Ito raw ang sinaunang transportasyon noon ng isla. Inuna nilang puntahan ang Balwarte ang isa sa mga ni-restore na tourist attraction sa dulong bahagi ng isla.

     "Kunan mo 'ko, Kassandra." Ibinigay ni Lucas iyong camera sabay kalabit nito sa kutsero. "Manong, puwede ko bang sakyan itong kabayo n'yo."

       "Ay sir, baka po manibago si Stallone." Napakamot ito ng ulo.

      "Ganun ba... Trained naman yan 'di ba?"

      "Ay maarte po 'tong kabayo ko."

      "Huwag mo ng istorbohin si Manong. Nakita mo namang minamaneobra pa 'tong kalesa."

       "Hindi pa ko nakasakay ng kabayo," halatang nangungulit ito. "Ikaw rin naman di ba?"

       "Maraming kabayo sa isla namin saka mga kalabaw."

        "Ganun ba?"

        "Puwede n'yo hong imaneho." Inabot nito iyong tali sa kanya. "Tapik-tapik lang po ang pagmaneobra."

        Dali-dali nitong hinawakan iyong tali. Nakakapagtaka lang ang ngiting mababakas sa mukha nito.

        "Kassandra, kumapit kang mabuti!"

        "B-Bakit?"

        "KYAAHHH!" Ang lakas ng pagkapalo ni Lucas.

       Bumilis iyong takbo nila.

        "AY! Mahabaging langit!" Muntik ng mahulog iyong kutsero  "Sir! Sir! Baka hikain si Stallone. Tama na ho!"

        "KYAAHHH!"

        Kaya pala, may isang foreigner na patingin-tingin sa kanila. Kasabayan nilang kalesa ito. Hawak din nito iyong tali at parang tsina-challenge pa nito ng karera si Lucas.

        "LUCAASSS! Tama na!" Takot na napakapit siya sa hawakan. Ano ba naman kasi ang pinaggagawa ng sira-ulong ito?

------

       "Hindi na talaga ako sasakay ng kasama ka. Maaaksidente ako!" Sinungitan niya ito, parang gusto na niyang hambalusin ito ng bag.

        Tawa lang ng tawa si Lucas sa likuran niya.

        "Alam mo may sira na talaga yang ulo mo. E paano kung naaksidente tayo."

       "Ikaw naman atleast may thrill. Alam mo, minsan okay din iyong konting excitement sa katawan." Maliwanag ang mukha ng binata halatang nag-e-enjoy ito sa ginagawa nila. "C'mon Kassandra, lets just have some fun. Napansin ko kasing wala ka sa mood ngayon. I just want you to enjoy this trip."

        Darn! Ito na iyong kakaiba kay Lucas. Meron itong kakayahan na baguhin ang mood ng isang tao. Sa tingin pa lang, napapa-oo na agad siya. Mahahawa ka talaga kapag sinusumpong ng pagka-adventurous nito, depende nga lang kung talagang nasa magandang mood si Lucas.

        Napabuga siya ng hangin sabay sulyap sa binata. Tama naman si Lucas. dapat ay sinusulit niya ang pagkakataong ito.

       "Saan ba tayo unang pupunta? Teka, nasa akin iyong travel catalog." Nakuha niya sa bag ang bronchure na binigay ni manager Ram."Sabi dito maganda raw puntahan iyong—"

        "Akin na yan!" Mabilis na inagaw ito ni Lucas. Nilukot sa kanyang kamay sabay pasikretong ibinulsa.

        "ANO BA!?" Nakakapanghina na talaga ang mga pinaggagawa nito.

      "Paano pa natin malalaman kung saan maganda. Akin na yan, Lucas."

     Hinarang niya ito at pilit na kinukuha sa kanya iyong bronchure ngunit mabilis na nakailag si Lucas.

        "Alam mo may mas maganda akong ideya." Lumakad ito ng konti at inunahan siya. "Bakit 'di nalang natin alamin kung saan maganda. Let just surprise ourselves!"

        Inis na napakagat labi siya dahil sa mga kakaibang binabalak nito pero di niya maikakaila sa sarili na naaliw siya sa mga binabalak ni Lucas.

         Maraming turista sa Balwarte. Maraming naglalakad na mga bakasyunista, marami rin na mga nag-aalok ng paninda sa daan. Sa gilid, makikita ang mga sira-sirang lumang gusali. Markado ang mga bakas ng bomba't bala na siyang sumira sa istraktura nito. Nabalutan na ng lumot ang itim at abong mga pader. Sa itaas, makikita ang mga naglalakihang mga kanyon na ginamit pa noong huling digmaan. Mababakas sa paligid ang karimarimarim na sinapit ng mga tao noong panahon ng pananakop.

        "Nakakalungkot..." mahinang usal niya ng mabasa ang isang historical plate sa pader. Halos dalawang daan ang mga pasyenteng namatay sa gusaling tinitingnan niya. Direktang tinamaan daw ito noon ng isang bomba.

        "History has taught us that people can be cruel sometimes. Gagawin ng tao ang lahat upang maipaglaban ang pinaniniwalaan nilang tama. And it sucks! Thinking that they did it just to glorify themselves." Ani ni Lucas.

        "Kailan pa naging tama ang manakop, magwasak at pumatay?" tanong naman ng dalaga.

         Napatingin sa kanya si Lucas. Malalim ang pagbuntong-hininga nito.

         "As long as, men exist on this earth, there will always be conflicts. It's part of our human nature."

         Napatango nalang siya.

         "Teka... Ang serious mo naman. Halika na nga." Dimakma na nito ang kamay niya at sumabay sila sa mga umaakyat ng burol.

      Sa itaas, abot tanaw ang isang bahagi ng isla. Marami rin na mga tao roon lahat sila kanya-kanyang kuha sa magandang tanawin. Nasa isang gilid siya ng harang tinatanaw ang mga kabahayan sa ibaba at sa dulo makikita ang asul na karagatan.

       May batang kumalabit sa kanya. Hawak nito ang ilang maliit na bouquet na paninda.

      "Ate, para po sa inyo."

      "Ang cute mo naman, Naku! Magkano ba 'to." Ngiting sabi ni Kassandra matapos makuha iyong mga bulaklak.

       Umiling iyong bata— tapos tumawa.

       "May nagpapabigay po.. AYIIEEE!" Tuwang tukso pa sa kanya.

       Natuwa naman siya sa sinabi nito. Mapakaganda ng mga asul na lilies at pulang rosas na nakapaloob sa maliit na bouquet.

      "Sinong nagpapabigay?"

      "Secreettt!"

      Natawa naman siya. Napayuko siya at kinurot ang pisngi ng bata.

       "Sige ka... Ibabalik ko 'to kapag hindi mo sinabi. Huwag kang mag-alala... Secreettt— din lang natin, kapag sinabi mo s'kin."

       Sandaling nag-isip ito, tapos ininguso iyong binatang kumukuha ng litrato sa may batuhan. Tila timing pa at matapos ng ilang shots ay bumaling ito ng tingin sa kanya.

       Nakangiting sinulyapan muli ni Kassandra iyong batang babae.

       "Thank you!" Hindi niya mapigilan na kurutin muli ang pisngi nito.

        Lumapit na si Lucas sa kanya. Hindi na ito makatingin ng deretso sa mga mata niya.

        "Tss! Mga bata palang pero ang gagaling na nilang magbenta." Himas batok na sabi nito.

         Lumabas ang cute niyang ngiti at inamoy ang bulaklak.

         CLICK!

         Kinunan siya ni Lucas.

         "Gusto kong nakikitang nakangiti ka." Sabi ni Lucas.

        "Salamat..."

        "Dahil napapasaya mo 'ko, Kassandra ng— sobra." Nakatitig ito sa mga mata niya. "I like you, I— really do."

        "Lucas, h-hindi ko alam ang s-sabihin ko." Nagsimula na siyang mailang.

        Napabuga ito ng hangin pero kita niyang pigil lang ang ngiti nito. Masaya si Lucas sa paningin niya at alam niyang, siya ang dahilan nuon.

        "No, I don't want to make you feel uncomfortable right now. A-ayokong isipin mong minamadali kita... or— Ahh... Geesh! Ano ba 'tong pinagsasabi ko."

         Nakatingin siya at dama naman niya ang ipinapahiwatig nito. Tahimik niyang kinuha iyong camera sa kamay ni Lucas at kinuhanan siya ng litrato.

         CLICK!

        "B-Bakit mo 'ko kinuhaan?" Takang tanong nito sa dalaga.

         Napatitig siya sa mga mata ni Lucas, bakas din ang kasiyahan sa mga mata ni Kassandra.

        "Gusto ko lang panghawakan ang alaalang 'to, Lucas. Dahil isa ito sa mga araw na ipinaramdam mo s'kin na espesyal ako."

      Hindi yon ang inaasahan niyang sagot pero kuntento na si Lucas. Bumaba ang tingin nito pero masayang iniangat muli.

        "I assure you that this won't be the last." Paniniguro pa nito.

        Nakangiting bumaba rin iyong tingin niya. Pag-angat ay nalaman niyang nakatingin pa rin sa kanya si Lucas.

        Na-conscious na si Kassandra.

        "K-kailangan na siguro nating puntahan iyong ibang lugar." Agad siyang umiwas ng lakad.

        Sa isipan naman ni Lucas, simula pa lang naman ito ng pagbabago sa pagkakaibigan nila. Hindi na niya maitatangi pa sa sarili ang nararamdamang pagmamahal kay Kassandra. And he'll do whatever it takes, just to win her heart.

        MATAPOS libutin ang ilang lugar ay nagpasya na silang bumalik ng Villa. Naging kaswal ang pagkikita ng magkakaibigan. Kinahapunan ay nagpasya na ring umalis ng grupo may meeting pa kasi kinabukasan si Nathaniel at kanakailangan na nitong bumalik ng Hermanos gayun din naman si Kassandra na kailangan na ring pumasok sa trabaho.

        Kasalakuyan na nilang binabaybay ang dagat. Sa gilid ng yate tahimik na pinagmamasdan lang ni Kassandra ang papaliit na Isla Del Juego.

      “Kung nami-miss mo, puwede naman nating balikan kahit ilang beses pa,” ngiting saad naman ni Lucas na bigla namang sumulpot sa tabi ng dalaga.

      Tumawa si Kassandra at sumandal sa railing.

     “May susunod pa naman. Saka marami pa tayong kailangang unahin sa ngayon. Hay! Ang SARAP talaga sa pakiramdam!” Taas ang dalawang kamay nito sa kasiyahan.

      “Oh, mag-iingat ka Kassandra baka mahulog ka.” Paalala nito ng makitang lumiliyad na ang katawan niya sa harang.

      “Masyado ka naman kinakabahan, Lucas. Relax lang, okay!” Sagot naman niya habang mahinang tinatapik ang kanyang dibdib.

         Nanlamig siya sa naging tingin ni Lucas, hindi yata nito gustong pinag-aalala siya. Sa dibdib ng binata, mabilis na dinakma ni Lucas iyong kamay niya. Humigpit ang kapit nito. Nakayukong bumuntong-hininga at sinabing, “I just want to make sure that you're okay. Ako ang unang mag-aalala kung may mangyaring masama s’yo.” Titig ang naging sagot nito sa dalaga, bakas pa ang di-maipintang pagmumukha nito.

         Unti-unting nag-fade ang kanyang ngiti, nararamdaman kasi niyang seryoso na si Lucas. “P-Pasensiya na— pero okay lang ako kaya huwag ka nang mag-alala s'kin. Ako pa e... si Supergirl ako!” Pagbibiro pa niya sabay sandal ulit sa railing at pumihit muli sa dagat. “WOOO! Ako si Supergirl!” Natatawang pagsigaw niya sa naghahampasang mga alon.

        Napailing nalang si Lucas, sabay guhit ng kanyang ngiti. Humakbang itong palayo upang ayain na sana siyang pumasok sa loob ngunit may hindi inaasahang naganap. Kumalas iyong locking mechanism ng railing kung saan nakasandal si Kassandra, mayroon kasi itong opening doon at nakalimutan itong isara na mabuti ng tauhan ng kapitan.

         Lumikha ng napakalakas na ingay ang biglaang pagbukas ng mini gate na yon. Na-out of balance ang dalaga hanggang sa tuluyan na siyang bumulusok paibaba.

       Nabigla si Lucas sa mga pangyayari,  kitang-kita nitong naglaho sa kanyang harapan ang dalaga.

       “NO— KASSANDRA!” Tulirong bigkas nito.

       Agap itong tumakbo sa kinalalagyan niya kanina. Dali-dali nitong hinawakan ng dalawang kamay iyong railing at akmang tatalon na upang sagipin siya. Kita niya ang pagkukumahog ni Kassandra sa paglangoy, nagpipilit itong makaahon mula sa ilalim ngunit patuloy pa rin na umaandar iyong yate. Buong tapang itong sumampa sa railing upang ihanda ang kanyang sarili sa pagtalon.

       “KASSANDRA, ILILIGTAS KITTAAA!” Tarantang hiyaw ni Lucas.

     

-Sky Flake

      Please keep up your comments and votes, thank you po!!! :)  

Continue Reading

You'll Also Like

73.7K 1.3K 56
"I am already married." he said. Four words. A sentence that broke my heart into million pieces. He's married. Nagpakasal na sya. Hindi nya ako hinin...
1.8K 193 39
This story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with...
349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
5K 349 39
"How can I stop myself? Kung araw araw ay mas lalo lamang lumalim ito. How I can stop myself kung araw araw kitang nakikita. How can I stop myself...