My Slave is the Campus King...

Por SibuyasKita

104K 2.9K 578

Love is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened... Más

Announcement!
My Slave is the Campus King
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
MSITCK #TWENTY SIX: Perfect Jealousy
MSITCK #TWENTY SEVEN: Unexpected Duet
MSITCK #TWENTY EIGHT: Unexpected Kiss and Confession
MSITCK #TWENTY NINE: An-an and Bunny
MSITCK #THIRTY ONE: Bodyguard
MSITCK #THIRTY TWO: Good and Bad
MSITCK #THIRTY THREE: His Queen
MSITCK #THIRTY FOUR: Deceived
MSITCK #THIRTY FIVE: The Show
MSITCK #THIRTY SIX: Revelations
MSITCK #THIRTY SEVEN: The Truth
MSITCK #THIRTY EIGHT: Fear
MSITCK #THIRTY NINE: Realizations
MSITCK #FORTY: Missing Him
MSITCK #FORTY ONE: Finally Awake
MSITCK #FORTY TWO: Unexpected
EPILOGUE MSITCK's Special Chapter: Finalé
Author's Note and Announcement
Special Chapter- Part I
Last Special Chapter
Announcement:

MSITCK #THIRTY: Unexpected Yes

1.3K 46 7
Por SibuyasKita

A/N:

Sorry guys for slow update. Masyadong hectic lang kasi ang schedule ko sa school at sa bahay kaya hindi ko nagagawang mag-update. Salamat po sa pagbabasa ng kwentong 'to. Alam kong boring ang kwentong 'to kaya naman nagpapasalamat ako dahil may mga nagagawi upang basahin ito.

Enjoy and Keep Reading. It's okay  kahit di kayo mag-vote or mag-comment basta kahit papaano ay suportahan niyo naman ang mumunting kwentong 'to. Lovelots

        ***
Chapter Thirty: Unexpected Yes

Yumi

Paulit ulit na pagbuntong hininga ang aking ginawa at nilaro laro lamang ang ballpen ko sa aking mesa. Kanina pa may bumabagabag sa akin. Nakokonsensiya din ako tungkol dun sa ginawa naming eksena  kanina kay Cassandra. Mula kasi nung umaga, hindi na siya pumasok. Ano kayang problema? Malamang natakot siguro kay Lucy.

Isa rin yung kupal na yun. Hanggang ngayon, di ko pa rin nahahagilap. The hell I care. Bakit ko ba siya hinahanap.? Hindi ko parin nakakalimutan yung nangyaring kissing chena..aiiissstt, bakit ba bigla bigla nalang pumapasok sa isip ko yun. Cut it out. Pero infairness ha, ang tamis ng halik niya. WTF! Ano bang pinag-iisip ko? Holo ang landi ko na po. Labas kaya muna ako. OP kasi ako sa iba kong mga classmate. Wala kasi si Lucy, sumali siya sa photo journ ng school kaya ang drama ko ngayon, heto mag-isa. Tutal sanay naman akong mag-isa at napag-iiwanan. Ano pa bang bago dun?

Kinuha ko yung mga gamit ko saka lalabas na sana ng room nang patirin ako ng isa sa mga galamay ni Joana kaya nasemplang tuloy ako sa sahig. Nakuha ko naman ang atensiyon nilang lahat at sabay sabay pang nagtawanan. Tumingin ako kina Joana at aba't abot abot langit ang kanilang ngiti. Mapunit sana ang mga bibig niyo. Inirapan ko lang sila saka pinagpag ang aking palda at nilagpasan lamang sila. Magsasayang lang ako oras kung papatulan ko lang ang kanilang kagagahan. Hindi naman ako tulad kasi ng beshie ko na bihasa sa pakikipagrambulan.

Bumili lang ako ng isang bote ng malamig na tubig saka ito ininom. Pagkatapos kong maubos ang lahat ng laman nito,  dito ko lahat ibinuntong ang lahat ng inis ko sa grupo ni Joana. Tulad ng dati, yupi yupi na naman ito. Naalala ko naman yung isang junior na babae na nakakita sa akin noon na walang awang niyupi yupi rin yung hawak kong plastic bottle dahil sa inis ko kay Rave noon. Tapos kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi sa akin.

"Ikaw na naman ate. Kamusta ka na? At kamusta naman yang hawak mo?", panunukso niya sa akin. Teka nga lang, siya na naman. Bakit palaging nandito tong batang to? Eh mayroon namang silang sariling canteen sa junior department. Nakiupo naman siya sa tabi ko nang hindi inaalam kung ayos lang ba sa akin. Well, it's not a big deal naman dahil feeling ko masaya naman siya kasama at di ka maboboring.

" Diba may sarili kayong canteen sa junior department? Bakit dito ka pumupunta?," di maiwasang pagtatanong ko sa kanya. Humagikhik naman siya and take note, yung pang-malanding hagikhik lang. Luminga naman siya at saka tumingin sa pinakagilid na table sa kanan namin kung saan may nakaupong isang lalaking nakaupo. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya sa amin. Now, I know. Landi rin neto eh.

"Kita mo yung table na yun kung saan may nakaupong lalaki..." pagtuturo niya sa kinaroroonan ng lalaki.

"That guy sitting there is my crush. I like the way he moves, walks, talks and everything about him," kinikilig na saad niya habang niyuyugyog pa ako sa balikat. Close kami 'te? Teka, naalala ko yung nabanggit niya sa akin na may boyfriend na siya nung last time na nagkita kami.

"You mentioned last time we've met that you have boyfriend? Am I right?," pagtatakang tanong ko.

"Wow sissy ah, pure English ah, di ko mareach te! Ano ka ba  crush lang naman saka di ko naman sinabing mahal ko. Crush is far different from love naman po diba? Tsaka hayaan mo yung kumag kong boyfriend, wala nang ginawang tama," inis na sabi niya na para bang nag-away sila. Napatawa nalang ako nang bahagya dahil sa tinuran niya.

"Napatawag ka?...." napalingon naman kami sa nagsalita. Yung lalaki pala na crush kunno ng junior sa tabi ko. Nag-uusap na kami pero di pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.

"Okay, pupunta na ako..." Pagpapatuloy nung lalaki saka ibinaba ang tawag habang nakasimangot ang mukha na para bang asar na asar. Infairness ha, may itsura rin pala ang isang 'to. Tumakbo siya palabas ng canteen.

"Tara ate, sundan natin," pag-aaya niya sa akin habang nag- papacute pa para mapapayag ako.

Nag-isip ako saglit. Since wala naman akong ginagawa at siguradong pagpiyestahan lang ako ng matatalim na tingin nila Joana kapag pumasok ako sa klasrum, sumama nalang din ako sa kanya at aba't hinila pa ako ng bruha. Nagpatianod nalang din ako. Dinala kami ng lalaking sinusundan namin kanina sa school quadrangle. Asan na yun? Ang daming tao dito kaya di na nasundan pa ng mata namin kung saan siya nagsuot. Teka, ba't ang daming tao? Anong meron? Nakatingin naman silang lahat sa taas ng SHS building at pigil hininga pa ang ibang mga babae na para bang may intense na mangyayari. Napatingala naman kaming dalawa ng kasama at napaawang nalang ang bibig ko dahil sa aking nakita. Shit! Anong ginagawa ng kupal na yun sa taas ng railings ng rooftop? Isang maling galaw niya lang maaari na siyang mahulog. Nababaliw na ba siya?

"Yumi, alam kong nakikita mo ako ngayon at pinapanood mo ako ngayon sa baba. Kung ito lang ang paraan  para mapatawad mo ako, tatalon ako. Sorry na tungkol sa ginawa ko sa'yo nung last week. I didn't mean it. Look I'm sorry, Yumi," sigaw niya pero damang dama ko yung sinseridad sa boses niya. Nagbulung bulungan naman yung mga estudyante sa paligid sabay tingin sa akin.

"Uy, Pare, nababaliw kana ba? Bumaba ka na riyan! Masyado kanang matanda para sa ganitong mga pranks," biglang pagsigaw naman nung lalaki na dahilan kung bakit kami napadpad dito.

"No Lire! Hangga't di ako napapatawad ni Yumi, hindi ako bababa rito," pag-iinarte niya. Imbes na matawa ako sa inaasta niya ngayon, naiinis ako sa kanya dahil ang labas pa ngayon ay ako ang may kasalanan sa aming dalawa. Buseeet na lalaking 'to. Mame-murder ko 'to nang wala sa oras eh. Ako pa mismo ang magtutulak sa kanya papunta kay kamatayan. Pero dahil mabait ako hindi ko magagawa yun.

"Dito ka lang muna. May aayusin lang akong gusot," pagpapaalam ko kay junior girl.

"Sige ate, galingan mo. Halikan mo na pag ayaw magpaawat," pahabol na sigaw niya. Nakakahiya tuloy kaya hindi na ako nag-atubili pang lumingon. Isa rin yun, kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig nung batang yun.

Dali-dali akong umakyat patungo sa rooftop ng SHS building kung saan siya tatalon kunno. Seryoso? Hindi niya ba alam ang salitang 'biro' at sineryoso niya talaga ang sinabi ko sa kaniya last week? Dali-dali kong binuksan yung pinto dahil baka wala na akong maabutan mamaya. Baka totohanin niya pang tumalon, konsensiya ko pa. Kinakabahan tuloy ako. Ano bang nangyayari at labis akong nag-aalala sa kanya. Buset kasi na lalaki na 'to. Balak ata akong atakehin sa puso.

"Rave..." hingal na hingal na pagtawag ko sa kanya. Lumingon naman siya pero muntikan na siyang mahulog dahil nadulas nang kaunti. Napapikit nalang ako bigla at kumabog nang malakas ang puso ko. Napasinghap ako ng hangin nang makita ko siyang umayos ng tindig. Buti naman, akala ko mahuhulog na siya eh.

"Ano ba? Mag-ingat ka nga. Mas lalong di kita mapapatawad pag nahulog ka diyan," bunghalit ko sa kanya. Inis 'to.

"Ayos lang, dati naman na akong nahulog... Nahulog sa'yo," pagloloko niya. May gana pa talaga siyang magbiro sa ganyang sitwasyon.

"Baliw, bumaba ka riyan," inis na utos ko sa kanya.

"Ayaw! Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako," sabi niya sabay pout pa. Ay, kung hindi ka lang gwapo, malamang kanina pa kita itinulak diyan. Haha..ano raw? Dahil sa kaba, kung anu-ano na ang nasasabi ko dito.

"Baliw ka talaga. Bumaba ka diyan kung hindi ako mismo ang magtutulak sa'yo," pagbabanta ko.

"Edi gawin mo," he taunted. Arrghh..this guy is getting into my nerves. He smiled playfully. Napahimas nalang ako sa aking sentido  dahil sa stress na nararanasan ko ngayon. What's funny in this kind of situation? I'm going to kill this guy. He's insane and crazily out of his mind.

"I'm sorry. I didn't...", hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang hinila pababa.

" Waaaaaaahhh," tili ko dahil babagsak siya sa akin. Napapikit nalang ako nang sabay kaming bumagsak sa sahig. Aray yung pwetan ko! Itinulak ko siya para matanggal siya sa pagkakadagan sa akin.

" Huwag mo kasi akong hilahin, baka mahila kita pabalik, mahulog pa tayo sa isa't isa," banat niya sa akin kahit nakahiga kami ngayon sa sahig at ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakabagsak niya sa akin.

Tumayo ako na nakabusangot at pinagpag ang aking damit. Sumunod naman siya at pinagpag ang kanyang polo at pants. Akmang aalis na sana ako pero pinigilan niya naman ako.

"Yumi, forgive me. Please!" Teka tama  ba ang narinig ko? He said 'Please'? Hinarap ko siya and I saw the sincerity in his eyes. I sigh.

"Promise me first that you won't do it and never come closer to me again," I said firmly. His mouth opened and sudden silence strikes him. Mahirap bang gawin  yung sinasabi ko?

"Iba nalang huwag lang yun. I can't," saad niya.  Bakit naman? Ano bang mahirap dun?
"Bakit?" takang tanong ko. "It's because I like you, Yumi and I am f*cking serious about it,"dire-diretsong sabi niya. My mouth opened this time. Natameme naman ako sa kanyang sinabi. Tila sirang plaka na nagpaulit ulit ang sinabi niya sa aking utak. " I like you...I like you...I like you.." I shook my head. Ewan ko, sa tuwing sinasabi niya yan sa akin  ginugulo niya ang puso at isipan ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Give me a chance and I will prove to you that I am worth for you and you are so mean to me," malambing niyang sabi. Ewan ko pero tagos hanggang buto ang kilig ko ngayon dahil sa sinasabi niya. Malamang kanina pa namumula ang pisngi ko.

Hindi ko inaasahan na napatango nalang ako bigla bilang tanda na binibigyan ko siya ng tiyansa.

"You nodded so it means 'Yes'?...," abot langit na sigaw niya. Para siyang bata na nagtata-talon sa tuwa.

"Hep..hep..hep..pag-iisipan ko muna," pag-aawat ko sa kanya.

"But you've just nodded..."
"Yes but it doesn't mean...." Naputol ang aking sasabihin ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Our eyes met each other. Iiwas sana ako pero hinawakan niya ang aking pisngi pabalik.

"I am willing to be a minion, puppet, or slave forever as long as you are my boss, ruler or my master for a lifetime," napakatamis na saad niya na nagpapatibok nang mabilis ngayon sa aking puso. Fireworks are coming out everywhere. Hindi ako nakapagsalita dahil saga binibitawan niyang salita. Pakiramdam ko'y nakaapak ako sa cloud nine dahil sa kakaibang tuwa.

Ewan ko kung handa na ba ako para sa bagay na 'to. Pero ganun naman talaga diba? Kahit walang kasiguraduhan dapat matuto tayong sumugal.

Inakay niya ako papunta ulit sa may railings pero this time di na siya tumuntong pang muli. Ikinulong niya ako sa kanyang braso at hinarap ako sa mga estudyanteng nanonood sa kanya kanina.

"Listen everyone! From now on, no one will touch her. No one will come closer to her without my prior permission and no one will hurt her or else you'll be a dead meat. It's a Royal Decree," anunsiyo niya sa lahat. Pinagsasabi nito. Marami naman ang humiyaw sa baba at isa na dun si junior girl. OA naman ata siya sa pagiging possessive niya. Ano ako bagay?  At anong Royal Decree? Siniko ko siya sa tagiliran na naging  sanhi ng pag-aray niya ng bahagya. Napatawa nalang ako. Hindi ko parin maitago ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Bwiset kasi na lalaki 'to. Para lang akong timang na ngingiti dito. Nahagilap ko naman ang grupo nila Joana at grabe kung makatingin sa akin. Bahala sila. Wala akong pakialam as long as nasa tabi ko siya. I have nothing to be afraid of. Now, I made my mind, susugal ako.

>>>>>>>>>>>the sweetnes continues to the next chapter.

Seguir leyendo

También te gustarán

820K 20.3K 43
Ziana and Zavier ... PHOTOS AND RESOURCES CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER Photos and resources used for the bc aren't mine.
10.7K 558 22
Kabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue...
179K 4.1K 35
Every people have a hidden Secret..She's seeks for a revenge and justice with her round big eye glasses so yeah! she's 'THE MYSTERIOUS NERD'
102K 3.8K 53
-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenten...