My Pretty Boy

Від shawtygivemeluv

195K 4.1K 842

This is a story inspired by the short film called "Pretty Boy". I am gay, that's all I know. Not until I met... Більше

My Pretty Boy
First Shot
Second Shot
Third Shot
Fourth Shot
Fifth Shot
Sixth Shot
Seventh Shot
Ninth Shot
10 Shot
11th Shot
12th Shot
13th Shot
14th Shot
15th Shot
16th Shot
17 Shot
18th Shot
19th Shot
20th Shot
21st Shot
22nd Shot
23rd Shot

Eight Shot

5K 163 12
Від shawtygivemeluv

Eight Shot

Nanlumo akong binasa ang bawat text na sinend sa akin ni Madi. Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang oras sa wallclock. 11:50 p.m na pala.

"Tangina, ang bobo mo Maxelita! Sa lahat ng kakalimutan si Madi pa?!" Paggalit sa sabi ko sa sarili ko at mabilisang nilisan ang apartment ko. Kaya pala parang may nakalimutan ako! Ang shunga!

Hindi ko na ininda ang antok ko at ang madilim na kalsada, ang mahalaga ay makapunta ako sa unit ni Madi. Naglakad ako papunta sa paradahan, dahil malalim na ang gabi, wala nang tricycle driver na nakaparada. Sakto namang may dumaan na taxing walang pasahero. Pumara ako at sinabi ang ang building ng unit ni Madi. Nagsimula nang magdrive si Manong.

"Manong pabilisan naman po ng kaunti." Medyo natataranta ko nang sabi. Sinunod naman ako ni Manong at naging mabilis ang pagdadrive niya sa kalsada papunta sa unit ni Madi.

Binayaran ko na si Manong at lumabas na sa taxi niya. Kilala naman na ako ng sekyu dito kaya't hindi na ako hinarang.

"Goodevening ho sir! Napagabi ho ata kayo? Happy birthday nga ho pala, hehe." Sabi sa akin ni kuya security. Nagtaka naman ako kasi pano niya nalaman na birthday ko?

"Ay nabanggit lang ho kanina ni ma'am Madison. Sige ho, ingat ho pa-akyat." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Mas nanlumo naman ako nang mabanggit ni kuya ang pangalan ni Madi. Tanga ko kase pota.

Nginitian ko na lang si kuya at nagthank you. Nilagpasan ko na siya at dire-diretso ako papunta sa elevator at pinindot ang floor number ni Madi. Pagkaraan ng ilang minuto ay narating ko na ang unit ni Madi. Kakatok sana ako ng maalala kong binigyan nga pala ako ni Madi ng spare key ng unit niya. Agad kong ipinasok sa butas ng doorknob ang susi at pinihit ito.

"HAPPY BIRTHDAY MAX SEBASTIAN!"

Ayan ang nakasulat sa banderitas na bumungad sa akin. Tila bumagsak ang balikat ko sa aking nakita. Feeling ko ay sinayang ko ang effort na ginawa niya para sa akin, which is nasayang ko talaga! Agad hinanap ng mga mata ko si Madi, nakita ko siyang nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog. Halata sa mukha ang pagod at pag-iyak. Nilapitan ko si Madi at pinantayan siya, hinarap ko ang mukha niyang mala-anghel sa ganda. Sana lahat talaga!

Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at inipit ito sa likod ng tenga niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at dinampian ng halik ang mamula-mula niyang labi.

"Sorry." Mahinang sabi ko na nakapagpagising sa kaniya. Unti-unti'y minulat niya ang kaniyang mga mata at halata ang mugto rito.

"D-Dumating ka na pala. K-Kumain ka na ba?" Walang energy niyang sabi sa akin at bumangon siya mula sa pagkakahiga at umiwas ng tingin. Kahit na alam kong umiiwas siya ay tinry kong pasiglahin ang mood.

"Hindi pa nga girl e, tomguts na ake. Tara lafang na tayo!" Totoo naman ang sinabi ko, ewan ko ba kung bakit nagugutom parin ako, e kakakain lang naman namin kanina ni Luke.

"Sige tara na sa kusina." Pag-anyaya niya sa akin at tumayo na kami, naglakad kami papunta sa kusina at nakita ko roon ang sandamakmak na pagkain. Niluto pa niya lahat ng ito? Grabe, nakakakonsensya talaga! Isipin ko palang kung gaano siya kapagod na ihanda at iluto ang mga putaheng ito, hindi ko mapigilan ang maluha.

"Teka lang Max ha, iiinit ko lang ang mga ulam." Sabi niya sa akin at tinalikuran na ako, ngayo'y nakaharap siya sa may kalan at iniinit ang mga ulam.

Habang iniinit niya ang mga ulam ay hindi ko maiwasang mapagawi sa mga kamay niya at pulsuan, andami niyang paso! Naiiyak na talaga ako! Ang emotional ko na! Hindi ko na kinaya kaya't pumuwesto ako sa likod niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry talaga Madi, huhu nakokonsensya ako, sobra!" Umiiyak na sabi ko sa kaniya. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at doon humagugol.

Tinanggal naman niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ako. Kinulong niya ang mga pisngi ko sa kaninang mga kamay.

"Shh, ano ka ba? Okay lang 'yun, baka may importante kang ginawa, so okay lang talaga sa akin." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo galing sa aking mga mata.

"Bakit ka naiyak? Bakla ka ba?" Imbes na mag-emote pa ako lalo ay naudlot ito dahil sa sinabi niya. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to! Napangiti ako sa kaniya at hinawakan ang bewang niya.

"Obvious ba?" Ginamit ko ang panlalaking boses ko kaya't natawa nalang kami parehas.

"Atsaka," saglit na umiwas ng tingin si Madi sa akin at sumulyap sa orasan, "birthday mo pa rin naman. Kaya... Happy birthday!" Magiliw niyang sabi sa akin na ikina-nguso ko. Feeling ko ang pangit ko.

Pagkatapos ng harutan ay tinapos na ni Madi ang pag-iinit sa mga ulam, hindi na niya nilabat ng ulam dahil kaming dalawa lang naman ang kakain. Inayos na namin ang hapag at nagsimula nang kumain. Una kong kinuhaan ang kaldereta, unang subo palang yummy na!

"Ikaw ba talaga nagluto nito?" Pagkunwaring hindi makapaniwalang saad ko.

"Oo naman! Masarap ba?"

"Hmm, pwede na." Syempre eme lang, sa katunayan ay hindi pa sapat ang masarap para idescribe ang niluto niya. Sunod kong tinikman ang kare-kare niya. Katulad kanina, nanunuot ang sarap ng niluto niya. Hindi ko maipaliwanag ang lasa pero eto 'yung tipo ng luto na parang ginagayuma ka.

"Alam mo girl," pambibitin kong sabi sa kaniya. Tumigil siya sa pagsubo ng pagkain at tinignan ako.

"Ano?" Tanong niya pabalik.

"Pwede ka na mag-asawa, you know, ang galing magluto. Golden buzzer ka sakin!" Pumapalakpak ko pang saad sa sobrang tuwa ko. Ewan ko ba pero ang babaw na ng kaligayahan at luha ko lately.

"Ikaw lang naman gusto kong maging asawa." Mahinang bulong ni Madi, hindi sapat para marinig ko. Nagsimula na ulit siya kumain hanggang sa matapos na siya sa kaniyang pagkain.

"Ano 'yon beh?" Hindi ko kasi talaga narinig 'yung sinabi niya.

"Ang sabi ko, ikaw lang din naman ang boyfriend ko, edi asawahin mo ako." Nabulunan naman ako sa sinabi niya kaya agad niya akong binigyan ng tubig.

"Joke lang! HAHAHAHA hala beh 'yung kanina lumabas sa ilong mo! HAHAHA!" Natatawa niyang sabi kaya umirap na lang ako. Pasalamat siya may atraso ako sa kaniya.

"Tapos ka na? Magliligpit na ako." Sabi niya sa akin pagkatapos niya akong asarin. Tumango naman ako sa kaniya.

"Oo, tutulungan na kita. Ako na maglalagay ng mga pinggan sa lababo." Hindi naman siya umangal kaya't inimis ko na ang mga plato. Pinagpatong-patong ko ang mga plato at inisang lagay sa lababo. Si Madi naman ay tumayo na at naglakad papunta sa sink.

Umalis muna ako sa kusina at nilibot ang sala niya. Nakadikit parin ang mga letra sa "HAPPY BIRTHDAY MAX" kaya't pinagmasdan ko ito. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa effort na ginawa ni Madi. Nag-ikot naman ako ng tingin at napadako ang tingin ko sa lamesa sa may sofa. Nay malaking box roon, nilapitan ko ang box at tinignan.

"To: Maxelita" 'yan ang nakasaad sa maliit na papel. Dahil para naman daw sa akin ito ay inopen sesame ko na ito. Shookt to the higest level naman ako sa aking nakita. Nasa loob ng kahon ang mga mamahaling brand ng make-up.

"Madison!" Tarantang sigaw ko sa pangalan niya. Agad na tumakbo si Madi papunta sa akin at alalang tinignan ako.

"Ha? Bakit?!"

"Huhu, pinapaiyak mo naman ako!" Tinuro ko ang kahon na dahilan ng aking pag-iyak. Napangiti naman si Madi sa ginawa ko.

"Akala ko naman kung ano, sige na. Babalik muna ako sa kusina." Sabi niya at nagmartsa na pabalik sa kusina. Habang nagliligpit siya ay binuksan ko na ang mga make-up at nagswatch.

Nang matapos si Madi ay tinawag ko siya at pinaupo sa tabi ko.

"Madison! Halika dito!" Full force na pagtawag ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Memake-upan kita, bakla." Sabi ko sa kaniya habang kinukuha ko ang mga gagamitin para sa mukha niya.

"Bukas nalang, mag- one a.m. na po." Sabi niya sa akin. Madaling araw na pala? Bahala na, gusto ko pa siya kausap.

"Ih! Ngayon na, pretty please?" Nagpout pa ako sa harap niya.

"Sige na nga! 'Di naman kita matitiis." Sabi niya kaya't napapalakpal ako.

Nagsimula na akong maglagay ng foundation sa mukha niya. Grabe 'to! Walang kapores-pores! Sinunod ko ang concealer, inilagay ko ito sa ilalim ng mga mata niya at sa may ilong at sa pagitan ng kilay. Pagkatapos ay inayos ko ang kilay niya. Pak na pak ang kilay ni ate girl e! Hindi ko na nilagyan ng powder at contour ang mukha niya dahil madaling araw na naman na. Nilagyan ko na siya ng eyeshadow, hindi ko na nilagyan ng falsies dahil baka mas mahirapan pa siyang tanggalin ito at saka walang ganon sa regalo niya. Ang ang huli ay lipstick.

Kinuha ko ang nude lipstick at tingnan ang labi niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatulala.

"Huy! Tulala ka."

"A-Ay, hehe." Sinimulan ko nang lagyan ng lipstick ang labi niya. Syet ang lambot, hindi pa chapped! Sana all.

"Ano? Maganda na ba?" Tanong ni Madi sa akin. Tinignan ko ang kabuoan ng mukha niya. Napatulala naman ako sa nakita ko.

"Oo, maganda. Sobrang ganda." Pagkasabi ko 'non ay inilapit ko na ang mukha ko sa mukha niya.

Muli, ay natikman ko ang malambot na labi niya.

Продовжити читання

Вам також сподобається

52.3K 1.4K 45
#1 in iloveyou! Dated 26th May 2020 #496 in Romance! Dated 8th October 2017 #1 in egoist dated 14th August 2018 #2 in lgbtqin #1 in loveknowsnogender...
1.1K 95 26
Nikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it ta...
Ocean of Feathers Від VentreCanard

Короткі історії

3.5M 154K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
My Ex Sister in-law (Intersex) Від MMR

Короткі історії

75.2K 2.2K 28
GXG