The Joy of The Playboy (COMPL...

By queenerich

1.4M 14.5K 765

#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this stor... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT!!!

Chapter 55

17.9K 174 1
By queenerich

Chapter 55

Ang pagdating ni Chuck sa hotel and resort na tinutuluyan ko ay nauwi sa isang weekend vacation. Hindi ito pumayag na hindi kami magrerelax ng ilang araw bago umuwi.

"I thought umuwi na kayo kagabi," wika ko sa aking mga kaibigan habang kumakain kami ng lunch sa restaurant. Asikasong-asikaso ako ni Chuck, ipinagbalat pa ako nito ng hipon kaya kilig na kilig ang mga kaibigan ko.

Napasimangot si Patrick dahil sa sinabi ko. "Grabe ka, Ligaya. Parang gustong-gusto mo na kaming umalis, ah. For your information, in-invite kami ng jowa mo. At dahil libre," ngumiti muna ito saka nagpatuloy, "sino ba naman kami para tumanggi?" Ngumiti ito saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kailangan ko ring mag-explore, hindi 'yung puro negosyo lang ang iniintindi ko," sabat naman ni Eden.

"Ako." Napalingon ako kay Vivienne nang magsalita ito. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit narito ako, Ligs?"

"No need," walang gana kong sagot saka sumubo ng hipon. "I'm sure masama na naman ang loob mo kay Judas." Pansin ko ang inis ni Vivienne nang aking banggitin ang buong pangalan ng kasintahan, lalo na nang magsitawanan ang mga kasama namin sa mesa, pati si Chuck ay tumawa na rin.

"Naalala ko nang minsang pumunta kami sa bar," pagkukuwento ni Chuck habang inilalagay ang binalatang hipon sa plato ko, "nagkarambulan dahil naasar si Jude nang tinawag ang buong pangalan niya nang paulit-ulit. Asar na asar ang loko." Tawa kami nang tawa nang maalala ang buong pangalan ni Jude.

"Hey, mukhang nagkakasayahan kayo, ah." Napatingin ako sa likurang bahagi ni Chuck nang marinig ang boses na iyon. Nakatayo roon si Jackson saka tinapik ang balikat ni Chuck. "How's the food, bro?"

"The food is great. I never thought na malilinya ka sa ganitong negosyo, bro. Congrats!" Tumayo si Chuck at matapos tapikin sa balikat ang bagong dating ay ipinakilala ang mga kasama namin sa mesa.

Mayamaya ay napansin kong papunta sa mesa namin ang tatlong kalalakihan. Namukhaan ko ang mga iyon, sila ang kasama ni Jackson noong unang beses akong kumain dito sa restaurant. Nakangiti ang mga iyon nang lumapit kay Chuck.

"Chuckie boy!" malakas na wika noong isa at nakipagbungguan ng balikat kay Chuck. "Long time no see, bro. Ang tagal mong hindi nagawi rito, ah."

"Busy, e," wika ni Chuck. "Musta na kayo?" Nakipagkamay ito sa dalawa pang lalaki saka ipinakilala kaming apat. Napako ang paningin sa akin ng tatlo nang ipakilala ako ni Chuck. Nagpabalik-balik ang tingin ng mga ito sa akin, kay Chuck at kay Jackson.

"Girlfriend mo, bro?" tanong no'ng nagngangalang Marty. Ngiti lang ang sinagot ni Chuck pero sabay-sabay na umoo ang tatlo kong kaibigan.

"Akalain mo 'yun, Jack," wika no'ng nagngangalang Leo kay Jackson. "Kaya pala hindi ka pinapansin, e sa kadahilanang may boyfriend na. At si Chuck pa, alam naman natin na matinik sa chics ang kaibigan nating ito." Tinapik pa nito sa balikat si Chuck.

"Oy, hindi ako gano'n," depensa ni Chuck pero alam ko na totoo ang mga sinabi ng mga kaibigan nito.

Nawalan na ako ng ganang kumain lalo na nang magkwento ang tatlong lalaki kung paano ako naging rude kay Jackson noong tangkain nitong makipagkilala sa akin.

"Just a piece of advice, bro," dinig kong bulong ni Marty kay Chuck. "Napakabata pa ng girlfriend mo, baka kasuhan ka ng parents niyan. Pati mga kaibigan niya mga bata pa."

Napataas na lang ang kilay ko. Kung alam lang ng mga ito ang tunay na edad naming magbabarkada, sigurado akong magugulat ang mga ito.

Mayamaya ay nagpaalam na ako sa kanila dahil naririndi ako sa ingay ng mga iyon. Pinilit kong magpaiwan si Chuck dahil nakakahiya kung sasama pa siya sa akin paakyat ng kwarto gayong matagal na niyang hindi nakita ang mga  kabarkada niya.

Papasok na sana ako sa aking kwarto nang hilahin ni Vivienne ang aking kamay at iginiya sa kabilang pinto.

"Si Chuck ang kumuha ng kwartong ito para sama-sama raw tayo. Don't worry, Ligs, ipinalipat na ni Chuck 'yung mga gamit mo rito. Naroon sa dulo ang kwarto mo," paliwanag ni Patrick. Sinipat kong maigi ang kabuuan ng kwarto. Isa iyong executive room na sa tantiya ko ay may apat hanggang limang kwarto. May sarili ring kusina at sala.

Umupo si Eden sa tabi ko at niyakap ako. "Swerte mo sa anak ni madam. Mahal na mahal ka." Nagkibit-balikat lang ako sa sinabing iyon ni Eden.

Mayamaya ay nag-aya ang tatlo sa tabing-dagat pero nagpaiwan ako at natulog. Wala ako sa mood, mas gusto ko pang matulog buong maghapon.

Nang makaalis na ang mga kaibigan ko ay pumasok ako sa kwarto at natulog. Ngayon lang nakapagpahinga ang katawan ko sa alak matapos ang ilang araw. Siguro kung hindi dumating si Chuck ay alak na naman ang kasama ko ngayon.

Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong tila may nakatitig sa akin. Napansin kong nakaupo si Chuck sa gilid ng kama. Ginagap nito ang kamay ko at dinala sa labi niya para halikan.

"I'm sorry if I caused you so much pain, sweetheart. It wasn't my intention." Seryoso ang mga mata nito nang sabihin iyon.

Umupo ako at inilagay sa labi nito ang aking hintuturo. "Never say sorry for the things you never did, Chuck. It wasn't your fault. It was mine."

"But still..."

"Chuck..." Napabuntong-hininga ako. "Kalimutan mo na 'yon, okay?"

Ngumiti ito, isang ngiting nakapanghihina ng tuhod. Muli nitong hinawakan ang kamay ko at marahang pinisil. "Nang umalis ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko." Tinitigan nito ang mga mata ko at hinaplos ang aking pisngi. "Takot na takot ako sa kaalamang basta mo na lang akong iniwan ng walang paalam."

"How did you know that I'm here?" Hindi ko alam kung papaano niya ako natunton dito. Wala ako ni isang pinagsabihan kung saan ako naroroon.

"Pina-trace ko 'yung telephone number na ginamit mo kagabi." Napatango na lang ako. Matalino talaga ang lalaking ito.

Akma na akong tatayo para lumabas ng kwarto nang pigilan ako nito. Marahan ako nitong hinila paupo sa mga hita niya at niyakap ako nang mahigpit. "Ang sabi ni Jackson hindi ka raw lumalabas ng kwarto at kung lumabas man, ay para kumain lang at uminom ng alak. I'm sorry, sweetheart."

Napabuntong-hininga ako. "Gusto ko ng tahimik na kapaligiran, Chuck kaya ako lumayo pero ang Jackson na 'yon ay parang timang." Ngumiti si Chuck sa huling sinabi ko. "Pagkamalan ba naman akong seventeen years old. At heto pa, ah, inakusahan niya akong nameke ng ID para lang makapasok sa bar."

"He likes you, sweetheart," nakangisi nitong saad. "Sinabi niya sa akin kanina, but I'm glad na iniwasan mo siya. That means  I have a great chance na sasagutin mo ako." May pagmamalaki sa boses nito na ikinakunot ng aking noo.

"Chuck, binigyan kita ng chance dahil sa pangungulit ng anak ko. Nagpapasalamat ako dahil naging mabuti ka kay Clint kahit
hindi mo alam na anak ko siya. I'm sorry, Chuck, pero kung ako ang tatanungin, ayokong sagutin ka."

"Sweetheart...?"

"Chuck, I went through a series of bethrayal before and I am afraid it might happen again. Kaya okay na ako sa ganitong set-up. Hihintayin ko na lang ang araw na magsawa ka sa akin." Biglang lumungkot ang mukha nito at napaawang ang labi na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Don't get me wrong, Chuck." Ngumiti ako at pinisil ang ilong nito. "Sa guwapo mong 'yan, imposibleng hindi ka magkagirlfriend ng kasing edad mo."

"If that's the case, sweetheart," saad nito at tinitigan na naman ang mga mata ko, "then brace yourself dahil hindi ako magsasawa sa 'yo. Magunaw man ang mundo, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko." Natigilan ako sa sinabi nito.

Kinagabihan ay dumating si Jude at matapos ang hapunan ay nagkayayaan na mag-inuman sa sala. Dumating rin si Jack kasama ang tatlo pa nilang kaibigan. Napakaingay nila sa sala, hindi naman ako makapagreklamo dahil nahihiya ako kay Chuck. Siya ang nagbayad ng lahat ng expenses namin sa hotel na ito kaya bilang respeto ay mananahimik na lang ako.

"Okay," wika ni Patrick. "Para hindi tayo ma-boring, maglalaro tayo. Truth or dare at ito ang gagamitin natin." Itinaas nito ang bote na wala ng laman.

"Pass ako, bakla," nagpatiuna na ako dahil alam kong ako ang magiging paksa ng usapan nila. Knowing Patrick, madaya ito sa paglalaro ng truth or dare. Akma na akong tatayo para pumasok ng kwarto nang pigilan ako ni Vivienne at ngumisi nang tila nanunudyo.

"Oops, umiiwas," wika nito at iniangkla ang braso sa braso ni Jude na ngumisi na rin. "May dapat ba kaming malaman, ha, Ligs?"

"Malaman?" Napakunot-noo ako.

"Yup!" utas ni Eden. "Kaya umupo ka na at magsisimula na ang laro. Bakla, paikutin na ang bote," utos nito kay Patrick.

"Don't worry, sweetheart," bulong ni Chuck at mabilis na ipinulupot ang kamay sa baywang ko na tila ipinangangalandakan sa mga kaibigan niya na pagmamay-ari niya ako. "I am here." Sinaid nito ang laman ng basa at itinuon ang mga mata sa umiikot na bote.

"Jack, bro!" sigaw ni Marty. "Yari ka ngayon." Tumingin ito sa gawi namin ni Chuck at ngumisi nang nakakaloko. Napailing na lang si Jack.

"Okay, Jack," wika ni Patrick. "Since ako ang nagpaikot ng bote, ako ang magtatanong sa 'yo. Truth or dare?"

"Truth," sagot ni Jack kaya kinantiyawan ito ng mga kabarkada.

"Magkakaaminan ngayon," pakli ni Leo.

"Anong hitsura ni Ligaya nang dumating siya dito sa hotel?" tanong ni Patrick.

Waring nag-iisip muna ito bago sumagot. "Uhmm...devastated?"

Napatingin sa akin si Chuck. Nagtatanong ang mga mata nito. Itinuon ko na lang ang paningin sa bote na nakaturo kay Jack.

"Next na, bakla," utos ko kay Patrick.

"Jack, ikaw na."

Pinaikot ni Jack ang bote at nang tumigil iyon ay kay Chuck nakaturo ang bunganga niyon kaya umingay na naman ang mga kaharap namin.

"Okay, Chuck," seryosong saad ni Jack. "Truth or dare?"

"Truth," walang kagatol-gatol na sagot ni Chuck.

"What would you feel kung sakaling makipag-break sa 'yo si Ligaya?" Tutok na tutok ang paningin nito kay Chuck. Waring  hindi makapaghintay kung ano ang magiging kasagutan ng lalaking katabi ko.

"Ano nga ba?" Ngumiti si Chuck sa akin at nahagip ko ang pagtalim ng paningin ni Jack kaya bigla akong kinutuban. Kusa kong hinawakan ang kamay ni Chuck saka  marahang pinisil. Pinisil din nito ang kamay ko saka ngumisi kay Jack. "I doubt she'll do it, bro."

"Why?"

"Oops," sabat ko. "You only have one question and Chuck already answered it." Nilingon ko si Chuck. "Spin the bottle, Chuck."

"Sure, sweetheart." Tinanggal nito ang kamay na nakapulupot sa baywang ko at pinaikot ang bote. Sa kasamaang palad tumapat iyon sa akin kaya naghiyawan ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Patrick.

"Chuck, this is your chance. Come on, dali," tili nito saka pumalakpak. "Tanungin mo na siya."

"Okay, sweetheart, truth or dare?" Pinili ko ang truth kahit gustong-gusto nina Patrick na piliin ko ang dare.

Tumikhim muna si Chuck saka hinawakan ang aking kamay bago nagsalita. "Sweetheart, is there a chance for you to forget the past for a chance to be happy in the future?"

Napatitig ako rito habang panay naman ang tili ng tatlo kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang tinutumbok nito kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Come on, bes," untag sa akin ni Eden. "Just say yes."

"No?" patanong kong sagot na ikinakunot ng noo ng lahat ng naroon maliban kay Jack na nakangisi. Napakaluwang naman ng pagkakangiti ni Chuck kaya mas lalo akong naguluhan.

"Why are you laughing?" tanong ko rito. "You don't like my answer, right?"

"You got the right answer, sweetheart." Napakunot ang noo ko rito. "Spin the bottle."

Pinaikot ko ang bote at tumapat iyon kay Patrick. At nang tanungin ko ito ay pinili ang truth kaysa dare.

"'Yung totoo, Patty, kailan ang alis mo patungong France kasama ang boyfie mo?"

"Ligs, naman." Umikot ang mga mata nito. "Makakaalis ba ako kung ganitong nagkakalabuan kayo ni Chuck? Si Kaye, maryosep, patuloy na nagpapakagaga." Nilingon nito sina Vivienne at Jude. "Itong dalawa on and off. Panatag ang loob ko rito kay Eden dahil matino ang jowa. Nangako ako, 'di ba? Na kapag okay na kayong apat, saka na ako sasama kay boyfie para doon manirahan for good. Nagtitiyaga lang naman ako rito dahil sa inyong apat."

"Don't worry, Patty, aalagaan ko si Ligs," wika ni Chuck na ikinataas ng kaliwang kilay ni Patrick.

"Alagaan? Mahirap alagaan 'yan. Para sabihin ko sa 'yo, si Ligaya ang tipo na babaing hindi naghahabol sa lalaki. Magugunaw ang mundo kapag nangyari iyon."

"So, paano 'yan, bro," wika ni Jackson. "Mukhang nakahanap ka ng katapat." Nagsitawanan ang mga ito maliban sa amin ni Chuck na nakatingin lang sa isa't isa.

Mayamaya ay nagpaalam na si Jackson pati na ang tatlo pa nilang kaibigan kaya medyo nanahimik sa sala.

"Bakla," wika ni Eden. "Ituloy natin 'yung laro. Dali."

"Ayoko na," wika ko. "Kayo na lang."

"Naku, Ligaya, kahit kailan ang KJ mo."

"Hayaan mo na, Patty," saad naman ni Vivienne. "Baka gusto na niyang masolo si Chuck." Tumawa pa ito na ikinairita ko. "Remember ilang araw din silang hindi nagkita."

Muli akong umupo sa tabi ni Chuck na napakaluwang ng pagkakangiti. Ipinulupot nito ang braso sa baywang ko kaya walang tigil sa katutukso sa amin sina Patrick.

"Simulan mo na, bakla at baka langgamin pa tayo sa sobrang kasweet-an dito."

"O heto na, Eden." Pinaikot na ni Patrick ang bote at tumapat iyon kay Chuck.

Pumalakpak si Patrick. "O, Chuck, truth or dare?"

"Truth."

"Do you really want Ligaya to forget the past for a chance to be happy with you?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Patrick pero ngumiti si Chuck sa akin.

"No," kaagad na sagot nito. "I don't want her to forget the past because the past gave her the most amazing gift a woman could have and that is Clint. Clint has a special place in my heart. We developed friendship a year ago and I admit, that boy is awesome. I don't want her to forget the past, instead I want her to move on and be happy with me and Clint."

Parang gusto ko itong yakapin at umiyak sa balikat niya. Nakaka-touch ang mga sinabi nito. Sapul na sapul ang puso ko.

"Mahal na mahal mo talaga si Ligaya, ano?" muling tanong ni Patrick.

Tumango si Chuck. "Yup! The first time I laid my eyes on her five years ago, I know she's the girl I want to spend my life with."

"Five years ago?" sabay-sabay na tanong nina Patrick, Eden at Vivienne.














Continue Reading

You'll Also Like

274K 397 22
UNDER MAJOR REVISION SO THANK YOU FOR YOUR PATIENCE AND UNDERSTANDING! The title and characters will be changed for personal reasons. Ruby Marie Alda...
752K 14.7K 54
Nagising si Nica Villareal sa balitang nawawala ang kanyang best friend. Hindi niya malaman kung ano ang una niyang gagawin dahil wala siya mapagtanu...
69.7K 1.1K 53
Si Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa...
9.8K 140 2
A Royal Journey Part 2 Rubiya Marasigan is a strong-willed, courageous and outspoken kind of a woman. She fights for what she thinks is right, especi...