Garnet Academy: School of Eli...

Per justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... Més

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 40

351K 13.1K 11.5K
Per justcallmecai

Chapter 40

Best Friend

"T-talaga, Dad?" nanginginig ang kamay ko habang hawak iyong cellphone.

Gising na si Kuya! Oh my God! My Kuya!

"Yes, anak. Gumising na siya and he's very stable now." balita ni Daddy.

Tumulo ang luha ko sa konpirmasyong iyon. My heart will burst out of happiness! Gising na ang Kuya at magbabalik na siya!

"Pwede ko ba makausap si Kuya, Dad?" tanong ko.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Kairon habang nakikinig sa akin. He looks so curious and worried and cute.

"Pinagpahinga ko muna ang Kuya mo. Gusto na ngang bumangon agad. Sabi ko'y i-relax muna niya ang sarili niya at ngayon lang siya nagkamalay." ani Daddy.

"Okay, Dad..." I trailed off. "Tawagan mo po agad ako pag pwede na makausap si Kuya ha?"

I really want to hear Kuya's voice assuring his alright!

"I'll call you, my princess. Don't worry." ani Daddy.

Pabalik na kami ni Kairon sa Garnet Academy ngayon. Naikwento ko rin sa kanya ang napag-usapan namin ni Dad.

"So... Kuya Beau is coming back soon." aniya habang nagmamaneho.

Napangiti ako sa pagbanggit niya ng 'Kuya'.

"Yup! Are you nervous?" pambubuyo ko.

He laughed a bit. "U-huh... Your Kuya and I have a bad blood, if it isn't obvious."

Natawa rin ako sa sinabi niya. "I know! Pareho kasi kayong nag-aangasan."

"Magpapakabait na ako. Mahirap na." ani Kai.

I punched his arm. "Magugustuhan ka no'n."

Tumango siya. "Oo... Pagkatapos ko sigurong linisin ang kotse niya, ang kwarto niya. Baka nga hilingin pa no'n na maging servitoare niya 'ko para lang payagan tayong mag-date, eh."

Mas lalo akong natawa roon. "Hindi naman siguro!"

"Pero kung gano'n man, okay lang. Basta para sa'yo..." aniya. "All for you. Always."

"Asus!" sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

Talagang excited ako sa pagbabalik ni Kuya!

Nag-antay ako hanggang umaga para sa muling pagtawag ni Daddy, pero wala akong natanggap kaya naman napagdesisyunan kong itext siya.

Daddy, si Kuya?

Is he up? Let me know po kung pwede na makausap si Kuya.

Dad! How's Kuya?

Sunod-sunod ang mga text ko.

Afternoon pa ang klase namin ngayong araw. Kairon is busy for his commander duties this morning. Ako naman, pupunta ako sa Admission Office ngayon para magrequest ng bagong copy ng handbook.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong natigil nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Umawang ang aking bibig. Excitement got the best of me!

His height and masculinity is straight from the magazine. Likod pa lang ay siguradong sigurado na ako!

"Oh my gosh! Jax!" I called the guy sitting on the couch.

Mabilis itong lumingon. Batid ang gulat sa kanya pero agad din naman siyang ngumiti. "Hi, Pie..."

Nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis akong tumakbo at umupo sa tabi niya.

"Jax! Bakit ka nandito?" tanong ko. "A-at... Umm, pwede bang Paige na lang ang itawag mo sa'kin dito?"

All hell will break lose pag nalaman ni Kairon na may iba pang tumatawag sa akin no'ng nickname na naisip niya. I don't want him to be upset about it!  No way!

Naningkit ang mga mata niya. "And why? Kami ng Kuya mo ang nag-isip ng nickname na 'yon."

Natawa ako nang maalala iyong moment na iyon. "Tss! Si Kuya nga Paige na ang tawag sa akin."

"Kasi nga galit 'yon sa'kin. He doesn't want to do anything with me." ani Jax habang relax ang pagkakaupo.

"Ang tagal na no'n, galit pa rin? Pinapansin ka na niya, 'di ba?"

Tumango siya. "Well, basically not the old times... Kahit pa magsorry ako, it's non-sense cause I didn't do anything wrong. He just started to distant himself. That weirdo ass."

Medyo nalungkot ako nang maalala iyon. Si Kuya Beau at Jax talaga ang mag best friend noon. Pero ewan namin at bigla na lang naging weird si Kuya at hindi na pinansin si Jax. Kaya naman kami na lang ni Jax ang naging close na dalawa.

"Ah, basta. Paige na lang din ang itawag mo sa'kin." sabi ko, pag-iiba ng usapan para maitaas naman ang mood namin pareho. "Anyways, bakit ka nandito?"

"I'm just fixing my papers. I told you before that I'll transfer for the next sem, right?" aniya sabay hawi sa kanyang medyo magulong buhok.

My best friend right here is a certified heartthrob. He can be the cover of magazines and billboards all at once. Almond eyes, matangos na ilong, mapula ang tamang-tamang labi and a chiseled jawline, hindi maikakailang malakas talaga ang dating ni Jax.

Malamang sa lamang, paglipat niya rito'y lilinya agad siya sa lebel nina Kuya Beau, Kairon, Shawn, at Kuya Mac. Lalo na at Flamma rin siya.

"Oo. And I'm really excited!" sabi ko sa kanya. "Teka, alam mo na ba ang tungkol kay Kuya? Gising na siya!"

Tumango-tango si Jax. "Tinawagan ako ni Tito. Pero ang sabi niya, 'wag raw muna akong pumunta. Nagpapahinga pa ang mokong."

Saglit akong natawa. "Ako man, hindi ko pa nakakausap si Kuya."

"Well, well... You know each other?" Napabalikwas ako nang marinig ang head mistress.

"Hi, Mrs. Montecillo. Yes po. He's a close family friend." sagot ko rito.

Nakatayo siya sa harap namin ni Jax bitbit ang isang brown envelope.

"Aba'y buti at nakumbinsi mo siya sa paglipat? We all know the fact that it's safer here. Matagal na naming nililigawan iyan..." Mrs. Montecillo said.

Gusto kong sumingit na hindi ko naman kinumbinsi si Jax pero hindi na lang din.

"We are very pleased to have you here, Mr. Jaxith Pereira." dagdag pa ng head mistress.

Jax chuckled a bit. "I still can't give up my freedom back then. But now, I kinda want a new environment."

Sumangayon naman si Mrs. Montecillo. "You'll love it here. Lalo na at malapit pala kayo ng mga Santiago."

Tinapos ni Jax ang lahat lahat ng mga kailangang i-process tapos ay nagdesisyon kaming kumain sa GA Mall.

"Nice. You have a mall here, huh..." he said while sipping in his ripe mango juice.

"Yeah! Baka mabaliw kami rito kung wala." sabi ko naman. "Wait, bakit napaaga ata ang pagpasa mo ng files? Magpa-finals pa lang kami."

"Wala lang. Trip lang." aniya. "And since gising na rin si Beau, naisip kong maganda na magcelebrate tayo bilang magkakapatid."

Ngumuso ako. "Kami lang ang magkapatid!"

"I'm your closest friend, basically kapatid n'yo na rin ako. Dapat nga Kuya ang tawag mo sa'kin, eh."

Natawa naman ako sa sinabi ni Jax kaya agad kong nahampas ang braso niya. "Ayaw kitang tawaging Kuya dahil nga crush kita dati!"

I remember that day when Kuya Beau introduced me to Jax. Bata pa lang ay talagang cute na siya at malakas ang dating. Hinangaan ko siya ng sobra noon.

"Bakit ngayon? 'Di mo na ko crush? Sino na ang crush mo?" Jax' thick and bushy brows furrowed.

Napalunok ako. Aba! Hindi lang crush ang meron ako, Jaxith! May boyfriend na ako!

"Basta!" giit ko at sumubo na lang ng pagkain para hindi halatang gusto kong iwasan ang topic na ito. This is crazy!

"Remember when Beau and I keeps on shooing your suitors away?"

Tanda ko iyon! "Oo naman! Kahit hindi kayo magkasundo, nagkakasundo kayo sa pagtaboy ng mga manliligaw ko."

"Tama lang 'yun. Bata ka pa." ani Jax na akala mo'y kung sinong mas matanda sa akin. "Eh, dito ba may mga nanliligaw sa'yo? Wala kami ni Beau, baka may pumuporma na?"

Napalunok na naman ako! Kinakabahan talaga ako rito kay Jax!

"T-takot lang nila kay Kuya..." sabi ko.

I'm not ready to tell it to Jax lalo na't hindi ko pa nasasabi kay Kuya! Gusto kong malaman muna ito ni Kuya Beau!

Tanghali na, oras na ng klase ko at si Jax naman ay kailangan na ring umalis.

"See you soon." sabi ko at kumaway sa kanya.

"Yeah..." aniya at sumakay na sa kanyang kulay itim na Mustang.

Nagmadali akong pumunta sa room dahil ayaw kong ma-late. Hingal akong tumabi kay Lia.

"Saan ka galing at ganyan ang itsura mo?" tanong niya.

"Kumain lang sa mall." sabi ko sabay lapag sa hawak.

Wala pa si Kairon. Mukhang busy na naman siya sa paper works. Kung pwede lang na ako na ang pumirma ng ibang papeles ay tumulong na ako kaya lang kailangan kasi, ang student council president ang mismong pipirma.

Lugmok ako sa mga unang klase. Kahit papano'y sumaya ang mood ko dahil kay Jax pero ngayon, naaalala ko na naman si Kuya. Wala pang reply o tawag ang Daddy kaya talagang nag-aalala na ako.

Nasa canteen kami ni Lia at talagang kahit ang pagkain ay hindi maitaas ang mood ko.

"May problema ka ba?" tanong ni Lia. "I'm seriously worried. Kanina ka pa lugmok!"

Bumuntong hininga ako. "Gising na si Kuya."

Gulat na gulat si Lia. "T-talaga? Hindi ba magandang balita 'yan! Bakit malungkot ka?"

"Masayang masaya ako, Lia. Pero kasi hindi ko pa siya nakakausap. Kaya bumalik ang pag-aalala ko." malungkot kong sabi at tinulak ang pinggan ng pagkain dahil wala talaga akong gana.

Pareho kaming nagulat ni Lia sa pag-upo ni Ate Thea sa harapan namin.

"Your Kuya is awake." aniya sa malumanay na boses. Bakas ang naghahalong saya at lungkot.

Tumango-tango ako. "Papaano mo nalaman, Ate?" kuryoso ko pang tanong.

Tinawagan din kaya siya ni Daddy? Pero parang imposible naman ata... Unless kilala siya ni Daddy!

"Your Kuya called me..." aniya. "Saglit lang. He's awake, but he doesn't sound okay, Paige. And God, I hope I'm wrong. I hope he's really okay now."

Halo ang naging emosyon ko sa sinabi ni Ate Thea. I'm glad that Kuya called her. Sa kabilang banda, malungkot ako na hindi ko pa nakakausap si Kuya!

Kailan niya ba balak na tawagan ako at kumpirmahing okay na siya? It's frustrating!

"Nakaka-frustrate. I want to see Kuya Beau right now!" sabi ko kay Lia at Ate Thea.

Kita naman sa kanilang mga mukha ang pakikisimpatya sa akin.

Hinagod ni Lia ang likod ko. "Gusto mong lumabas ng academy? Puntahan natin ang Kuya mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lia. "H-ha? Hindi tayo pwedeng lumabas!" giit ko.

"Pwede... If we'll use the hidden gate." mahina ang salita ni Ate Thea.

Muli akong nawindang! Alam ni Ate ang tungkol doon?!

"Alam mo ang tungkol sa hidden gate?" tanong ko.

"May hidden gate?" tanong naman ni Lia.

Sabay na sabay kami roon!

"Y-yeah... Beau has been the commander, right? I've learned about it from him." saad ni Ate Thea.

Okay sana, pero malamang sa malamang ay yari ako kay Daddy pag nagkataon. Pati na rin kay Kuya! Dahil sobrang delikado ang tumakas!

"Hindi tayo pwedeng tumakas. Malamang magagalit sila Daddy." sabi ko.

Tumango naman ang dalawa.

"I'm thinking about something..." ani Lia. Mabilis naman ang pagbaling namin ni Ate Thea sa kanya. "Para hindi magalit ang Daddy mo, kailangan ay makalabas tayo rito na hindi tumatakas."

"And how can we do that?" tanong naman ni Ate Thea.

"Outside activity. Ginagawa naman nating officers 'yun. We just need to think of something like judo class or whatever as an excuse." suggestion ni Lia.

Kumunot ang noo ko. "I-aapprove ba 'yan ng head mistress?"

"Duh! Hindi natin kailangan ng head mistress. Kairon Gonzalez is enough." proud na sabi ni Lia.

Napatapik naman ng lamesa si Ate Thea. "Oh gosh! You're right, Lia! Outside activity can be approved by the commader!"

Kabado kaming tatlo habang naglalakad papunta sa SCO. Nagplano kaming maigi kung paano mapapapayag si Kairon. Pero sabi ni Lia, no matter what I say, Kairon will say yes anyway. Sana'y tama ang hinuha niya.

Nandoon ang buong Student Council Officers nang kinausap namin si Kairon. Wala kaming choice kung hindi ang ipaalam sa lahat ang balak dahil nandoon sila at ayaw magsi-alis!

Tama nga si Lia. Kairon instantly said yes without inhibitions at all!

"So, who'll be joining?" Kairon asked in a very authoritative voice.

"It's not safe. And dami natin." ani Kuya Mac.

"Eh di 'wag kang sumama para mabawasan!" pagbara naman ni Lia kay Kuya Mac. "I'll join!"

"Tsk. Sasama rin ako!" bawi pa ni Kuya Mac.

Tignan mo nga naman ang dalawang ito!

"Hindi na ako sasama. Baka mabadtrip lang si Beau. Ingat kayo." ani Lance tapos ay lumabas na.

"I can't come as well. I need to fix my papers." ani Shawn.

"Magda-drop ka na talaga, Shawn?" tanong ko.

Napangiti siya at umiling. "The head mistress told me to take an advance midterm and final exam. Sayang daw kasi kung drop. If I'll take an advance exam, I'll be considered as a transferee."

Tumango ako. Ganoon din naman ang iba.

"Iiwan mo na talaga ako. Damn you." ani Kairon na parang bata.

Natawa ako nang bahagya roon.

"Sus. Ang baby bubut ko, oh. Video call na lang tayo lagi." ani Shawn kaya naman agad sumapul iyong bottled water sa kanya.

Kai is brutal. Brutal si Kai.

"I'll be joining. Beau is somehow a friend anyways." nakahalukipkip na sabi ni Stephanie.

What? Wait? Okay...

I took a deep breath. Bahala siya. Gusto niyang sumama, eh. Anong magagawa ko?

"Sige, ako rin. For Fafa Beau!" ani Andy.

Umikot ang mga mata ni Ate Thea. "Whatever, Ands..." anito. "I'll be joining, of course."

Ngayon ay malinaw na kung sino ang mga sasama. We've planned to take a fencing class para makalabas ng academy. Saglit na oras lang ang gugugulin namin doon tapos ay pupuntahan na namin si Kuya. Maghahanda rin kami ng certificates dahil kailangan daw iyon para ipakita sa head mistress. We will forge it and indicate that we've took a straight eight hours of class, kahit na tatlong oras lang talaga iyon.

Hindi na masyadong mahigpit si Mrs. Montecillo basta't si Kairon ang mag-apruba. Kinseng guwardiya ang bantay namin. Nakakalunod sa dami pero buti na lang at nakakuntsaba rin namin ang mga guards na kasama.

Bukas ng umaga ang labas namin and I am so excited about it. Kabado, pero para kay Kuya, bahala na.

Limang Flamma, dalawang Terra at kinseng body guards.

Nakahanda na ang isang malaking van pagbaba namin ni Kairon sa Flamma Building.

"Ready to see your Kuya?" malambing na tanong ni Kairon sa akin.

Pansin ko rin na masyadong malinis ang ayos ng buhok niya ngayon at tila kay amo ng mukha.

Pati ba siya'y naghanda para sa pagbisita namin kay Kuya? I smiled at that thought.

"Oo. Sobrang salamat talaga rito. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." I told him.

My heart is nothing but sincerely happy.

"Basta para sa'yo, Pie. Ako ang commander ng buong school. Pero ikaw? Ikaw ang commander ng commander ng buong school... If that makes sense." he said and enveloped me in a one soft hug.

Continua llegint

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
19.5K 2K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022
83.6K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...