Chapter 37

346K 12.8K 11.1K
                                    

Chapter 37

Marry Me

Sobra akong apektado sa aking mga nakikita. Tila napako na lamang ako roon sa pwesto ko.

Maraming nagtitilian at pumalibot na sa Marriage Booth.

"Grabe, bagay talaga sila!" sigaw ng kung sino.

Kitang-kita ko ang ngiti ni Stephanie kahit na natatabunan na siya no'ng puting belo. May hawak na siyang mga bulaklak ngayon. Kai is just right beside her, wearing a white blazer.

Inaabot sa kanya iyong singsing. Kinuha naman iyon ni Kairon at tumawa. My heart suddenly ripped into pieces. Hindi ko ito kayang makita.

Tumalikod na ako nang bigla kong marinig ang boses ni Kairon sa speakers.

"Sorry, but I cannot marry anyone unless its Beatriz Paige Santiago. So... I command you all to bring her here." umalingawngaw ang ma-awtoridad na boses ni Kairon sa buong campus. "Dahan-dahan lang, ah. Saka babae lang ang pwedeng magdala sa kanya rito. Ayokong may hahawak na lalaki ro'n."

Hindi pa ako nakakapagreact sa mga narinig ay may tatlo nang babae ang humagit sa akin papunta sa Marriage Booth. Napatakbo na lang din ako dahil tumatakbo sila. This. Is. Crazy!

Isang sabi lang ni Kairon at sinusunod na siya!

"A-anong ginagawa mo?" mahinang tanong ko kay Kairon nang madala na ako no'ng mga babae rito sa booth.

Ngayon ay nakaharap na ako kay Kai.

"Marrying you..." aniya.

Magsasalita sana ako nang biglang hinatak ako no'ng isang Aqua para ilipat sa akin ang vail na suot ni Stephanie. Kitang-kita ko ang pulang mga mata niya. Nagbabadya ang mga luha. Galit na galit siya kung makatingin sa akin.

Nang nasuot na sa akin iyong vail ay inabot din nila ang flowers. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil masyadong mabilisan ang lahat.

"K-Kai, isn't this too vulgar?" I asked. Sobrang mahina lang para si Kairon lang ang talagang makakarinig.

"This is better than to marry someone else. Do you want me to marry someone else?" he asked seriously.

Napalunok ako at agad na tumango.

Right, this is better!

Bahala na kung sakaling malaman na ng lahat ang tungkol sa relasyon namin. Ang mahalaga ay hindi siya maikasal sa iba! Kahit ba booth lang ito at fake lang ang lahat ay hindi maganda sa pakiramdam kung sakaling natuloy nga ang kanina!

Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko.

"Will you marry me, baby?" he asked.

Natulala na lamang ako. Ang iba ay halos mangisay na sa kilig dahil sa paglapit ni Kairon. Sigurado naman ako na walang nakarinig ng sinabi niya dahil bulong lamang iyon.

"Pagdating ng panahon, handa akong lumuhod sa lahat, umoo ka lang." bulong niya pa.

Kung kanina, no'ng kumanta siya ay halos atakihin na ako... Ngayon ata ay matutuluyan na talaga!

Tumango na lang ako.

Bumaling si Kairon doon sa Terra student na siyang kunwaring Pari. "Game na, Father."

Pagkatapos ng fake wedding ay hinatak naman ako ni Kairon sa Photo Booth para makapagpakuha raw kami ng picture.

Ang unang pose namin ay nakangiti lang. Sunod naman ay nakapeace sign. Ikatlo naman ay umakbay siya sa akin. At nang huli na ay pinatalikod niya ako, kaya naman back shot ang pang huli.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon