Chapter 55

336K 16.3K 22.2K
                                    

Chapter 55

Mad

"Pero paano na kung hindi siya dumating?" I asked, feeling hopeless.

He tapped my head softly. "Let's see."

Umorder na kaming dalawa ni Lancer. Ni hindi ako makapamili ng maayos dahil sa kaba. Pag hindi siya dumating, paano na? Ano na ang next step? Meron pa ba? Pwede pa ba? Maaayos pa ba?

Habang naghihintay si Lancer ng order, ako naman ay naghihintay sa pagdating ni Kairon.

Imposible namang hindi niya marinig iyong sinabi ni Lancer. Eh, halos isigaw na nga no'ng tao.

Dumating na iyong order namin at nawalan na ako ng pag-asa.

"Lance, hindi na 'yun darating." sabi ko at walang ganang tinusok tusok iyong steak na inorder.

"Antay lang tayo, okay?" malumanay niyang sabi tapos ay kumain na.

Wala akong ganang kumain. Naiinis talaga ako. Tinusok-tusok ko iyong steak ko nang walang awa!

"'Wag mo patayin 'yang steak mo. Maawa ka." ani Lancer.

I laughed a bit because of that.

Hanggang sa matapos na si Lancer kumain ay wala pa ring Kairon na dumarating.

"Ubusin mo na 'yang pagkain mo." si Lance sa aking gilid.

Malungkot akong umiling. "Dapat hindi na ako umasa na darating siya. Naiinis ako sa sarili ko, kasi umasa ako. Kasi baka kahit papaano, meron pa... Meron pang kaunting ako sa puso niya."

Bumaksang ang mga mumunting luha sa aking mata. Agad ko pinalis ang mga iyon.

"Hey... Hey don't cry." si Lancer na agad hinawakan ang mukha ko. "People should not give up easily for the one they love, right?"

Sinusubukan kong pigilan ang mga luha ko dahil nahihiya rin ako kay Lancer.

"Plan A pa lang 'to. May Plan B, Plan C, Plan D, at hanggang Plan Z pa tayo, ano ka ba? Cheer up, aight?" Lancer said and pinched my cheeks softly.

"Paano kung umabot na tayo ng Plan Z pero wala pa rin?"

"Ang negative mo. Nasaan na 'yong positive na Paige na kilala ko?" aniya. "Eh, 'di pag nasa Plan Z na ta's wala pa rin, punta naman tayo sa numbers. Plan 1, Plan 2, Plan 3... Hanggang Plan 100 o Plan 1000 pa 'yan!"

Natawa ako kay Lancer, pero bumabagsak pa rin iyong luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Stop crying, okay?" Lance said softly. "It kinda hurts me when you cry."

Natigil ako sa sinabi ni Lancer at napatingin na lamang ako sa kanya. His eyes are so pure and innocent. This precious human being gets hurt when I cry...

"Pie?"

Agad akong napalingon doon sa nagsalita at nakita ang nag-aalalang si Jaxith.

"What happened?" he asked. Sasagot na sana ako sa kanya pero bigla siyang bumaling kay Lancer, galit. "What did you do, huh?"

"Wala siyang ginagawa, Jax." singit ko naman.

"Why is Paige crying?" si Jax, nakabaling pa rin kay Lancer.

"The Commander didn't come." diretsong sagot ni Lance.

Bumaling agad sa akin si Jaxith. Kitang-kita ko ang pag-aalala base sa kanyang mukha.

Mabilis siyang umupo sa tabi ko, naiiling. "That asshole." Jaxith hissed.

"That major asshole." dagdag naman ni Lance.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon