Chapter 45

291K 11K 6.2K
                                    

Chapter 45

Back

Natigil ako sa sinabi ni Kuya. Ilang minuto ko ring iprinoseso sa utak ko ang sinabi niya.

"W-what did you say, Kuya? He's... No. That can't be. Paano nangyari 'yun? 'Di ba nakakulong siya?" sabi ko.

Gulong-gulo ako. The last time we spoke about him, ang tanging alam ko ay nakakulong siya. Ngayon naman, nasa GA na siya? Dalawang buwan pa lang ang lumilipas!

"Nakalaya na siya, Kuya? H-how did it happened? I really don't understand." talagang naguguluhan na ako.

Tahimik lamang si Kuya kaya naman mas lalong nakakafrustrate!

"Kuya!" I shouted.

My heart is beating so fast!

Kunot ang kanyang noo habang maigi akong tinitignan. "Let's just put it this way, he's family is powerful. Gaya rin ng sabi mo... Iyon lang."

Tinalikuran na ako ni Kuya at bumalik na sa computer niya.

Hindi pa ako nakakabawi sa narinig pero isang desisyon agad ang nabuo ko.

"Wala akong paki kung nandoon na siya. Basta magkasama tayong babalik sa eskuwelahang 'yon, Kuya!" I said with finality.

I am determined.

He's there? Good. Try to harm me one more time. Try to kill me again. Do whatever you want, you wouldn't get away this time. I will make sure of it.

No matter how rich or how powerful you and your family are, I will put you down the moment you try to harm me again. Or even my Kuya. Justice will be served.

Napatayo ulit si Kuya. "Beatriz Paige, bakit ba ang kulit mo? Hindi nga pwede. Magtatransfer ka! Tapos ang usapan!"

"Ayoko, Kuya Beau Patrick! Bakit kasi hindi ka na lang din magtransfer!" giit ko.

"I have a lot of unfinished business." sagot niya. Buo ang boses, halatang naiinis na.

"Then gano'n din ako!"

"Pucha naman, Beatriz! Hindi mo ba ako narinig? Nasa campus si Kairon! Marami siyang pwedeng gawin!" sigaw ni Kuya. Pakiwari ko'y narinig na rin ng mga maids iyon.

Umiling ako. "Wala siyang pwedeng gawin sa'kin sa loob ng campus." I sighed. "At saka kasama naman kita, Kuya."

"I know... And I'll always protect you. Pero hindi ko kontrolado ang lahat ng bagay... I can't even control him from not dating Stephanie." ani Kuya Beau, papaliit ang boses.

"What?" gulat kong tanong. Halos malaglag ang panga ko. At ang kirot sa puso ko ay nananalo.

"I-I saw them earlier. They're sweet as fuck. Narinig ko rin na sila na... Ewan ko." ani Kuya at lumabas na ng kwarto niya.

Agad ko naman siyang sinundan kahit hindi pa ako nakakarecover sa mga narinig.

Sinalubong ako nila Manang na bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Malamang ay narinig nila ang pagtatalo namin ni Kuya.

"O-okay lang po kami Manang. May hindi lang po mapagkasunduan." sabi ko.

Hinabol ko si Kuya at palabas na siya sa glass door patungong garden.

"I don't want to talk about this anymore." Kuya said and crossed his arms. Nakatingin lang siya sa langit.

"I'm sorry, Kuya. Pero kahit ano pa 'yon, sasama ako sa'yo sa Garnet." sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto ko.

Marami pa sana akong gustong sabihin at malaman. Pero hindi ko na kaya. I can only hold on to these stupid tears for quite a while. Saglit lang ang kaya ko.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon