The Joy of The Playboy (COMPL...

By queenerich

1.4M 14.5K 765

#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this stor... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT!!!

Chapter 50

16.9K 201 7
By queenerich

Chapter 50

Naalimpungatan ako nang tumunog ang aking cellphone. Umupo ako at kinuha iyon sa sahig.

"Hello?" wika ko sa paos na tinig habang kinukusot ang aking mga mata.

"Oh my! Mukhang inumaga kayo ni Chuck, ah!" tudyo ni Patrick sa kabilang linya. "Halatang-halata, boses pa lang alam na." Tumili ito kaya inilayo ko ang cellphone sa aking tainga.

"Gaga ka, Patrick. Nilagnat si Clint kagabi, mabuti na lang narito si Chuck. Sinamahan niya akong bantayan ang anak ko," sagot ko rito dahil alam ko na naglalakbay na naman ang utak nito. Green minded si Patrick pero magkagayunman matatawa ka na lang sa bawat biro na namumutawi sa bibig nito.

"Kumusta na ang inaanak ko? Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi?" Dinig ko ang pag-aalala sa boses nito. "Wait, pupunta ako diyan, now na!"

"No need, Patrick. Okay na si Clint." Tinapos ko na ang tawag dahil naririnig ko ang tawanan ng dalawa sa baba. Mukhang maayos na ang aking anak. Inayos ko na lang ang unan at kumot  na ginamit ko. Dito kasi ako natulog sa sofa sa kwarto ni Clint.

Lumabas na ako at tinungo ang aking kwarto para maghilamos. Matapos mag-toothbrush, bumaba na ako. Hawak ko sa kanang kamay ang aking cellphone dahil alam kong tatawag na naman iyon si Patrick para makibalita.

Habang papalapit ako sa kusina ay papalakas naman nang papalakas ang tawanang naririnig ko. Mukhang nagkakasayahan ang dalawa.

Naudlot ang tangka kong pagpasok ng kusina dahil sa tagpong nabungaran. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sina Chuck at Clint. Kumakain ang mga ito ng pizza habang may pinapanood sa laptop.

"Boom!" sigaw ni Clint. "Panalo koponan ko. Talo ka, coach!"

Tumawa lang si Chuck. "Sayang. Kung nai-shoot sana 'yun, ako ang panalo."

"E, wala, e. Magaling ang napili kong team. Better luck next time, coach." Mahina nitong sinuntok sa balikat si Chuck ngunit nasalag naman iyon ng huli hanggang sa magtawanan na ang mga ito.

Nakangiti pa rin ako habang nakamasid sa kanila. Ngayon ko lang nakitang masaya ang aking anak na kasama ang ibang taong hindi nito kadugo. Ang malulutong na halakhak nito ay nakakapagpagaan sa aking mga alalahanin sa buhay.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, itinapat ko sa kanila ang hawak na cellphone at kinuhanan sila ng litrato. Hindi ko mapapalagpas ang ganitong tagpo sa buhay ng aking anak. Idagdag ko ito sa scrapbook na sinimulan kong gawin noong bata pa si Clint.

"Hey, mom! Good morning," wika ni Clint nang makita akong papalapit sa mesa.

"Good morning." Matapos batiin si Chuck ay hinalikan ko sa noo si Clint at umupo sa tabi nito. "How are you, baby?"

"Okay na po ako, mom and please, huwag n'yo na po akong tawaging baby. Nakakahiya," reklamo nito saka tumulis na naman ang nguso.

Tumawa naman ako. "Sure. Basta promise mo na hindi ka na maglalakad ng tulog. Tinakot mo ako kagabi." Sumagi na naman sa utak ko ng nangyari kagabi. Nagmistulang si The Flash kagabi si Chuck. Mabilis ako nitong nilagpasan paakyat sa hagdan para hindi makahakbang si Clint dahil kung hindi, malamang nahulog na ang anak ko.

"Aren't you going to kiss my mom, coach?" tanong ni Clint na ikinagulat ko.

"Kiss?" sabay naming saad ni Chuck saka tumingin kay Clint.

Napailing ito. "You two are too conservative. Kiss lang naman 'yon." Napakunot na naman ang noo ko. Lumalaki na talaga ang anak ko.

"Sure." Dinig kong wika ni Chuck at mabilis akong hinalikan sa pisngi saka mabilis ding umalis sa tabi ko matapos ilapag ang tinimplang kape.

"Mom, coach said he loves you. Do you think you could love him, too?" Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Clint. Napakunot naman ang noo ko kay Chuck. May kutob akong ginagamit nito ang aking anak para mapa-oo ako. Nice try, Chuck, mamaya tayo magtutuos.

"What kind of question is that, Clint?" Uminom ako ng tubig at hinarap ito. "Chuck and I are friends.

"Can't you give him a chance, mom?"

Bullshit! Sabi na nga ba. Ginagamit niya si Clint. Ngumiti lang ako sa aking anak at nahagip ng aking mga mata ang nakangising mukha ni Chuck. Mamaya ka talaga sa akin.

"Clint, let's not talk about this. Eat your breakfast."

"Mom, I would be glad if you give him a chance," pakiusap pa nito.

"Clint, please? You don't know what you are talking about. We'll talk about this some other time, okay?" Nawalan na ako ng gana kaya tumayo na ako at tinungo ang aking kwarto para maligo.

Pababa na ako sa hagdan nang mapansin kong nakaupo ang dalawa sa salas at tila may seryosong pinag-uusapan.

"Clint, wala pa ba si yaya? Kailangan ko ng umalis. Dalawang botique ang kailangan kong puntahan ngayon." Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ito sa leeg. Normal na ang temperature nito pero hindi ko ito pwedeng iwan mag-isa.

"Mamaya pa po siya dadating, mom. Ang sabi ko po kasi kahit ma-late siya okay lang kasi may importante tayong pag-uusapan." Nakatingin ito nang diretso sa mga mata ko. Nakangisi naman si Chuck na nasa likurang bahagi ng anak ko kaya hindi kita ni Clint ang nakakalokong mukha nito.

"Chuck," tawag ko rito.

"Yes, sweetheart?" seryosong tanong nito at ngumisi na naman. Leche talaga! Puro kalokohan ang alam.

"Mauna ka na. Baka ma-late ka sa office. May pag-uusapan pa kami ng anak ko."

"Don't worry, hihintayin kita."

"Mom, kasali siya sa usapan."

"What?" Gustuhin ko man na pagtaasan ito ng boses ay hindi pwede. Kagagaling lang nito sa  lagnat at ayokong sumama ang loob nito sa akin.

"Mom," wika nito at kitang-kita ko nang sikuhin nito si Chuck na para bang sinasabi na ito na ang magtuloy ng iba pa niyang sasabihin. "Sige na, coach. You can do it. Huwag torpe, okay?"

Napailing na lang ako. Sinasabi ko na nga ba.

Tumayo si Chuck at umupo sa aking tabi saka hinawakan ang aking kamay.

"Sweetheart, I've already got Clint's approval—"

"Give him a chance, mom. Mabait naman si coach," sabat ni Clint at hinawakan ang kabila kong kamay. "Sige na, mom. Ako ang makakalaban niyan kapag niloko ka."

"Oh, I'm afraid hindi  mangyayari 'yun, boy," depensa nito. "Mahal na mahal ko ang mom mo."

"Promise, coach?"

"Promise," mabilis nitong sagot at itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Hindi ko sasaktan ang mom mo."

"See, mom? Give him a chance na."

Natulala na lang ako sa mga naririnig. Parehas nakikiusap ang dalawang ito sa harapan ko habang hawak ang aking kamay. Pwede kong tanggihan si Chuck pero hindi ko alam kung makakaya kong tanggihan ang aking anak sa pakiusap nito.

"Mom?" untag ni Clint at pinisil pa ang kamay ko. "Just say yes, please?"

"What about your dad?" Balik-tanong ko sa aking anak na ikinasimangot nito. "Hindi ba pangarap mo na mabuo ang pamilya natin?" Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang biglaang paglungkot ng mukha ni Chuck dahil sa sinabi ko.

"That was just a childhood wish, mom. Nainggit lang kasi ako sa mga kaklase ko noon na sinusundo sila ng mom at dad nila sa school but now, I fully understand the situation. Malaki na ako, mom. Kung iniisip mong makipagbalikan kay dad dahil sa akin, please huwag n'yo pong gagawin 'yun dahil alam kong hindi kayo magiging masaya."

Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Chuck at hinaplos ang mukha ng anak ko. "You are really a grown up kid. Salamat at naiintindihan mo ang sitwasyon."

"Wala po 'yun, mom. Mas masaya pa nga tayo noong wala pa sa Pilipinas si dad, 'di ba? Enjoy your life, mom. Mag-move on na po kayo kay dad." Niyakap ko na lang ito dahil takang-taka ako sa mga pinagsasasabi nito. Para itong eighteen years old kung mag-isip.

"So, may chance na si coach, mom?" muli nitong tanong.

Pambihira naman! Akala ko nakalimutan na niya iyon. Makulit din ang anak ko.

"I'm afraid it's a no, anak." Tumingin ako kay Chuck at pansin ko ang lungkot sa mga mata nito ganoon din si Clint.

"It's okay, Clint," wika ni Chuck. "Your mom doesn't really like me, but it's okay. I will always be here for her, for you, for the both of you no matter what."

"Mom," pangungulit muli ng anak ko. "Please?"

"Okay," wika ko. "Dahil pinagtutulungan ninyo ako, wala na akong magagawa kundi umoo." Hindi ko talaga kayang tanggihan ang pakiusap ng anak ko. Biglang lumiwanag ang mukha ng mga ito at nagbungguan ng mga kamao.

"See, coach? Pumayag din si mom pero oras na lokohin mo ang nanay ko, huwag na huwag kang magpapakita sa akin, ha?" banta nito.

"Hinding-hindi 'yun mangyayari, Clint." Muling hinawakan ni Chuck ang kamay ko saka hinalikan. "Thank you, sweetheart. Promise, hindi kita lolokohin. I love you."

"Yes, okay na rin sa wakas," masayang saad ni Clint saka niyakap ako. "Coach, kasama ka dito. Dali hug mo si mom. Group hug tayo." Hinalikan ako ni Chuck sa noo at niyakap. Mabilis namang bumitaw si Clint sa akin at kinuha nito ang sariling cellphone  saka kinuhanan kami ng litrato ni Chuck habang magkayakap. "Oops! Huwag bibitaw, groufie tayo." Magkayakap pa rin kami ni Chuck habang panay ang kuha ng litrato ni Clint nang biglang bumukas ang front door at iniluwa niyon si yaya kasama ang asawa nito na si Kuya Ernie.

"Kuya Ernie! Yaya!" sigaw ni Clint at lumapit sa mga ito para yumakap.

"Kumusta ka na? Ang laki mo na, Clint," nakangiting wika ni Kuya Ernie saka ginulo ang buhok ng anak ko. "Magandang araw po, Ma'am Ligaya, Sir Charles," bati nito sa amin.

"Magandang araw po, Ma'am Ligaya, Sir Charles. Pasensiya na po kung na-late ako ng dating," wika ni yaya.

"Ano ka ba, yaya, okay lang 'yun. Kumusta po, Kuya Ernie?" Kinamayan ko ito.

"Mabuti naman po, Ma'am Ligaya." Kinamayan din ito ni Chuck saka pinaupo sa sopa ang mag-asawa.

"Mabuti at napadalaw kayo Kuya Ernie. May ipapakiusap po sana ako sa inyo, na kung pwede sana dito na rin kayo magtrabaho para magkasama kayong mag-asawa. Nangangailangan po kasi ako ng bodyguard para kay Clint kaya naisip ko kayo." Biglang lumiwanag ang mukha ng mag-asawa.

"Katunayan po niyan, Ma'am kaya po ako narito dahil dito po ako pinagre-report ni Sir Charles," sagot ni Kuya Ernie.

Napatingin ako kay Chuck. Nagdesisyon na naman ito nang hindi ako kinukunsulta.

"Let me explain, sweetheart," kaagad na wika nito at pinisil ang kamay ko na tila iniiwasang magalit ako sa kaniya. "Last friday kasi, nag-apply si Mang Ernie sa kompanya. E, wala ng bakante kaya ang sabi ko sa kaniya tatawagan ko na lang siya kapag may bakante na. Teka, sweetheart." Napakunot ang noo nito. "Mag-asawa sila?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango lang ako. "What a coincidence!"

"Pero, Kuya Ernie, hindi ba may trabaho kayo?" tanong ko. "Bakit po kayo nag-aapply ng Faulker Industries?"

"Malapit na po kasing magsara ang kompanyang pinapasukan ni Ernie, Ma'am Ligaya. Isa po siya sa mga sinesante ng may-ari," paliwanag ni yaya. "Sa katunayan po niyan dalawang buwan na po siyang walang trabaho."

"Diyos ko naman, yaya! Bakit hindi mo sinabi kaagad? Hindi ba sabi ko sa 'yo, kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin?"

"Nahihiya na po kasi ako, ma'am. Marami na po kayong naitulong sa amin, kayo pa ang nagpapaaral sa mga anak ko."

"Yaya naman! Hindi ka na iba sa amin. Pamilya na ang turing namin sa inyong mag-asawa. Teka saang  kompanya ka ba dati nagtrabaho, Kuya Ernie?"

"Security guard po ako dati sa Blaze Company." Napatingin ako kay Chuck nang marinig ang kompanyang binanggit ni Kuya Ernie. "Malapit na raw po silang magsara kaya nagbabawas na sila ng mga trabahador."

"At ako ang nagsabi kay yaya na mag-apply si Kuya Ernie doon sa kompanya ni coach," sabat ni Clint. "May good news ako sa 'yo yaya. My mom already has a boyfriend, at si coach 'yun. Bagay sila, 'di ba?" Ngumiti si yaya saka tumango.

"That's not true, Clint," saway ko dito at napansin kong nakatingin  ang mag-asawa sa magkahawak naming kamay ni Chuck.

"Naku, mom, doon din ang punta n'yo ni coach kaya huwag n'yo ng patagalin pa. Tatlo na kaming makakalaban ni coach kapag niloko ka niya."

"I told you, Clint," depensa ni Chuck. "It's not going to happen. Mark my word." Tumawa lang ang mag-asawa sa mga naririnig sa dalawa.

"Okay, Clint, kailangan kong makausap sina yaya at Kuya Ernie. Doon ka muna sa room mo, ha?" Tumango lang ito at umakyat na sa kwarto niya.

"Yaya," panimula ko nang mawala na si Clint sa paningin ko. "May sinabi sa akin si Clint. Totoo bang pinagalitan ka raw ni Fern?" Parang nagdadalawang-isip ito na magsalita.

"A...e, ma'am."

"Yaya?"

"Nabasag ko po kasi 'yung plato no'ng naghuhugas ako ng mga pinagkainan."

Biglang uminit ang dugo ko. Tumaas ang boses ko. "Naghuhugas!? Hindi mo trabaho 'yun, yaya. Ang trabaho mo ihatid si Clint sa condo at umuwi ka sa inyo."

"Kung hindi ko po kasi gagawin 'yun, si Clint ang gagawa. Naaawa ako sa bata kapag naroon siya sa condo ni Sir Fern. Parang inaalila nila ang alaga ko."

"Nila?" tanong ko rito. Biglang nagbago ang mukha ng mag-asawa pati na rin mukha ni Chuck. "Sinong nila, yaya?" May hinala na ako na babae ni Fern ang tinutukoy nito.

"Si-si Ma'am Lala po," nauutal na wika nito. "'Y-yung girlfriend po ni Sir Fern."

"How dare he is," mura ko kasabay ng pagkuyom ng isa kong kamay.

"Palagi pong inuutusan  ni Ma'am Lala si Clint—"

"Stop it, yaya," utos dito ni Chuck kaya napalingon ako rito.

"Alam mo ang lahat ng ito, Chuck?" Nagbaba ito ng tingin saka tumango. "Alam mo ang lahat pero hindi mo sa akin sinabi? Anak ko ang pinag-uusapan dito." Pinagsusuntok ko na ito pero nasasalag nito ang mga kamao ko hanggang sa tuluyan na akong manghina at mapaiyak sa mga bisig nito.

__________________________

Votes and comments are highly appreciated!








Continue Reading

You'll Also Like

GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.
4.9M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
3.4K 553 43
[Completed] Solana Amelie, a woman with pride and beauty, an actress and a young entrepreneur. Unexpectedly meeting his ex boyfriend- Architect Timot...
614K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.